Chapter 9

"Eto na ang reviewer ko, pwede mo nang ipa-photocopy Crezst." Inilahad ko sa kaniya ang mga bond paper na may back to back na sulat. Tinanggap niya iyon at matamis na ngumiti sa akin.

"Hindi ko na muna nilagyan ng highlight para hindi umitim ang mga salita diyan kapag nagpa-photocopy ka."

"Uso magpa-photocopy na colored, Slaine." Ani Helen at lumapit kay Crezst para tignan ang ginawa kong reviewer.

Nangiwi ako. Sigurado namang pang-isahang beses lang nila gagamitin 'yang reviewer. I gave them a faint smile. "Uso din ang magtipid, Helen." Matapos kong sabihin ‘yon ay pinulot ko ang nahulog na notebook at nahagip ng mata ko ang papel na ibinigay ni Luigi kahapon.

"Nakita ko si Paris Buenaconsejo kahapon! Tangina ang gwapo niya! Mukhang masarap!"

Agad na pumantig ang tainga ko sa narinig. Napatingin ako sa direksyon ng mga nag-uusap. Mukhang hindi narinig nina Crezst at Helen dahil abala sila sa kababasa ng mga nilagay ko sa reviewer.

"Tama ka roon, Mona. Hindi ko alam kung ano’ng ginawa niya sa Manila para maging gano'n ka gwapo at tama lang muscle sa katawan. Sarap lumambitin!"

My two classmates giggled and continue talking while I'm eavesdropping to their conversation.

"Sabi sabi ay naging girlfriend niya daw si Steff, Nicky at si Clemenseanne!"

"Sa gwapo ba naman ni Paris, hindi niya mapapasagot ang mga 'yon?"

"Leisa, hindi mga easy to get ang binanggit ko. Well maliban sa mga naging girlfriends niya doon sa Manila. Sabi ng pinsan ko na si Anais, magaganda din daw ang mga ex girlfriends at ex flings niya."

"I've guess mas malala pa siya kay Jishu?"

"Jishu is Jishu, you know how his skills are with girls, Leisa. That's his forte."

Hindi ko na nasundan pa ang pag-uusap nila dahil puro tungkol na sa mga naging babae ng magpinsan. Honestly, hindi ganoon ang pagkakilala ko kay Paris. But I guess, that was three years ago. Hindi na ako naging updated sa kaniya mula no'ng umalis siya ng Antique.

Sa mga nagdaang araw ay naipasintabi ko ang lahat ng kaharutan ko sa katawan. Gabi gabi akong nag-aaral para sa exam. Nawala sa isip ko na nandito ang magkapatid na Buenaconsejo. Maging si Rafus ay hindi ko muna ginagambala kasi alam kong abala rin siya.

Gano'n ako ka-understanding na future girlfriend.

Napaunat ako ng braso. Kalalabas lang namin ng classroom, tapos na kasi ang exam. Jangkit and Dani are complaining how hard our exam is meanwhile, Lowell and Dom are keeping their cool as if exam's not a big deal.

Inaamin ko na maging ako ay nahirapan pero hindi naman sa lahat ng subject. May partikular lang talaga na numero na hirap na hirap ako sa pagsasagot. Kapag ayoko ng mamroblema, nagsesenyas ako kay Kimberly kung ano’ng sagot niya para sa numerong iyon.

"Tara kain na tayo." Aya ko sa kanila dahil kanina ko pa naririnig ang pagkulo ng tiyan ko. Nakalimutan kong kumain ng agahan kaina bago umalis ng bahay sa kaba para sa exam.

"Mauna ka nalang doon, Slaine." si Helen.

"Susunod na lang kami, Slaine. Ako na magdadala ng bag mo." Ginulo ni Lowell ang buhok ko saka ngumisi. Bumusangot ang mukha ko pero sa huli ay tumango ako't naglakad papunta ng cafeteria.

Unang nahagip ng mata ko si Rafus. He's eating with Sienna and they're enjoying the conversation. Taksil naman 'tong baby ko!

Palihim akong umupo sa katabing mesa nila. Hindi naman sa nakiki-chimis ako pero ayokong mawalan ng crush! Ipinangako ko kasi sa sarili ko na kapag malaman kong may gustong iba si Rafus ay titigilan ko na siya.

I saw Rafus smiled genuinely and that one slapped me the reality. He's happy. I smiled bitterly. Why can't he smile like that when he's with me? It really is unfair.

Parang gusto kong maiyak! Kapag ako ang kasama niya, palagi siyang seryoso o hindi kaya walang emosyon ang mukha. Konti nalang baby! Susuko na talaga ako.

"Well I just complimented you that you're handsome—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Sienna Gallegos. Tumayo ako at lumipat ng ibang mesa. Hindi ko na kasi kakayanin. The glint in Rafus' eyes makes everything clear to me.

Natatanaw ko na sila Crezst na papasok sa cafeteria. I shook my head then composed myself and smiled at them while lively waving my hand. I'll try to wear mask at this moment.

Kanya kanya kaming banggit ng pagkain na gusto naming kainin. Gusto ko sanang tumulong kila Dom na pumila sa counter para sa pagkain namin pero pinigilan ako ni Lowell kaya kaming apat na babae ang natira sa mesa.

"Tulungan mo nalang sila mamaya, Slaine kapag nakita mo na mukha na silang nahihirapan."

Tumango ako sa sinabi ni Dani. Hindi ba napansin ng mga 'to ang presensiya ni Rafus?

Nabaling sa iba ang atensyon ko nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko saka binuksan. Kumunot ang noo kong napatingin kay Crezst. Malapit lang naman kami sa isa't isa, bakit kailangan niya pa akong i-text?

Crezst:

Nag-away kami ni Von.

Ako:

Okay lang 'yan, si Dan naman ang nobyo mo.

Naningkit ang mata ko nang napaubo si Crezst. Pinasadahan ko siya ng tingin. Hindi ko aakalaing may makikita akong isang emosyon sa kaniya.

Crezst:

Mahal ko si Von pero... hindi ko kayang mawala si Dan.

Ako:

Sabi mo laro laro lang ang kay Von, Crezst? You feel out of love kay Dan? Paano? Palagi naman kayong magkasama at nagkikita kesa kay Von?

Oh, Crezst-y baby. Mag-isip isip ka ng mabuti. Ayusin mo ang desisyon mo sa buhay.

Dali-dali kong itinago ang cellphone ko nang ilapag nila Lowell, Dom at Jangkit ang pagkain. Napatingin ako sa gawi ni Helen. Mukhang wala siyang kaalam-alam.

"Magsisimula na ang immersion natin two weeks from now?" They all frowned of my question.

"Katatapos lang ng exam Slaine tapos pinaalala mo agad!" Si Dani na mukhang naiba na ang mood.

"Para makapaghanda?" Ngiti kong tanong pero lahat ng mukha nila ay seryosong nakatingin sa akin.

"Sa susunod na Lunes ang umpisa ng pagbayad ng polo shirt na gagamitin para immersion, hindi ba?" Tanong ni Crezst at isinubo ang hotdog na binili niya.

"Bale dalawa 'yon ano?" Tumango si Dani sa tanong ni Jangkit. "Black at Navy Blue ang choice of color ng faculty."

"Maganda naman." Sang-ayon ni Helen.

"Printed daw iyon sa unahan at surname natin ang lalagay sa likod. Feel ko naman hindi gaano kalaki ang print sa unahan. Maybe, our school logo and our strand lang ang nakalagay."

"Sana walang number number na ilalagay sa likod."

Lahat kami napabuntong hininga at mahina akong natampal sa noo. "Uso pa ba ang number number na 'yon?"

Crezst frowned in annoyance. "Gosh, Lowell that's so eww! Bakit maglalagay ng number? Duh, we're not athletes!"

"Yuck naman kung gano'n, Lowell! Uniform 'yon para sa immersion natin! Hindi ko nai-imagine!" Maarteng sabi ni Jangkit saka napairap at iminuwestra ang palad bilang pagkadisgusto.

"Wala naman akong sinabing lalagyan ng number, mga maarte!" Mahinang natawa si Lowell na ikinairap ng dalawa.

Nalihis ang usapan at masaya naman akong nakikisama. Natatawa sa mga ikinukuwento nila pero paminsan minsan akong nagnanakaw ng tingin sa mesa kung nasaan si Rafus. They're still talking. Kating kati na ang kamay ko, parang gusto atang sabunutan si Sienna Gallegos. She's indeed beautiful but can't she exempt my baby?

Nakangiti si Sienna habang kaharap si Rafus hanggang sa tumayo siya't umalis ng cafeteria. Hinatid siya ni Rafus ng tingin at ilang segundo pa iyong nagtagal sa nilabasan ni Sienna bago tumayo at umalis narin ng cafeteria.

Uminom ako ng juice para pakalmahin ang sarili. Nagseselos ako, okay? Eh anong magagawa ko, crush ko siya! Hindi lang ba niya ako napansin? Hindi ba siya nakaramdam na kanina pa ako tingin nang tingin sa kaniya? Ugh, he's so unfair! He doesn't know to crush back, it's rude.

"I still remember how Lowell step on the poop!" Crezst recalled and they burst out in laughter. Nakuha niyon ang atensiyon ko at mahinang nakisabay sa tawanan.

"Lapak tae ang bano!" Panunuya ni Dom at bahagya pa siyang tinuro. "Bangag kasi, bukas naman ang gate pero pinili talagang umakyat ng pader, ayan tuloy nakakuha ng premyo with matching habol ng aso."

"Hey that was your fucking idea!" Lowell pointed out.

"And you fucking agreed and fucking followed!"

"Oo, kayong dalawa na mag-fucking!"

Natigilan ako at hindi makapaniwalang napatingin kay Dani. Iba ang pagkaintindi ko. Parang may mali!

"Hindi sila talo, Dani. They're both straight," Jangkit boringly answered then sipped on the drink. My eyes widened. Maybe it's just me who notice it or maybe I'm just overreacting... but Jangkit just sipped on Dom's drink!

Maybe Jangkit just pick the drink wrongly. But... That's already indirect kiss! Hindi niya siguro napansin. Magkatabi kasi ang inumin nilang dalawa, baka nga nagkamali lang siya ng pagkuha.

My day ended like that. I didn't contact Ate Reive yet to ask if I can have a copy of the application form.

Alas tres kaming pinauwi ng adviser namin at gumawa siya ng note para makalabas kami ng gate. Tumanggi ako sa aya ni Helen na pumunta kaming Fortalezao. Sina Lowell at Dom ay pupunta sa Galapagos para manood ng basketball at sumama si Jangkit sa kanila. Dani is grounded so she have to go home.

Gusto ko sanang tumambay na mag-isa sa Municipal gym pero sa tingin ko'y may mga nauna na doon.

Natigilan ako sa paglalakad nang may tumigil na kulay abong kotse sa gilid ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Muntik ko nang masinghalan ang may-ari no'n ngunit naitikom ko ang bibig nang makita kung sino ang bumaba mula sa driver seat.

The lucidity of the sun defines more of his hooded eyes. He licked his lips while walking towards me. Nasa loob ng bulsa ng faded jeans niya ang magkabilang kamay. He looks damn hot in his black crew neck shirt and slightly disheveled hair. His muscles were more defined and his tan colored suit his handsomeness.

"Hi, Ris..."

Napaawang ang labi ko. Ilang araw lang kaming hindi nakikita, mas lalong namamaos iyon. Napapikit ako para sandaling lasapin ang pagkakataon. "Hi..."

"You're already done with your class?" Ngumuso siya at maingat akong pinasadahan ng tingin.

"Yes. Katatapos lang ng final exams at pinauwi kami ng maaga ng adviser namin."

"I guess you're probably heading home?"

I nodded as a response. Nginitian ko siya at tumalikod na para umalis ngunit agad niya akong nahigit dahilan para tumama ako sa matipuno niyang dibdib. Napalunok ako at nagtama ang mata namin. Nang makabawi ay itinulak ko ng bahagya ang dibdib niya.

"Ris, can we talk?"

"We're already talking."

"Can we find a good place to talk some matters?"

"This is a good place."

Napahawak siya sa sentido niya at titig na titig sa akin, tila pinag-aaralan ako. "Let's go somewhere..."

Namilog ang mata ko. Hindi pa ako nakapagprotesta ay iginiya niya na ako papasok sa kotse, sinamantala ang pagkawala ko sa huwisyo para maiayos ang seatbelt ko. Umikot siya para makapasok sa driver seat. Napatingin muna siya sa akin bago binuhay ang makina ng kotse.

Hindi na ako nagreklamo. Wala naman na akong magagawa dahil nakasakay na ako sa kotse, alangan namang tumalon ako dahil sa kagustuhan kong iwasan siya.

"May lugar kang gustong puntahan?"

Napasulyap ako sa kaniyang at umiling. "Wala."

Nakatukod ang siko ko at nasa labas ang tingin. I can see Paris sighing deeply in my peripheral vision. His eyes focuses on the road and uses his right hand to maneuver the steering wheel while his left's on his chin. His forefinger is lightly brushing his lips.

I bit my lip and averted my eyes. His a goddamn temptation.

Napakunot ang noo ko nang mapansin papalabas kami sa boundary ng Rio de Janiero. Tumingin ako sa kaniyang nagtatanong na mata. "We're going to El Paso..." kaswal nitong imporma habang nakatingin sa akin ng diretso.

"O-okay."

Ang buong byahe ay naging tahimik. Hindi rin naman nagbubukas ng usapan ni Paris, sa tingin ko ay tinitimbang niya parin ang emosyon ko.

He stopped the car in front of the restaurant. Bumaba siya at umikot para pagbuksan ako pero naunahan ko siya at kalmadong lumabas.

"Pwede mong iwan muna dito ang bag mo, Ris."

"Hindi na, dadalhin ko nalang Paris." Ngitian ko siya.

He sighed. Tahip ko ang aking hininga nang hawakan niya ang kamay ko at kinuha mula sa akin ang bag. Pinagsalikop niya ang kamay namin papasok ng restaurant.

Pop music is playing as we entered the restaurant. I felt Paris' hand on my back, guiding me until we reach the table. He pulled a chair for me before sitting. Magkaharap kami ngayon at mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang. I want to get this done.

Iginala ko ang paningin sa paligid. Hindi ganoon ka dami ang narito sa restaurant, marahil ay class hours pa ngayon ng ibang school. May nakikita rin naman akong estudyante. Their skirt is bloody red, probably El Paso CS uniform. May iba ding nakababy blue at yellow green na uniform.

I jolted when Paris hand snaked until it reaches my hand then he casually intertwined it. My breathing ragged. This isn't right.

I tried my hardest to withdraw my hand out of his hold but he seems to notice it so he tightens the hold. "Paris..." I scowled.

"What's your order?" He softly asked while smiling, making the tension between us to lighten a bit bit it isn't working for me.

I sighed. I'm gonna let this one slide. "Anything is fine."

He pouted but eventually scanned the menu of the restaurant. After a few moments, he called the waiter and voiced out his order while looking at me. Our hands were still intertwined.

Nahihiya nga ako dahil paminsan-minsan iyong tinitignan ng waiter habang nakangiti. Matalim ang tingin ko kay Paris na tila sinasabihan siya na pakawalan ang kamay ko pero hindi niya iyon pinapansin at mas natutuwa pa nga siya sa ekspresyon ko.

"How's the exam?" He casually ask while playing with my fingers.

"Mahirap pero nakaya ko naman."

"That's good to hear then..." He smiled a bit then averted his gaze on our hands again. "I've been waiting for you on your dismissal time but I only see your friends exiting the gate."

I bit my lips then composed myself before talking. "Pumunta pa kasi ako sa library para magreview dahil papalapit ang exams kaya hindi ako nakakasabay kila Crezst sa pag-uwi."

He nodded as if trying to understand everything I have said... but I know to myself that all of those words are lies.

I'm avoiding Paris Buenaconsejo. Period.

I don't know, I just don't like the feeling of being with him. Not because of the conversation I've heard with my two classmates but because I can't see any reason for us to meet... yet I'm here in El Paso with him right now 'cause he wants us to talk.

Now my mind's in turmoil and I'm confuse with everything.

"Ris, thank you for coming here with me—"

"Why did you leave?" I weakly asked almost a whisper. Let's just asked him direct to the point. A question that lingers my mind the moment he left until now.

My vision started to get blurry. I wiped it using my fingers then genuinely smiled at him.

He's looking at me intently. Mouth was half opened and glint of guilt was evident in his eyes.

"It's okay, you don't need to answer it."

He sighed. "I didn't know I'll stay that long in Manila. Trust me, Ris. I was about to go back here in Antique to study but I was left with no choice. Mama's sick and got hospitalized for months. Our company's also at stake so I have to cooperate with my brother."

"At least you should have told me you're leaving after that day!"

I saw how his expression soften. "I'm sorry..."

Napaiwas ako ng tingin. Napakuyom ako sa ilalim ng mesa at napabuntong hininga. "Asang-asa ako na darating ka sa araw na 'yon, Paris... You don't know how much I have cried knowing you left Antique without a word to me."

"I know... and I'm really sorry for leaving you hanging."

I shook my head like shaking negativity away from my body. I met his ardent eyes. The emotions were overflowing and I felt at ease. Words came from his mouth were true. I can feel it. From desperation in his voice to his pleading eyes.

"We don't have to dwell in the past, now. It's okay... I'm okay. It's been years and we have to move forward."

"Gano'n parin naman Ris, 'di ba? Gaya ng dati?" He then smiled sadly.

"Ano’ng ibig mong sabihin?"

He swallowed hard like there's a lump on his throat. His eyes twinkled with a small hope. "The feelings... the comfort and the... presence of love, it's still the same right?"

"Paris..." Umawang ang labi ko't simpleng napakurap kurap.

I'm speechless. I couldn't grasp a word at the moment. I feel like my body's not functioning well, same as my mind. I didn't see this coming. I didn't expect him to say such things.

Naihatid ang pagkain sa mesa namin. After we mouthed our thank you, the waiter excuse himself. Silence's defeaning as if there's an invisible barrier between us that couldn't be broken. Or should I say... no one dares to break it.

Napapansin ko ang pagtitig ng mga babae kay Paris. Kapag umaangat siya ng tingin, rinig na rinig ko ang hagikgikan ng mga babae at nagbubulungan pa habang nakangiti.

Napasinghap ako at ibinalik ang atensyon sa pagkain. Mukhang hindi rin naman pinapansin ni Paris ang mga hagikgikan. Patuloy siya sa pagkain at paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. We finished our food, still, no one dared to talk.

I wiped my lips. I feel a bit awkward because of his intent stare. His intertwined hands were on the table.

"It's your last year in senior high school, right?"

I nodded.

"How 'bout the work immersion? When will it start?"

I gave him a confused look but still answered his question. "Mid September."

"Good luck then. I hope you'll make a nice impression on your first day."

I slowly nodded then tried to change the topic. "You're here for vacation?"

Matagal siyang napatitig sa akin. I saw him licked his lips and then his eyes turned into bedroom eyes. "Magtatagal ako rito sa Antique."

I shifted on my seat, totally caught off guard of what he have said. Akala ko si Hector lang dito ang magtatagal? Narinig ko din sa usapan nila tatay na si Hector ang mamahala ng plantasyon nila.

"Tutulong ka kay Hector sa pamamahala?"

"No..." Sumimsim siya sa kaniyang inumin. "I have something else to do than that. Most important than anything else."

Napatango tango ako, iniintindi ang mga sinabi niya. Tumikhim ako at mataman siyang tinignan. "Uhm, P—"

"Paris Buenaconsejo!"

A woman suddenly ran towards Paris then hugged him tight. She's wearing a puffed sleeve checkered top then a black leather mini skirt paired with heel boots. She's beautiful and sophisticated. Her hair swayed in the air favored to her very moves. She looks familiar to me like I've seen her somewhere.

"I've missed you..."

Even her voice is pleasing to the ear. I bet everyone fancy her and her beauty.

I roamed my eyes. Even the other customers tilted their head to this woman. My jaw dropped in great shock. She just kissed Paris in front of me. It's just a simple kiss but I saw her bite Paris’ lips before putting distance between them.

Maging si Paris ay hindi pa nakabawi sa pagkabigla. Nagtagal ang pagtitig ko sa kanila, seryoso at walang bahid ng ngiti sa mukha. Tumingin sa akin si Paris, tila ipinapaliwanag ang kaniyang sarili. Wala eh. Nakita ko na. That's something he couldn't deny because I've witnessed it. In fact, this woman looks beautiful and kind.

"Oh, I didn't know you're with someone, Paris..." She smiled sweetly then simply scanned me from head to toe.

Para akong nanliit sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Napayuko ako at nasa magkasalikop na kamay ang tingin.

Paris cleared his throat. "Yes, I'm with my... uhm —uh childhood friend. Her name's Slaine Amaris." He introduced me and the woman smiled... with smug look. Paris didn't noticed it.

"Hi, I'm Reun..." She said, not stretching her hand for a friendly shake. "Renesmee Unice Salvatore is my full name."

My eyes widen as I finally remembered something. She's also the woman I saw with Rafus that day. The girl who received a genuine smile from the guy I like.

"I'm Paris' ex," she announced but then, the way she clung into Paris’ arm tell me something.

I just smiled at them will eyeing Renesmee, studying her behavior. When I met Paris' apologetic eyes, I shook my head telling it was fine... but I guess I'm just lying to myself again.