Chapter 4: Last Part Taming A Grumpy Girl
Hindi pa tapos ang okasyon pero nagpasya na sina Eliza at Shane na umuwi. Nagpaalam na sila kay Mr. Wilson na nagpasalamat naman sa kanilang pagdalo.
"Salamat," wika ni Eliza kay Shane nang marating nila ang kanilang mansiyon. Tiningnan siya ni Shane.
"Your welcome," tugon nito at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kaniya. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kaniyang mukha saka dahan-dahang inilapit ang mukha sa kaniyang mukha.
"Can I kiss you?" hinging permiso ni Shane.
"Yes?" patanong niyang sagot. Natawa si Shane sa sagot niya.
"Bakit patanong?" tanong nito na natatawa pa rin habang titig na titig sa kaniyang mga mata hanggang dumako iyon sa kaniyang labi.
"Ang arte mo! Bahala ka nga diyan!" pagsusungit niya at akmang iiwas niya ang mukha ng sapuin ng binata iyon at siniil ang kaniyang labi ng mapusok na halik. Banayad at maingat ang bawat galaw ng labi nito. Sandali lamang iyon hanggang sa putulin na ni Shane ang halik.
"Good night," anito at hinalikan siya sa noo. Napapikit na lang siya sa ginawa ni Shane.
"Good night din. Mag-iingat ka," paalala niya. Ngumiti ang binata at kinindatan siya na naging dahilan para mamula ang pisngi niya.
"Sure,"
Lumabas na ito ng Sedan at pinagbuksan si Eliza ng pintuan. Hinintay naman ni Eliza na makapasok sa loob ng sasakyan si Shane at tuluyan itong makaalis bago siya nagpasyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Kinaumagahan, maagang nagising si Eliza para sa pagpasok sa trabaho. Matapos makapagbihis ay bumaba na siya ng hagdan saka nagtungo sa kusina para mag-almusal. Nadatnan niya ang kaniyang ama na nagbabasa ng diyaryo.
"Dad, good morning!" bati niya ama. Kagabi ay nakapag-usap na sila tungkol sa ginawa nito. Hindi naman siya nagalit dahil maganda naman ang naging kahinatnan ng nangyari.
"Good morning din," ganting-bati nito sa kaniya na may masuyong ngiti sa labi.
"Dad, may gusto po ako kay Shane," pag-amin niya. Hindi naman siya naglilihim rito. Ibinaba nito ang hawak na diyaryo at tiningnan siya.
"Mabuti naman kung ganoon dahil kayo ang gusto namin magkatuluyan ni Charles," anito na hindi pa rin naaalis ang pagkakangiti nito bagkus mas lalo pa iyong lumapad.
Napangiti na lang siya lalo na ng maalala niya ang halik na pinagsaluhan nila ng binata kagabi. Magana silang kumakain na mag-ama ng pumunta si Eleanor sa kusina. Ang apat na taon na nilang kasambahay.
"Sir, may bisita po kayo," wika nito.
"Sino?" tanong naman ng kaniyang ama.
"Shane po ang pangalan. Nasa salas po," sagot ni Eleanor at makahulugan siyang tiningnan. Tumayo siya, excited siyang makita ang binata sa umagang iyon.
"Ako na po ang haharap sa kaniya, dad," aniya. Natawa naman ang kaniyang ama.
"Ikaw naman ang sadya niya," biro nito na ikinapula ng kaniyang pisngi. Dali-dali siyang nagtungo sa salas at nadatnan ang binata na nakaupo sa isang pang-isahang sofa. Agad na tumayo si Shane ng makita siya.
"Good morning, Eliza. Pasensiya na maaga akong pumunta rito. Gusto ko lang sana magpaalam na pupunta akong Singapore para siyasatin ang branch namin roon," pagpapaalam nito. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib sa kaalamang hindi niya makikita ang binata.
"Ilang araw ka naman doon?" tanong niya.
"Isang linggo," Napatango-tango si Eliza.
"Bakit mo ipinapaalam sa'kin ito? Hindi mo naman ako girlfriend," Napatitig sa kaniya ang binata at bahagyang natawa.
"Oo nga pala, hindi pala kita girlfriend. Pasensiya na, oh sige mauna na ako," tugon nito saka dali-daling lumabas ng bahay.
Ramdam ni Eliza na nasaktan ang binata sa sinabi niya. Napakagat-labi siya para pigilin ang luha sa kaniyang mga mata. Bakit ba niya sinabi ang mga iyon?
"Oh, asaan si Shane?" tanong ng kaniyang ama. Nagbaba siya ng tingin para itago ang mukha dahil baka mapansin ng kaniyang ama ang lungkot sa kaniyang mukha.
"Umalis na po, dad. Punta lang po ako sa kwarto ko. Kunin ko lang po ang shoulder bag ko," wika niya at nilampasan ang kaniyang ama saka nagmamadaling tinungo ang hagdan.
Hindi mo naman ako girlfriend. Kanina pa paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Shane ang mga salitang iyon habang lulan siya ng private airplane nila na magdadala sa kaniya sa Singapore. Kasama niya ngayon ang kaniyang amang si Charles.
"Kanina ka pa tahimik diyan, Shane. May problema ba?" tanong ng kaniyang ama sa nag-aalalang tinig. Lumingon siya sa ama na nasa tabi lamang niya.
"Dad, pwede dalawang araw lang ako?" tanong niya. Kitang-kita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ng kaniyang ama.
"Bakit na-mimiss mo na ba si Eliza?" tudyong tanong ni Charles.
"Alam kong nagtatampo siya ngayon sa biglaan kong pag-alis. Gusto ko na rin magtapat ng nararamdaman ko para sa kaniya," Oo, mahal niya na ang dalaga. Mabilis man pero iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Ang makasama si Eliza. Ngumiti ng malapad si Charles.
"Good. Sige after two days makakauwi ka na. Mabuti naman at naisip mo ang bagay na iyan. Mahirap mahiwalay sa taong mahal mo," anang kaniyang ama. Ngumiti siya.
"Tama ka diyan dad," aniya na may tipid na ngiti sa labi.
Nang mga sandaling iyon ay buo na ang pasya ni Shane. Bahala na! Ang mahalaga nagtapat siya ng pag-ibig sa dalagang sinisinta.
Ngayon ang ika-apat araw na hindi nakita ni Eliza si Shane at pakiramdam niya dalawang linggo iyon. Napatingin siya sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si Annabel, ang kaniyang sekretarya. Si Eliza ng Presidente ng Marquez Enterprise. Lumapit ito sa kaniya.
"Bakit Annabel?" tanong niya na Kababakasan ng lungkot ang boses. Makikita sa mukha ni Annabel ang pinipigilang ngiti.
"Punta po kayo sa Conference Room, Ma'am. May naghihintay po sa inyo doon," Napakunot-noo siya.
"Sino?"
"Basta punta na lang po kayo doon, ma'am," sagot nito at umalis na.
Napabuntong-hininga na lang siya. Sino naman kaya iyon? Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at lumabas ng silid para magtungo sa Conference Room. Pipihitin na sana niya ang doorknob ng may magsalita sa likuran niya.
"I miss you," anang boses na kilalang kilala niya!
Ang boses na hinahanap-hanap niya sa makalipas na apat na araw. Pumihit siya paharap at nanlaki ang mga mata niya ng kahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa.
"Shane? Bakit narito ka? Di ba dapat nasa Singapore ka?" sunod-sunod niyang tanong. Hindi makapaniwala na nasa kaniyang harapan ang binata.
"Umuwi agad ako para makita ka," Inirapan niya ito.
"Maniwala ako sa iyo!" pagtataray niya pero sa totoo kinikilig siya ng mga sandaling iyon.
"Gusto mo bang patunayan ko sa iyo na na-miss kita?" seryuso nitong sabi habang nakatitig sa kaniyang mga labi. Tumibok ng malakas ang kaniyang puso dahil doon.
"Ahem, sabi ni Annabel may naghihintay raw sa'kin rito sa loob," aniya na hindi pinansin ang sinabi nito at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng conference room. Napatakip siya ng bibig ng makita ang salitang WILL YOU BE MY GIRLFRIEND na gawa sa balloon. Bumaling siya kay Shane.
"Will you be my girlfriend?" tanong nito na kababakasan sa mukha ang takot. Takot na baka tanggihan niya ang alok nito. Tumango-tango siya.
"Yes, Shane!" pagsang-ayon niya. Kaagad siyang nilapitan ng binata at siniil ng mapusok na halik sa labi.
"Mahal kita," ani Shane ng tapusin nito ang halik. Pinaatitigan siya nito. Ngumiti siya.
"Mahal din kita," tugon ni Eliza. Nang mga sandaling iyon ay nag-uumapaw ang kagalakan sa kaniyang puso.