Chapter 10: Kabanata 9: Quadros

30 weeks. It's my 30th weeks already kaya kailangan ko nang ilabas ang apat sa tiyan ko. Luke suggested for me to have a C-section. Maging ang doctor ay 'yon ang sinabi sa akin, because it would be a lot harder for me if I'll deliver them naturally. It would be a danger for me and the baby.

Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong i-deliver sila naturally. Gusto kong... maranasan 'yon. I want to feel the pain and satisfaction, but then, I won't take the risk. I want my babies to be safe as much as possible. I don't want any of them to be in danger dahil lang sa maling desisyon ko. I don't want them to suffer.

At ngayon, nandito na nga kami. This is final na talaga. Makikita ko na ang mga anak ko.

"Kinakabahan ako..." mahinang bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Luke. May namumuo nang pawis sa noo ko dahil sa sobrang kaba. But I am feeling excited too. Gustong-gusto ko na silang makita at mahawakan.

Luke smiled softly at me before dropping some feathery kisses on my forehead.

"We can do it, babe. We can do this." napanguso ako sa sinabi nito. Anong 'we can do it' 'yang sinasabi niya? Hindi naman siya pwedeng manatili sa loob habang ginagawa ang operasyon e. Tanga nito.

"Hindi ka naman pwede s-sa..." napangiwi ako nang maramdaman ang pagsipa ng isa sa loob ng aking tiyan, hanggang sa sunod-sunod na ang mga itong sumisipa.

Luke might've noticed my pained expression dahilan para pindutin niya ang intercom sa gilid at inutusang papasukin ang mga doctor.

How can he... command the doctors that easily?

Napahinga nalang ako ng malalim nang makita ang pagpasok ng napakaraming doctor sa loob. Hindi ko alam kung ilang doctor at nurses ang nasa loob, basta marami. The room that I am in is quite big kaya kasyang-kasya pa naman kami dito.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. I lost track of it. Basta ang huling naalala ko ay may itinurok sa akin ang isang doktor bago ako dahan-dahang nilukob ng kadiliman.

***

When I was awake, everything felt light. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko pero sobrang sakit naman ng katawan ko.

I groaned.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto. I noticed that this wasn't the same room I was in during the delivery.

Napatingin ako sa gilid ko nang makaramdam ng pag-galaw doon. Saka ko lang nakita si Luke na nakabaon ang mukha sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Mahigpit nitong hawak ang isa kong kamay.

I smiled lightly.

He really stayed. He stayed with from the start 'till now. I don't even know how to thank him for these. Sobrang grateful ako na nandito siya. If not for him, I don't know kung ano na ako ngayon.

Ang laki ng epekto niya nang dumating siya sa buhay ko. Hindi ko 'yon maipagkakaila. He took care of me, and I can feel that what he showed is indeed genuine.

Does he really deserve someone like me?

I caressed his hair softly. Marahan ko ring hinaplos ang kaniyang matangos na ilong.

His sleeping form is so innocent. Parang hindi nakakagawa ng kasalanan e. He is really handsome, and I don't know why I keep on feeling this familiar with him, na parang kilala ko na talaga siya. Pero alam ko namang, hindi pa talaga. I haven't meet him before. And I'm sure na sa opisina niya kami unang nagkita.

I sighed.

He stirred dahilan para mapatigil ako sa pag-haplos sa kaniyang buhok. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin sa akin, and when he noticed that I was up. Mabilis pa sa alas-kwatro itong tumayo at ikinulong ang aking mukha ng dalawa niyang kamay bago ako siilin ng isang malalim na halik sa labi.

Napapikit ako.

This one. This one is... familiar too.

"Thank you. Thank you so much, babe. Thank you for giving birth to them. Thank you. I love you." bahagya akong natuod sa huli nitong sinabi. I was about to talk pero kaagad din itong lumayo at lumapit sa mesa sa gilid.

"Do you want to eat, baby? Fruit? What do you want and I'll give it to you, Misis ko."

Misis ko...

Napanguso ako at bahagyang napaismid para itago ang kilig na namumuo sa aking sistema.

Malandi! Malandi ka, Sadhbh!

"When are we going to see them?" I asked instead.

Kaagad naman akong nilingon nito. Dala-dala na nito ang isang binalatan niyang apple. He gently kissed my forehead before sitting on the edge of the bed in front of me.

"Anytime you want, baby." Ibinigay nito ang apple na kaagad ko namang tinanggap.

To say that I'm excited is an understatement. I am not just excited, I am feeling more than that! I am extremely super duper happy na nagawa ko silang ilabas sa mundong 'to, safe and sound.

"Pwede ngayon na?" Malambing kong tanong.

Kumunot ang noo nito at bahagyang umiling. I scoffed. "You're going to rest first for the whole day, baby."

Napanguso ako at bahagya siyang kinunutan ang noo. Nawala ang kilig at tuwa ko sa kaniya!

"Sabi mo pwede kasi! May pa-anytime anytime ka pang nalalaman tapos hindi mo naman pala ako papayagan!" I crossed my arms.

He sighed before shaking his head. Amusement is now dancing in his eyes na mas lalo ko lang ikinairita.

"Babe, you'll rest first, hmm? And after you rest, we'll be seeing our children immediately."

Our children...

Mahina akong tumango at napanguso.

"Now, give me a huge charge of energy..." Ani nito bago ako niyakap ng mahigpit. Nagulat ako dahil sa biglaan niyang ginawa pero maya-maya ay nakabawi naman.

Malambing nitong ibinaon ang kaniyang mukha sa gilid ng aking leeg. Bahagya pa itong sumisinghot doon. Kumunot ang noo ko. Parang aso naman.

"They're three boys and one girl, babe. Three are identical except for our baby girl. And she... she looks like your mini version. Manang mana sayo. While the three boys are just like me. They have the color of my eyes too." I didn't missed out the adoration in his voice.

But, wait...

"Sino ang panganay?" I asked. Sinubukan kong kalasin ang pagkakayakap nito pero umungot lang ang lalaki. Nagmamaktol itong umungol at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

I chuckled.

"They're all panganay, baby. But our baby girl is the alpha of the Quadros."

Bahagya akong nagulat doon. Usually, sa mga ganitong pagkakataon, lalaki talaga ang nagiging panganay. And knowing that our only girl is the alpha... Wow! Just one word. It's a wow!

"I know you already planned their names, baby. Care to share it?" He asked softly before dropping some kisses on my neck.

I smiled. "I'm gonna name our baby girl, Aoibheann Dauss. And for the second, third, and fourth. It would be Laskin Trayce, Morozov Qkuatro, and Nikolaev Synco."

"And they're all going to carry my last name." he whispered. My eyes almost bulged out of its socket.

My last name is Frias! Not Mosheyev!