Chapter 6: Gray, the most dangerous color

"Explain." Malumanay na sabi ko habang nakatingin kay Demi. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakayuko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na katulad siya nina Riz.

Nagugulat na tumingala siya sa akin. Mukhang hindi siya makapaniwala na sa kabila ng nakita ko kanina ay mahinahon pa rin ako. Nang hindi siya makasagot ay nagsalita ulit ako.

"Kailan mo pa nalaman na may special ability ka?" tanong ko.

"Nu'ng hinoldap ako dati." Nagulat ako nang makita kong umiiyak siya.

"Nagulat na lang ako na naging bato yung holdaper. Hindi ako makapaniwalang nakapatay ako Aspen."

"Alam ba yan nu'ng babaeng nagpalayas sa iyo?" Tukoy ko sa babaeng nakasabunutan ko nu'ng nakaraang araw.

Tumango siya. "Oo. Mabuti na lamang ay hindi niya ako pinalayas nang malaman niya ang tungkol sa tinatago ko hindi katulad sa mga tinuluyan ko noon. Sana ay huwag mo ako palayasin dahil lang sa nakita mo."

Napataas ang kilay ko. "Okay. Huwag ka ng mag-alala dahil hindi kita palalayasin as long as hindi ka makakasakit ng tao. Naiintindihan mo?" Tumango siya. Maya-maya ay may pumasok sa akin na ideya.

"Hula ko, wala ka pang nasasalihan na club no?"

"Oo. Sinubukan kong sumali sa lahat ng club pero hindi pa rin ako nakapasok."

"Bakit naman daw?" curious na tanong ko.

"Weirdo raw kasi ako."

"Actually, hindi lahat ng club ay nasubukan mong salihan." sabi ko. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Bakit hindi mo i-try sumali sa club ko?" Alok ko sa kaniya.

"Sa Cleaners Club?"

"Oo. Gusto mo samahan kita?"

Napangiti siya. "Sige."

Ngumiti rin ako sa kanya. "Sige, maglalaba muna ako. Kailangan ko kasing labhan ang suot ko." Itinuro ko ang damit kong may bakas pa ng putik. Mabuti na lang at pinahiram ako ni Nach ng kanyang jacket kaya hindi halata na may mantsa ang damit ko.

"Tapos na ako kumain. Pero tinirhan naman kita ng ulam. Matutulog na ako."

sabi niya.

Isinama ko na rin ang jacket ni Nach sa paglalaba. Matapos akong makapaglaba ay kumain na rin ako at natulog.

Kinabukasan

"Bye Demi!" kumaway ako habang naglalakad papunta sa aking bike. 6:15 pa lang ng umaga pero nagdesisyon na akong pumasok. Nakalimutan ko kasing gumawa ng assignment. Hindi ko rin naman kasi alam na may assignment kami kay Sir Caspian. Mangongopya na lang siguro ako kay Nach o kaya kay Ethan. Tutal sila naman ang may kasalanan kung bakit ko nakalimutan ang assignment ko. Ayaw ko naman kay Athena mangopya dahil baka isumbong lang ako ng babaeng iyon.

Nang makapasok ako ay nakita kong nandoon na si Ethan at Nach. Agad akong tumabi sa kanila.

"Ethan, pakopya ako! Please!" sabi ko habang binubuksan ko ang aking bag para kunin ang science notebook ko.

Napakamot siya sa kanyang batok.

"Hehe. Kaya nga ako maagang pumasok kasi balak ko ring mangopya sa iyo."

Napangiwi ako. "E si Nach?" Inginuso ko si Nach na nakayuko lang.

"Wala rin siyang gawa e." sagot niya.

Napanguso ako. Paniguradong lagot ako nito. "Kung wala edi anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

"Ang balak sana namin ni Nach ay tumakas na lang. Kaya lang baka mas matindi ang parusang makukuha namin."

Nanatiling nakayuko ako habang nag-iisip ng paraan kung paano makakalusot sa masungit naming teacher. Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng mahinang tapik sa braso. Nang tumingala ako ay nakita ko si Demi na nakatingin sa akin.

"Wala kang assignment? Gusto mong pakopyahin kita?" Alok niya sa akin.

Natutukso mang tanggapin ang alok niya, sinubukan ko pa rin na tanggihan ito.

"Hindi na Demi. Sigurado naman akong makakalimutan ni Sir yung assignment natin e." palusot ko kahit hindi naman ako sigurado na makakalimutan iyon ni Sir.

Magsasalita pa sana si Demi nang sumigaw ang isa sa mga classmate namin.

"Tangina, parating na si Sir!" sigaw ni Medina, lookout namin.

Ang magulong classroom ay sa loob ng ilang segundo naging isang napakaayos na classroom. Ang mga nagkalat na papel na ibinabato ng mga kaklase kong lalaki ay nawala. Ang mga upuan kanina na ginulo ng mga kaklase kong babae ay maayos na nakalinya.

"Good morning class." bati ni Sir Caspian.

"Good morning Sir Caspian. Good morning classmates. I am glad to see you again." bati namin pabalik. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako habang bumabati. Para kasi kaming elementary students kung bumati. Ewan ko ba kay Sir kung bakit kailangang ganito ang sasabihin namin tuwing bumabati.

Nagsimula nang magturo si Sir kaya naman lahat kami ay tahimik. Ako naman ay kinakabahan habang palihim na nagdadasal na sana ay huwag maalala ni Sir ang tungkol sa assignment namin.

"Bukas na ang weekly quiz natin. Mag-review kayo dahil thirty items iyon. Ang passing score ay twenty. Ang magkakaroon ng score na mas mababa pa sa twenty ay magre-recite ng periodic table. Mula Hydrogen hanggang sa Oganesson." Matapos sabihin iyon ni Sir ay binitbit na niya ang kanyang mga gamit.

Napahinga ako nang maluwag at ngumiti. Mabuti na lang ay nakalimutan na ni Sir ang assignment namin. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang sumigaw si Betty.

"Sir! Yung assignment po natin! Nakalimutan niyo!" Parang gusto kong tumayo at sakalin bigla si Betty. Narinig ko pang nagmura ang mga kaklase ko. Hindi lang pala ako nag-iisa na walang assignment.

Lumingon si Sir sa amin at tumingin sa relos niya.

"Since kailangan ko nang pumunta sa next class, ilagay niyo na lang sa table ko ang mga assignment niyo. Ang walang assignment at ang magkopyahan ay magre-recite rin ng periodic table. Katulad sa mga magkakaroon ng score na mas mababa sa twenty." sabi ni Sir saka lumabas ng room. Pagkaalis ni Sir ay agad na sinugod ng mga kaklase ko si Betty.

"Tangina mo Betty!"

"Pakopya na lang pambawi sa ginawa mo samen!"

"Gago! Bawal nga magkopyahan diba? Trip mo ba magrecite ng periodic table?"

Agad na nag-peace sign si Betty sa amin.

"Hehe sorry guys. Malay ko bang wala kayong assignment."

Gustuhin man namin na gulpihin si Betty ay hindi na namin ginawa dahil kailangan namin gumawa ng assignment. Mabilis kong natapos ang assignment namin dahil madali lang pala. Agad ko na iyon inilagay sa table ni Sir.

Agad na pumasok ang sunod naming teacher kaya tumahimik na kami. Matapos magturo ng aming teacher ay agad na lumabas ang iba sa amin.

Recess namin ngayon at papunta kami sa canteen upang bumili ng pagkain kasama si Demi pati sina Nach at Ethan. Habang naglalakad kami ay tinatawanan namin si Nach. Pinatayo kasi siya ng teacher namin matapos itong mahuli na tulog. Pinasagot ito ng teacher namin pero hindi siya nakasagot kaya pinatayo siya sa likod.

"Hahaha ang epic ng reaction mo. Gulat na gulat hahaha..." Natatawang saad ni Ethan. Isa siya sa mga malakas na tumawa nang hindi nakasagot si Nach. Muntik na rin siyang pinatayo pero nakasagot siya.

"Kung makatawa ka parang hindi ka pinasagot ni Ma'am ah..." Asar na sabi ni Nach.

"Atleast ako nakasagot. E ikaw? Hahahah--- Aray!" Napahawak si Ethan sa kanyang braso nang suntukin siya ni Nach.

Tawa pa rin kami nang tawa ni Demi habang pinapanood kung paano asarin ni Ethan si Nach habang umiilag sa mga suntok ni Nach. Nang makarating kami sa canteen ay bumili na kami ng aming pagkain. Apat na burger ang binili ko samantalang isang spaghetti ang binili ni Demi. Sina Nach at Ethan naman ay parehong dalawang tinapay na may palaman na hotdog ang binili.

Nakatingin silang lahat sa apat na burger na binili ko. Nagtatakang tinignan ko sila.

"Oh? Problema niyo?" tanong ko sa kanila.

"Kaya mo ubusin iyan?" tanong ni Ethan. Nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sa mga burger ko.

"Oo. Sobrang liit kasi ng burger nila dito. Mas malaki pa ata yung palad ko kaysa sa patty nila dito e." sabi ko saka sinimulang kainin ang mga burger.

Matapos naming kumain ay nagdesisyon kaming pumunta sa club room namin. Wala kasi ang teacher namin sa English dahil may sakit daw.

"Totoo bang sasali ka sa club namin Demi?" tanong ni Ethan.

Tumango si Demi. "Oo. Sabi kasi ni Aspen pwede raw akong sumali doon."

Agad na lumapit sa akin si Nach at bumulong.

"Alam mo naman na delikado ang club natin hindi ba?" Tanong niya.

"May special ability din kasi siya. Katulad sa inyo." Bulong ko pabalik. Gulat na tumingin sa akin si Nach. Tumango ako sa kanya bilang kumpirmasyon na totoo ang sinasabi ko.

Hindi na nagsalita si Nach hanggang sa makarating kami sa club room. Nang makapasok kami ay nakita namin si Athena na nakaupo sa couch. Tumaas ang kilay niya nang makita si Demi.

"At talagang nagsama ka pa ng kakampi huh? Sumbungera." As usual, inirapan niya na naman ako saka naglakad paalis.

Agad na sinalubong kami ni Riz at Kright. "Wow! Ang ag--- wait sino siya?" nagtatakang tanong niya.

Ngumiti ako bago sumagot.

"Siya si Demi. Gusto niyang sumali sa club na ito."

Nalilito na tiningnan ako. Mukhang akala niya ay nakalimutan kong kakaiba ang club namin. Tumango ako sa kanya para ipaalam na isali si Demi.

Nalilito pa rin na tumango si Riz.

"O-Okay. Kailangan mong magtake ng test bago makasali sa club namin."

Tumango si Demi. "Okay."

"So totoo nga ang sinabi ni Athena sa akin." Napalingon ako nang may narinig akong nagsalita. Si Jethro.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Akala mo ba kapag naka--- Miss Rocky?" Naputol ang sinasabi niya kanina nang makita niya si Demi na nakatingin sa amin. Pero teka, sino si Miss Rocky?

Nilingon ko si Jethro. Ayun at nakatitig pa rin siya kay Demi. Kulang na lang ay maging hugis puso ang mga mata niya.

Mukhang si Demi ang tinatawag niyang Miss Rocky.

Nilingon ni Kright si Jethro.

"Miss Rocky? Siya ba yung sinasabi mong bab---" hindi naituloy ni Kright ang sinasabi niya nang takpan ni Jethro ang kanyang bibig.

"Shut up!" Namumula ang mga pisngi ni Jethro habang tinatakpan ang bibig ni Kright. Akalain mo yun, marunong pala siyang mag-blush.

Hindi sila pinansin ni Demi at sa halip ay nagpatuloy ito sa paglalakad kaya sumunod na rin ako.

Humarap si Riz kay Demi. "Ang gagawin mo lang, sabihin kung ano ang nasa ibabaw ng ulo ko. Gets?"

Tumango si Demi.

"Okay, ano ito?" Biglang nagkaroon ng unicorn sa ibabaw ng ulo niya. Nilingon ko si Demi na nakatingin lang sa ibabaw ng ulo ni Riz.

"Cactus." nagulat ako sa sagot ni Demi.

"Strike one." Muntik na akong mapatalon nang marinig ang boses ni Athena. Grabe naman ang babaeng ito. Nanggugulat.

Biglang natahimik si Riz. Maya-maya ay biglang nagbago na naman ang bagay na nasa ibabaw ng ulo niya. Isang baril.

"Arrow." Nag-aalalang tumingin ako kay Demi. Baka sabihin nila na hindi totoong may special ability siya.

"Strike two." Nilingon ko si Athena na nakangisi. "Isa na lang. Isa na lang~" pakanta niyang sabi.

Biglang nag-iba na naman ang bagay na nasa ibabaw ng ulo ni Riz. Isang rosas.

"Ahas. Kulay itim." sagot ni Demi.

"Strike three. Paano ba yan Demi? Hindi ka makakapasok dito. Grabe. Ang lakas ng loob na sumali dito tapos hindi pala makapasa sa simpleng test." nilingon ako ni Athena. "Isa ka pang bida bida. Akala mo kapag nakakuha ka ng kakampi ay matatakot na ako sa iyo? Haha. Wrong." Naglakad siya papalapit sa akin dahilan para mapaatras ako.

"Hangga't nandito ka sa club na ito, gagawin ko-" naputol ang pagsasalita niya nang magsalita si Riz.

"Nakapasa si Demi." Gulat na nilingon ni Athena si Riz.

"What?! Paano?!" Tanong ni Athena.

"Actually, lahat ng sagot niya kanina ay ang mga ipapahula ko sana sa kanya. Kaya lang dahil nasabi niya na ang mga gagawin ko, kinailangan kong gumawa ng bago." sabi ni Riz.

"Ibig sabihin, parang na-predict na ni Demi ang mga gagawin ni Riz? Wow! Ang galing mo Demi!" puri ni Ethan.

Biglang binatukan ni Kright si Ethan.

"Tanga! Anong parang? Talagang na-predict niya!"

Patuloy na nagbangayan sina Kright at Ethan samantalang kaming tatlo nina Athena ay nanatiling tahimik at gulat. Paano nahulaan ni Demi ang mga gagawin ni Riz?

Pumalakpak si Riz. "Okay. Sa motive meter na tayo."

Pagkarating namin sa MM ay hinarap ni Riz si Demi. "Dito malalaman kung kakampi ka o hindi. Ang kailangan mo lang gawin ay ilagay ang kamay mo dito."

Tumango si Demi saka inilagay ang kamay sa MM. Maya maya ay may narinig kaming mahinang tunog senyales na lumabas na ang resulta. Ganon na lang ang gulat namin nang makita ang resulta. Kulay itim.

Agad na naglabas si Athena ng isang rosas saka itinutok kay Demi. Matulis ang dulo ng tangkay kaya maling galaw lang ay tiyak na masasaktan si Demi.

"Anong moti-" napalingon ako nang makarinig na naman ng mahinang tunog galing sa MM. Nagulat ako nang gumalaw ang arrow. Nakaturo na ito sa kulay gray.

"Imposible..." sabi ni Riz. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa MM.

"Iisa pa lamang ang nakakuha ng kulay gray sa loob ng sampung taon mula nang itinatag ang club na ito." Sabi ni Kright.

Nilingon ko siya. "Bakit parang big deal ang makakuha ng kulay gray?"

"Dahil delikado ang kulay gray." sabi niya habang nakatingin kay Demi na nakatingin lang sa arrow na nakaturo sa gray.