Chapter 47

Chandee's Pov

Ang lambot ng higaan at ang init ng kumot ko, ang sarap tuloy magbabad sa higaan. Nag iba ako ng posisyon at hinila ang kumot ko. Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses bago dahan dahang iminulat ang mga mata.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako na nasa harapan ko ngayon si Kapitan kaya naman pinikit pikit ko pa ang aking mga mata. Bigla ko naman naalala yung nangyari kagabi sa aking kwarto. Napaupo ako at hindi makapaniwalang nandito na nga ulit ako sa Dalya at nasa harapan ko ngayon si Kapitan.

"Ayos ka lang ba?" Hindi ko alam kung ilang beses na niyang itinanong to. Bakas sa boses at mukha nito ang pag aalala habang hawak ang isang kamay ko.

Kumurba ang dulo ng mga labi ko at walang pasabi na tumalon sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Nandito na ako nakabalik na ako" Sabi ko habang tumutulo ang mga luha

"Hindi na ako papayag magkahiwalay pa tayong muli" sabi naman niya na mahigpit rin ang pagkakayakap sa'kin.

Humiwalay kami ng pagkakayakap at nakangiting tinignan ang isa't isa. Parehong luhaan ang mga pisngi namin ngunit makikita ang saya na magkasama na ulit kami.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi nito "bagay sa'yo ang balbas mo mas gumwapo ka" sinserong sabi ko habang pinapadaan ang daliri sa balbas nito

"Maari akong mang ahit kung gusto mo" sagot naman niya na ikinailing ko

"Malinis tignan yung naka ahit ka pero mas lalaki ka naman tignan ngayong may balbas ka. Kahit ano naman sa dalawa ay ayos lang ikaw parin naman yan" Sabi ko

Tumango siya at hinawakan ang mga kamay ko na ibinaba ko na. "Huwag kana ulit aalis masisiraan ako ng bait" Sabi nito at may tumulo na naman na luha sa mga mata niya.

Umiling ako at pinunasan ang mga tumulong luha din sa mga mata ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinagdikit ang mga labi namin. "Hindi na ulit ako aalis at kung sakali na hindi mapipigilan ng pagkakataon isasama kita kahit saan pa ako mapunta" Sabi ko at yumakap sa kanya

"Patawad kung wala akong nagawa noong kunin ka sa'kin. Naging bangungot iyon sa'kin at gabi gabi kong naaalala kung paano ka kinuha ng liwanag na iyon sa harapan ko. Sising sisi ako, alam kong walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Patawad mahal ko naging pabaya ako" bumalik sa akin ang mga alaalang sinabi niya. Umiling iling lang ako habang umiiyak sa balikat niya.

"Wala kang kasalanan, nangyari ang lahat ng iyon dahil may dahilan. Ang mahalaga naman nandito na ako at magkasama na ulit tayo. Sa pagkakataong ito wala ng maaaring magpahiwalay sa'tin maliban nalang kung hindi mo na ako mahal" Sabi ko at humiwalay ng yakap sa kanya

"Kahit kailan hindi ka nawala sa puso't isip ko, araw araw nangungulila ako sa'yo at mas minamahal ka. Walang puwang ang ibang babae sa buhay ko dahil ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa mga susunod na buhay ko" Sabi naman nito

Kapwa kami ngumiti sa isa't isa at muling naglapat ang labi naming dalawa. Nag uumapaw ang saya ko sa mga oras na ito at alam kong ganoon din siya. Sa wakas nakabalik na ako sa totoong mundo kung saan naroon ang asawa ko.

*****

"Seryoso anim na taon na ang nakakalipas mula ng maglaho ako dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa mga tao sa paligid ko. Paglabas ko kasi ng kwarto kanina bigla nalang nila akong pinaglupungan.

"Oo binibini anim na taon narin nangungulila sa'yo si Pinuno" Sabi ni Glenda na may malaking tiyan, buntis ito sa pangalawang anak nila ni Pablo.

"Grabe, mahigit isang linggo palang mula ng makabalik ako sa amin pero anim na taon na pala dito" Sabi ko at tumingin kay Kapitan na nasa tabi ko lang "Isang linggo palang ako doon sa amin pero parang nababaliw na ako ikaw pa kaya na anim na taon ng naghihintay sa pagbabalik ko?" Sabi ko

"Maghihintay ako hanggang sa susunod na buhay ko. Hindi rin naman ako tumigil magsaliksik kung paano ka makikita at maibabalik dito simula noong maglaho ka. Hindi lang talaga ako pinapalad dahil lahat ng ginagawa ko walang kinahinatnan" sagot niya

"Kaya pala ang bilis tumubo ng balbas mo" pagbibiro ko at tumawa habang hinahaplos ang mga balbas nito

"Malaki na ang pinagbago ng Dalya mula ng mawala ka binibini, tumanda na kami pero ikaw nanatiling bata parin" Sabi pa ni Glenda

"Marahil dahil hindi ako nakasabay mamuhay sa panahon niyo" sagot ko

"Kung hindi ka lang nawala noon sigurado marami narin kayong anak ng Pinuno ngayon" Sabi ni Aling Gilda na ikinapula ng mga pisngi ko

"Tama ang sinabi niyo Aling Gilda" humahagikgik na sang ayon naman ni Glenda. Tumingin naman ako kay Kapitan na abot tenga ang ngiti at tumatawa

*Kailan ka pa naging Pinuno? Kumusta si Pinunong Oscar at Binibining Anna?" Tanong ko. Sumeryoso naman ang mukha niya at nag umpisang mag kwento.

"Dalawang taon mula ng maglaho ka nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Dalya at Astor. Lamang na lamang ang Astor pagdating sa mga sundalo at mga armas ngunit kahit mas kaunti kami sanay naman kaming makipaglaban at iyon ang ikinalamang namin sa kanila. Natalo namin ang Astor at pinugutan ang Pinuno nila. Dala namin ang tagumpay na umuwi dito at doon din ay inilipat na ni Ama ang pagiging Pinuno sa'kin. Ayoko pa sanang tanggapin dahil malakas pa siya, ngunit dahil narin sa mga hiyaw at pagsusumamo ng mga tao na tanggapin ko na ito ay tinanggap ko na. Naging Pinuno ako at ang unang ginawa ko bilang Pinuno ay pinadala ko si Anna sa Astor" Sagot niya na ikinalaki ko ng mata

"Pinadala mo si Anna sa Astor?! Nasisiraan kana ba?! Paano mo nagawang ipadala doon si Anna!" Halo halo ang emosyong sabi ko

"Makinig ka muna" nakangising sabi nito na para bang nakakaloko. Kahit mahal ko siya hindi parin ako pabor sa ginawa niya. Tinulak ko siya at lumayo sa kanya. "si Anna ang may gustong pumunta sa Astor. Ayoko rin naman siyang ipadala doon ngunit sumang ayon rin ako sa kanya kalaunan. Napag alaman ko na may lalaking taga Astor na bumihag sa puso niya. Pina imbestigahan ko ang lalaki at napag alaman na galing ito sa mahirap na pamilya. Pagsasaka ang hanapbuhay ng pamilya nito at nalaman ko rin na wala itong alam tungkol kay Anna. Ang kwento ng isa sa mga tagapagsilbi ni Anna ay nakilala nila ang binata dahil sa isang bote na may lamang liham. Nakasulat doon ang tirahan ng binata at si Anna ang unang sumulat sa kanya. Nagpalitan sila ng mga tula hanggang sa mahulog si Anna. Napakabata pa ni Anna noong panahon na iyon at madaling maloko ngunit anong magagawa ko kung talagang umibig na siya sa binata?. Pinayagan ko si Anna na pumunta sa Astor at pinabantayan sa mga pinagkakatiwalaan kong mga sundalo. Nag iisa lang ang kapatid ko kaya hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya. Ipinagpatuloy ni Anna at ni Luis ang komunikasuon sa isa't isa sa pamamagitan ng liham. Lahat ng mga liham nila sa isa't isa ay dumadaan muna noon sa akin. Kapag may personal na tanong si Luis kay Anna ay sinasabihan ko si Anna na huwag sagutin iyon. Alam din naman ni Anna na hindi makarating ang sulat niya sakaling hindi ito nakinig sakin. Naging mahigpit ako kay Anna noon ngunit kung simpleng tanong lang naman ay hinahayaan ko siyang sagutin niya ito. Hanggang sa ika 16 na kaarawan niya pinayagan ko na siyang magpakilala kay Luis. Magaling si Luis sa pagpipinta kaya ginawa ko siyang guro nito. Hindi kalaunan mas nahulog ang loob nila sa isa't isa kaya pinahintulutan namin na magpakasal ang mga ito. Ngayon magkatuwang nilang pinamumunuhan ang Astor at nakikita ko naman na masaya sila. Noong nakaraang buwan dumalaw sila dito at nagsabi ng magandang balita. Dalawang buwan na raw buntis si Anna" mahabang paliwanag niya

Nakatingin lang ako kay Kapitan at kalaunan ay tumango tango ng maiintindihan ko ang lahat. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Hinilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya at yumakap din sa kanya.

"Naku parang naririnig ko na ang iyakan at tawanan ng malilikot na mga bata dito sa bahay" Sabi ni Aling Gilda na ikinatawa ko

Nag kwentuhan ulit kami hanggang dumating na ang sundo ni Glenda. Bago umalis sina Glenda at Pablo ay nagbigay galang muna ang sundalo sa'min. Makikita sa naluluhang mukha ni Pablo ang galak ng makita ako. Sinabi pa nito na isusunod niya sa pangalan ko ang magiging anak nila ngayon ni Glenda. Karangalan naman para sa'kin iyon ngunit paano kung lalaki ang anak nila diba

Maraming pumuntang tao sa bahay para kumystahin ako ngunit hindi pinahintulutan ni Kapitan na makita at makausap ako. Humingi ito ng paumanhin at idinahilan na nagpapahinga ako at bumalik nalang sa ibang araw. Ayos lang naman na kausapin ko sila ngunit ayaw talaga ni Kapitan. Bawal daw dahil gusto niyang masolo muna ako.

Sumapit ang gabi kapwa hindi kami makatulog ni Kapitan. Buong magdamag kaming gising at nagkukwentuhan. Amaze na amaze pa siya ng pinakita ko ang cellphone at laptop ko sa kanya. Pinakita ko rin ang mga pictures namin ng pamilya at kaibigan ko at ipinkilala ang mga ito sa kanya..

Epilogue next.. *wide smile*