Chapter 20

HABANG nakahiga sa kama si Monalisa, hindi niya maintindihan ang nadarama bigla na lang siyang kinabahan. Wala naman dahilan upang siya`y kabahan. Tumayo siya lumabas ng kuwarto kailangang niyang uminom ng tubig baka sakaling mawala ang nararamdaman kaba.

Pagkatapos niyang uminom tumunog ang kanyang tinignan kung sino ang tumatawag si Archie ito. Ayaw na sana niyang sagutin ito. Pero naisip niya malalim din ang kanilang pinagsamahan."Hello, Archie."

"Love, I miss you!" bungad nitong sabi.

Expected naman na ni Monalisa ito."Bakit ka napatawag?" walang amor na sagot niya.

"Love, umuwi ka please!"

"Di ba nag usap na tayo, Archie. Hindi na ako babalik pa sa iyo. Uulitin ko tapos na ang lahat sa atin."

"Ganon na ba kadali sa iyo ha, naiwan ako, Monalisa? Meron ka na bang iba?"

Napabuntong-hininga si Monalisa. Maaring tama ang sinabi ni Archie na meron na ba siyang iba. Dahil may nangyari na sa kanila ni Steve. At sinabi pa nito na may uusap silang dalawang pag tapos na ang kinakaharap nitong problema."Wala, Archie," oo wala dahil aalis siya sa poder ni Steve magpapaalam lamang siya rito. Kanina sana kaso may urgent itong pinuntahan. At nakauwi na sana siya sa pamilya sa Laguna.

"Kung wala naman pala, please umuwi ka rito. Pangako hindi na ako gagawa pa ng hindi mo gusto. Nasabi ko naman na ang dahilan kaya nangyari iyon sa amin, Monalisa."

Pero disidido na siyang kumawala kay Archie."Hindi na ako babalik pa sa iyo, Archie, hindi na."

"Kung ganon puwede ba tayong magkita kahit sa huling sandali ha, Monalisa. Bilang pormal break na rin ito."

Kusang tumango si Monalisa. Pagbibigyan niya ito para makapagpaalam ng maayos sa lalaki."Sige, Archie. Sa coffee shop kung saan ka nagtratrabaho tayo magkita."

"Salamat, Monalisa. Sige hihintayin kita roon."

Pagkatapos nilang mag usap. Naisip ni Monalisa tama ba na pumayag siyang makipagkita kay Archie. Baka kung ano ang gawin nito? Napabuntong-hininga muli siya."bahala na," aniya.

Samantala nasa parking lot naman na sina Steve.

As they enter the condominium, Lisa has a peculiar feeling because she has lived here before. This place bears testament to their undying love for one another. Yes, she and Steve are madly in love, and this is their home.

Steve simply glanced at Lisa as they were inside the elevator. In his mind, if only she remembered it. It may reflect on the circumstances surrounding them. Especially here, inside the elevator, they hug and kiss each other.

Paglabas nila sa elevator. hindi na nag doorbell pa si Steve, he open his door house.

Nang marinig ni Monalisa na meron nagbukas sa pinto alam na niya kung sino ito. Mabilis ang naging kilos na pumunta sa sala upang salubungin ang bagong dating na lalaki.”Steve, bakit ang a-" Napahinto siya sa pagsasalita nang makitang may mga kasama ito.

Lumapit si Steve kay Monalisa.”Meron tao na gusto kang makita ka, pasensiya ka na kung inunahan na kita. At hindi ko sinasabi sa iyo ang tungkol dito."

"Anong ibig mong sabihin, Steve?"

”My God, talagang makamukha kayo, Lisa, Hija. Look at her!" aniya ng ginang.

Humarap si Lisa kay Monalisa. At pareho silang natigilan at nagkatitigang. Para silang nananalamin lamang.

Lumapit ang ginang kay Monalisa. At niyakap ito.”My God, kahit ngayon palang kita nakita I know in my heart, that you're my daughter too!"

Naiilang naman si Monalisa sa pagkayakap ng ginang sa kanya. Napatingin siya kay Steve. Nagpapasaklolo ang mukha.

Na get naman ito ni Steve.”Ma, Pa, maupo muna tayo para makapag-usap nang maayos," aniya.

Parang hindi makapaniwala si Larry sa nakikita, talagang pinagbiyak na bunga sina Lisa at Monalisa. At nakadama siya ng kasiyahan sa puso, dahil sa tinging niya hindi maghahabol pa si Steve kay Lisa. Dahil kay Monalisa.

Pumunta naman si Steve sa kusina upang kumuha ng pagsasaluhan nilang maiinom man lang.

Hindi naman mapakali si Monalisa, dahil hindi niya kilala ang mga kaharap, lalo pa't tila kaharap ang sarili kung titingin siya kay Lisa.

”So, sino ang magulang mo? At taga saan sila?" tanong ng ginoo kay Monalisa.

”Sa Laguna po sila nakatira."

”Sa tingin mo ba sila ang tunay mong magulang?"

Napaisip si Monalisa. Sa tingingniya ay hindi, dahil simulat sapol parang hindi anak ang turing nila sa kanya. Pero sila ang namulatan magulang, mula nang siya ay matutong magsalita at makakita. So, para sa kanya sila ang kanyang magulang. ”Oo, naman po.”

Dumating si Steve dala ang mga juice nilagay ito sa center table. At umupo sa tabi ni Monalisa.

Napanatag ang kalooban ni Monalisa dahil nasa tabi na si Steve. Pakiramdam kasi niya ngayon she's safe no one's can bully her pagkasama ito.

”Monalisa, kilala mo si Lisa? I mean meron bang sinabi si Steve about her? "

Umiling si Monalisa, wala naman itong sinasabi sa kanya, maliban na siya ay balo na. Wala nga siyang nakitang picture ng yumaong asawa. Siguro tinago na nito ang lahat ng puwedeng dahilan upang maalala ito.

”Steve, bakit hindi mo sabihin kay Monalisa, kung sino si Lisa, sa buhay mo? " ani ng ginang.

Napatinging si Steve kay Lisa. Parang mahirap ng bigkasin ang salitang asawa para rito.”Mona, si Lisa, my dead wife. Sa akala namin at patay na siya. But she's alive.”

Awtomatikong napatinging si Monalisa kay Steve, siya ay nalilito sa mga sinabi nito.”Ha?" Tangin nasabi niya dahil alam niyang wala siyang karapatan na magtanong kung ano ang nangyari. Kung asawa niya ito. May posibilidad na magkabalikan sila. Naiisip palang niya ito ramdam niya ang pagluksa ng puso.

”Pero ngayon asawa na siya ni Larry, Monalisa." Tinuro pa ni Steve si Larry.

Napatingin si Monalisa kay Larry tumango ito sa kanya bilang pagpapatoto sa sinabi ni Steve.

Sa akala ni Monalisa magulo na ang buhay. Pero mas magulo pa yata ang buhay ni Steve. Naisip niya nang nalasing ito. Ito kaya ang dahilan kung kayat nagpakalasing?

”Gusto kung malaman ang katotohanan tunggol sa iyo, Monalisa. I want to meet your parents in Laguna now, " ani ng ginoo.

”Pupunta po tayo sa Laguna?"

”Yes, I want to know the truth about you, kung kambal ka nga ni Lisa. Impossible naman hindi dahil magkamukha kayo. Kung anak ka namin I will put them in jail!"

Wala imik si Lisa, gusto sana niyang sumabat kaso baka isipin nila na kilalang-kilala niya ang magulang.”Excuse me, I want too drink water, " aniya kahit na meron juice naman sa harapan.

"Ikukuha kita," sabi agad ni Monalisa.

”No thanks, ako na lang nakita ko naman kung saan lumabas si Ste... Steve from the kitchen."

”Sige," kiming tugon ni Monalisa.

Agad na tumayo si Lisa para pumunta ng kusina. When she reach the kitchen. Her mind when back kung paano sila maglambingan ni Steve habang sila ay nagluluto. Andiyang iyong niyayakap, hinahalikan siya sa bawat galaw niya. She knows Steve is a sweet and caring person. And she knows too na hindi na niya madarama pa ito. May pagsisisi ba siya sa isip at puso? Dinama ang dibdib, she think meron pero kunti lamang, dahil ang pagmamahal niya kay Steven ay napunta na kay Larry.

”What are you thinking?" tanong ni Steve na sinundan niya si Lisa. Baka kasi hindi alam kung saan kukuha ng baso at tubig.

Inayos ni Lisa ang mukha kanina may nakaukit na sadness dito. Lumingon siya kay Steve."I'm thinking that, kung saan ako kukuha ng warm water, hindi kasi ako umiinom ng malamig." alibi niya.

”I take for you." Kumuha si Steve sa water dispenser saka inabot kay Lisa."This!"

"Thank you!" Humakbang na siya papalabas ng kusina.

Napasunod ng tinging si Steve kay Lisa. He felt that parang may kakaiba rito. Kanina habang nakatingin siya sa likod nito parang iniisip nito ang mga masasayang moment nila sa kusina. Kung totoo man ang nasa isip, possible bang walang amnesia si Lisa. Hinilot ang sintido kung ano-ano na ang naiisip eh, bumalik na siya sa sala.

”So, let's go in Laguna," sabi ng ginoo.

Sumang-ayon si Steve sa gusto nito. Para malaman nila ang katutuhanan sa pagkatao ni Monalisa.

”Sweetheart, sumakit bigla ang ulo ko," bulong ni Lisa kay Larry. Pero ang totoo ay hindi naman ayaw lang niyang sumama sa Laguna.

”Puwedeng bang hindi na kami sasama sa Laguna, sumakit ang ulo ni Lisa," wika ni Larry.

”Okay, go home para makapagpahinga na siya," ani ng ginang.

Tumayo na sila, para pumunta ng Laguna sina Steve at uuwi naman na si Larry at Lisa.

Makalipas ang ilang oras na biyahe nila nakarating na sila sa Binan Laguna, itinuro ni Monalisa kung saan ang kanilang bahay na nasa highway lamang ito.

Pumarada ang sasakyan ni Steve na Ford-F 150 sa harap ng bahay nila Monalisa kasunod naman ang sasakyan ng mag-asawa na Mercedes Benz. Lahat nang taong nakakakita ay napapahinto at napapatingin sila sa dalawang magarang sasakyan.

”Huh? Sino kaya ang mga iyan?" tanong ng ama ni Monalisa na kagagaling mula sa trabaho.

Parang ayaw naman bumaba ni Monalisa kinakabahan kaya siya.

Ginagap ni Steve ang kamay ni Monalisa."It's okay, I'm here bumaba na tayo!" Nginitian niya ito.

Ngumiti narin si Monalisa at bumaba na sila ganon din ang mag-asawang kasama nila.

”Aba, si Monalisa. Iyan ah, abay bigating na siya yumaman na ba siya?" sabi ng ina ni Monalisa. Hinayaan nilang makalapit ang apat sa kanila.

Nang makalapit na sila.”Oh, Monalisa. Aba mamamanhikan ba sila sa atin. Naku bongga ka ang yaman nila. Pasok. Pasok, maupo kayo." Sabi ng ina ni Monalisa.

Masasabi ni Steve na hindi maganda ang pakikitungo ng nangisnan magulang ni Monalisa sa kanya, walang kaamor-amor ito kung magsalita. You can tell na hindi nila anak si Monalisa.

Naupo sina Steve at Monalisa sa kawayan upuan nakatayo lang naman ang mag-asawa.

”Ma, Pa. Maupo kayo," sabi ni Steve.

Umiling ang ginang at nagsalita na ito.”We're not here too discuss about marriage, narito kami para malaman ang katotohan," sabi ng ginang.

Nagkatinginan ang magulang ni Monalisa.”Anong katotohanan?" tanong ng ama ni Monalisa.

”Hindi na kami magpaligoy-ligoy pa, ang pinunta namin dito ay para malaman kung anak ba ninyo si Monalisa o hindi? I want too hear the truth sa inyo!" Mautoridad na pananalita ng ginoo.

Lumapit ang ina ni Monalisa sa asawa.”Milando, ano ang sasabihin natin sa kanila? Sasabihin ba natin ang totoo?"

”Oo naman ito na siguro ang tamang panahon, Zenny." Lumapit si mang Milando sa mag-asawa. ”Maupo muna kayo."

Napilitan umupo ang mag-asawa."Makikinig kami sa inyong sasabihin," ani ng ginang.

”Kung hindi namin anak si Monalisa, ibig bang sabihin eh, kayo ang magulang niya?" tanong ni mang Milando.

”Yes." tugon naman ng ginang.

"Sigurado kayo?"

”Yes, at hindi namin kailangan pa ang mag pa DNA test dahil meron siyang kakambal si Lisa. So tell us now, kung ano ang alam ninyo?"

Nagkatinginan muli si mang Milando at aling Zenny.

”Oo, hindi namin anak si Monalisa, nong nanganak sa hospital si Zenny tamang nasa Manila kami at sa Saint Luke siya nagsilang. At meron siyang pinsan nurse roon. Unang anak namin si Monalisa na akala namin ay anak namin nga. Mag iisang taon palang noon siya ng isang araw. May tanganggap kaming sulat muna sa pinsan ni Zenny. At sinasabing hindi namin anak si Monalisa. At sinasabi rin sa sulat na namatay ang amin tunay na anak. At gumawa ito nang paraan. Hindi namin alam kung ano ang kanyang ginawa, kinaumagahan meron siyang dalang sanggol na sabi niya anak namin. At ang sabi pa niya Monalisa ang ipapangalan namin sa kanya."

”Nasaan na siya ngayon? I want her to pay what she did. Napakalaking kasalanan ang ginawa niya sa amin!"

"Wala na siya patay na matagal na niyang pinagbayaran ang nagawang mali. Sa atin dahil hindi man lang niya sinabi kung saan niya nilibing ang amin anak."

”Kung ganon ipaubaya na ninyo sa amin si Monalisa."

”Siya ang magdidisyon kung ano ang gusto niya," ani mang Milando.

”Monalisa, what's your decision?"

Umiling si Monalisa, dahil sa totoo lang blanko ang isipan sa nangyayari.

"Kung stay in Steve place muna Monalisa. Dahil siya ang kakilala mo. At alam namin ayaw mo naman sa bahay na umuwi. Pagnakadisyon ka na tell us what is this."

Tumango si Monalisa at sila ay umalis na sa bahay ng kinikilalang magulang. Wala naman masabi ang dalawang matanda. Dahil hindi sila close kay Monalisa mula nong bata pa ito.

Umalis na sila sa Laguna, dumeretso sila sa condo ni Steve. Sa parking lot.

”Monalisa, kung ano ang disisyon mo, tell us o tell to Steve para tawagang kami." Sabj ng ginang.

Tumango naman si Monalisa sa mag-asawa. At nagpaalam na sila.

Walang imik sina Steve at Monalisa habang nasa elevator na sila. Nang pumasok na sila sa loob ng bahay.

Steve suddenly hug her."Okay ka lang ba?" tanong niya.

"Hindi ko alam kung okay ako O, hindi. Steve."

"I understand. Hungry?"

Umiling si Monalisa.

"Good, me too. Pero parang iba ang gusto ko!"

”Huh? Ano?"

”Ikaw!"

"Ha? A... Ako?" Tinuro pa ni Monalisa ang sarili.

”Hmmm, I want you but... Pagod ang pakiramdam ko."

”Paanong hindi ka mapapagod ang haba kaya ng pinaneho mo!"

"Hmmm, kaya nga, eh. Can you give me a massage please." Inunat ang dalawang kamay."Oh, masakit."

”Sige bibigyan kita ng free masahe."

Nakangiting binuhat ni Steve si Monalisa. At dinala sa kuwarto.