Chapter 25
YUKI
Mabilis lumipas ang mga araw, at malapit narin naming makita ang lahat ng mga elemental gems. Walang kahirap-hirap haha! Nang makuha namin ang nature gem ay itinuro nito ang mga dragon kung kaya't mas napadali ang aming trabaho.
Ang air dragon ay nasa pangangalaga ni Pao, ang Ice dragon kay Mav, ang Earth Dragon kay Audrey, Lightning Dragon kay Sai, Water kay Anna at Siyempre Nature kay Zy, at ang mga Elemental Gems ay siyempre nasa pangangalaga ko!
Kung nagtatanong kayo kung saan ang fire Gem and Dragon, pwes pupuntahan pa namin! Kasalukuyan kaming tumatawid ngayon sa isang lupang tulay at sa ilalim nito ang nagbabagang magma.
Nasa gitna na kami ng tulay nang makarinig kami ng pag-crack kaya't napatigil kaming lahat.
"Walaang gagalaw! Even the slightest movement can cause this bridge to collapse!" Babala ni Jack.
Sunod-sunod na paglunok ng laway ang aking ginawa, at halos lahat ng santo, anito, diyos at mga espirito sa Alzora maging sa Greiko ay natawag ko na! Gosh. Baka matusta kaming lahat neto!
Walang gumalawa hanggang sa may dumapong lamok sa ilong ko.
"Shuuu! Alis! Shuu" sabi ko at hibipan ang lamok sa ilong ko pero ang gagang lamok, hindi nagpatinag!
"Shhuuuuu! Peste kang lamok ka!" inis na bulyaw ko hanggang sa di ko na natiis, sinapak ko na ito pero umiwas ito at ang ilong ko ang natamaan kaya napa-padyak ako sa sakit na sinundan ng pagcrack ng kinatatayuan naming tulay.
"Yukiiiiiiiiiiii" sigaw nilang lahat habang nahuhulog pero ako? Nakalipad ako. Thank god! I was about to rescue them pero lumabas na ang kanilang mga dragon at isinakay sila. Pero hindi ko makita si Jack.
"Ho-hoy! Tu-tulu-tulunga n-niyo a-ako!" Nahihirapang sabi nito.
Oh my! Malapit na siyang mahulog!
"Jack!!" Sigaw ko habang lumilipad upang saluin siya dahil tuluyan na siyang nahulog.
But I was too late! Masyado ng mainit para saken ang tumuloy! Baka masunog ang pakpak ko.
Pero ang akala naming mahuhulog ng tuluyan si Jack, hindi pala! He was saved by a dragon... A Fire Dragon!
"Ang fire dragon" sabi naming lahat.
Lumapag na kaming lahat at nagsimulang kausapin ang Fire Dragon which is also the Fire Gem.
"Kung ganoon, ikinalulugod kong ihandog sa'yo ang batong pinangangalagaan ko" sagot ng Fire Dragon at lumitaw sa ere ang Fire Gem na kaagad ko namang kinuha.
At kung nagtatanong kayo kung sino ang pinili ng Fire Dragon, eh sino pa ba? Kundi si Jack.
Huhu ako lang ang walang Dragon! Pero okay lang nasa akin naman ang pitong elemental Gems! Haha.
"Tara magmadali na tahong bumalik ng Paradus para maibigay na natin kay Andromeda ang mga Elemental Gems" sabi ni Jack. Tumango lang kami at nagsimula ng lumipad.
Nang nasa himpapawid na kami ay napansin kong tumindig ang mga balahibo ni Kiyu, senyales na may di magandang mangyayari. Kiyu sensed DANGER! Maging ang mga Dragon ay naging alerto sa paligid.
Pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa maramdaman ko ang napakaraming palasong papunta sa amin!
"Kalaban!" Sigaw ko habang gumagawa ng barrier upang maprotektahan kami sa mga palasong paparating.
Mabuti nalang at mas mabilis akong nakagawa ng barrier dahil kung hindi, baka nagmukha na kaming dartboard nito
"Oh! Magaling magaling! Bwahahaha" sabi ng di kilalang boses at sinundan ng mala-demonyong tawa.
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon pero hindi ko makita.
"SINO KA?! Lumabas ka!!" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong paligid.
"Woah! Ang tapang ah! Hahaha" sabi ng isang boses kasabay nun ay naramdaman ko ang isang nakakapangilabot na kapangyarihan. Sobrang lakas nito!
"Magpakita ka!!" Sigaw ni Jack.
"Looking for me?" Sabi ng isang di kilalang lalaki na ngayo'y nasa harapan namin, may pakpak rin siya gaya ko kaso ang kulay nito ay itim. Unti-unti ko naring nakita ang mga kasamahan niya, ang dami nila at napapalibutan nila kami. Maaari kayang isa rin siyang Arankar?
"Sino ka!!!" Gigil na sabi ni Mav. Nang tingnan ko sila ay kapwa galit ang ekspresyon ng kanilang mga mukha lalong-lalo na si Sai.
"Well I'm Lucas Moniere ang kasalukuyang nangangalaga sa Dark Core, Ang lider ng Wiccan Tribe at ang tatapos sa inyong lahat" he said plainly pero nakakakilabot.
Tiningnan ko siya ng mataman, nasa mid 30's na ang mukha nito, maputi , gwapo. Pero naiinis ako! He's the one who killed my parents and my tribe!
"Ikaw si Lucas?! Ikaw ang pumatay sa mga magulang ko?!!!" Nanggigigil kong sabi.
"Well yes and by the way it's my pleasure to finally meet you Arankar" nakangising sabi nito.
Mabilis akong nakagawa ng fireballs na may airblades at itinapon ko ito sa kaniya. Ngunit naharangan niya ito sa pamamagitan lamang ng pagharang ng hintuturo sabag sabing " Uh-uh! Not so fast my dear!"
Umatake ang isang sorcerer ngunit agad ding binawian ng buhay nang bugahan ng Fire Dragon ng burning magma.
"Ano bang balak mong gawin sa amin?!" Inis na sabi ni Anna.
"I need the Elemental Gems!" Sabi nito ay gumawa ng isang napakalaking blueflame ball at itinapon sa amin. Blue flame? Isang dark magic ang ginamit niya.
Mabilis namang gumawa si Anna ng waterwall na sinuportahan naman ng water dragon niya at nila Mav kung kaya't naharangan ang pag-atake ni Lucas.
Kanina pa ako nag-iipon ng hangin sa mga palad ko, ang ginamit koy ay invisible air. Gumagawa ako ngayon ng Airball sa magkabilang kamay ko na may lamang airblades.
"Give. Me. The. Elemental. Gems!!" Mariing saad nito sabay pakawala ng napakaraming dark spikes.
"El barga" Audrey casted a spell then huge rocks appeared and covered us from the dark spikes.
And as a counter attack,
"Hindi. ko. ibibigay. sayo. ang. Elemental. Gems!" Mariin kong sagot sabay pakawala ng invisible air balls.
Hindi iyon namalayan ng mga kasamahan ni Lucas kung kayat napuruhan ang mga ito. Habang siya naman ay mabilis siyang nakagawa ng barrier upang protektahan ang kaniyang sarili.
"Playing tricks eh?" Nakangising sambit ni Lucas. Ibinuka niya ang kaniyang mga pakpak at unti-unting may lumalabas na itim na enerhiya na pumalibot sa kanya.
Nabahala naman kami dahil sobrang lakas ng Magoi na nanggagaling sa kaniya.
"Anong gagawin natin?" Natatarantang sambit ni Anna.
"Use the Elemental Gems Yuki" sabi ng Nature Dragon.
"Paano?" Natataranta kong tanong dahil ramdam ko na ngayon ang lalong lumalakas na Magoi ni Lucas.
"Humiling ka, o utusan mo ang mga ito, iyon lang" sabi ng nature Dragon.
"Die!!" Sigaw ni Lucas at bumulusok ang napakaraming dark blades, dark spikes and dark energy balls sa aming kinaroroonan.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at humiling na...
"Elemental Gems, dalhin mo kami sa Paradus Academy ngayon din" yun langang sinabi ko at nabalutan na kami ng nakakasilaw na liwanag na sinundan ng isang malakas na pwersang tila hinihigop ang aming katawan.
***
YUKI
Bigla nalang kaming iniluwa ng isang portal sa harap ng isang gate. Isang napaka-pamilyar na gate. Ang gate ng Paradus Academy!
"Sa wakaaaas! We're Hooooome!" Sabi ni Zyline at patakbong pumasok ng gate.
Napangiti nalang kami sa tinuran niya. Nakangiti kaming naglalakad papasok ng Academy baon ang magandang balita nang..
"Aaaaaahhhhhhhhh!" Sigaw ni Zy kaya nataranta kami at agad siyang pinuntahan.
Nang makita namin siya ay naluluha siya habang may itinuturo. Sinundan namin iyon ng tingin at halos mapasigaw rin kami sa takot at gulat. Paano ba naman kasi may tatlong estudyante ang nakasabit sa mismong second gate ng Academy, hindi lang iyon ang kalunos-lunos na nakita namin.. Ang academy... Sirang-sira, may nabuwal na mga puno, sirang buildings, at may ilang estudyanteng nakakalat sa buong academy, duguan at ang ilan hindi na makilala dahil nasunog ang kanilang mga katawan.
"What happened here?!" Nanlalaking tanong ni Jack nang makita ang kabuuan ng academy.
Bigla namang pumasok sa aking isipan sila Lola!
"Sina Headmaster!" Sabay naming naibulalas at mabilis pa sa kidlat na nagtungo sa opisina ni Bubwit.
Napapapikit nalang ako, dahil di ko magawang tingnan ang lagay ng mga estudyante mapa Commoners o Elites man. Nang mapadaan ako sa may corridor papuntang girl's dormitory ay may nakita akong babaeng nakadapa at humihinga pa kaya agad ko iyong pinuntahan.
"Yuki saan ka pupunta?" Tanong ni Anna pero di ko nalang siya pinansin.
Inilagay ko muna si Kiyu sa sahig ag inakay ko ang babae at sinubukang pagalingin.
"Haelien" sabi ko pero hindi parin siya gumagaling. Maya-maya pa'y idinilat nito ang kaniyang mata at di ko mapigilang mapangiti.
"Um-uma-take si-sila" sabi nito.
"Sino ang umatake?" Tanong ko.
"Ang Wi-wiccan T-tribe" sabi nito bago tuluyang ipinikit ang mata at nang echeck ko ang pulso niya, wala na ito. Tuluyan na siyang binawian ng buhay. Nakaramdam ako ng matinding inis, bakit ba kasi kailangan pang magaway-away?! Bakit kailangan pang may mamatay!
Inilapag ko ang babae at inayos ang kaniyang pagkakalatay bago ako tuluyang umalis upang hanapin sila Lola.
.
.
.
.
Hinalughog na namin ang lahat ng sulok ng Academyang ito ngunit wala kaming nakita. Wala sila lola at maging ang ilang mga estudyante ng Paradus Academy! Nagsimula na akong kabahan, hindi maaari! Huwag naman sana. Sana hindi pa sila patay, hindi ko iyon makakaya.
Dumating narin sina Mav at Anna na pumunta sa bayan upang tingnan kung may tao rin ba doon.
"Wala kaming nakitang mamamayan ng Alzora, walang katao-tao doon" sabi ni Anna, makikita mo sa kaniyang mata ang magkahalong inis at pag-aalala.
"Nasaan na ang mga tao?! Bakit wala sila!!!" Naiinis na sabi ni Pao habang nakayuko at ginulo ang buhok.
"Pao relax kai---" putol na sabi ni Zy.
"Relax?! Oh c'mon Zy! Hindi ko na iyon magagawa ngayon! Look around you.. Do you think makakapag-relax ka?!!" Napataas yata ang boses ni Pao. Nagulat naman kami dun, it's his first time to shout.
"Look, im sorry.. It's just nag-aalala lang ako" sabi nito at di napigilan ang pagtakas ng butil ng luha sa kaniyang mata.
"Let's go, walang mangyahari kung pipirmi lang tayo rito" sabi ni Jack. Tumango lang kami.
They summoned their dragons habang ako ay inilabas ko ang pakpak ko at nagsimula na kaming lumipad. Hindi ko napigilang mapaiyak. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, poot, galit, pag-aalala at pagkainis. Niyakap ko nalang si Kiyu upang maibsan ang aking nararamdaman.
Nang matingnan ko ang kabuuan ng academy at bayan sa himpapawid ay di ko talaga mapigilang manlumo, ang dating mala-paraisong ganda nito ay wala na at ang dating masiglang mundo ng Alzora ay napalitan ng kalungkutan.
Lipad lang kami nang lipad, nagbabakasakaling may mahanap na kahit isang nilalang ngunit wala talaga. Pero nang mapagawi ang tingin ko sa may gubat malapit sa Academy ay tila ba may humihilang pwersa sa akin papunta doon.
Kaya napagpasiyahan kong puntahan ang lugar na iyon, sinenyasan ko silang sumunod sa akin.
Nang tuluyan na kaming makalapag ay may naramdaman akong Magoi sa paligid kung kaya't hinanap ko ito at natagpuan ko ang aking sarili sa harap ng isang kweba, tinawag ko silang pito.
"Guys, May nararamdaman akong Magoi sa lolb ng kwebang iyan" sabi ko sabay turo sa bukana ng kweba.
"How sure are you?" Tanong ni Sai na ngayon lang ata nagsalita simula kanina.
"I'm 99. 99% sure" sagot ko at sinimulamg tahakin ang daan papasok ng kweba. Sumunod naman ang mga kasamahan ko ng walang pag-aalinlangan.
Pagkapasok ko sa kweba ay ramdam ko ang hiwagang bumabalot rito. This place is one of the most magical places I've ever been. Mga kristal na nagliliwanag sa bawat sulok ng kweba, mga malilit na gintong insektong nagsasaboy ng gold dusts. Hindi ko mapigilang mamangha.
Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig sa unahan kung kaya't mabilis ko itong pinuntahan. Sumunod lang sila sa akin. Nang marating ko ang dulo ng kweba ay tumambad sa akin ang isang lugar na sa tingin ko ay isang natatagong paraiso.
Mala-kristal na tubig ang umaagos sa maliit na talon patungo sa lawang umiilaw. Oo umiilaw dahil sa mga ginintuang isdang lumalangoy rito. May mga luminous mushrooms at paro-paro rin sa paligid.
"Wow!" Sambit naming walo na di mapigilan ang pagka-mangha.
"Ang ganda!" Sabi ni Zy at pumunta sa lawa at inihilamos ang tubig galing rito. "Ang.. Ang.. Ang tamis ng tubiiiggg kyaaah" sabi niya at ininom ang tubig.
Na-curios naman kami kaya tinikman din nami at oo nga ang tamis! Uminom pa kami, parang mga batang ignorante.
"Matamis ba ang tubig mga bata?" Nagulantang kami sa aming narinig na boses sa likod namin kung kaya't napag-pasiyahan naming lingubin ito..
"Andromeda?" Bulalas ko nang makilala ang babaeng nagsalita. Marahil sa kaniya ang Magoi na naramdaman ko kanina.
Tuluyan na siyang nagpakita at nang matamaan ng liwanag ang kaniyang katawan ay nakita ko ang mga sugat at pasa niya, sira-sira narin ang suot niyang puting bistida na ngayo'y may bakas ng dugo at dumi.
"Oh my god! Anong nangyari sayo?!" Tanong ni Anna.
Sinenyasan niya kami na umupo muna, kung kaya't umupo kami upang makapag-simula na siya.
"Kani-kanina lang, napag-alaman naming may traydor sa Academya" panimula nito.
"ANO?!" Saad ni Sai. Bakas ang pagkagulat niya. Bakit kaya?
"O. A lang Sai? Sige Andromeda magpatuloy ka" sabi ni Audrey.
"Kanina'y nalaman naming traydor si Rita pero huli na, umatake na ang Wiccan Tribe sa pamumuno ng lalaking nagnga-ngalang Gin na may ancient magic. Wala kaming nagawa dahil kakaiba ang kaniyang kapangyarihan. Naroon rin ang ilang mga rebeldeng Mages at Casters at Slayers na sinamahan pa ng mga malalakas na Sorcerers at sorceresses. Itinakas namin nila Magrett ang ilang mga estudyanteng nailigtas namin at ang ilang mamamayan, ngunit sa kasagsagan ng aming paglilikas ay tinambangan kami ng mga kalaban kung kaya't nahuli ang ilang sibilyan maging si Magrett, Manuel, Mathew at Helen, ngunit dahil sa kakayahan kong maglaho ay nagawa kong makatakas at ipagpatuloy ang paglikas sa mga mamamayan" mahabang kwento nito.
"What?! How come ?!!! Kailangan na nating magmadali iligtas natin sila!" Natatarantang sabi ni Jack. Naiintindihan ko siya, 'yon din ang gusto kong sabihin inunahan niya lang ako.
"Huminahon ka ginoo, sa tingin mo ba matatalo mo ang mga kalaban sa ganyang kalagayan?" Tanong ni Andromeda kung kaya't natahimik si Jack. Maging kami ay napaisip sa sinabi niya.
"Paano natin sila lalabanan kung kulang tayo sa tao? Paano natin maiipigtas ang mamamayan ng Alzora ? Ha! Paano?!" Naluluhang sabi ni Audrey.
Tama siya, paano namin lalabanan ang Wiccan Tribe?
"Sa pamamagitan ng pagsagawa ng Claiming Ceremony ni Yuki at ang paghingi ng tulong sa Ancient Tribe" sabi ni Andromeda.
Ancient Tribe? Mukhang narinig ko na iyon. Pero wala pa akong nakikitang isang Alzoriang miyembro ng Ancient tribe. At yung claiming na sinasabi ni Andromeda handa na ako at handa narin akong gawin ang lahat mapangalagaan lang ang Alzora.
"Kailan at Saan natin isasagawa ang claiming?" Desidido kong tanong.
"Sa Anszien Mountain, ang lugar na kasalukuyang pinaglikasan ko sa mga mamamayan ng Alzora at ang lugar na tinitirhan ng Ancient Tribe"