Chapter 10 Second Part MAID OF CEO

NANG makapasok sa loob ay sinundan niya si Vinn patungo sa mataas na hagdan.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya. Binalingan siya nito at muling ibinalik ang tingin sa hagdan.

"Sa magiging kwarto mo," tipid nitong sagot.

Nang makarating sa kaniyang kwarto ay ibinaba na ni Vinn ang kaniyang bagahe sa tabi ng pinto saka binuksan iyon. Tiningnan siya nito. Nagbaba siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Tumikhim ito.

"Enjoy your stay here. Asahan kita mamaya na magluto ng hapunan," anito saka tumalikod na. Nang makatalikod ito, napairap na lang siya sa hangin.

"Enjoy your stay here," Panggagaya niya sa sibnabi nito. "Paano ako mag-eenjoy eh magiging katulong mo ako!" aniya at padabog na pumasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkatapos ayusin ang mga gamit ay nahiga siya sa kama saka pinakatitigan ang kisame.

"Sana malampasan ko ito. My gosh! Hindi ko akalain na makakasama kong muli ang manloloko kong ex!" bulong niya sa sarili at napabuntong-hininga.

NANG gabing iyon, nagtungo siya sa kusina saka binuksan ang ref para tumingin ng pwedeng lutuin. Nakakita siya ng isda, malinis na iyon. Kinuha niya iyon at hinugasan. Isinalang niya ang kawali sa kalan at naglagay ng mantika. Hindi pa man mainit ang mantika nilagay na niya ang isda.

"Sh*t! Nakakaasar! Ang hirap talaga ng walang alam sa pagluluto!" pagmamaktol niya ng tumalsik ang mantika. Napaikot ang kaniyang mga mata ng makarinig siya ng pagtawa sa kaniyang likuran. Lumingon siya at tinaasan ito ng kilay.

"At ano ang nakakatawa?" pagsusungit niya. Napailing-iling ito.

"Bakit ang sungit mo? Hindi ka naman ganiyan noon," anito na mahihimigan ang tampo sa boses.

"People changed, Vinn," aniya sa seryusong boses. Sumeryuso ito at napatango-tango saka lumapit sa kaniya.

"Dapat kasi pinainit mo muna ang mantika bago mo inilagay ang isda," anito. Nagbaba siya ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman.

"Bakit ba kasi ini-hire na katulong, Vinn? Kita mo, wala akong alam sa pagluluto. Alam mo naman na ipinanganak akong may gintong kutsara sa bibig," aniya. Nilingon siya nito.

"May dahilan ako kung bakit ko ito ginagawa. Sa ngayon, akin na lang muna iyon," anito. Mahiwagang siya sa sinabi nito. Hinayaan na lang niya ito. Hanggang sa naluto na ang isda at iyon ang pinanghapunan nila.

Hindi maiwasan ni Vinn na mapatingin kay Cassey na abala sa pagtatanggal ng tinik ng isda. Iba talaga kapag anak-mayaman. Mag-isa niya lang rito sa mansiyon na ineregalo ng kaniyang magulang. Nasa Barcelona ang mga ito para pamahalaan ng kaniyang ama ang negosyo nila roon.

"Pwede ba huwag mo akong titigan, kumain ka na lang," pagsusungit nito na ikinatawa niya. Ibang-iba na talaga ito sa Cassey na una niyang nakilala. Ang Cassey na malambing at mabait.

"Hindi ko lang maiwasan na titigan ka dahil napakaganda mo pa rin, Cassey. Walang nagbago sa iyo," sinsero niyang sabi. Inirapan siya nito at pagak na natawa.

"Hanggang ngayon mambobola ka pa rin. Hindi mo na ako madadala sa pambobola mo, Vinn. Natuto na ako," seryuso nitong sabi at muling ibinalik ang tingin sa plato. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib dahil sa sinabi nito. Napangisi siya.

"Di ba sabi mo nga, people change? Malay mo nagbago na pala ako," paniniyak niya. Tiningnan siya nito at ngumiti.

"Kain na lang po tayo, boss. Narito ako para maging katulong mo di ba?" sarkastiko nitong sabi. Huminga siya ng malalim. Kung alam lang ng dalaga ang lahat at ang dahilan kung bakit niya ito ini-hire na katulong niya marahil ay hindi siya nito tratratuhin ng ganoon.

Maagang nagising si Vinn ng umagang iyon para maaga rin siyang pumasok sa opisina. Nagtungo siya sa kwarto ni Cassey at kumatok pero hindi ito sumasagot. Pinihit niya ang doorknob at pagpasok niya hindi niya ito nakita sa loob. Napakunot-noo siya.

"Asaan kaya iyon?" tanong niya sa sarili.

Biglang bumukas ang pintuan ng CR nito at iniluwa niyon si Cassey na nakatapi ng maiksing towel na hanggang kaalahati ng hita ang haba. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito.

"Hindi ba uso sa iyo ang pagkatok?" pagtataray nito sa kaniya.

"Sorry, hindi ko sinasadya," aniya at dali-dali niyang isinara ang pinto ng kwarto nito. Napangiti siya. Sexy pa rin kasi ito.

"Bwisit talaga ang lalaking iyon! Bastos! Hindi man lang marunong kumatok!" pagalit na sabi ni Cassey sa sarili habang inaayos ang sarili. Magluluto pa siya ng agahan nila ni Vinn. Nang matapos, lumabas na siya ng silid at nagtungo sa kusina. Napakagat-labi siya ng hindi alam ang lulutuin.

"Magluluto na lang ako ng sunny-side up. Siguro naman hindi magrereklamo si Vinn. Aba! Dapat lang! Sino ba ang nagsabing i-hire niya ako bilang katulong niya? Tapos magrereklamo siya? Manigas siya!" bulong niya sa sarili habang inihahanda ang apat na itlog na lulutuin niya. Mabuti na lang at alam niya ang pagluluto nito kahit papaano.

Nang matapos, humarap na siya at naglakad patungo sa mesa pero natigilan siya ng makita si Vinn na nakatayo sa hamba ng pinto at pinagmamasdan siya.

"Kain na," alok niya rito. Ngumiti naman ito at akmang tutulungan siya nito ng pigilan niya ito.

"Ako na. Nakakahiya naman kasi boss ka," pasarkasmo niyang sabi. Malalim itong napabuntong-hininga na para bang nagtitimpi ito sa inaasal niya.

"Oo boss mo ako pero wala akong sinabing aalilahin kita," anito. Nagkibit-balikat siya.

"Okay, sabi mo eh. Bahala ka sa gusto mong gawin," sabi na lang niya para matapos na ang pag-uusap nila. Ayaw niya ng humaba pa iyon dahil ng mga sandaling iyon ay may kung anong nararamdaman siya sa kaniyang dibdib dahil sa pagkakalapit nila.

Kanina pa nakaharap sa mga papeles na nasa kaniyang mesa si Vinn pero wala roon ang kaniyang atensiyon. Nasa babaeng nasa kaniyang mansiyon ang kaniyang isipan. Kanina bago siya umalis ay nakita niya itong naglilinis. Sinabihan pa niya ito na huwag masyadong magpapagod, pero hindi man lang ito tumugon.

Napabuntong-hininga siya at naisandal ang katawan sa swivel chair. Oo, inaamin niya na nagkamali siya noong nasa Kolehiyo sila. Pinagpustahan kasi nila si Cassey na kung magiging sila ay ibibigay ng mga kaibigan ang isang buwan nilang allowance sa kaniya.

Nang maging sila, doon niya napagtanto na kaya niya itong mahalin. Ngunit ng malaman nito ang totoong dahilan kung bakit naging sila ay kulang na lang isumpa siya nito.

Kaya heto siya ngayon. Gusto niyang bumawi rito. Gusto niyang bumalik ito sa kaniya. Naputol ang pagmumuni-muni niya ng may kumatok sa pintuan ng kaniyang opisina.

"Pasok!" sigaw niya para marinig siya ng kung sinuman ang nasa labas. Bumukas iyon at iniluwa ang kaniyang Sekretarya na si Mila. Matandang dalaga ito.

"Sir, narito po si Ma'am Ruth," pagbibigay-alam nito.

Malalim siyang napabuntong-hininga dahil sa sinabing iyon ni Mila. Ano naman kaya ang kailangan sa kaniya ni Ruth? Anak na dalaga ito ng isa sa mga investors niya. At heto ito ngayon, kinukulit siya. Tumango-tango na lang siya.

"Sige, papasukin mo na," aniya.

"Ma'am, pasok na po kayo," anito sa labas. Pumasok si Ruth na may ngiti sa mga labi. Hindi niya maiwasang mapailing ng makita ang ayos nito. Kulang na lang lumabas na ang kaluluwa nito sa iksi ng suot. Naglakad ito palapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito, Ruth?" tanong niya. Nang makalapit ito sa kaniya, itinulos nito ang mga kamay sa mesa at inilapit nito ang mukha sa kaniyang mukha.

"Hindi mo ba ako na-miss?" tudyo nito.

"Ruth, umalis ka na. Gusto kong sabihin na may iba akong mahal. Kaya wala ka ng aasahan pa sa'kin," aniya.

"No!—" pinutol na niya ang ba pa nitong sasabihin saka itinuro ang pinto.

"Umalis ka na, huwag ka ng babalik rito. Gusto ko lang sabihin sa iyo na wala kang mapapala sa'kin kaya kita pinapasok," galit niyang sabi.

Nagdadabog itong lumabas ng kaniyang opisina. Samantala, siya naman ay tumayo na at lumabas. Gusto niyang mananghalian sa mansiyon. At, syempre gusto niya rin makita si Cassey. Hindi niya mawari pero nasasabik siya na makita ang dalaga.