Chapter 24: Chapter Twenty-three
Beautiful Stranger
Bumungad sa harap ni Marco ang tiyuhin na si Tito Ralph pagkabukas na pagkabukas niya sa front door. Nakahalukipkip ang may-edad nang lalaki habang nakatingin sa kanya na parang inaasahan na nitong siya nga ang iluluwa ng pinto.
“Napapadalas ang pag-uwi mo nang late, Marco. Dumaan ako sa presinto, ang sabi, kanina ka pang alas-singko umalis. Alas-dose na, ngayon ka pa lang nakauwi.”
Hinubad niya ang suot na sapatos at inilagay iyon sa shoe rack malapit sa pinto.
“Nakipagkita ka na naman sa kanya?”
Kahit hindi itanong, alam niyang si Elaine ang tinutukoy nito. Tumuwid siya sa pagkakatayo. “Kumain lang kami sa labas, ‘To.”
“Hindi ka naman umaasang…”
Ngumiti siya. “Maliligo lang ako, ‘To. Nangangamoy na ‘ko.”
Napailing na sinundan ni Tito Ralph ang paghakbang niya papunta sa kuwarto.
Nang makapasok sa kuwarto, naupo si Marco sa gilid ng kama. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng leather jacket. Nag-umpisa siyang mag-scroll sa gallery. Hanggang sa dumating siya sa apat na magkakasunod na picture ni Elaine.
Ang totoo, hindi lang iyon ang pangalawang beses na nakapunta at sumilip siya sa Ainsdale.
It was his fourth time. Ang dalawang nauna ay pinilit niyang makontento sa pagbabantay lang sa babae. He was glad now that he was able to talk to her face to face at hindi na lang sa pag-abot dito ng tanaw…
September 8, 2017
Makati City
Malayo paay napansin na ni Marco ang babaeng nakaupo sa hagdan mula sa second floor ng parking lot kung saan naka-park ang kotse niya.
Tito Ralph got promoted from Senior Inspector to Chief Inspector. Papunta siya sa bahay ng tiyuhin para ihatid ang ipinadalang congratulatory gift mula sa kanyang mama. A boxed wine made in Russia. Ralph and Mariah were siblings, at ang natitirang buhay sa apat na magkakapatid.
Habang humahakbang palapit, mas sinisino ni Marco ang babae. Her hair was disheveled. Kagaya ng suot nitong puting polo shirt at boyfriend jeans. Nakayupyop ito sa nakatuping mga braso na ipinatong sa mga tuhod. Hindi niya gustong pasadahan ito ng tingin but his perverted eyes did anyway.
He couldn’t see her face but she was slim pero mabalakang. Parang ang lambot ng buhok nitong nakabagsak sa pagkakayupyop nito.
Sinuyod ni Marco ng tingin ang paligid, wala siyang nakikitang ibang tao mula roon maliban sa kanilang dalawa. Ano ang ginagawa ng babaeng ito roon? Sa ganoong oras ng gabi?
It was bugging him, but perhaps, someone would pick her up later o baka kinukuha lang ang kotse. Dumeretso si Marco sa hagdan, nagkibit ng mga balikat.
Nakakadalawang baitang pa lang siya nang magsalita ang babae. He stopped on his tracks, nagsalubong angmga kilay.
“I want to die.”
Ang instinct niya bilang alagad ng batas ang nagpabalik sa kanya pababa. Tumayo siya sa harap ng babae, naghahagilap ng sasabihin. Pero bago pa magawa, nag-angat na ito ng tingin.
Lalong nawalan si Marco ng sasabihin. The place was not well lit, pero ewan niya kung bakit parang sapat na ang munting liwanag na iyon para makita ang mukha ng babae. The face that could launch a thousand ships? Nah. Ang cliché na kung ide-describe niya ang magandang kaharap kay Helen of Troy. The woman in front of him was a million dollar. Iyong tipo ng kagandahang once in a blue moon lang masasalubong sa daan.
“What?” asik nito. Naniningkit ang mga mata.
Umangat ang isang sulok ng bibig niya. Beautiful but feisty.“I’m a police officer. Are you drunk?”Naaamoy niya ang alcohol na humahalo sa mamahaling pabango na gamit nito.
The woman scoffed. Mabuway na tumayo. Humawak sa railings. He wanted to kick himself. Even her sarcastic smile looked very attractive to him.
“So, huhulihin mo ba ako dahil lasing ako?” tanong nito, nabubulol.
“May kasama ka bang maghahatid sa ‘yo sa bahay mo?” sa halip na sagutin ang tanong nito ay usisa niya.
“Wala kang pakialam. Get lost.”
Napailing si Marco. Mas mahirap kausap ang mga rich kid na lasing kaysa sa mga hostage taker. To hell with being a cop. Huminga siya nang malalim.
Tinalikuran na niya ito at muling nagtangkang umakyat sa hagdan. Pero napahinto siya nang hawakan ng babae ang bitbit niyang boxed wine.
“Can you stay for a while?” she asked. Bumaba ang naniningkit nitong mga mata sa alak. “And I’ll pay you for the wine.”
His eyebrows furrowed. Saglit niyang tinitigan ang babae. Ano ang puwedeng problema ng ganito kagandang babae na maiisipan nito ang suicide?
Paano kung umakyat pa ito sa mas mataas na palapag at tumalon na lang? Paano kung salubungin nito ang mga palabas o papasok na kotse? Sadyang magpabundol? What if she was really suicidal? Ano ang silbi ng ranggo at uniporme niya kung isang babaeng lasing lang, hindi pa niya matulungan?
Kaya saglit lang ay natagpuan ni Marco ang sariling nakaupo katabi ng babae sa hagdang iyon.
“I’m about to annul my marriage with my husband.”
Napatitig siya sa babae bago bumaba ang tingin niya sa kaliwang kamay nito na nakahawak sa boxed wine. Kumikislap ang diamond wedding ring. How could he not notice?
“And he doesn’t know yet…” patuloy nito kasunod ng mahaba at malungkot na buntong-hininga.
“Ikaw ang may gusto ng annulment, but you sounded and looked like you were the one who’s too hurt and broken.”
With a sad look in her almond-shaped dark eyes, saglit siyang nilingon ng babae bago ibinalik ang tingin sa wine. Kahit tagos-tagusan naman ang tingin nito doon.
“Kung mahal mo pa at mahal ka rin naman niya, bakit ka makikipaghiwalay?”
“Because he’s too perfect…”
Huminga nang malalim si Marco. That’s how he first met her. Few minutes later, may dumating na may-edad na lalaking sa tantiya niya ay nasa mid-fifties para sunduin ito. Hindi niya naitanong ang pangalan ng babae, pero nagpakilalang Chito ang lalaking sumundo rito.
The next time he saw her was in a place na hindi niya aakalaing makikita ito. Kung pagbabasehan ang blangko nitong tingin nang mapadaan sa harap niya, alam niyang hindi siya nito naaalala.
Ibinagsak ni Marco ang katawan sa kama. Tumitig sa kisame at nagbuga uli ng malalim na hininga. How he wished he could stay next to her para kahit paano, mawala ang lahat ng takot nito sa dibdib.
Bumaba si Tan ng kotse nang mai-park iyon sa harap ng bistro ni Mang Chito. Iyon ang unang beses na tumuntong uli siya sa lugar na iyon pagkatapos ng tatlong taon.
Doon niya unang nakilala si Elaine. Nine years ago, nagpunta siya doon para personal na kausapin ang matandang lalaki. He was on his last year as an intern, at ang matandang lalaki ang kahuli-hulihan niyang pasyente bago siya lumipad papuntang US.
Cancer sa bituka. Nasa early stage pero kailangan ng surgery. But the old man kept refusing the treatment. Nalaman niyang natuloy ang surgery nito nang makabalik na siya sa Pilipinas four years later.
Malakas ang kutob ni Tan na sa bistro tumuloy si Elaine sa dalawang nakalipas na gabi. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin ito umuuwi. Sinubukan niyang tawagan ang Ainsdale pero nalaman niya kay Anne na dalawang araw na ring hindi nagpapakita doon si Elaine.
Tan was worried sick. Hindi niya ma-contact si Elaine.
Si Macon ang naabutan niyang nagpupunas ng dingding na gawa sa salamin. Nataranta ang lalaki pagkakita sa kanya. Tinawag nito si Mang Chito, bitbit ang timbang may lamang tubig at sabon.
Mayamaya lang ay lumabas mula sa opisina-kuwarto nito ang matandang lalaki.
May ilang sandaling tumitig ito sa kanya bago humakbang papunta sa hagdang maghahatid dito sa rooftop. Sumunod doon si Tan. Nakatayo ang matandang lalaki patalikod sa kanya. Ang mga kamay ay nakasalikop sa likuran nito.
Huminto siya dalawang dipa mula sa kinatatayuan nito. Nagbuka siya ng bibig pero naunahan siya ni Mang Chito.
“Noong isang araw lang, kausap ko dito ang asawa mo. Diyan mismo sa kinatatayuan mo, umiyak siya nang umiyak hanggang halos hindi na niya maidilat ang mga mata niya.”
Hindi makapagsalita si Tan. Para siyang dinidibdiban knowing na siya ang dahilan ng pag-iyak ni Elaine. “Okay lang ba siya?”
That was a stupid question to ask but he asked anyway. Elaine had been shaken, and he needed to verify that she was okay.
“Naniniwala akong mas kilala mo ang asawa mo kaysa sa akin. Kung itatanong mo kung dito siya natulog kagabi, hindi. Isang beses lang siyang natulog dito. Itinaboy ko na siya pauwi sa bahay n’yo kinabukasan.”
“Hindi siya nagpunta sa Amerika. Alam n’yo ba?” anas niya.
“Wala siyang sinabing doon siya nanggaling,” sagot nito.
Paulit-ulit na sinisisi ni Tan ang sarili. Kung tiniis lang sana niya ang sakit, kung isinantabi sana ang matinding hinagpis, kung hinanap sana niya si Elaine…
Had he begged her almost every day to stay with him then, kung hanggang sa huling sandali nagawa sana niyang kumapit, baka hindi nasasaktan nang husto ngayon si Elaine.
“Alam kong ang katotohanan ang gusto mong malaman, Tan. Pero sa bagay na iyan, kay Elaine mo lang makukuha ang mga kasagutan.”
Isinara ni Elaine ang pinto ng kotse nang makababa. Nagdesisyon siyang bumiyahe mula sa hotel na tinutuluyan papunta sa The Palace Mall. Kakatanggap lang niya sa tawag ni Anne. Nagwawala raw ang isa sa mga VIP nila at kanina pa nag-eeskandalo sa loob ng shop. May reklamo ito sa authenticity ng brands na nabili mula sa Ainsdale noong isang buwan.
Ayon kay Anne, mas kalmado na kahit paano ang VIP kumpara kanina. Kahit paano, nakahinga siya nang maluwag. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari oras na atakehin siya ng panic sa harap ng VIP.
Pumasok si Elaine sa loob ng elevator. She stepped at the corner at hinintay na makapasok ang lahat ng sasakay.
“Eighth floor, please,” anas niya sa lalaking nakatayo sa harap ng elevator buttons. Pagkatapos ay nagsabi ng mahinang thank you.
Pero bago tuluyang magsara ang pinto, narinig niya ang pagtawag ng kung sino mula sa labas.
“Elaine!”
The voice sounded achingly familiar. Nang mag-angat siya ng tingin, ang bulto ni Tan na sinubukan sanang humabol sa pagsasara ng elevator ang nakita niya.
Malakas ang kabog ng dibdib ni Elaine. Ano ang ginagawa doon ng lalaki? Siya ba ang sadya nito o ang kakambal na si Sean? Nabalitaan niya na kababalik lang ng huli mula sa Korea noong isang araw.
Pero pangalan niya ang tinawag nito. Hindi siya mapakali. Nawala sa isip niya ang tungkol sa nagwawalang VIP. Natuon ang buong atensyon niya kay Tan na naiwan sa harap ng lobby.
Bumukas ang pinto ng elevator sa palapag ng Ainsdale. Isa-isang nagsibabaan ang mga kasabay. Akmang lalabas siya nang pigilan siya sa kamay ng lalaking inutusan niyang pumindot sa eighth floor kanina.
Elaine struggled against his firm grip. Umaakyat ang pag-aalala paunti-unti sa kanyang dibdib. Hindi niya kilala ang lalaki.
“Get off here and take the other lift,” bale-walang sabi nito sa dalawang babaeng naiwan sa loob ng elevator.
Mabilis na kumilos ang dalawang babae pagkatapos siyang tapunan ng mabilis na tingin.
Her eyes were begging them to stay pero dahil siguro sa takot na madamay, nagtuloy-tuloy sa paglabas ang dalawang babae.
Suminghap si Elaine nang pagsara ng pinto, ibinalya siya ng lalaki sa dingding ng elevator.
His hand grasped at her throat, choking her. She stared at him wide-eyed, gasping for breath. Her head was spinning, eyes begging him to spare her but the man didn’t even flinch a little.
Then the elevator door opened.