CMBMC 13: Home
Yukizia Veronica Point Of View
"These afternoon the designer will come, ganda?" Seryosong saad ni Tristan sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Huh?" Tanong ko at humarap sa kaniya. Ano naman kung pupunta ang designer anong gagawin ko?
"Susukatan ka para sa pang-araw-araw mong damit ayaw ko ng ganiyan ang suot mo palagi. At para na rin sa weeding dress mo." Dagdag niya pa.
Susukatan kaagad ako eh hindi pa naman ako pumipili ng gown eh.
"Wala pa akong napipiling gown," Saad ko. "No worry, ako ng pumili para sayo." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
Bakit siya ang pumili eh ako naman amg magsusuot?
"Hello! Ako ang magsusuot dapat ako ang pumili isa pa gusto ko ako mag de-decide for my wedding isa na doon ang wedding dress ko." Sabi ko habang tinutusok-tusok ko ang chicken.
"No! Ako ng bahala, all you need to do is to wait our weeding day." Sabi naman niya at tumingin sa 'kin.
"Ayaw ko! Ako pipili ng gusto ko para sa weeding ko! Kung ayaw ide wag! Wag na nating ituloy ang kasal..." Sabi ko at nag cross arm habang nakatitig sa plates ko.
Ako ang bride dapat ako ang masusunod hindi iyong siya. Bakit siya pumili ng gown ko siya ba ang magsusuot?
Napansin kong tahimik lang iyong dalawa kumakain lang, pansin ko kanina pa sila lumakain until now kumakain pa rin pero hindi naman matataba.
"Three. Threatened me again?" Saad niya na ikinatingin ko sa kaniya.
Three? OMH! Hindi naman banta iyong sinabi ko di 'ba? Sinabi ko lang naman na kapag hindi ako ang pumili hindi na itutoy ang kasal, banta ba iyon?
"Tristan, sko and bride ako ang pipili at you? As a groom sa sangayon ka lang sa gusto ko." Seryoso kung sabi.
"Make sure na wedding preparations ang gagawin mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. At bakit anong akala niya? Binyag kaagad ang gagawin ko?
"Baka naman pang burial na naman ang gawin mo, tulad ng ginawa last time." Dagdag niya pa.
"Sa tingin ko nga bud ang ganda ng burial flower sa weeding," Sabat ni Thyne na tumatawa pa.
Alam niya ba na burial flowers ang pinili ko? Wala naman siya sa bahay that time ah? Paano niya nalaman?
"Inisin mo pa ako ulit, makipag-landian ka sa ibang babae sa mismong harap ko hindi ako magdadalawang isip na burial mo ang ipaghahanda ko!" Galit kong saad.
"Four!" Saad niya na mukhang masaya pa siya niyan na siya namang ikinalaki ng mata ko. Naku! Talaga bang mawawasak na ako mamaya? Wahh wag naman sana huhu!
Bakit ba kasi hindi ko maiwasang hindi siya takotin? Huhu ayan tuloy nasa panganib ang pinaka-iingatan kong perlas.
"Teka nga! Kanina ko pa iyan napapansin na nag bibilang si Tristan anong meron?" Puna niThyne at sumandal sa sandalan habang pa balik-balik ang tingin sa 'kin at kay Tristan.
"Is none of your business motherfucker!" Saad ni Tristan at tinuro pa si Thyne.
"Psh! D'yan na nga kayo hahagilapin ko lang si Tahn kanina pa ako nandito hindi ko pa nakikita ang lalaking iyon." Sabi ni Thyne at tumayo na.
Oo nga eh teka si Stacey?
"Tristan si Stacey?" Kinakabahang tanong ko.
Kanina pa iyon hindi nagpaparamdam sa 'kin halos araw-araw tumatawag iyon sa 'kin bakit ngayon hindi? Sigurado bang kasama ko siyang nakarating rito? Baka iniwan siya sa daan ng nakatulog ako kagabi? Wahh sana hindi naman.
"Tristan?" Tanong ko ulit. "Hanapan ba ako ng mga nawawala?" Asar niyang tanong sa 'kin.
Nawawala? Nawawala si Stacey? No!
"She's with Tahn. Sinabay na siya ni Tahn pa-alis rito sa Villa ko. Sabi niya tatawagan ka niya pag nakarating na siya sa bahay nila." Dagdag pa ni Tristan na ikinahinga ko ng maluwag.
"Mapag-kakatiwalaan ba si Tahn?" Tanong ko pa. "Tsk! Baka nga iyong kaibigan mo pa ang mag-rape sa pinsan ko!" Tristan defense his cousin. Inirapan ko siya porket gwapo ganu'n?
"Kaya naman pala, sige sa labas lang ako hihintayin ko si Tahn" Paalam ni Thyne.
"Thanks Trav, I enjoy the food!" Pahabol pa ni Thyne bago lumabas ng dinning room.
"Don't worry Yuki, Tahn is a good man your best friend is safe." Saad ni Travis ng makaalis na rin sa kinauupuan niya.
"Continue you meal guys! Enjoy!" Sabi naman ni Travis at tumango ako. "Thanks bud!" Saad ni Tristan at nag fist bump ang dalawa. "No probs men!" Saad ni Travis bago lumabas ng dinning room.
"Kailan babalik si Stacey?" Tanong ko kay Tristan. "Hindi na siya babalik rito, umuwi ang parents niya." Saad niya.
"Ang babaeng iyon iniwan niya talaga ako ritong mag-isa! Siya pa naman katulong ko sa pag-aayos sa weeding preparation." Malungkot kong saad.
"No worry I'm here. I can handle it." Sabi niya pa at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa kaya napatingin ako sa kamay namin.
"Ayaw mo ba akong katulong sa pag-aayos ng weeding natin?" Tanong niya ng seryoso. "Akala ko ba ikaw na ang bahala?" Balik kong tanong sa kaniya.
"No. It's up to you, basta ba iyong wedding dress mo hindi na papalitan." Sabi niya pa.
"Baka naman ang pangit ng pinili mo pwede kong makita?" Tanong ko sa kaniya.
"Nope. It's a surprise... Makikita mo sa araw ng kasal natin ano game ka? Ikaw ang bahala sa lahat... Masusunod lahat ng gusto mo sa kasal natin basta iyong wedding dress mo ako pipili." Nakangiti niyang sabi.
Weeding dress ko dapat ako pipili pero kung nakapili na siya para sa 'kin it is okay siguro naman hindi siya pipili ng hindi bagay sa 'kin dahil siya lang naman ang mapapahiya kapag pangit ang bride niya. Haha hindi pala ang bride iyong suot na weeding dress ng bride niya. Kasi hindi ako pangit maganda ako.
"Okay! Sige! Sigurado kang maganda iyong wedding dress ko?" Pag-sangayon ko na ikinangisi niya. "Very sure." Saad niya at hinalikan ang likod ng kamay ko.
"Good." Saad ko at binawi ang kamay ko sa kaniya.
"Nga pala may conditions ako," Putol ko sa katahimikan namin. "Ano naman?" Tanong niya at tinapos na ang pagkain.
"Kung ikaw ang pumili ng susuotin ko, gusto kong ako mag-aayos sa sarili ko. Ayaw ko na may make-up artist I can manage myself." Mahaba kung sabi na ikinailing niya.
"No way! You're always making me amaze, ganda." Naiiling-iling niyang sabi. "Kaya kung ayusan ang sarili ko naging babae pa ko kung hindi ko alam kung paano mag make-up sa sarili ko." Saad ko naman.
"I can't believe you..." Sumandal siya sa upuan. "You need an make-up artist, I don't want an ugly bride on my wedding." Dagdag niya pa.
"Escuse me! Sa tingin mo ipapahiya ko ang sarili ko? Trust me I can manage myself," Sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Fine! But still have a makeup artist to assist you," Giit niya pa.
"Hmm... Sige! Basta ba manunuod lang siya," Pag-sangayon ako at ngumiti ako sa kaniya. "Are you sure?" Tanong niya sa 'kin.
"Wala ka bang tiwala sa 'kin Tristan?" Tanong ko sa kaniya.
"Not like that... Okay? If that's what you want then. Make me feel that day I am the very lucky man. Amaze me Izi..." Seryoso niyang sabi at nginitian ko siya.
"Just wait Tristan. I will amaze you! I will make you drool to my gorgeous hot body!" Pag mamayabang ko na ikinangisi niya.
"We'll see..." Saad niya at tumayo na.
"Finish your food, I'll just take a bath in the pool if you want to join me just wear a two piece." Sabi niya at kinindatan ako.
"Maligo ka mag-isa mo!" Pahabol ko pa sa kaniya bago siya tuluyang makalabas ng dinning room.
Nang matapos na akong makakain pumasok si ate Susan at isa pang maid na mas matanda sa kaniya sa tingin ko ay siya amg mayordoma dahil kakaiba ang suot niya sa mga maids.
"Good afternoon Ma'am!" Bati ng may katandaan ng babae. "Hi! Good afternoon!" Bati ko rin at tumayo na sa pagkakaupo.
"Ako nga pala si Cely ang mayordoma rito sa mansion pwede mo akong tawaging Nana Cely, kung may Kailangan ka tawagin mo lang si Susan, siya ang mag-aalaga sayo." Sabi niya habang nakangiti. Hindi mga ako nagkamali siya nga ang na mamahala rito.
"Hello po nice to meet you! I'm Yuki, uhm... Soon to be Tristan's wi—" nahihiya kong sabi dahil sa pagpapakilala ko fiancee pa lang ako tapos dito na ako nakatira.
"Asawa ka na ni Master. Masaya ko para sa inyo." Putol ni nana Cely. "Ah eh! Hindi pa po, iyon ba ang sabi niya sa inyo? Ang totoo po is nag aayos pa lang kami para sa weeding hindi pa kami kasal." Pagpapaliwanag ko.
Kasi naman alam nila asawa ko na si Tristan samantalang ako alam ko fiancee ko pa lang siya.
"Hehe oh siya, tapos ka na ba?" Tanong ni nana Cely at tumango ako. "Yes po." Magalang kong sabi.
"Susan paki-ligpit na ang kinainan nila," Utos niya ki ate Susan at sa iba pang Maid. "Opo Nana." Sagot naman ni ate Susan at ngumiti sa 'kin nginitian ko rin siya pabalik.
"Pagkatapos niyo niyan ay ayusin niyo na rin ang lamesa para kay Master Thyme bababa na iyon para kumain, at Ikaw Susan ipakita mo kay Ma'am Yuki ang kabahayan," Dagdag pa ni Nana Cely na ikinatango nila Ate Susan.
"Halika hija, ililibot kita sa buong mansion para alam mo ang pasikot-sikot." Sabi naman ni nana Cely na ikinagiti ko.
"Alam mo na iyong dinning, doon ay kainan lang talaga. Ito naman pala ang kitchen kung saan ang mga magagaang lutuin lang at nandito ang mga pagkain..." Sabi ni Ate Susan ng buksan niya ang katabing pinto ng dinning room at nakita ko ang sobrang linis na kitchen, tama nga si Ate Susan nandito ang lahat kaya pala wala akong nakitang fridge doon kasi nandito, mayroong table mga kagamitan sa pagkain, at mga lulutuin my stove sink, at lahat ay maid of white tiles almost glasses lahat.
"Ano naman po iyon?" Turo ko sa pintuan sa dulo. "Walk-in-freezer." Kaagad na tugon ni Ate Susan. Wow!
Lumabas na kami ni Ate Susan t pumunta kami sa isa pang kalapit na pinto. Pag pinagsama-sama ang Dinning, kitchen and dirty kitchen kumpara sa bahay namin ito na iyomg buong first floor namin eh.
"Ito naman ang banyo para sa mga katulong iyang sa kaliwa at para naman sa mga amo iyang nasa kanan." Turo ni Ate Susan ang makalabas na kami ng dirty kitchen.
Pumunta kami sa sala at nilampasan iyon walang tao, siguro natutulog sila Travis kasi si Tristan naliligo pa iyon sa pool.
Nang makalampas kami sa living room pumasok kami sa isang pinto at sumalubong sa 'kin ang napakaraming pinto. "Ano po ito Ate Susan?" Tanong ko ng makita ang magagarang kwarto.
Grabi ang laki talaga nitong bahay.
"Ito ang guest room kapag may bisita dito nila pinapatuloy lalo na kpag may occasion." Sabi ni Nana. "At sa itaas naman nakita mo na ba iyong nasa third floor?" Tumango ako dahil nakita ko na iyon kanina.
"Iyon ang V. I. P room mga mahahalagang tao sa taas naman iba ang Guest room sa V. I. P doon umuukopa ng kwarto sila Master Travid dahil parang Master bedroom na rin ang V. I. P room." Paliwanang ni Ate Susan na ikinatango ko.
So doon kagabi si Stacey hindi rito? Iba pala talaga ang V. I. P sa guest room. Hasyt napakalawak naman nito.
Bawat kanto nitong bahay ay mayroong halaman na design at mga nakasapit na painting. Ang ganda this is look like a Palace.
"Ito naman ang music room kapag nagkakatuwaan ang mag pipinsan dito sila nagju-jumming." Turo ni Ate Susan sa pinto na malapit tapat ng guestroom.
"Pwede po tayong pumasok?" Tanong ko at naglakad papunta sa pintong tinuro ni Nana at binuksan ko iyon, hindi naman naka-lock kaya nakapasok ako
"Ma'am, hindi pwede!" Protesta ni Ate Susan pero huli na dahil nabuksan ko na at nakapasok ko wala akong makita sobrang dilim.
"Susme!" ani ni Ate Susan at hinila ako palabas. "Wag kang papasok d'yan hindi nagpapasok ng kung sino-sino ang magpi-pinsan private place nila iyan—bakit ko nga ba nakalimutan na i-lock ito," Naiiling na sabi ni Ate Susan at ni-lock ang pinto.
Nagtaka naman ako sa inakto niya parang may tinatago sila sa loob. "Bakit po? Bakit ang dilim?" Sunod-sunod kong tanong.
"Ay wag ka namasyadong maraming tanong dahil hindi ko rin alam, matagal na ko rito pero walang nakakapasok d'yan." Sabi ni Ate Susan na mukhang seryoso siya sa sinabi niya.
"Paano po ang paglilinis? Hindi niyo po ba nililinisan ito?" Tanong ko. "Hindi. Hindi kami ang naglilinis d'yan sila Master ang naglilinis d'yan at inilalabas dito ang kalat bago namin linisin." Tumango na lang ako sa sinabi ni manang.
Marunong pa lang maglinis sila Tristan? Wow! Laking mayaman sila pero marunong ng gawaing bahay? Ma-try ko nga si Tristan. Baka naman nagsisinungaling lang si Ate Susan kasi ayaw niya kong papasokin doon. Dumiretso kami ng lakad at nandito kami sa likod ng hagdanan sumalubong sa 'kin ang iba't ibang amoy ng alak.
Nakita kong nasa harap pala kami ng mini-bar dito sa bahay na punong-puno ng alak. May stool sa pang limahang tao. "Dito madalas mag-inuman sila Master," Saad pa ni Nana.
"Doon naman ang basement" Turo niya sa medyo may kalayoang pinto.
Ang laki talaga nitong bahay second floor pa lang napakalawak na paano pa kaya sa taas?
"Tara sa itaas," Aya ni Ate Susan at bumalik kami sa living room pero may nakita akong dalawang babae na nakatayo doon.
"Good afternoon Ma'am, tuloy po kayo. Teka lang Ma'am Yuki tatawagin ko si Manang," Tanong ni Ate Susan.
Nakita ko ang dalawang babae na sa tingin ko ang isa ay nasa 40's na pero maganda pa rin dahil sa ayos niya. Iyong isa naman sa tingin ko ay hindi pa siya lumalampas ng 30's ang ganda niya rin para silang model sa suot nila very unique.
"Hi Cely! Nasaan na ba ang amo mo? Pinapunta niya kami rito para sukatan ng ang asawa niya, where is she?" Excited na sabi ng nasa 40's na.
"Kayo po pala Mrs. Valdez maupo po muna kayo," Sabi ni Nana Cely na kakarating lang kasama si Ate Susan.. "Nana Cely sino po sila?" Bulong ko kay Nana Cely.
"Ah siya nga pala Mrs. Valdez ito ang asaw ni Master Tristan. Si Yuki. Yuki sila ang family designer nila Master Tristan." Pagpapakilala ni Nana sa 'kin.
So sila pa ang magsusukat sa 'kin, wow! Family designer siguro matagal na silang may service sa Pamilya ni Tristan kasi casual na sila ni Nana Cely.
"Ow! I see! She's so pretty! Hello young lady I'm Amanda at your service," Sabi ng nasa 40's na at iniabot ang kamay sa 'kin.
Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya at inabot ang kamay ko. "Nice to meet you." I said and I smiled.
"This is my assistant Rita," Turo niya sa katabi niyang babae at kumaway ako sa kaniya ngiti lang ang sagot niya sa 'kin.
"Maiwan ko na muna kayo, ikukuha ko kayo ng meryenda," Nakangiti na saad ni Nana Cely at niyaya si Ate Susan.
"Salamat Cely." Sabi ni Mrs. Valdez.
"Sa ibang araw na natin ituloy ang pag-lilibot, Ma'am," Sabi sa 'kin ni Ate Susan.
"Opo, maraming salamat po sa pagsama sa 'kin."
Nakita kong nakatingin sa 'kin si Mrs. Valdez mula ulo hangang paa ganu'n rin ang kasama niya at pagkatapos ay nagkatinginan sila.
"Hmm... Hindi galing sa collection namin ang suot mo, buti pumayag si Mr. Sandoval na ganiyan ang suot mo," Mataray na saad ng assistant ni Mrs. Valdez.
Nahihiyang binutones ko ang coat ni Tristan na suot ko ganito ang itsura ko na humarap sa bisita napaka-unformal ko naman talaga kapag nga si Lolo ang may bisita pinapasuot niya ako ng cocktail dress.
"Ano ka ba naman Rita, andito nga tayo para sukatan siya isa pa susunod na balik natin rito collection na natin ang suot-suot niya," Magiliw na sabi ni Mrs. Selma.
"Pasensya na po hindi pa ako nakakapag-ayos," Nahihiyang saad ko.
"It's okay! Kahit hindi ka mag-ayos maganda ka, simple suit is so good to you! Naiimagine ko na kung gaano ka ganda ang collection ko na suot mo. It's most be Perfect!" Sabi niya at pumalakpak kaya napangiti na lang ako.
"Ang ganda mo, bakit hindi ka mag model? Welcome ka sa company namin naghahanap kami ng magandang modelo na tatanghilik sa products namin," Saad pa ni Mrs. Valdez.
Model? Sabi ni bruhang Ms. Perez hindi ako bagay kay Tristan dahil hindi naman ako model so pag naging model ba ako babagay na ko kay Tristan?
"My wife doesn't need to be part of yours Mrs. Valdez. I like your design that's why I stay loyal at my clothes brand and you have so many model and my wife no need to work, right beautiful?" Nakatingin lang ako kay Tristan, naglalakad papalapit sa 'kin habang nagsasalita. So cool!
Nakabihis na siya at halatang mukhang paligo pa lang. Ipinalibot niya sa bewang ko ang kamay niya at hinalikan ako sa braso. Kaya nalanghap ko iyong pabago niya na nanunuot sa ilong ko. So good!
"H-huh? Y-yeah!" Tugon ko.
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





