CHAPTER 01 NICE TO MEET YOU
"Gosh! Ira sinabi ko naman sayo na 'wag ka muna lumayo dahil baka kung anong mangyari sayo. Look, nahihirapan ka huminga dahil tinakbuhan mo lahat ng bantay." mahabang lintanya ni Sarah, ang pinsan kong ulila na kaya naman kinuha ni mommy at daddy para may kasama daw ako.
I had asthma when I was a kid and until now meron pa din kaya naman palagi akong nakakulong sa bahay at sabik na lumabas. Hindi kasi pangkaraniwan ang aking asthma kaya naman madalas akong atakihin. Araw-araw akong tumatakas sa amin para lang makita ang labas ng mundo. In celebration of my 22th birthday, akala ko marami ang dadalo pero ni wala pala silang planong maghanda at ang katwiran nila mommy masyado silang busy para maghanda.
"Ingay mo naman." komento ko sabay inom ng tubig na nasa tabi ko.
She rolled her eyes, "Baliw ka talaga no?"
"Matagal na. Ikaw ba naman palaging ikulong sa bahay." pangangatwiran ko sa kanya.
"Gosh! Mababaliw na din ako because of you." sabi niya bago hinila ang braso ko patungo sa van para makauwi na kami.
Nang sumunod na araw ay ganoon muli ang ginawa ko. Kaya lamang ay labis akong napagod dahil hindi man lang ako makatakas sa aking mga bantay. Panay ang takbo ko tapos hanggang plaza ang narating ko samantalang isang oras ata akong nakipaghabulan sa mga bantay kong makukupad pero si Sarah mabilis siyang tumakbo kaya mabilis akong napagod at kusang tumigil para magpahinga.
"Lagot ako kay Tita nito dahil sayo, kailan ka ba magtatanda?" Aniya habang panay ang paypay sa buong katawan niya na halos maligo sa pawis.
Hinawakan ko ang kamay niya para aluhin siya tapos kunwaring nakokonsensya ako dahil pinagod ko siya at mapapahamak siya ngayon kay mommy. "Sorry sis, promise hindi na ako tatakas pwede bang bumili ka ng tubig? Sobrang nauuhaw na talaga ako." pumikit pa ako para mas sincere at maniwala siya.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, "Okay, hintayin mo lang ako dito." sabi niya bago tuluyang lumabas at sinilip ko siya. Pumasok sa isang convenience store habang may dalawang bantay ang naiwan sa loob ng van. Nang makasigurong nasa loob na ito ay nagsimula akong umakto na nahihirapan. Kitang kita ko ang pagkataranta sa mukha ng aking mga kasama.
"Sandali! Hindi ako makahinga, tawagin niyo si Sarah." nagkukunwari akong hindi makahinga at hawak ang dibdib ko.
Mabilis na tumakbo ang dalawa patungo sa aking pinsan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakbo muli palabas. Panay ang takbo ko hanggang sa makalayo ako sa kanila. Siguro naman hindi na nila ako mahahabol.
Panay ang aking tigil para habulin ang aking hininga. Ayaw ko rin namang atakihin sa kalsada.
"Huli ka!" nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko at dalawa sila. Labis akong nagulat lalo pa nga at hindi pamilyar ang mga ito.
"Sino naman kayo?" tanong ko sa dalawang mokong.
"Hoy babae ka, ano bang akala mo maloloko mo kami? Kanina ka pa tumatakbo matapos kang magnakaw sa tindahan ko. Alam mo bang pinaparusahan ko ang mga magnanakaw." Anito sabay ngisi pa sa akin. Bahagya akong kinilabutan sa kanila.
Kunot-noo kong tinignan ang dalawang lalaki. Ano bang pinagsasabi ng mga mokong na 'to? Mukha ba akong magnanakaw?
"Excuse me? Ako magnanakaw? Mga baliw ata kayo. Mayaman ako at isusumbong ko kayo sa daddy ko!"
"Wala kaming pakialam. Basta ibalik mo ang mga candy na ninakaw mo."
"Bakit ba ang kulit niyo? Masasapak ko na talaga kayo."
Malakas na tawa ang namutawi sa kanila at nanatili ang kamay nila na nakahawak sa braso ko. Nadedemonyo ako sa dalawang 'to kaya naman huminga ako ng malalim sabay kagat sa kamay 'nung nasa kanan ko at tinadyakan ko naman ang nasa kaliwa ko bago kumaripas ng takbo sa maliit na daanan. Pulis ang aking mga magulang kaya naman kahit papaano ay malakas ang aking loob. Nakita ko pa kung paano napaupo ang mga ito lalo na at nagulat sa aking ginawa.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa dead end na dahil nasa isang bakanteng eskinita ako napunta, "Brad baka naman pwede natin pag usapan 'to." nakangiti kong wika sa dalawang lalaki na ngayon ay nakahandusay sa sahig dahil sa pagod.
"Pagkatapos mo kami pahabulin sayo at pagudin." masamang tingin ang ibinaling ng dalawa.
Lord please help me.
"Boss may nakapasok!" dinig ko mula sa isang mataas na tore ang boses ng isang lalaki at may kalibreng baril na hawak.
Napatingin naman ako sa isang pinto ng makita ang lalaking nakasalamin. Pilit kong inaninag ang itsura nito at halos mapanganga sapagkat ang kisig ng katawan nito! Mababanaag mo ang masel masel na katawan at kahit sino ay maiintimidate rito. Tinanggal niya ang salamin at mas lalo akong nagulat! Parang nalaglag ang puso ko ng makita ang kabuuan ng lalaki. He had a bristly eyebrows at napakaperpekto tingnan ng kanyang mukha. Pakiramdam ko ay masusugatan ako sa kanto ng kanyang pangahan habang ang mga labi niya ay gumagalaw na parang mapupulang rosas. I was in a daze.
"Boss pasensya na kayo. Ang gusto lang namin ay ang babaeng iyan." sabi ng dalawang mokong habang nakaturo sakin.
Tumingin ako sa lalaking ubod ng gwapo para magmakaawa, "Please 'wag niyo ako ibigay papatayin nila ako."
Ilan segundo ako nitong tinignan at mas lalo akong naintimidate. Tila ba pinag aaralan nito ang aking mga kilos.
"Get them out." he had a deep voice. Bakit parang sobrang perfect ng lalaking 'to.
"No! Please ayoko sumama sa kanila."
"Paalisin sila! Now!" he said angrily.
Tatalikod na sana ang lalaki ng tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan ang braso niya. Mas gugustuhin kong dito humingi ng tulong kaysa hayaan na mapunta sa dalawa na mukhang may masamang plano pa yata sa akin.
"Don't leave me alone please. Papatayin nila ako." bulong ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya.
Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya. "What are you doing, baliw ka ba?"
"Mayaman ako. Handa akong magbayad kapalit ng tulong mo," ani ko rito. He looked conflicted for a moment.
"What is your name?"
"I-Ira Garcia Madrigal." pagpapakilala ko sa buong pangalan ko.
Actually kilala naman talaga ang pangalan namin sa buong Pilipinas dahil sa Lasher group na hawak ni daddy. Isa itong malaking kumpanya.
Humarap siya sa dalawang lalaki na humahabol sakin kanina, "How much is this girl?"
Masayang ngiti ang namutawi muli sa labi ng mga ito. Mukhang pera ang hayup. "Limang libo, boss."
Tila nalaglag ang panga ko sa narinig. Dahil lang sa candy? Gusto ko sanang mag protesta.
"Deal."
What the hell-
"Mayaman ka?" tanong ko ng makapasok kami sa loob ng malaking abandonadong bahay.
He looked at me and I looked at him. Halos ilang segundo kami nagkatitigan at ako ang kusang sumuko sapagkat lulubog na ako sa mga tingin niya. Sobrang ganda ng mga mata niya na parang lulunurin ka at susunod sa mga gusto niya. Nakikiusap na mga mata meron ba 'nun?
"Black master. Nandyan na sila." napatingin ako sa isang lalaki na may hawak din na baril. Bahagya akong kinabahan. Hindi ako masyadong takot sa mga baril dahil maraming ganoon ang mga taong nakapaligid sa akin lalo pa nga at mula ako sa angkan ng mga pulis.
May pangalan bang black master? 'Di kaya sindikato sila tapos kumikidnap ng mga babaeng maganda para lang ibenta sa foreigner. Kinabahan na ako baka kung anong gawin nila sakin. Masyado atang mapanganib sumama sa mga ito dahil makita ko lang ang isang katerbang baril na hawak nila kinakabog na ang dibdib ko sa takot.
"Let's go." sabi nito sabay kuha ng dalawang bag na kulay itim.
"Boss, paano ang babaeng iyan?" tanong ng isang tauhan nito na ang tinutukoy ay walang iba kundi ako.
Dahan dahan akong naglakad ngunit nabangga ako sa isang matigas na bagay at paglingon ko isang malaking poste iyon. "Where are you going? Sinabi ko bang umalis ka, dalhin ang babae na 'yan sa van at bantayan mabuti." pag uutos niya sa mga tauhan.
Masyado silang marami kaya't wala akong laban kailangan ko sumunod para sa kaligtasan ko.
Bumungad ang dalawang malalaking van habang lima naman ang nasa likuran ko na mga nagbabantay, katapusan ko na ata sana pala hindi na lang ako tumakas edi kumakain na ako ngayon ng masasarap na pagkain sa bahay hindi 'yung nandito ako nakikipagsapalaran sa buhay ko.
Pumasok na kami sa malaking van. Magugulat ka talaga sa lawak at ganda ng loob, mahilig ba sa kulay itim ang may-ari nito.
"Miss pamilya kayo ng mga pulis diba?" pukaw ng isang lalaki na may takip sa mukha.
Kumunot ang noo ko, "Paano niyo nalaman?"
Lahat talaga ng pamilya ko ay pulis ngunit si daddy, Lasher group ang hawak niya isang grupo kung saan sources para sa baril ng mga kapulisan.
Nagkatinginan silang lima bago tinutukan ako ng baril sa ulo. Nagulantang ako at hindi alam ang gagawin para bang anytime aatakihin ako ng asthma. "Hoy! Ibaba niyo 'yan, ano bang problema niyo at pati ako-"
"Pulis ka din ba? Baka pinadala ka dito para hulihin kami."
So, tama ang hinala ko na baka mga sindikato sila. Mas lalo akong kinabahan dahil mukhang mas lalong nalagay sa panganib ang buhay ko dito. Kailangan kong makahanap ng paraan. "Mga pogi 'wag kayong mag alala. Hindi po ako pulis. Isa akong lider ng mga sindikato kaya hinahabol ako ng dalawang lalaki kanina." pekeng ngiti ang hinarap ko sa kanila. Gusto kong saktan ang aking sarili dahil nakuha ko pang magbiro.
Malakas na tawa ang bumalot sa loob ng van, "Ano kami uto-uto? Lahat ng sindikato sa buong mundo niluluhuran ang boss namin kaya 'wag ka magdahilan."
"Totoo ang sinasabi ko gusto niyo ba tawagan ko sila."
"Manahimik ka na lang diyan para mabuhay ka pa." sabi ng mga ito bago lumabas at may dalawang naiwan sa loob na panay ang hikab
Kinakabahan man ay tila ba nilalamon na ng determinasyon ang aking sarili kaya naman hindi na ako nakapag isip at kusa ng kumilos.
I approached the man sitting from behind and held his left shoulder then I whispered, "Hindi po ba natin ito mapag uusapan?" mahina kong bulong rito. I could see the lust in his eyes so I immediately moved and sat closer to him. "Hmm?" tanung ko muli habang dahan dahan ko hinahaplos ang mukha niya hanggang sa leeg para madala siya at bitawan ang hawak na baril. Kitang kita ko kung paano ito biglang napalunok.
“Pwede po ba akong mag-cr muna?” kunwari ay sabi ko. Nagprisinta naman kaagad ang katabi kong lalaki na sa malamang ay tinablan ng aking ginawa kanina. Mas okay dahil hindi ako makakatakas kung silang lima ang naririto.
Sinamahan nga ako nito sa labas. Nang masigurong wala ng nakakakita sa amin ay hinataw ko ito ng malakas. Sakto namang tumama ang ulo nito sa nakausling bakal kaya naman nawalan ito ng malay. Hindi na ako nag atubili pa at tumakbo habang hawak ko pa din ang baril na kinuha ko sa lalaki. Malapit na sana ako sa exit ng may humigit sa braso ko at nakarinig ng sunod sunod na pagputok mula sa kapaligiran.
Humarap ako sa lalaking hinigit ang braso ko at shemss akala ko nakatakas na ako pero si black master ang nakahuli sa akin, "Pakawalan mo na ako please hindi naman kita-"
"Shut up! Delikado ang buhay mo at kung gusto mo mamatay go, hindi kita pipigilan."
I rolled my eyes, grabe kapag sindikato buhay ang kinukuha ano bang kaguluhan 'ito pati ako nadadamay sa mga taong masasama.
"Paano ka nakatakas at may dala kang baril." pagtukoy niya sa hawak kong baril.
"Malamang sa tauhan mo," tumigil ako sandali para humarap ng husto sa kanya. "Ano ka ba talaga? Sundalo, pulis o-"
"Sindikato." pagbigkas pa lamang niya lumayo agad ako.