Chapter 31: Haise’s pain 1
Haise
“Sure magkikita kayo doon. We're doing a join invasion," sabi pa niya.
Pumayag ako sa gusto ni Dad since naroon si Marius.
Kinabukasan ay lulan ako ng eroplanong pandigma habang kasama ang hukbo ng palasyo.
"Listen, men, protect the prince at all cost. We don't know who is living on the Island we are supposed to go to. Our priority is the prince and the island," sabi ni Tashi.
Ilang oras ang lumipas ay lumapag ang eroplano. Bumaba ako mula roon at nakita ko si Marius na naroon na habang nagpapaliwanag sa kanya ang maaaring head ng hukbong pinadala rin ng kanyang ama kung paano gamitin ang bazuka na nasa harapan niya.
"Hey!" sabi ko habang lumalapit sa kanya.
Lumingon sa akin si Marius at saka ngumiti.
"You're here," sagot niya.
"Yeah. Dad told me to watch how we expand our territories," sagot ko sa kanya.
"Good," nakangiting sabi niya. "I'd like you too meet my sweet little baby, Beatrix," sabi niya sabay himas sa bagong labas na bazuka. "Papa made sure that this one was made to my liking," sabi pa niya.
Marius loved guns noon pa. Halata naman sa mga notebook at motif ng kanyang kwarto. He wanted to be in the army kaya hindi na ako nagtataka kung bakit narito siya ngayon.
"And also this big baby's amulet has my name carved on it," sabi niya.
"Woah. Cool!" sagot ko sa kanya.
Maya-maya ay naririnig na ang mga bomba mula sa mga tank na unti-unti ng gumagalaw. They are bombing every area in case there are wild animals living there. The plan is to scare them away or retreat them far from our base.
Sumunod ako sa hukbo aming hukbo.
"Young prince, it's okay if you don't come with us," sabi ni Tashi sa akin.
"It's fine. I want to see how you the army works," sagot ko sa kanya.
"Okay. But don't stray away from us. This island is inhabited. Wild animals are roaming around here," sabi pa niya.
Tumango ako sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano kahaba ang aming nilakad. Nakaramdam na rin ako ng pagod.
"Let's rest here for a bit," sabi ni Tashi sa amin. "Young prince is tired," sabi pa niya.
Naupo ako sa isang sanga ng patay na puno habang ang nasa aking likuran ay mataas na talahiban. Dalawang sundalo ang agad na tumayo sa akin tabi upang protektahan ako kung sakali.
Nagkukwentuhan sina Tashi at minsan ay natatawanan pa ng bigla may lumagapak sa aking harapan. Nakita kong isang malaking cobra na nahulog mula sa mga punong kinasisilungan namin. Sa tindi ng gulat ko ay napatihaya ako. Huli na ng malaman kong na ang nakakubli sa nagtataasang talahib ay isa palang pangpang.
"Young prince!" iyon ang aking huling narinig habang pagulong-gulong ako pababa at hindi ko alam kung kailan ako hihinto.
Dahan-dahan akong bumangon at bahagya pang nahihilo noong sa wakas ay huminto na ako sa kakagulong. Tumingin ako sa aking pinanggalingan para lang makita nasa itaas pala ito ng bundok. It would be impossible for to climb up there since wala akong makita kung hindi mga talahiban at nagkakapalang at naglalakihang talahiban.
"Ah damn!" inis na sabi ko sa aking sarili.
Sa tindi ng inis ay naglakad ako habang sinusundan ang isang isang malinis na bahagi ng talahiban na para bang sinadya itong linisin upang gawing daanan. Right now, hindi ko na inisip kung paano ito nagkaroon ng daanan gayong wala namang naninirahan doon. Maybe, Marius's forces were created this way and they've been here.
Naglakad ako at patulou ko pa rungh sinusundan ang daanang iyon. I can still hear the faint sounds of bombing coming from the tanks of our own and Marius'.
Habang naglalakad ako ay nakita kong may mga patak ng dugo mula sa mga talahib na nasa dinaraanan ko. Hinawakan ko ito at nakita kong fresh pa ito.
"Hindi kaya dumaan dito ang isang sugatang hayop?" tanong ko sa aking sarili habang patuloy paring sinusundan ang daanan.
At noong nasa dulo na ako, tumambad sa akin ang tatlong katawan ng tao ng duguan. Ang isa pa ay lasog lasog na at hindi na makilala. Two mature males and a young boy, probably around three, were lying dead before my eyes. Ilang metro lang ang layo mula sa kanila ay ang isang malaking uka ng lupa na marahil ay gawa ng mga bala ng tangke. Sa tabi ng uka niyon ay isang wasak na bahay.
"You killed them!" galit na sabi ng isang lalaking nakatungkod habang duguan ang kanyang kanang paa. Nakita kong nakalabas ang buto sa nabaling bahagi ng paa nito. He's probably around fifteen and the most beautiful male omega I have ever seen. "You killed my family!" pasigaw niyang sabi habang umiiyak at pilit na humakabang. Hindi nito inalintana ang sakit o malagyan ng dugo ang kanyang mga kamay. Pilit niyang tumatalon-talon makalapit lang sa tatlong katawan. "Damn you royals!"
Hindi ako nakahuma sa pagkabigla. There are people living here! They are wrong!
And this little omega in front of me the moment we looked at each other's eyes. We are fated mates.