Chapter 3
Inubos niya ang beer sa bote bago nag tipa ng mensahe kay Thunder. Hindi siya sigurado kung mase-seen siya nito pero sumubok pa rin siya.
Yessh_a:
you're here?
I'm here at the Red Club. Vip floor.
Hey!
Hindi ka ba online?
Napanguso siya dahil hindi pa nito na s-seen ang message niya sa instagram. Hindi kasi niya makita kung naka-online ba ito.
Binalik niya ang cellphone sa kaniyang sling bag at tiyaka tumayo.
"Where are you going?" tanong sa kaniya ni Olivia.
"Diyaan lang, magpapapansin," sambit niya at sinukbit ang sling bag. Balak niya kasi pumunta sa may bar counter ng VIP floor kung nasaan sila. Nasa pangalawang couch daw kasi nakita ni Andrea sila Thunder, so, makakadaan siya sa gawi ng mga ito kung pupunta siya sa bar counter at doon iinom.
"Gaga! Bahala ka! landi well!" Inirapan siya nito at tinawanan. Napailing na lang siya rito.
Nakita niya pa si Nina na nakakandong sa isang lalaki. Nauna na lumandi kaysa sa kanila.
She walk like a model and sway her hips while walking. Napangisi siya nang may mapatingin sa kaniyang mga lalaki na nadadaanan niya. She slowly walk when she saw Thunder, he was sitting on the couch while talking and smiling to his friends.
Napahinto siya ng makita ang ngiti nito. Ngayon lang niya ito nasilayan na ngumiti. Nahigpitan niya ang hawak sa slingbag ng may gumulo sa kaniyang sistema.
Napalingon ito at saktong sa gawi niya kaya natigilan din ito at ang ngiti ay nawala. Tumikhim siya at nginitian ito pero iniwasan lang siya nito.
Dumeretso na lang muna siya sa bar counter para umorder ng drinks. Siyempre may hiya pa rin naman siya 'no. Alam niya ang takbo ng modeling industry at pag sikat ka maraming issue sa paligid.
Thankfully Thunder is not that famous in Philippines. Sa New York ito mas sikat kaya nakakagala ito kahit papaano na mag isa rito sa pilipinas.
"Margarita please," sambit niya sa bartender. Napatingin siya sa bartender ng mapansin ito, napatitig siya dahil gwapo ito. He has masculine features, matured look and his sex appeal is showing.
"Baka matunaw ako miss." Napatikhim siya.
"Hindi ka naman matutunaw," sambit niya rito at binaba ang tingin sa mga drinks.
"Mag isa ka lang?" Kumunot ang noo niya at tiningnan ulit ito.
"Are you hitting on me?" Tinaas niya ang isang kilay. "I'm sorry I'm not interested with you." Mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang tumawa ito at tiningnan siya na parang hindi makapaniwala. Nakita niya ang paglabas ng dalawang dimples nito.
"No. I like someone. I just want to ask if you're alone, because I'll stop you if you'll get drunk." He smiled while looking at her.
"Oh… okay. I'm not alone, kasama ko ang mga kaibigan ko." Tumango ito sa kaniya at siya naman inabot ang margarita niya ng i-serve na ito.
Ininom niya lang iyon hanggang sa maubos. Lumingon siya para silipin si Thunder kaso hindi niya na ito makita dahil sa nakaharang na dividers per couch.
She sighed, and order again. Nakailang baso na siya ng margarita at napag desisyunan na sanang bumalik sa couch nila nang makita niya si Thunder na nag lalakad patungong comfort room. Mabilis niya itong sinundan at naghantay saglit sa labas ng men comfort room.
Sumandal siya at pinaikot ang isang paa dahil medyo sumakit na iyon.
Napatingin siya sa gilid nang lumabas na ito.
"Hi!" she greeted. Nagsalubong na naman ang kilay nito.
"What are you doing here?" Ngumiti siya rito at hinarap ng maayos.
"Uhm. Inaya ako nila Olivia. Hindi ko alam na nandito ka rin pala." Nilagpasan siya nito kaya mabilis niya itong hinatak.
"Saan ka pupunta?" tanong niya rito.
"Uuwi na ako," tipid na tugon nito. Kumapit siya ng husto sa braso nito.
"Sama ako!" she excitedly said. Tiningala niya ito para mas lalong matitigan ang mukha.
"What? I'm going home... are you crazy?" Napanguso naman siya dahil kitang-kita niya ang inis sa mukha nito.
"Hindi ako baliw! Sama na lang ako sayo, boring na ko rito."
"Then go home in your own house." Winaksi nito ang kamay niya, wala naman siyang nagawa at tinitigan na lang ito na bumalik sa couch. Siguro para magpaalam sa mga kasama nito.
Napasimangot na lang siya at bumalik sa bar counter. Nakita niya wala na roon ‘yong gwapong bartender.
"Hi miss, alone?" Hindi niya pinansin ang tumabi sa kaniya. Umorder siya ng limang shots ng tequilla at sunod-sunod na tinungga ang lima bago sumipsip ng lemon na may asin.
Naramdaman niya pa rin ‘yong lalaki sa tabi niya na mas lalong dumidikit sa kaniya. Tumayo na lang siya at nakaramdam na ng hilo dahil kanina pa siya umiinom. Tinamaan na siguro siya ng alak.
Muntikan na siyang matumba nang may yumapos sa kaniyang bewang. Nakita niya ‘yong lalaki na sobrang lapit sa kaniya.
"Let's go somewhere, I'll take care of you," bulong nito habang nakangisi sa kaniya. Hindi niya nagustuhan ang tingin at ngiti nito sa kaniya kaya tinulak niya ito pero hindi man lang natinag dahil wala na siyang lakas at medyo nahihilo na siya. Alam pa rin naman niya ang nangyayari at hindi siya tanga para hindi alam ang gusto nitong mangyari.
"I'm taken, go away!" medyo pasigaw na sambit niya rito.
Inapakan niya ito sa paa nang hindi pa rin siya binitawan, nang makaalis sa pagkakahawak nito dali-dali siyang tumakbo papunta sa malapit na cr at sinara iyon.
Nagulat siya nang may kumatok ng malakas.
"Babe! Let's have some fun," parang natatawang sambit nito. Agad niyang kinuha ang phone niya at tinext si Olivia na nasa cr siya malapit sa bar counter.
Pero hindi ito sumasagot kahit pa tawagan niya.
Wala naman siyang number ni Nina at Andrea, tanging social media lang ang paraan para makausap niya ito at makahingi ng tulong kaso naman hindi ito mga naka-Online. Sumandal lang siya sa gilid at nag dasal na lubayan na siya ng lalaki.
Pero patuloy pa rin ito sa pagkalabog ng pintuan.
"Babe! Let's go!"
"Tang ina mo! Hindi kita kilala! Umalis ka na hayop ka!" she shouted. Tiningnan niya ang instagram niya kung naka-Online ba roon sila Nina at Andrea pero hindi rin. Sakto naman nakita niya ang bagong instagram story ni Thunder, group picture iyon ng mga kasama niya sa bar.
Dali-dali siyang nag comment doon.
'Help me!'
Hindi siya sigurado kung nandidito pa ba ito sa club or wala na pero kailangan niya ng mapagsasabihan.
Medyo kinakabahan na kasi siya sa lalaki dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagkatok ng malakas. Pakiramdam niya ay masisira na ang pintuan.
Nabuhayan siya ng pag-asa nang mag reply ito sa kaniya.
Thndr09: stop wasting my time.
Yessh_a: Please nasa cr ako. There's a man outside, hindi ako makalabas.
Para maniwala ito pindot niya ang video call. Nakahinga siya ng maluwag nang sumagot ito. Nakita niyang nasa kotse ito at nagda-drive.
"If you are just lying then stopㅡ"
"BABE! LET'S FUCK! LUMABAS KA NA RIYAN IPAPARANAS KO SAYO ANG SARAP!" napalayo siya sa pinto at pumasok sa isang cubicle. Lumakas lalo ang kalabog, makakaalis sana siya kung may ibang tao na mag c-cr pero wala namang dumadating.
Malakas ‘yong loob ng lalaki dahil hindi siya kita ng mga tao. Medyo papasok kasi ang comfort room.
Napatingin siya sa cellphone niya nang namatay iyon. She tried to open it pero dead battery na talaga. Parang gusto na lang niya umiyak. Hindi siya sigurado kung narinig ba siya ni Thunder.
Pinasok niya ang phone sa bag niya at sinukbit ito ng maayos. Tinanggal niya ang dalawang heels niya at ngayon ay naka paa na siya.
Ngayon wala na siyang mahihingan ng tulong.
Lumabas siya ng cubicle at tinignan ang pinto na unti-unti ng nasisira ang doorknob, pero bago pa masira iyon siya na mismo nagbukas at mabilis na binato ng heels ang lalaki sa mukha nito.
Napatigil ito kaya mabilis siyang tumakbo hanggang sa makakaliko na sana siya ng may humatak ng buhok niya.
"Are you fucking gay? Bakit ka nanghahatak ng buhok?!" sigaw niya. Malakas ang tugtog kaya kahit anong sigaw niya hindi siya maririnig ng ibang tao.
"Kanina pa kita nakikita e, puta, pa isa lang kasi!" napangiwi siya rito, para itong sabog kung umasta.
Magsasalita sana siya ng bigla na lang itong bumagsak, napatingin siya sa sumipa rito at nakita niya ‘yong bartender.
"Are you okay? This fucking pervert... nakapasok na naman 'to," sambit nito at kinuha ang cellphone nito at nakita niyang nag type saglit bago balingan siya.
Napa atras siya ng sumigaw ‘yong lalaki.
Nakita niyang inapakan no’ng bartender ang dibdib nito dahil nakahiga sasahig ‘yong lalaki.
"S-salamat," napatingin naman siya sa isang heels niya na nasira na ang takong.
Nakagat niya ang labi at tinignan ang isa pang heels na hawak niya.
Malakas na binato niya iyon sa ulo ng lalaki.
"Head shot. Lakas non ha," tumawa ito.
"He's pervert and addict. Naka banned to sa mga club dahil marami na itong nabiktima. Mukhang nakalusot at nag disguise," dagdag na ani nito. Napatango naman siya rito, napalingon siya nang makarinig ng tumatakbo.
Nanlaki ang mata niya nang makita sa harapan niya si Thunder, naka sumbrero ito at parang hingal na hingal.
Lumipat ang tingin nito sa bartender at lalaki sa sahig. Hindi ito nagsalita at bagkus kinuha lang ang kamay niya at hinatak na siya paalis roon.
"Why did you fucking end the call?" galit na tanong nito nang makalabas sila.
"Hindi ko in-end, biglang namatay ‘yong phone ko," nakagat niya ang labi ng may maapakan siyang bato. Nakapaa pa rin kasi siya, tumingin siya sa paa niya at medyo inangat ang isa.
"Sorry sa istorbo, hindi kasi sumasagot si Olivia. Pwede bang makiㅡ" naputol niya ang sasabihin nang bigla siya nitong buhatin.
Dumeretso ito sa audi nito at pinasok siya sa shotgun seat. Lihim naman siyang napangiti.
"Just sit here, you don't have a shoes." Inabot nito ang cellphone sa kaniya. "Call your friend, so I can go home now." Nawala ang ngiti niya sa labi, akala pa naman niya itatanan na siya nito.
"Iuwi mo na ako. Itanan mo na lang ako," nakangiting sambit niya rito. Napailing lang ito at iniwasan siya ng tingin. Nakita niya na binuksan nito ang likod at may kinuhang jacket tiyaka binato sa kaniya.
"Takpan mo ‘yong legs mo." Napatingin siya sa hita niya at malapit na makita ang itim niyang panty dahil medyo nakataas na ang dress niya.
"Bakit naaakit ka ba? Okay lang sa akin kong ikaw," magiliw na sambit niya rito. Umikot ito at pumasok sa sasakyan at pinaandar ang engine.
"Kung wala kang balak tawagan ang kaibigan mo, bumaba ka na lang," naiinis na sambit nito. Wala siyang nagawa at tinawagan niya na lang si Olivia, mabuti na lang talaga kabisado niya ang number nito. Ang tanging kabisadong numbers niya lang kasi ang sa tatlo niyang kaibigan, wala ng iba.
"Hello? Olivia?"
"Sino toㅡ Yessha?! nasaan ka? kanina pa kita tinatawagan, kaninong number ‘to?"
"K-kay Thunder-"
"Magkasama kayo? Ano ‘yan, speed lang? grabe kaibigan talaga kita!" Napairap siya ng tumawa tawa pa ito.
"Sunduin mo ako, wala nakong sapatos sira na, gusto ko nang umuwi." Napatingin siya sa paa niya na medyo nadumihan na dahil sa paglalakad niya kanina.
"Bakit ka nawalan ng sapatos? ang wild niyo naman!"
"Gaga ka talaga! bilisan mo na lang, mamaya na ako magpapaliwanag."
"Pwede bang magpahatid ka na lang kay Thunder? nasa byahe ako, may emergency si Nina ihahatid ko pa, ang layo ng bahay nito, nasa byahe na kasi kami." Nalaglag ang panga niya dahil sa narinig. Mukhang hindi nga siya maihahatid nito.
"Sige, ‘wag na. Mag ingat ka! baka lasing ka ha!" pagpapaalala niya rito, uminom kasi ito.
"Hindi, sige na enjoy!" Mabilis niyang binaba ang tawag, napabuntong hininga na lang siya. Inabot niya ang cellphone sa binata.
"Thanks" nakita niya ito na wala sa mood ang itsura kaya hindi na niya kinulit. Bubuksan niya sana ang pinto kaso naka-lock iyon. In-unlock niya naman kaso ayaw pa rin, napatingin siya kay Thunder na nakatingin lang sa harapan at nakasimangot ang mukha.
"Pasensiya na, pwede mo bang buksan? uuwi na ako." Nilingon siya nito ng nakasimangot pa rin ang mukha. Gusto niya sanang kulitin ito na ihatid siya kaso bigla siyang kinain ng hiya. Next time na lang ulit pag may lakas ulit siya ng loob at hyper siya.
"Sa pagkakarinig ko hindi ka susunduin." Umawang ang labi niya, hindi niya alam na nakikinig pala ito.
"Mag ga-grab ako— ay shit! Patay pala ang phone ko. Mag ta-taxi ako! Tama!" ngumiti siya ng malawak dito, para ipakita na ayos lang siya pero sa loob loob niya hindi talaga, medyo takot kasi siya sa mga taxi dahil sa mga nababalita.
Hindi siya pinansin nito at inalis ang tingin sa kaniya, sinundan niya ang tingin nito hanggang sa pinaandar na lang ang kotse. Sumilay ang totoong ngiti sa labi niya, with kilig pa.
Nakagat niya ang ibabang labi at iniwas ang tingin sa binata at tinuon ang tingin sa labas.
Tang ina! kinikilig ako. shit naman Thunder, mas lalo akong na-a-attract sa'yo.
Dahil nahatid na siya nito once, alam na nito ang bahay niya. Pakiramdam niya tuloy napaka-special niya. Nakarating din sila kaagad, napatingin siya ng humikab ito. bigla tuloy siyang naawa dahil mukhang pagod na pagod na ito.
"Gusto mong makitulog? ‘wag ka mag alala hindi kita gagapangin, promise!" sambit niya rito nang i-park nito ang kotse sa labas ng gate. Napalingon ito sa kaniya at umiling.
"No need, I can go home."
"Sige na! promise talaga, anong oras na ba?" hinablot niya ang kamay nito para makita ang oras sa rolex na suot. "1am na pala! sige na, dito ka na promist talaga hindi kita gagapangin!”
Sa susunod na lang!
"Do you have guest room?" napasigaw siya sa isip niya. Kita niya naman kasi na mukhang pagod na pagod na ito. Tumango siya rito. Pinaandar muli nito ang sasakyan, sumilip naman siya sa bintana at sinenyasan ang guard niya na buksan ang malaking gate para makapasok ang kotse.
Nang makapasok sila sa loob, pinark nito sa garage ang sasakyan, bumaba naman siya at hinantay makababa ang binata.
"Tara pasok ka." Naramdaman niyang sumunod ito, kumuha siya ng slippers na pang bahay, inabutan niya rin si Thunder at tinanggap naman nito.
"Do you live alone?"
"yes."
"Bakit marami kan tsinelas?" Nakita niyang napatingin ito sa sinuot na tsinela, sakto kasi ito sa paa ng binata.
"Pag may bisita ako, or pag nagpapa-party. Bumili talaga ako ng tig sampong slippers for boys and for girls, buti sakto sayo ‘yong tsinelas." Pinasunod niya ito sa taas at tinuro ang katabing kwarto, guest room kasi iyon.
"Diyaan ka matulog, may towel na malinis diyan at mga new toiletries, you can use all of that," sambit niya rito, papasok na sana siya ng kwarto niya nang may maalala. nilingon niya ito at nginitian ng malawak. "Don't forget to lock your room, baka kahit hindi ako gising, magapang kita. alam mo na gusto pa naman kita." sambit niya sabay kindat. Natawa na lang siya ng inilingan lang siya nito na parang wala lang.
Nakangiti pa rin siya hanggang sa makapasok sa loob ng kwarto, chinarge muna niya ang cellphone bago mag shower saglit at matulog.