Chapter 36: Selos

Lumipas ang panahon , mas lalong naging busy si Sebe. Kahit busy siya , patuloy parin ang paghahanap nila kay Mike. Kahit wala akong alam tungkol ’don nakikita ko naman na minamani’ubra niya iyon.

Hindi niya sinasabi sakin dahil ayaw niyang isipin ko pa ’raw ang mga ganong bagay.

Maghapon akong tulog. Pakiramdam ko kasi ang pagod ng katawan ko. Kinuha ko ang cellphone agad sa ilalim ng kama at dinial ko ang number ni Sebe.

Kahapon ay hindi kami nagkita. May meeting daw kasi sila.

“Sebe,” Nasapo ko nalang ang noo dahil parang lalagnatin ako.

"Yeah.." Pagod niyang tugon. He’s cold. May mali ba sa amin?

"Are you tired?"

"Yeah." Maikling sagot niya.

"May problema ba?"

Iba ang pakiramdam ko e. Parang may mali.

"No ,I am just tired.".

Okay,I will understand him . Normal lang naman sa kanya ang mapagod.

"Sa office ka pa? You want me to bring you a food? I'll cook pasta-".

"Huwaag na, I’m going home.".

Agad akong natahimik. Normal lang naman siguro dahil pagod siya at kailangan niya rin ang magpahinga.

Pinikit ko ang mata at pinatay na ang call. Binalewala ko nalang ’yong pag uusap namin.

Naging busy rin ko dahil sa nalalapit na kasal ni mommy. Pumili kami ng mga designs ng gowns para sa kasal nila ni Eduardo.

Biglang tumawag si Sebastian. Tinitigan ko lamang iyon. I took a deep breath at hindi sinagot iyon.

Hindi ko alam pero kasi parang naiinis ako. I feel so stupid. Gusto ko siyang makita at masama tulad ng dati pero hindi ko masabi. I know his work is important and I dont want to meddle in anything he want.

He love to work,I know. He's a workaholic.I love him that much na pipiliinko nalang manahimik para hindi na makaistorbo sa kanya.

Tinigilan niya ang call pero todo text naman ito sa akin.

From Sebe: Baby,please answer. Let's talk.

"Hija, anything wrong?" Napatingin ako kay mama sa tabi ko.

"Wala naman mom.".

"Nag away ba kayo?"

Umiling agad ako.

"He's busy, so we have no time to fight."

" Ang pag iintindi at pagtiwala ay kailangan sa isang relasyon hija. Sa punto niyong dalawa marami pa kayong pagdadaanan."

"I know mom, I did. It's just." I trailed out..

"Nagtatampo ka." Siya na mismo ang sumagot.

Napatigil ng usapan namin ng mag ring ng cellphone niya. Nangunot ang noo ni mommy at binalingan ako.

"Sebe's outside. Hindi ka raw nagrereply. Wait,papasukin ko."

Pero pinigilan ko na to.

"Hindi na po ,ako nalang ang lalabas."

I opened the gate,Agad tumambad sa akin ang black SUV ni Sebe. Tatlong sasakyan ang pamilyar sa akin na gamit niya.Meron siyang Chevrolet,Black SUV ,at Limo.

Pumasok ako sa kotse niya at tumambad sa akin ang nakakanginig tuhod na kaguwapohan niya.

"Hi." Hindi ko siya magawang tingnan.

"I’m sorry, I’m just tired." He said wearily.

He made sat on his lap. Tinuko niya sa aking balikat ang kanyang mukha ramdam ko ang pagod niya.

Naguilty tuloy ako. Lumayo ako ng konti at para maharap siya

"Pagod ka?" Tanong ko.

Tumango ito at seryosong nakatingin sa akin.Siguro sa ngayon, lalawakan ko pa ang pag iintindi sa kanya. Siguro ,imbes na magtampo ako ay iintindihin ko nalang..

Kinaumagahan ay pumasok ako.Pagka labas ko palang ng taxi ay agad nanlabo ang paningin ko.Huminto ako saglit,at hinawakan ang noo.

Shit!

"Are you okay?"

I cleared my throat.

"I’m okay.Medyo nahilo lang ako.."

Kurt forehead creased.Malambot niyang hinawakan ang braso ko.

"Gusto mo ihatid kita sa clinic?"May pag alalang tanong niya.

Honestly, okay naman ako. Parang bigla lang nagka ’ganon ang pakiramdam ko at nawala naman agad.

"Hindi ,okay na--".

Napatigil ako ng may humila sa akin.

"Kurt Marasigan." Hindi ko alam na nandito na siya.

Kurt bowed his head. "Good morning sir."

Bigla itong nataranta.

"Good morning.."

Agad niya akong hinila palayo doon. Walang lingon naman akong sumama sa kanya.

His hand wrapped on my waist possessively.Pagka pasok palang sa loob ng office niya ay agad niya akong binitawan at niluwagan ang necktie nito

Alam ko na to eh.

"How many times-".

"I know! I know!"Putol ko sasa sabihin niya. Medyo nagulat siya doon pero agad ding nakabawi. Namaywang siya sa harap ko.

"We're just talking!" Nilapag ko ang bag sa sofa.

"The hell I care! You're engage with me!" Parang kulog na sinabi niya sa akin.

Oh my god? Alam ko naman ’yon e!

"Sa susunod ikakasal na tayo.Kung pwede lang bukas! Bukas agad! Ilang ulit ko ng sinabi na ayoko sa lahat ang pinagseselos ako!" He shouted.

Damn it! Namuo ang luha sa aking mata.

"You're really imposible Sebe! Hindi kita pinagseselos! Nag-alala lang siya sakin!"

"Alala?" He mocked. "Close kayo kung ganon?" Lumapit siya sakin kaya napaurong ako.

Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo niya ngayon. Nawala ang pagka pormal niya.

"Ano bang pinagsasabi mo Sebe? Wala kang tiwala sa akin?" I pushed his chest nang nakalapit na siya sakin.

He shooked his head.

Sakin pasiya ngayong walang tiwala? Really?

"Sumama ang pakiramdam ko mabuti nga nakita niya ako e! Bakit nasaan ka ba kung kailangan kita? You're busy right?!" Gusto kong batukan ang sarili sa pinagsasabi ko.

His forehead creased at hinila ako palapit. Nag iba ang awra niya ngayon naging malambot na.

"What’s wrong?" Tanong niya hinawakan ako sa noo at leeg.

Hinawi ko iyon.

"Wala, wag kanang magtanong, aalis na ako" Agad akong tumalikod at pinulot ang bag sa sofa.

Pero hinila niya ako pabalik. Naiibahan din ako sa sarili ko ngayon lang ako nagkalakas loob na magsagot ng ganito kay Sebe. Parang may iba sa akin na hindi ko alam.

"We have to talk!" Humigpit ang hawak sa akin.

"Papasok na ako marami akong gagawin Sebe. I am busy too, so please." Taas kilay kong sabi sa kanya.

Ilang segundo pa kaming nagkatinginan at binitawan niya ako.

Paglalabas ko ng pinto narinig ko ang pagsuntok niya sa mesa niya.