Chapter 34: BONUS CHAPTER 2 – with feathers

KAGAGALING lang namin ng mag-ama ko sa isang restaurant para mag-celebrate ng birthday ni Fajarez. Ngayon naman, dumiretso kami sa isang grocery store upang mamili ng ipanglalaman namin sa aming refrigerator.

Lahat ng tinuturo ni Cielle ay kinukuha ng daddy niya. Tuwang-tuwa naman ang bata roon kaya kahit hindi ako sang-ayon na masyado siyang ini-i-spoil ay hinayaan ko na lang. Hindi rin naman kasi ito araw-araw nangyayari. Sa pagkain nga lang, kailangan naka-balanse.

Nang mapunta ako sa isang section para sana bumili ng sanitary pads ay nagkatinginan kami ni Darell. Unti-unting sumilay ang ngiti ko sa labi nang makumpirmang naaalala niya pa ang nangyari sa amin noon nung highschool kami.

“Kumusta ang puson mo?” Darell asked after class. Isinukbit niya ang isang strap ng bag niya sa kanyang braso. Nasa tapat ko lang siya at nakatayo.

“A-Ayos lang naman…” Pagsisinungaling ko.

Bihira lang ako magkaroon ng cramps, mabilis din ang menstruation ko na tumatagal lang mula tatlo hanggang limang araw. Kaya siguro pinaparusahan ako ngayon. Sobrang sakit ng puson ko. Pakiramdam ko ay masisira ang pagkatao ko.

Wala na ang iba naming mga kaklase. Nagsialisan na. Naiwan lang kami dahil cleaners kami ngayong araw pero kanina pa kami natapos maglinis. Ako na lang dapat ang nandito ngayon dahil hirap akong tumayo at wala rin akong extra pads. Gustuhin ko mang magpabili sa kanya ay nakakahiya dahil lalaki siya. Wala na rin siya rito kanina eh, ewan ko kung bakit siya bumalik.

“Hindi ka pa uuwi?” Tanong niya sa ‘kin.

“Mamaya-maya…” Halos pabulong iyon.

“Sabay na tayong umuwi. Ihahatid na kita, tara.”

Umiling ako. “Ayos lang talaga.”

“I don’t think so…” Aniya at inalalayan ako.

I pursed my lips. Gusto kong murahin lahat ng tao sa mundo sa sobrang sakit. Grabe, cramps pa lang nasa kalahating hukay na ako. Paano pa kaya kapag nag-anak ako sa future? Baka mamatay agad ako!

Nasa kanto pa lang kami, naglalakad habang ang kamay niya ay nasa bewang ko para alalayan ako. Pero hindi ko na kaya. Nakakailang hinto na kami dahil sa akin. Maggagabi na rin. Namumula na ang kalangitan.

“Kaya ko na ‘yung sarili ko. Magiging okay ako mamaya, umuwi ka na---”

“Ayoko nga,”

Ang kulit!

May hinagilap ang mga mata niya. Huminto iyon sa isang tindahan. Omg! Don’t tell me he knows what I really need right now!

“Ilan ang kailangan mo?” Tanong niya sa akin pagkatapos niya akong iupo sa malaking bato na nasa tabi.

Naku! Alam niya nga. Sa bagay, may ate siya.

“Dalawa,” sabi ko dahil iyon lang ang kaya ng pera ko. Tumango siya. Ibibigay ko pa sana ang pera sa kanya pero umalis na siya agad. “Hey! The money! Anong ipambibili mo?”

Hindi niya ako pinansin. Dumiretso lang siya roon.

Nakakahiya, nagpabili na nga ako sa kanya ng pads tapos hindi pa ako magbabayad! Hindi iyon kakayanin ng pride ko.

Kahit hirap at iika-ika ay sinundan ko siya. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit nang marinig ko ang pagsasalita ng tindera. Hindi ko makita ang mukha niya kaya lumapit ako nang kaunti. Malaki ang ngiti nito kay Fajarez at mukhang kinikilig pa. Kilala ko iyon, eh. Schoolmate namin. Same grade din.

Nag-init agad ang ulo ko roon.

“Darell, ‘yung pera---”

“Ano po ang sa inyo?” Malanding tanong nung babae sa kanya at nagpuppy eyes pa. Malapad pa rin ang ngiti sa kanya.

Napangiwi ako roon.

“Uhhh…” He glanced at me and looked back at her. “Whisper? Right. Whisper with…” He touched his chin while thinking.

Wings? Alam niya rin ‘yun?

His eyes sparkled like he remembered something and he’s proud for it. He clicked his tongue and fingers then spoke again. “Whisper with… feathers.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano raw? Whisper with feathers?! Ano ‘yon?!

Nawala ang ngiti ng tindera at tila iniintindi pa ang sinabi niya.

Darell innocently looked at me like he noticed that I froze.

Pakiramdam ko ay ako ang nahihiya para sa kanya ngayon.

“Bakit?” He asked and glanced at the girl. “Did I say it wrong? Do you want the one without feathers?”

Natampal ko ang noo. Gusto ko na lang magtakip ng mukha at magpalamon sa lupa dahil sa hiyang nararamdaman. Grabe!

“Anong without feathers?” Mangiyak-ngiyak kong tanong. “Darell, wings ang tawag doon. Hindi feathers. Wings na may dikit para hindi mahulog. Hindi feathers!” Paliwanag ko.

Natahimik siya roon. Tanging ang narinig lang namin ay ang paggalaw ng plastic sa loob ng tindahan. Namula ang pisngi niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

“W-With wings, pala…” Napakamot siya ng tenga at bahagyang tumawa. “Pasensya na, nakalimutan ko, eh…”

“Ilan?”

“Two packs, please,” kumuha siya ng pera sa wallet niya at nagbayad.

“Hala! Sabi ko two pads lang!” Sabi ko.

He glanced at me and smiled. “Pwede na ‘yan, para hindi maubos agad.”

Nag-iwas ako ng tingin at tumango. “Thank you,”

“You’re welcome,” he said. “Bakit ka naglakad? Masakit ang puson mo.”

“Magbibigay sana ako ng pera. Ang bilis mo kasi maglakad.”

“Bakit magbibigay ka pa? Mura lang naman ‘yan… Dapat nga libre na dahil kailangan ‘yan ng mga babae.”

Sumilip iyong tindera at ngumiti kay Darell bago ibigay ang nakaplastic na sanitary pads. “Tama ka riyan, kuya.”

Nainis ulit ako nang palakaibigang ngumiti si Darell sa kanya.

Pumara kami ng tricycle. Akala ko ay didiretso na kami sa pag-uwi pero sa kabilang daan kami pumunta.

“Huy, mali ‘yung daan,” kinalabit ko siya.

“Pupunta muna tayo sa convenience store. Magpapainit ako ng tubig dahil sarado na ‘yung clinic sa school.”

“Huh? Magnu-noodles ka?” Takang tanong ko.

Kumunot ang noo niya at pinitik ang ilong ko. Napahawak tuloy ako roon. “Baliw, magpapainit tayo para hindi na sobrang sakit ng puson mo. Para hindi na masakit pagdating mo roon. Maglalakad ka pa sa kanto niyo.”

“Eh, pauwi na naman ako. Doon na lang sa bahay---”

“Nandito na tayo.” Aniya sabay tingin sa driver. “Kuya, pahintay po kami. Saglit lang po kami sa loob.”

Inalalayan niya ulit ako sa pagbaba. Halos mapasigaw ako nang bumaliktad ang paa ko, natalisod ako. Muntik na akong mahulog! Buti at naitayo niya agad ako.

“Huwag ka na nga sumama. Dito ka na lang.”

“Ayoko! Sasama ako!”

“Huwag na, bumalik ka sa loob.”

“May bibilhin ako!” Palusot ko.

“Sige, ano?”

“Ako lang ang nakakaalam!”

Kumunot ang noo niya. Sa huli ay hindi na nagsalita at inalalayan na lang ako papasok sa loob.

Kahit hindi ko gustong gumastos dahil nag-iipon ako para sa ireregalo ko kay Hannari sa birthday niya ay napagastos ako ngayon. Ang dami kong biniling pagkain. More than one day pa ‘ata ang kakailanganin ko para lang maubos ko itong pagkain!

“Ano ‘yan?” Tumingin siya sa kinuha kong soft drinks.

“Soft drinks?” Clueless kong tanong.

Kinuha niya iyon at ibinalik sa pinagkuhanan ko. Pinalitan niya ‘yon ng tubig.

“Bakit mo binalik?”

“Bawal sa ‘yo ‘yon. Malamig at matamis.” Kinuha niya lahat ng binili ko na chips at pancit canton at binayaran iyon lahat. “Bakit ang daming instant pancit canton dito?” Tiningnan niya ulit ako pero binigyan ko na lamang siya ng nahihiyang ngiti.

“Favorite ko ‘yan, eh,”

“Really? Hindi halata.” Sarkastikong tanong niya sabay ngisi.

“Magkano?”

“Ang?”

“Pamasahe sa tricycle, pads, tapos lahat ng binili ko. Magkano?”

“Huwag na, hindi abot ng baon mo ‘yon.”

My brows furrowed. “At paano mo nasabing ‘di ko afford?”

“Seventy lang ang baon mo araw-araw. Kasama na ang sampong pisong papunta at pabalik na pamasahe sa school.”

Nalaglag ang panga ko roon. Pati baon ko ay alam niya!

Nang mapansin niya iyon ay mahina siyang tumawa at ginulo ang buhok kong naka-low bun. “Ayos lang ‘yan, ipunin mo na lang.”

At noong araw na ‘yon ay sinamahan niya ako sa pag-uwi. Akala ko maglalakad ako pero nagbayad pa siya ng extra para lang hindi na ako maglakad sa kanto namin.

“Salamat!!” Nakangiti kong sabi. “Thank you, thank you talaga! Babayaran ko ‘yung utang ko, promise.”

Umiling siya at ngumiti. “Mag-iingat ka ha,”

“Oo naman! Ikaw rin!” Malapad ang ngiti ko sa kanya para magpasalamat.

“Masakit pa ba?” Nag-aalala niyang tanong sa akin.

“Hindi na gaano. Salamat ulit! See you tomorrow, buh-bye!”

Kumaway ako sa kanya para magpaalam.

Si Cielle ay wala manlang kaalam-alam kung ano ang ibigsabihin ng tinginan naming dalawa ng ama niya. Salit-salit pa ang tingin niya sa aming dalawa.

“A-Ano?” Tanong sa akin ni Darell.

“Bili mo nga ako ng whisper with feathers.” Utos ko sa kanya.

“Feathers?” Takang tanong ni Cielle. “What is Whisper with feathers?”

“Napkin na may balahibo, Cielle,” humagalpak ako ng tawa pero mukhang hindi na-gets ng anak ko ‘yon.

Sinamaan ako ng tingin ni Fajarez pero may nagtatago na ngiti sa kanyang labi.

Kumuha siya ng sanitary pads doon. Ako naman ay nagpipigil pa rin ng tawa.

Time is flying real fast, huh? Even our memories after class became a memory of fifteen years ago. I’m not complaining, though.

At least now he knows the difference of wings and feathers.