Chapter 34 Hindi Ako Pinigilan

Lumipas ang mga araw. Naging masaya ako sa piling ni Sebastian. Sumali ako sa aming National Geographic Geo Genius Quiz and I took the top. Nakuha ko ang gintong medalya.

Naging busy ako noon sa pag aaral. Si Sebastian ang naging inspirasyon ko kaya nakuha ko iyon.

Apat na mga Altang Unibersidad ang aking nakalaba. Ito 'yong gusto ko. Maging inspirasyon rin ng iba.

Dahil nga kilala si Sebastian sa industriya, marami ang kanyang naging paparazzi. Hanggang ngayon hindi parin mamatay matay na isyu na nag cheat daw ako.

Hindi kami artista para dumugin ng mga media. They are just only interested about Sebe's life and to seek some attention, maybe.

Siguro masasanay din ako.

Nakuha rin talaga ni Sebe ang timpla ng mama ko. Gustong gusto talaga si Sebe e.

"Itext mo nalang Nat. Baka payagan ka naman birthday ko naman ngayon." Jenn convinced me. Tumango naman sa akin si Kylie dahil invited rin siya.

"Okay, I'll text him later," May meeting kasi siya ngayon.

Then our three hours class started.

I've been so attentive. Pero ngayong exam ay exempted ako dahil nanalo ako ng parangal 'nung kailan lang.

Lumalakad ako papuntang locker para ilagay ang dalawang librong yakap yakap ko.

Mrs. Castro declared that I am exempted on her subject dahil ang kanyang klase ay nasagot ko na lahat dahil angkop iyon sa National Geographic Geo Genious Quiz.

Hindi din naman biro ang pinag daanan ko para mailagay lang at ma paskil ko sa utak ang mga iyon.

Halos kaharap ko na 'non ang laptop at toreng libro kapag may break time ako. Sa loob ako ng office ni Sebe nag aaral.

Syempre tinulungan ako ni Sebe. Siya iyong abala sa aking kinakain dahil ako ay halos hindi na maka alis sa harap ng libro at laptop noon.

He's been so caring and sweet.

So, ngayong birthday ni Jen puwede naman ako siguro mag chill right?

Pagkasara ko ng locker ko ay agad tumunog ang aking cellphone sa isang tawag.

"Sebe!" Parang isang bata na nag aabang ng isang regalo ang boses ko.

He chuckled.

"Baby, class done?"

"Yup! Ikaw?" Lumakad na ako sa corridor palabas.

I am wearing our daily uniform at nakapuyod ang mahaba kong buhok. The hermes bag he gave was clinging on my shoulder.

Sobrang busying' tao naman kasi ni Sebastian. Siya nagmamanipula ng Unibersidad at ibang Casino nila.

"Nasa parking lot na ako."

Mabilis ang lakad ko tungo doon. Kaya halos matapilok ako at ng malapit na ako mismo sa kanyang kotse ang siya namang pagkadapa ko.

Mabuti nalang may tumulong sa akin!

Someone grabbed my waist and arms para hindi tuluyang lumagapak sa sementadong sahig.

"Oh my.. god.." I gasped nervously.

The boy cursed. "Muntik na." Sabi nito sa baywang ko parin ang kamay.

"Okay kalang miss?" Tanong nito.

Ilang inch lang ang layo niya sa akin.

"Oo, thanks!" Muntikan na ako ah! Bakit ba kasi ako nag heels!

"It's my pleasure to help, Natalia right?"

I nodded and smiled widely. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang iba ang dating ng kanyang malambot na awra.

"Ah! Oo."

He held out his hand for a hand shake.

Agad ko iyong tinanggap. "I'm Kurt"

"Nice to meet you." Sabi ko.

"Ang ganda mo nga talaga .." Palaga'y ko kumislap ang mata nito habang nakatingin sa earring ko.

My mouth formed in "O".

"Yeah, she's pretty and damn mine.." A baritoned voice on my back almost made me jumped.

Shit! I forgot.

"Why it takes you so long?"He drawled and

Agad akong napasulyap kay Kurt na puno ng paghanga ang mata. Pero kabaligtaran ang binigay ni Sebe na tingin sa kanya. Iyong tipong isang maling salita ay susuntukin niya ito agad.

"Good afternoon Mr. Montemayor. " Bumaling ito sa akin.

"I am nice too meet you too. I gotta go..". Sabi nito.

Bigla ako nitong hinila papasok sa kotse nito.

"Wala lang ako dito kumakausap kana sa ibang lalaki. Ano yun?"

Agad pinaandar ni Sebe ang sasakyan pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nagulat ako sa sinabi nito. Sa higpit ng hawak sa manibela parang mababali na niya 'to.

"What the fuck Sebe! What are -".

"Fuck? you're cursing now? Wala lang ako ng isang araw nagmumura ka na? Kailangan paba kitang itali sa akin Natalia ha?"

Napapikit ako ng mariin habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa aking bag.

Alam kong hindi ako nagmumura. Pero nabigla lang ako. Anong ibig niyang sabihin? Magseselos siya ng dahil lang don?

"Sebe can't you see? He helped me! Muntikan na akong madapa!".

Mag aaway pa ba kami nito?

Umigting ang panga niya.

"Wala lang sana iyon sakin pero hinawakan ka niya!"

"Saan niya ako hahawakan kung 'ganon para hindi ako madapa?" I asked mockingly.

Nang hindi na siya sumagot ay inirapan ko nalang siya.

What the hell.. Naiinis ako..

"Saan mo'ko dadalhin?" Nagmamalditang tono ko.

"Suite." Mas suplado pang sagot niya.

Umirap agad ako ng madiin. Nakakainis! I know his tired but he's too much! Tinulungan lang ako eh!

"Sa bahay mo ko iuwi. I'm tired."

He cursed under his breath. Agad siyang lumiko para ibalik sa dating daan.

Hell! Iuuwi niya nga talaga ako?

Lihim akong nabigla . Hindi niya man lang ako pipigilan? Iuuwi niya talaga ako?

Mas lalo lang akong nagalit.

Wala akong imik buong magdamag hanggang sa tumigil ang kanyang bagong sasakyan na Mirage sa labas ng bahay.

Pabalibag kong kinalas ang seatbelt at walang sabing lumabas sa kotse nito. Ni hindi ako nito pinigilan. Mas lalo akong nainis nang pinaharurot niya iyon agad!