Chapter 61: Reconcile
Val's POV
Ito na ang tamang pagkakataon na ayusin ang gulong nagawa ko sa buhay ni Thalia, kaya naisip kong dalhin siya sa kanyang mga magulang upang makahingi ng paumanhin sa kanyang mga magulang.
Isang oras lang naman ang binyahe namin papunta sa probinsya nila at tulad ng dati do'n pa rin kami lumapag sa lupain nila.
"Alam mo bang hindi ito paliparan baby?"
Sarkastikang ani sa 'kin ni Thalia. Nginisihan ko lang din naman siya.
"Alam ko my wife, huwag kang mag-aalala gagawa tayo ng maliit na paliparan rito para sa'tin para kapag nagbakasyon tayo may lalandingan tayo."
Ani 'ko sabay kindat rito. But she just rolled her eyes.
Habang papalapit kami sa pintuan nila ay ramdam ko na ang kaba at panginginig ni Thalia habang panay nito buga ng mahihinang paghinga. Mahigpit ko namang hinawakan ang isang kamay niya at pinipisil para pakalmahin.
"Are you okay?" Tanong ko.
"A_im fine baby,"
She fake smile. Alam kong hindi kaya hindi na rin ako umimik pa hangang sa narating na nga namin ang pinto ng bahay nila.
"Ako na ang kakatok."
Ani 'ko. Marahan naman itong tumango. Nagsimula na akong kumatok at ilang pagkatok ko ay nagbukas na ang pinto at bumungad sa'min ang nanay ni Thalia na may bahagyang pagngiti sa mga labi.
"Kumusta po madam?" Bati ko rito na may kasamang pagtatanong.
"Pasok kayo anak," Hindi nito sinagot ang tanong ko sa halip si Thalia ang kinausap nito, hindi na rin ako nagulat dahil alam kong may galit din ito sa 'kin.
Tumango naman si Thalia at sabay kaming pumasok sa bahay nila at naupo sa simpleng upuan nila.
"Anong gusto niyong inumin anak?"
Tanong ni Mrs. Sanchez kay Thalia habang pasulyap-sulyap lang ang tingin nito sa 'kin.
"Huwag na po ma. Gusto ko po kasi s_ana na maka _usap kayo ni papa tung_"
"Tungkol saan Thalia?"
Biglang sulpot ni Mr. Sanchez at matipunong tanong kay Thalia habang nasa aming harapan, napatayo naman kami at binati ito.
"Good afternoon po Sir. Sanchez."
Agad kong bati sa kanya, habang napapasiko naman nang marahan sa 'kin si Thalia.
"Good afternoon po pa," Mahinang bati ni Thalia sa kanyang ama. Marahil takot na takot si Thalia sa papa niya kaya ganito nalang ito kakabado.
"Umupo na kayo,"
Sabi nito habang naunang umupo sa harapang upuan namin. Sabay naman kaming napaupo ni Thalia.
"Anong gusto niyong pag-usapan natin?"
He bluntly asked to us. Natahimik naman kami ni Thalia na parang walang gusto magsalita sa amin.
"Thalia?" Tawag nito sa 'king asawa. Napakurap naman si Thalia at parang may namumuo ng luha sa kanyang mga mata.
"Pa_ kas_ "
"Sir, sorry po kung hindi ko hiningi ng maayos ang kamay ni Thalia sa inyo no'ng pinakasalan ko siya, pinilit ko lang po kasi siya na pakasalan ako at maging asawa ako. Kaya ngayon po bumabawi po ako sa inyo at sa kanya po, kaya sana po payagan niyo po akong hingin muli ang kamay ni Thalia at pakasalan ito ng formal."
I bluntly say without breaking my voice. Napatigagal naman sila sa 'kin at kahit si Thalia nagulat sa sinabi ko.
"So pinilit mo lang pala ang anak ko para pakasalan ka?"
Bakas sa mukha ang kaseryosohan na tanong ni Mr. Sanchez sa 'kin habang nakatiim bagang akong tiningnan. Naturing naman talaga na badboy ako pero grabe itong kaba ko ngayon. Iba talaga kapag kaharap mo ang magiging byenan mo. F*ck! Im trembling like hell.
"Opo sir_"
"Pero mahal ko na po siya no'n papa, kaya napilitan niya akong pakasalan dahil naibigay ko na po ang sarili ko sa kanya ng walang alinlangan po, sana po huwag po kayong magalit sa kanya."
Mabilis na sabat ni Thalia sa usapan namin nang papa nito.
"Gano'n ba!" Maikling sagot nang papa ni Thalia saka bumuntong hininga at muli kaming tinignan.
"Do you really love my daughter?"
"Valkyrie po sir, Valkyrie Fontana po." Pakilala ko rito.
"Wait!" Sabat nang mama ni Thalia saka lumapit sa 'ming lahat.
"Ikaw ba 'yong may-ari ng Fontana holdings hijo?" Kunot-noong tanong ni Mrs. Sanchez sa 'kin.
"Opo madam, pinasa na po sa 'kin ang pagiging CEO po." Nakangiting sagot ko. Lumambot naman agad ang ngiti nito at bumalik sa likod nang ama ni Thalia.
"So Valkyrie do you really l---"
"Opo sir! I do really love your daughter sir, and im willing to sacrifice everything just to be with her forever." Sagot ko rito habang binaling ang tingin kay Thalia, na sa ngayon ay naiiyak akong tinitigan.
"Kung gano'n, papayag na akong pakasalan mo muli ang aking anak at sa pagkakataong ito gusto ko sa simbahan mo siya pakasalan and give her the best wedding that she deserve." Pagkasabi nito ay tumayo na ito at tumalikod. Napatayo naman si Thalia at mabilis na niyakap ang papa nito mula sa likod na napapaiyak na.
"Thank you po papa" Pasasalamat nito sa kanyang ama, mabilis namang humarap ang ama nito at niyakap nang mahigpit si Thalia.
"I know your happy with him Thali, kaya ibibigay na kita sa kanya pero tandaan mo anak your still my baby Thalia like baby Bella is."
Wika nito at bakas na ang pagluha sa kanyang mga mata habang yakap-yakap si Thalia. Yumakap naman si Mrs. Sanchez sa kanila at hinalikan si Thalia sa pisngi. I hate drama's! but this is the drama that i will remember the most. Kinamayan naman ako ni Mr. Sanchez at pinalapit rito. Kaya lumapit ako sa kanila at nakisali sa kanilang group hug.
"Ingatan mo ang anak namin hijo,"
Wika naman agad ni Mrs. Sanchez sa 'kin. I gently smiled on him.
"Opo madam," Sagot ko rito.
"Huwag na madam hijo, mama nalang."
Saad nito ng nakatawa ng bahagya. 'Ngayon ko lang napansin ang tawa at ngiti nito, sa kanya pala nakuha ni Thalia ang magandang pagtawa at pagngiti nito.
"Opo Ma," Sagot ko rito.
"Papa naman sa 'kin," Sabat naman ni Mr. Sanchez.
"Opo Pa," Sagot ko rin sa kanya. Ilang saglit pa at kumawala na kami sa yakapan.
"Saan pala ang apo ko Thalia?" Tanong agad nang papa nito.
"Nasa magulang po ni Valkyrie papa,"
Mabilis na sagot ni Thalia.
"Gano'n ba. Kailan ko pala makikilala ang mga magulang mo hijo?" Tanong nito sa 'kin.
"As soon as possible po pa," Nakangiting sagot ko rito.
"Good," Maikling sagot nito. Nang biglang may nagbukas nang pinto at napatingin kami sa taong pumasok.
"Adrian ikaw pala 'yan,"
Ani Mrs. Sanchez sa bagong dating. 'ah! That f*cking idiot. Lumapit naman ito sa aming lahat na nakangiti. Hinapit ko naman ang beywang ni Thalia para pumalapit sa 'kin. Napaigtad naman ito at pilya akong nginitian. ‘i know what's on her mind now.
"Possessive much baby," Mahinang sabi nito sa tabi ko.
"But you like it my wife."
Ani 'ko saka ngumisi rito, pinaikot lang nito ang mata sa 'kin at kinurot ako sa tagiliran.