Chapter 60: Full of surprises
Thalia's POV
Kinuha muna namin si Bella kay Sam bago puntahan ang mga magulang ni Val na narito na sa Manila. Pinasalamatan ko naman si Samantha sa pag-aalaga kay Bella habang nanatili ako sa penthouse ni Val.
Bella mumbled while clapping her hands habang nakatanaw sa labas nang bintana ng sasakyan nang daddy niya.
"Ang saya-saya naman nang baby Bella namin,"
Natutuwang sabi at halik ko sa pisngi nito. Nagngingiti lang din ito at talagang kulang nalang lumabas ito sa bintana para mas matanaw nang husto ang magandang tanawin na dinadaanan namin.
"Ganyan din kaya ako dati sabi ng mommy ko." Biglang sabat naman agad ni Val sa driver seat habang pasulyap-sulyap sa amin.
"Sa 'kin kaya nagmana si Bella, baby." Panunudyo ko.
"Tss, sa'yo na nga lahat babe pati ba naman 'yan."
Reklamo nito. Alam naman niya na mas kuhang-kuha ni Bella ang magandang ilong niya. Talagang gusto niya lang pati mannerism niya no'ng bata siya makuha rin nang anak namin. Kaya napatawa nalang ako sa kanya and he sly smiled.
"Baby, baka hindi ako tanggap ng mga magulang mo dahil--"
"Matatanggap ka nila my wife, alam naman nila ang tungkol sa'tin eh."
Kaswal nitong sagot habang nagfocus sa pagmamaneho. Nagtaka naman ako dahil paano naman nila nalaman ang tungkol sa'min eh' hindi nga nila alam na kasal si Valkyrie sa 'kin.
"How did they know?"
Salubong kilay kong tanong sa kanya.
"No'ng na rehab ako do'n nila nalaman kung bakit ako dumating sa gano'ng sitwasyon, si Kelly din ang nagsabi sa kanila tungkol sa'tin."
Paliwanag nito sa'kin. 'si Kelly sasabihin 'yon?
"Si Kelly nagsabi tungkol sa relasyon natin? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.
"I don't know her reason babe, ang alam ko lang siya ang nagsabi sa magulang ko kaya tuluyan na nilang hininto ang pag-udyok kay Kelly na mapalapit sa 'kin dahil alam na nila na hindi na si Kelly ang mahal ko." Walang bahid nang ngiti nitong turan
"Gano'n ba," Maikling sagot ko habang naiwan naman sa isip ko ang tanong kung bakit ginawa ni Kelly 'yon.
"Alam din ba nila na naroon ako sa party ni Zion?" Tanong ko muli rito habang napapasulyap sa kanya at kay Bella na naglilikot.
"Yeah babe, alam nila." Maikling sagot nito.
"Eh! Bakit parang masaya sila na magkatabi kayo ni Kelly?" May halong selos na tanong ko.
"It's just a drama my wife, hindi naman kasi pwedeng magalit sila kay Kelly dahil kahit papaano mama ng apo nila si Kelly."
Sagot nito habang sinusulyapan ako.
"Gano'n ba!" Maikling ani ko, then he suddenly chuckled annoyingly, sinimangutan ko naman agad siya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Are you jealous?" Nakangising tanong nito, napanguso naman agad ako.
"Stop pouting babe, you know how cute you are when your pouting."
Pagkasabi nito ay kinindatan naman niya ako, napaikot nalang din ang mata ko rito. Ilang minuto pa at narating na namin ang magandang bahay nila at talagang namangha ako sa kagandahan nang bahay nila. Simple pero malalaman mo kaagad kung gaano kamahal ang mga gamit nila kahit vintage.
Pagbaba palang namin sa kotse ay kinakabahan na ako at nanginginig rin dahil sa hiya. Nilapitan naman agad ako ni Val at kinuha mula sa 'kin si Bella saka siya ang bumuhat rito at hinawakan naman ng kabilang kamay niya ang kamay ko, dahilan para damping-palad naming tunguhin ang loob ng bahay nila.
"Don't be nervous babe, wala silang gagawin na ikakagalit ko okay? 'Cause if they do! Alam --"
"Be nice baby, okay? Huwag kang magalit agad kung ano man," Nakangiting paalala ko sa kanya. He gently smile and kissed my hands.
Pagdating namin sa sala nila mabilis kaming sinalubong nang isang babae na may katandaan na at sa tingin ko ina ito ni Val.
"Kumusta hija?" Wika agad nang matandang babae sa 'kin habang bineso ako.
"Okay naman po tita," Nakangiting sagot ko rito habang hindi naman binibitawan ni Val ang kamay ko.
"Just call me mom hija, besides your my son's wife." Nakangiting wika nito sa 'kin, nang lumapit sa'min ang isang matandang lalaki na sa tingin ko ama naman ni Val.
"Nice meeting you hija." Bati nito sa 'kin habang nakipagkamay agad sa 'kin. Nanginginig ko namang tinanggap ang palad nito and he suddenly smiled.
"Nice meeting din po --"
"Dad, call me dad" Sabat agad nito. Nginitian ko naman ito at tumango.
"Opo dad,"
Saka lumapit naman ang dalawang kapatid ni Val sa 'kin habang si Val at Bella ay nilapitan ni Mrs.& Mr. Fontana. Ilang minuto lang nagtatawanan na kami na parang isang pamilya. Habang abala si Mrs. Fontana at ang kapatid na babae ni Val kay Bella. Si Val at ang panganay nitong kapatid at si Mr. Fontana ay abala rin sa pag-uusap. Bigla tuloy nasagi sa isipan ko ang mga magulang ko na nasa probinsya. Kumusta na kaya sila? Sana mapatawad na nila ako, para makilala rin nila ang mga magulang ni Val.
"My wife," napalingon ako ng tinawag ako ni Val. Kaya nilingon ko ito at nginitian.
"Yes baby?" Ngiti kong sagot rito. Tumayo ito at nilapitan ako saka hinawakan ang kamay ko at hinila paalis nang sala.
"Saan tayo val?" Nagtataka kong tanong sa kanyang
"May pupuntahan tayo." Sagot nito.
"Paano si Bella baby?" Ani 'ko.
"Sila na muna bahala kay Bella babe,"
Sabi nito sabay kindat. Sumakay kami sa kotse nito at pinaharurot.
"Saan tayo baby?" Tanong ko ulit rito.
"Sa parents mo." Ani 'to.
Napaawang nalang ang labi ko habang napapatanaw nalang sa dinadaanan namin.
Life is really full of surprises.