Chapter 23
Parang isang karera ang aming ginagawa ngayon, kami ng mga kaibigan ko sakay ng Flienros at ang mga kalabang sorcerers sakay ng mga Krawa- isang halimaw na may pakpak ng paniki at katawan ng itim na lobo, kinatatakutan ito dahil kumakain ito ng laman ng tao.
Iwas kami ng iwas sa mga binabato nilang dark energy balls, hindi namin magawang mag-counter attack dahil napakarami ng bilang ng mga kalaban. Kanina pa kami naghahabulan, naaawa na ako sa mga Flienros .
At dahil hindi ko na matiis, nakakapagod ng umiwas! Inilagay ko si Kiyu sa likod ng Flienros pati ang bag na dala ko. Inilabas ko ang pakpak ko at hinarap ang mga pesteng kanina pa sumusunod sa amin.
"Yuki! Nahihibang kana ba?!" Bulyaa ni Anna.
"I'll stop them! I'll buy you time. Bilis lumapag na kayo. Huwag na kayong lumipad dahil makikita kayo ng mga kalaban!" Sabi ko habang tinitira ng fireballs ang mga kalaban.
Tumango silang lahat, napansin ko si Kiyu na unti-unting lumalaki, marahil naramdaman niyang nasa panganib ang buhay ko. Muli itong bumalik sa pagiging isang malaking Fluxe na may 12 buntot at sumugod narin ito sa mga kalaban.
Susunod sana ang ilang mga kalaban ngunit hinarangan ko ito.
"Saan kayo pupunta? Ako ang harapin ninyo!" Sabi ko at tinira sila ng ice spikes. Natamaan ang ilan at naging yelo.
Muling dumami ang bilang ng mga kalaban, parang hindi sila nababawasan! Pumaitaas ako at ikinumpas ang kamay ko. Maya-maya pa'y may namuong makapal na itim na ulap sa kalangitan at bumulusok mula rito ang mga lightning bolts na tumusta sa ilang kalaban.
Naagaw ang atensyon ko nang humiyaw si Kiyu. Nang tingnan ko siya ay lalo akong nagalit sa mga kalaban. Natamaan si Kiyu ng dark energy ball, ngayo'y kasalukuyang bumabagsak. Nawalan ito ng malay.
Mabilis pa sa kidlat akong lumipad upang masalo si Kiyu. Nakita kong nagdurugo ang may bandang tiyan niya.
Magbabayad kayong mga peste kayo! Inilagay ko si Kiyu sa may ugat ng puno at lumipad muli upang harapin ang mga kalaban.
Binalot ko ang sarili ko ng lahat ng elementong taglay ko, naramdaman ko ang pagbalot sa akin ng mga metal, suot-suot ko na ngayon ang pinakaunang armor na nagamit ko. Itl yung ginamit ko sa laban namin nila Jane.
Inipon ko sa aking magkabilang palad ang bola ng Apoy at sa kabila naman ay lupa. Itinaas ko ang kamay ko sa ere at pinag-isa ito. Kasinlaki ito ng gulong ng 10 wheelers truck. Nang makarating ito sa kumpol ng kalaban ay sumabog ito at kumawala ang malilit na fireballs at earth spikes.
Tinira ako ng mga kalaban ng napakaraming dark blades pero madali ko itong naiiwasan. At dahil sa inis na inis na inis na talaga ako sa mga pesteng ito ay ikinumpas ko ang kamay ko sa hangin, kinokontrol ko ngayon ang hangin hanggang sa makabuo ako ng napakaraming tornado na hinaluan ko pa ng lightning bolts.
Naging abala ang mga kalaban sa pagkontra ng atake ko kaya't sinamantala ko ito upang tumakas. Mabilis kong kinuha si Kiyu na ngayoy naghilom na ang sugat at hinanap sila Anna.
Ilang minuto rin akong naghanap at natagpuan ko sila sa may batis kumakain. Nagutom naman ako dahil ang daming prutas ang nakahain sa harap nila. Binilisan ko ang paglipad at lumapag sa harap nila mismo at mabilis pa sa kisapmata kong kinuha ang mansanas at kinain. Inilapag ko muna si Kiyu upang makapag-concentrate ako sa pagkain.
"Kamusta ang laban?" Tanong ni Audrey habang busy sa pagkain ng ubas.
"Eh kung iumpog ko kaya ang mga mukha niyo dyan? Hindi man lang kayo bumalik upang tulungan ako!" Reklamo ko.
"Assus! Kaya mo na yon! Ikaw pa!" Sabi ni Pao.
"Hoy Bff! Appreciate the view naman! Di puro kain ka lang!" Sabi ni Zy na ngayoy may hawak hawak na pink rabbit.
Inilobot ko ang paningin ko sa buong paligid at isa lang ang masasabi ko! Ang ganda. Malinaw na batis at kitang-kita mo ang mga isdang malayang lumalangoy, malawak na damuhan na tinubuan rin ng mga ligaw na bulaklak, mga hayop na malayang namumuhay. This place is so peaceful!
Not until...
Nakarinig kami ng malakas na pagsabog na nasundan pa ng isa hanggang sa parami na ito ng parami. Nagsiliparan papalo ang mga ibon, habang nagsitakbuhan naman ang mga hayop palayo, maging ang mga Flienros ay umalis. Naging alerto kaming walo dahil tila hindi pa tumitigil ang mga kalaban sa pagsunod sa amin.
At hindi nga kami nagkamali, nasundan kami ng mga ugok na sorcerers na nakasuot ng itimm itim lahat. Bakit ba ang mga kalaban ay itim ang suot, di ba pwedeng pink?
Pinalabas nila Anna, Zy, Paoz Mav, ang kanilang elemento habang kina Sai at Audrey ang kanilang wand at kay Jack ang kaniyang espada na hindi ko alam saan niya tinatago.
Nagsimula na kaming umatake, naghiwa-hiwalay kami upang mas madali naming mapuksa ang mga kalaban.
Gumawa ako ng napakaraming earth pins na binalutan ko ng apoy at isa-isa kong tinira ang mga kalaban, hindi pa ako nakontento, gumawa pa ako ng wind blades na hinaluan ko ng kidlat at pinakawalan ito. Tanging mga pagsabog at hiyaw lamang ng mga kalaban ang maririnig sa mala-paraisong lugar na ito na ngayo'y sirang-sira na.
Kinontrol ko ang tubig sa batis at idinerekta ko ito sa mga kalabanz sinadya ko talaga silang basain. Gumawa ako ng isang lightning ball at itinapon ito sa gawi nila. At dahil basa sila, ayun! Kilig to the bones ang pangingisay nila.
Nababawasan ang mga bilang mg mga kalaban pero may dumarating! Bakit hindi sila nauubos?! Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga sugatan kong kasama.
'Haelien' sabi ko at kusang gumaling ang knailangga sugat at bumalik ang kanilang mga lakas.
Gagawa sana ako ng isang napakalaking ipo-ipo ng biglang sumigaw si Zy.
"HAAAAAA!" At nabalutan ito ng nerdeng liwanag na nagmumula sa mga puno't halaman.
"You'll pay for this! Pagbabayaran niyo ang pagsira niyo sa paraisong ito!" Dagdag nito at naramdaman ko ang tindi ng kapangyarihang nanggagaling kay Zy.
"Nature's Gift!" Sigaw nito sabay kumpas ng kaniyang kamay sa paikot na mosyon. Maya-maya pa'y lumitaw ang napakaraming mga ugat at baging na pumulupot sa mga kalaban.
Hindi pa siya nakontento at itinaas pa niya ang kamay niya at gumawa ng napakaraming malalaking tinik at tinira ang mga kalaban gamit ito dahilan upang malagutan ng hininga ang mga natamaang kalaban.
Tumigil sa pakikipaglaban sila Anna, Audrey, Mav, Pao, Jack, Sai and me, dahil mukhang kayang-kaya na ni Zy na tapusin ang mga ugok na 'yon.
"Carnivine!" Sigaw ni Zy at lumitaw sa field ang napakaraming mga Carnive- mga halamang kumakain ng tao.
Oh no! Wag ming sabihing ... Ipapakain niya ang mga sorcerer sa mga alaga niya.
Hindi nga ako nagkamali, ipinakain niya sa mga alaga niya ang mga nangahas. Napansin kong hindi parin nauubos ang mga kalaban kaya't aatake na sana kaming lahat ng maagaw ang aming atensyon ng isang malambing na boses.
"Tama na iyan" mahinahong sabi nito at sinundan namin ng tingin ang pinanggagalingan ng boses.
And as we saw the owner of that voice, our jaw dropped literally.
"Nature dragon" we said in chorus. Isang dragong kasinlaki ng dalawang palapag na gusali ang aming nakita, kulay green ang kabuuan nito. Balak pa sana naming atakihin ang kalaban but the Nature Dragon growled kasabay ng paglabas ng napakaraming huge thorns na kumitil sa buhay ng lahat ng kalaban.
Nakahinga kami ng maluwag nang tuluyan ng mawala ang mga kalaban.
"Sino kayo?" Tanong muli ng dragon sa amin.
"Kami ang inatasang mangolekta ng pitong elemental Gems na nasa pangangalaga ninyong mga dragon" sagot ni Jack.
"Patunayan niyong kayo nga, dahil marami ng nagtakang kunin ang pinangangalagaan kong Bato" sabi nito.
"So ibig mong sabihin marami na ang nakarating rito??" ganong ni Anna.
"Oo, at lahat sila ay hindi na nakabalik pang buhay" sagot ng dragon. Napalunok naman kaming lahat dahil dun.
"Wait, nasa Derkesthai naba talaga kami? Ang tirahan ng pitong sinaunang dragon?" 'di makapaniwalang saad ni Mav.
"Oo, naririto na kayo sa aming teritoryo kaya kailangan niyong patunayang karapat-dapat kayong mangalaga sa pitong makapangyarihang bato"
"Sa paanong paraan?" Tanong ko. Ano na naman kaya ang gagawin namin.
"Pailawin ninyo ang batong nasa noo ko, at kapag nagawa niyo iyon, ibibigay ko sa inyo ang bato ng kalikasan, bibigyan ko lamang kayo ng isang pagkakataon bawat isa. Labat pwede niyong gawin, maliban sa paggamit ng mahika"
Tumango kami at nagsimula ng pailawin ang batong nasa noo ng dragon. Naunang sumubok si Anna sa pamamagitan ng paghimas sa noo ng dragon ngunit waepek!
Sumunod si Pao at sumayaw-sayaw ng parang abnoy kaya mas lalong wa epek! Natawa nalang kami sa ginawa niya.
Sumunod si Sai at hinalikan ang bato sa noo ng dragon, pero wala parin.
"Yucks ka Sai! Sa tingin mo iilaw yan?! Bulyaw ni Audrey. Ngumisi lang si Sai.
Napapansin kong madalas tahimik ngayon si Sai, malayo sa Sai na nakilala ko. May problema kaya siya? Tatanungin ko siya after ng mission.
Sumunod si Mav " open sesame! Abra kadabra!" Sigaw nito pero wa epek parin!
Teka, wait, sandali.. May naaalala ako. Nung time na binabasa ko ang Book of History and Spells nabasa ko dun ang spell na kayang palitawin ang Nature Gem at maging ang iba pang Elemental Gems, pero nakalimutan ko kung ano 'yon .. Arghh kainis! I should often read that book.
Sumunod naman si Audrey "oh powerful gem of nature come to mama! Oh ha! Oh ha!" Sabi nito with matching sayaw-sayaw pa. Yung parang nagtwe-twerk! Haha. Natawa naman kaming lahat.
Sumunod si Zy na malalim na nag-iisip, kung ano ang gagawin. Pero halos lumuwa ang mata ko kakatawa ng bigla niyang sinabing "BULAGA! BWAAAA!" mukhang nagulat ang dragon kaya pinuluputan niya ng baging si Zy at ibinitin patiwarik.
Sumunod naman si Jack.. Tila may alam na kung paano papailawin ang bato. Nang biglang "haaaa!" Hampasin niya ng espada niyang naglalagablab ang noo ng dragon kaya ang ending..
Pinuluputan rin siya ng baging at iginapos patiwarik sa puno. Sigaw lang sila ng sigaw ni Zy.
"Ngayon, ikaw nalang ang natitira. Kapg hindi mo pa napailaw ang bato, mapipilitan akong tapusin ang buhay ninyo" sabi ng Dragon. Kinabahan naman ako dun.
" Ahhh!" Sigaw ng mga kasama ko ng puluputan sila ng mga baging.
Nataranta na ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!
"Magmadali ka babae"
"Oo na ! Wait lang okay?" Sabi kk at nameywang habang nakalagay ang hintuturo ko sa ulo ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas! Naalala ko na!
"Aha! Waiitttttt.. Hetoo naaaa. Somna gemme el natus! " sigaw ko at napansing unti-unting lumiwanag ang noo ng dragon at maya-maya pay lumitaw na ang Nature Gem.
"Magaling, isa ka bang Arankar binibini?" Malambing na tanong ng Dragon kaya tumango ako.
"Kung ganoon, may makakatalo na pala sa sakim na si Lucas, akala ko siya nalang ang natitira sa inyong lahi" sabi nito na nagpagulo sa aking isip.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.
"May isa pang Arankar Maliban sa iyo ang nabubuhay sa kasalukuyan. Siya ang pinuno ng Wiccan Tribe at ang tagapangalaga ng Dark Core" sabi nito.
"Sino naman iyan?"
"Siya si Lucas ang kumitil sa buhay ng lahat ng mga Arankar dahil sa kasakiman niya at pagkaganid sa kapangyarihan" sagot nito.
Kumulo naman ang dugo ko ng marinig ko ulit ang pangalan niya! Bwisit sino ka ba talaga Lucas? Bakit ang sama-sama mo?!
"Bakit nga pala nasa iyo ang Nature Gem?" Tanong ko sa dragon.
" Dahil isa ako sa bumubuo ng Alzorian Core, ako ang Nature Gem" sagot nito na nagpagulong muli sa isip ko
"Pakilinaw nga" request ko.
"Ako ang Nature Gem, nilikha ko ang dragong nasa harap mo upang pangalagaan ang Nature Gem" sabi nitk at tumnago nalang ako kahit hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga sinabi niya.
"Paano ang ibang dragon ? Ganun rin ba ang ginawa nila? Sila rin ba ang mga Elemental Gems?" Tanong ko.
Tumango lamang ang dragon at tiningnan ang mga kasamahan kong nakapulupot at maya-maya pay nakawala na ang mga ito.
"Aray yung ulo ko!" Sigaw ni Zy nang mauna ang ulo niya nung bumagsak siya.
Nagtawanan ulit kami na parang wala lang nangyari.
"Ngayon, kailangan ko nalang pumili ng karapat-dapat na amo upang aking pangalagaan" sabi ng dragon na nagpa-excite sa aming lahat.
Tiningnan ng dragon ang mga kasamahan ko, sinusuri na tila ba'y binabasa ang isip nito. Napansin kong napalunok ang mga kasamahan ko kaya lihim akong napangiti. Akala siguro nila kakainin sila.
"Nakapili na ako, dahil sa aking nasaksihan kanina, na kayang gawin ang lahat mapangalagaan lang ang kaniyang mga kaibigan, at ang kalikasan" pabiting sabi nito.
"Ikaw ang napili ko" sabi ng dragon at nag-anyong berdeng liwanag at pumasok sa katawan ni..
"Zyline"