Chapter 3: Meet the President

"Bakit nga pala naisipan mong sumali dito?" tanong sa akin ni Kright. Nandito ako ngayon sa club room ng Cleaners Club . Absent kasi ang teacher namin ngayon sa English kaya naisipan kong tumambay muna dito. Maganda ang club room. Kung titingnan ay parang bahay na ito. Hindi katulad sa ibang club room na nadaanan ko kanina. Nangingibabaw ang kulay puti at asul sa room na ito.

Napaisip ako. "Pinili ko ang club na ito dahil ito lang ang may pinaka-maikling pila." sabi ko. Totoo naman iyon. Ang ibang tent kasi ay lagpas sampu ang taong nakapila samantalang sa Cleaners Club ay wala pa ata sa lima.

Nanlaki ang mata ni Kright. "Seryoso ka dyan? Alam mo bang dahil diyan sa katamaran mo, inilagay mo sa panganib ang sarili mo?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Weh? Di nga totoo ba yan?" Pabiro kong sabi sa kaniya.

Pero nanatiling seryoso ang mukha ni Kright. "Hindi basta basta ang ginagawa namin dito. Alam mo naman sigurong kakaiba kami diba?" Tumango ako.

Maya-maya ay may naaalala ako kaya nilingon ko si Kright.

"Kright, bakit nga pala may sinabi si Riz na Criminal Hunters daw kayo? Akala ko ba Cleaners Club ito?" Tanong ko. Hindi kasi sinagot ni Riz ang tanong kong yon. Mukhang nakalimutan niya na.

Nagtaka si Kright. "Teka, hindi pa ba nasabi ni Riz ang tungkol diyan?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"Sige ako na ang magpapaliwanag."

"Yung Cleaners Club, palabas lang namin yon. Kumbaga cover lang namin. Iyong Criminal Hunters, iyon ang organisasyon na tumutugis ng mga kriminal na hindi mahuli-huli ng mga pulis. Pero may mas mahalagang misyon kami bukod sa paghuli ng mga kriminal." paliwanag niya.

"Ano iyon?" Tanong ko pero hindi siya nagsalita sa halip ay hinila niya ako papunta sa isang kwarto.

Agad akong nataranta. Hindi kaya may balak sakin ang kumag na ito?

"T-teka, anong gagawin mo? May balak kang masama sa akin 'no?"

Tumingin nang masama si Kright sa akin. "Hoy! Wag ka ngang feeler. Hindi kita type 'no!" Magsasalita pa sana ako kaya lang nakuha ng nasa harapan ko ang atensyon ko.

"Wow.." namamanghang wika ko. Paano kasi ay nasa harapan ko ang mga nagkikislapang mga bato. Pito sila.

"Ito ang tinatawag na Audra Crystals. Ang isang 'to ay ang Crystal of Earth." Turo niya sa isang bato na kulay brown. Tinuro ko naman ang batong kulay blue.

"E ang isang 'to?" Tanong ko

"Yan ang Crystal of Water. Ito naman ay ang Crystal of Wind." hawak naman niya ngayon ang isang bato na kulay silver.

Sunod sunod ang pagpapakilala niya sa mga bato hanggang sa may napansin ako kaya agad kong kinalabit si Kright.

Napatingin sa akin si Kright. "Bakit?"

Tinuro ko ang mga bato. "Bakit wala silang anino?" Napangiti naman si Kright.

"Ito ang isa pang misyon namin. Ang hanapin ang pitong Audra Crystals. Ang nakikita mo ngayon ay replika lamang. Kailangan naming mahanap iyon bago mahuli ang lahat."

"Ano bang mangyayari kapag hindi niyo nahanap ang Audra Crystals?" Bakit kailangan nilang gawin ang lahat mahanap lang ang mga bato? Kung bato lang pala ang hanap nila edi sana binigyan ko na lang sila ng bato. Maraming ganon si Lola Ilay e. May mga kulay din iyon. Meron pa ngang rainbow doon e.

"Masyadong makapangyarihan ang Audra Crystals. Ang kapangyarihan na mayroon kami ay wala pa sa 1/4 ng kapangyarihan ng Audra Crystals. Once na mapasakamay sa mga masasama ang kahit isa sa Audra Crystals, katapusan na ng lahat." paliwanag niya. Magsasalita pa sana ako nang makarinig ako ng mga tawanan sa labas.

Nilingon ako ni Kright. "Tara. Nandyan na yung ibang kasamahan natin. Ipapakilala kita." Tumango lang ako at sumunod sa kanya.

Pagkalabas namin ay sumalubong sa amin ang apat na estudyante. Tatlong lalaki, isang babae. Mukhang naramdaman nila kami kaya lumingon sila sa amin. Maglalakad na sana ako nang sumigaw si Kright.

"Aspen! Umilag ka!" Saka ko lang napansin na may bagay na papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata at pakiramdam ko ay nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ito na ba ang dahilan ng pagkamatay ko? Grabe ang lame.

Hindi ko alam pero naramdaman kong kumilos ang aking katawan saka sinalo ang bagay na papalapit sa akin. Nanginginig kong tiningnan iyon. Isang dagger na gawa sa yelo. Galit na tiningnan ko ang gumawa non. Nakatingin lang sa akin ang hinayupak. Yung dalawang lalaki na kasama niya ay nag-aalalang tumingin sa akin samantalang yung pamilyar na babae ay nakangisi lang sa akin. Habang ang siraulong naghagis ng dagger na gawa sa yelo ay bored na nakatingin lang sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gago ka ah! Bakit mo ko hinagisan nun?!" Galit na tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at nagsimula nang maglakad papalayo. Akala ba niya papalagpasin ko iyon?

"Aspen! Kung may balak ka man, huwag mo nang gawin!" Pigil sa akin ni Kright. Mukhang takot na takot siya dahil pinagpapawisan na siya. Kahit mapaihi pa siya sa takot, hindi niya ako mapipigilan na gantihan ang hinayupak na iyon.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.

Naramdaman ata niya papalapit ako sa kanya dahil humarap siya sa akin. Bubuka pa sana ang bibig niya nang sipain ko siya sa mukha. Tumahimik ang lahat. Pakiramdam ko mabibingi ako sa sobrang tahimik ng paligid.

"Lagot." Dinig kong bulong ng isang lalaki sa likuran ko.

Dahan dahang tumingin sa akin ang lalaking sinipa ko. Napalunok ako nang makita ko ang hitsura niya. Mukha siyang papatay ng tao. Tatakbo na ba ako?

Maya-maya ay naramdaman kong may lumapit sa akin kaya nilingon ko ito. Si Riz. Katulad ni Kright ay takot na takot din siyang nakatingin sa akin.

"Gaga ka. Bakit mo sinipa?" Bulong sa akin ni Riz. Napanguso ako.

"E kasi hinagisan niya ako ng dagger e. Alangan namang hayaan ko lang." Sagot ko sa kanya.

"Yun na nga e. Dapat hinayaan mo na lang." Bakit ba sila natatakot sa lalaking ito? Galing ba ito sa ibang planeta?

"Sus basta wala akong pakielam kahit anak pa siya ng presidente. Ang mahalaga ay magantihan ko siya." Ang turo sakin ng lolo ko noong nabubuhay pa siya ay huwag kong hahayaan na saktan ako ng kahit sino. Kapag may sumubok na saktan ako, gantihan ko raw.

"Te, hindi siya anak ng presidente pero siya mismo ay presidente." Napataas ako ng kilay nang sabihin ni Riz iyon.

"Siya? Presidente ng bansa? Weh?" Biro ko sa kanya.

"Gaga hindi. President lang naman siya ng club na ito." Pakiramdam ko nabingi ako sa sinabi ni Riz.

Kabado akong tumawa. "Hahaha grabe naman yang joke mo Riz. Nakakatawa grabe." Mas lalo lang akong kinabahan nang makitang seryoso pa rin ang mukha ni Riz.

Sumabat naman yung lalaking sinipa ko.

"Yes. I am the president of this club. Got a problem with that?" So ibig sabihin siya nga ang President? Parang gusto ko na lang bumuka ang lupa at lamunin ako.

Lagot ako!