Chapter 3: Kabanata 3: Three months later
Ang isang kondisyon na sinabi niya sa kanyang asawa ay ang pagtira nila sa Gonzales mansiyon, doon ay alam niyang hindi masyadong makakagawa ng kalokohan ang dalawa. Dahil ayaw na ayaw ng papa nito na masira ang kanilang marriage life. Galit ang papa nito sa mga mag-asawang naghihiwalay, at mga lalaking nanloloko ng mga asawa, kaya mariin ang banta nito na hindi tuluyang ipapamana sa kanya ang negosyo, sa oras na makipag hiwalay sa babaeng pinakasalan.
"Lahat ba ng pabor dapat ay sa iyo?" tanong ni Christ sa kanya.
Bumuntong hininga muna siya bago niya ito pinakatitigan ng masama, nasa loob sila ng kotse nito dahil palipat na sila sa mansiyon, "Oo, ikaw ang humihingi ng pabor sa pagkakaalam ko?"
"Diba sabi mo dati, ayaw mong makasama ang Mama ko, bakit ngayon?" mahina lang ang boses ni Christ, kahit na nasa tinig nito ang tila kayabangan.
"Wala akong sinabing ganyan noon, huwag kang mag-imbento!" mabilis niyang singhal sa lalaki. Umiling na lamang ito at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
"Sa tingin mo may pag-asa pang maibalik natin ang dati nating realasyon? Alam ko iyon ang plano mo? Siyempre obligado akong matulog sa tabi mo, hindi naman pwedeng sa ibang silid ako matutulog," sabi pa ni Christ. Naiinis siyang may halong yabang ito kung magsalita.
"Wow! Para bang pinalalabas mo na naghahabol ako, ito ang tatandaan mo, hinding-hindi kita hahabulin, kaya kung ako sa iyo, ihanda mo na ang sarili mo, maghihiwalay tayo," iyon lang sinabi niya, saka niya muling itinuon ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Nakarating sila sa harap ng mansiyon, doon pa lang sa bungad ay nakaabang na ang mga kapamilya ni Christ. At kitang-kita niya si Bridgette, at Analiza. Mabilis na sumalubong sa kanya ang dalawa ng makita siyang bumaba. Si Christ naman ay tuloy na pumasok sa loob ng kanilang kabahayan. "Nasa'n si Mama?" tanong nito na sa mga kapatid nakatuon ang paningin.
"O Iho! Huwag mo na akong hanapin, alam niyo naman na palagi akong handa!" masaya at masigla ang pagbati nito na may hawak pang punpon ng mga bulaklak na iniabot sa kanya. "Wellcome home, sa aking paboritong manungang!" Sabay yakap nito sa kanya ng mahigpit. Masayahin naman talaga ang mama ng kanyang asawa, kaya lang hindi niya masabayan ang pagiging strikto nito sa kanya kung minsan.
"Mama naman! Siya lang naman kasi ang manugang niyo," kiming natawa si Analiza, sila kasi ng ate Bridgette niya ay hindi pa nag-aasawa. At natatawa na nga lang silang dumako sa malapad na sopa. Napansin niyang parang nasisilihan ang puwit ng asawa niya.
"Ma, okay na ba ang room namin, I want to take a rest," sambit pa ni Christ, tinapunan pa siya ng tingin. Isang tingin na may nais ipahiwatig. Palihim naman siyang umismid sa lalaki.
"Oo nga, pagpahingahin niyo muna ang mag-asawa Mama," sambit Bridgette.
"Ate, we will talk to you later, before mag-dinner," nakangiting sambit ni Analiza sa kanya. Wala naman sa loob na tinanguan na lamang niya ang hipag. Sumunod siya sa pag-akayat ng asawa niya sa malawak at mataas na hagdananan. Magarbo ang masiyon gaya ng sa mga napapanood niya sa mga palabas at pelikula. Iyon ang unang beses na titira siya sa bahay ng kanyang asawa.
Ilang minuto pa at naroon na sila sa loob ng kanilang silid. Agad na umikot ang paningin niya sa loob no'n. At nasiyahan nga siya, may malaking balcony pa sa labas ng napakalaking bintana, ang bintana nila ay gaya ng pintuan sa sobrang laki, at ang mga kurtina ay nasasakop ang buong salamin. "O ayan, maganda naman ang kwarto, siguro okay ka na rito?"
"Okay naman ako, paano ang set-up natin mamaya, kapag matutulog na?" tanong niya sa lalaki.
"Diyan tayo sa kama," sagot lang nito.
"Sorry pero matapos kong makita ka sa kandungan ng ibang babae, nandidiri akong tumabi sa iyo," sambit niya sa lalaki. Bagay na nagpakirot sa kanyang puso. Dahil alam niya sa kabila ng lahat, mahal pa rin niya si Christ.
Bumuntong hininga na lamang ang lalaki, hindi na ito nakipagtalo sa kanya, tutal ay may malaking sopa rin naman dahil napakalawak ng silid nila, ayos lang iyong para sa asawa. Pumasok ito ng banyo at nag-shower. Habang naroon ito, napaisip siya, kailan ba iyong huling nakita niyang maligo ang kanyang asawa?
And she realized, that was a year ago, palagi itong busy sa trabaho, kaya naman darating itong tulog na siya, at aalis na tulog pa siya. Iyon pala ang naging set-up nila sa loob ng tatlong taon, simula ng mamatay ang anak nilang ipinagbubuntis niya.
Nagulat pa siya ng muli itong lumabas sa loob ng banyo, half naked at naka-topis lang ng tuwalya ang ibaba. Namula siya ngunit hindi niya iyon pinahalata, agad na tumayo at lumapit sa tokador na naroon, si Christ naman ay mabilis ding pumasok sa loob ng walk-in closet na naroon. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makita niyang pumasok na sa loob ang lalaki.
Muli na namang kumalabog ang puso niya nang magsalita ito, "Ikaw naman ang maligo, okay ka na bang ganyan? Mamaya ay hapunan na," sambit nito sa kanya sa mahinahong salita.
"Oo, maya maya ay papasok ako sa banyo," mahina niyang sambit sa lalaki. Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili kung bakit iyong puso niya ay para bang baliw na hindi napapakali. "Ano bang nangyayari sa akin?" tanong ng kanyang isipan sa sarili.
-------
Kinagabihan nasa harap na sila ng hapagkainan, sa mansiyong iyon, hindi maaring hindi sumabay ang lahat sa hapunan, hindi niya alam na doon rin pala nakatira ang pinsan ni Christ na si Alberth. Anak sa labas ng tiyuhin ng kanyang asawa.
"Ngayon ko lang nalaman na nadito ka na pala Alberth, from Africa, nakabalik kana pala," wala sa loob ni Christ na nasabi sa pinsan nito. Hindi niya alam ngunit may nadama siyang tensiyon sa pagitan ng dalawa.
"Why? Do I need to tell you, or give you a confirmation?" sarkastikong sagot naman ng lalaki sa asawa niya. Siya naman ay nakayuko lamang at itinutuon ang kanyang paningin sa pagkain niya, kahit na ang totoo ay wala siyang ganang kainin iyon.
"Hayaan mo lang sila Iha, Rona, ganyan kasi magbatian ang magpingsang iyan," ngumiti ng marahan si Mommy Divina. At siya ay napatango na lang at tipid na napangiti sa lahat.
Umikot ang paningin niya at muntik pa siyang mahirinan, at naubo na nga ng tuluyan ng makita niyang nakatitig sa kanya ang lalaking si Alberth. Mabilis namang inilapit ng kasambahay ang pitsel at sinalinan ang basong nasa tabi lamang niya, mabilis niya iyong ininom.
Pagkatapos ng hapunan, hindi niya akalaing lalapitan siya ni Alberth sa living room area, umupo ito sa tabi niya, at ngumiti. "Hi, I've heard na dati kang kasali sa isang banda?"
Tango lamang ang itinumbas niya rito, medyo ilang siya dahil ngayon lang niya nakilala ang pinsang iyon ni Christ. Sinubukan niyang umiwas ngunit nang makita niyang papasok na si Christ sa loob ng sala, hindi na niya nagawang tumayo pa, wala siyang intensiyon, pero nais niyang makita ang magiging hilatsa ng mukha nito.
"Oo, dati nga."
"O, alam mo may bagong tayo kasi akong business, ka-oopen lang ng recording companny ko, at naghahanap talaga ako ng new singers na ilo-launched namin, what if, you tried it?" masayang tanong nito. Ngumiti pa ito ng ubod ng tamis sa kanya, dahilan para maglabasan ang mapuputing ngipin nito at isang dimple sa kaliwang pisngi
"Hindi siya pwede!" naka-cross arms pa na sambit bigla ni Christ. Madilim ang mukha nitong nakatitig ng masama sa kanilang dalawa.
Napapamaang naman siyang tiningnan rin ng masama ang asawa, napasandal siya at nag-cross arms din, "At bakit naman hindi pwede? I will do it, chance ko na ito para makalabas naman ako sa pinagatataguan kong lungga."
"Ano?" mas lalo pang nagdilim ang mukha ng asawa.
"Oo nga naman, its a big opportunity for her?" sabat na salita ni Alberth. Ngunit sa halip na sagutin ang pinsan ay mabilis siya nitong hinawakan sa kanyang palapulsuhan at hinilang patayo. Gulat siya sa ginawang iyon ng asawa, at patuloy pa siya nitong hinatak papunta sa hagdanan upang dalin sa kanilang silid, kahit na nagpupumigla siya ay hindi siya nito binitiwan hanggang sa marating nila ang kanilang kwarto.
"What the hell your doing!" Malakas niyang nasampal si Christ. Nang makarating na sila sa loob ng kanilang kwarto.
"Ito bang gusto mo? P'wes bukas na bukas din ang magpipirmahan tayo ng mga do's and dont natin, habang nasa proseso ang lahat tungkol sa atin!" sambit nito sa kanya.
"Okay! Fine! Iyan ang gusto ko, para masabi ko na rin at magawa ang mga nais ko ng hindi ko na kailangan pang i-considirate pa ang opinyon mo!" Napaupo siya sa kama. At tumitig ng masama sa asawa niyang noon ay nanggigil sa kanya. Hindi niya alam kung sasaktan siya nito, kitang-kita kasi niya ang mga ugat sa mga kamao nito. Kita niyang galit ito ngunit nagpipigil lamang.
"Bukas! Magkita tayo sa hotel, and I will make sure na pagsisihan mo ito!"
"Ako ba ang magsisisi o ikaw?" Tumayo siya at aktong lalabas ng silid nila. "Sasabihin ko na lang ang katotohanan sa Papa mo, at buong pamilyang ito!" Ngunit mabilis na hinabol siya ni Christ.
"Bukas na 'tin ito pag-usapan," mahinahong sambit ng lalaki.
Naguguluhan siya sa damdamin nito, bakit ito nagagalit, at anong kinagagalit nito, basta ang alam niya hindi na siya papayag pang patakbuhin nito ang buong buhay niya.
Siya ang nasaktan, at ito ang may kailangan sa kanya. Mahal niya ito oo, pero kailangan niyang magpakatatag, upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya para sa asawa, kaya naisipan niyang mula sa araw na iyon, itatago na niya ang anumang damdamin niya para sa asawa.
----------
Alas-otso ng umaga nang makarating siya sa hotel na sinabi ni Christ sa kanyan sa isang text message. Ngunit hindi niya sinunod ang gusto nito na huwag magsasama ng ibang tao, sa halip isinama niya si Jaydee, isang abogado, at matagal na rin niyang kaibigan.
Nasa entrance pa lang sila ng restaurant na nasa loob ng hotel, ay nakita na niya ang pagkakunot ng noo nito sa kanya. Naisip na niyang dahil iyon kay Atty. Jaydee na isinama niya para magkaroon ng power of attorney ang anumang papeles na pipirmahan.
"O good morning, kanina pa ba kayo rito ng kabit mo?" sarkastiko niyang bati sa asawa.
"Can you please stop acting like that! Para kang bata!" singhal na naman nito sa kanya.
"Ano bang kinagagalit mo?" sagot niya rito na deretsang umupo na lang sa harap ng table na inukupa ni Christ para sa pag-uusap nila. Niinis siyang sumandal na lang at sinenyasan na lang ang kasamang si Jaydee. Umupo ito sa tabi niya, at inilapag sa table ang hawak na attaché case na hawak.
"At bakit nagsama ka pa ng ibang tao? Hindi ba sabi ko sa iyo, gusto kong confidential ang bagay na pag-uusapan natin," sabi pa nito, na nakakunot at madilim ang mukha na naupo na rin.
"So ako hindi pwede? Pero ikaw kasama mo ang secretary mong makati, mas okay na kasama ko ang lawyer ko, para may laban naman ako sa lahat ng maaring mapag-usapan natin." Taas noo pa siyang muling nag-cross arms at inismiran ang dalawang tao na nasa harapan niya.
"Asaleah is my secretary, dala niya ang lahat ng dokumento---"
"Puwes, magpalit ka ng secretary! At ano siya pa ang nagdemand ng lahat ng mga ilalagay sa contrata na iyan, okay!" Nanlalaki pa ang bumibilog na bibig niya habang sinasabi ang salitang okay. " Jaydee, ano bang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon?" baling niya sa kaibigang lawyer.
"Sa ganyang kondisyon, kinakailangan ng masusing pagbabasa, lalo na at hindi naman pala si Christ ang gumawa ng kontratang iyan," saad ng abogado.
"So what do you mean, dinaya ko o naglagay ako ng pangsarili kong hangaring kondisyon diyan?" si Asaleah naman ang nakataas ang isang kilay na nakatingin din sa abogado.
"Well, ang mga kabit talaga sila pa iyong matapang," sabat niya sa usapan ng mga ito.
"Shup up! Rona, hindi ko akalaing magiging ganito ka na talaga, hindi ka naman ganyang dati, your so inconsidirate now, una hindi mo ako hinahayaang sabihin ang side ko, ngayon naman pinabababa mo ang sarili mo ng ganito sa harap ng lahat," sambit ni Christ.
Napaturo siya sa sarili, at halos hindi makapaniwala, napapabuka ang bibig niya ngunit hindi mailabas ang tinig niya, hindi talaga niya mapaniwalaan ang mga salitang binibitawan nito sa kanya, "A-ako pa talaga ang inconsidirate? Alam mo bang sinasabi mo?" natanong niya.
Hindi nakatiis si Christ at tumayo ito at hinablot ang isang kamay niya, "Halika!" sambit nito sa kanya, sabay hila sa palapulsuhan niya, napatayo naman siya.
"Ano ba!" sambit niya. At si Jaydee ay napatayo na rin upang awatin si Christ.
"Huwag kang makialam! And also ikaw rin Asaleah, mag-uusap lang kami sa pina-book kong silid, maghintay lang , kayo rito," sambit ni Christ ng may pagbabanta.
"Its okay Jaydee, but make sure na binasa mo ang laman ng contract," tanging naihabilin niya sa lawyer niyang kaibigan habang patuloy pang hawak ni Christ ang palapulsohan niya at hinihila pa rin iyon.
"P'wede ba! Bitiwan mo na ako, kaya kong maglakad sa sarili ko!" Pahablot niyang kinuha ang sariling kamay, at naunang naglakad papasok ng elevator. Dala na ni Christ ang susi ng pina-book na room kung saan sila mag-uusap.
Ilang minuto lang at naroon na sila sa loob ng silid, "Maganda ang silid na ito, pina-book mo ba ito para sa atin? O para sa inyo ni Asaleah?" sarkastiko pa rin niyang sambit sa lalaki. Tinapunan naman siya nito ng masamang tingin.
"Alam mo kung ano? Kaya kong gawan ka ng masama rito kung gugustuhin ko, kaya lang hindi ko gagawin, alam mo kung ano, gusto ko lang naman sana maayos tayo e, pero parang wala talaga, gusto mo bang maghiwalay talaga tayo after two years?" seryosong tanong ni Christ sa kanya.
"Bakit ang akala mo ba hindi ko kaya? Akala mo ba ako pa rin iyong taong maghahabol sa iyo?" napapairap niyang sambit sa lalaki.
"Ang sa akin lang kung may chance pa diba?"
"Oo, siguro may chance, alisin mo sa tabi mo ang haliparot mong sekretarya! At baka maayos pa ang relasyong ito," singhal pa rin niya. Nagngingitngit ang kalooban niya sa twing maiisip niya na palagi pa ring magkasama ang dalawa.
"Alam mong hindi pwede Rona, alam mong matagal ko na siyang secretary," sambit nito sa kanya.
"Huwag mo nga akong paandaran, kung ayaw mong gawin ang gusto ko, walang pirmahang magaganap, at ngayon din ay ipaalam ko sa papa at mama mo, ang lahat! At siya nga pala ang bahay na pinagawa mo, ay ipinagbibili ko na, at ang mapagbe-bentahan no'n ay sa akin mapupunta," Iyon lang at nagtangka na siyang tumayo upang umalis.