Chapter 22

YUKI

Mabilis na lumipas ang isang araw at ngayon na ang araw ng aming paglalakbay, dala-dala ko ngayon ang isang bag nay may lamang mga damit na kailangan ko lang at siyempre si Kiyu. nakasuot ako ng loose shirt na kulay gray at pantalon na itim habang isang itim na sapatos naman ang ipinares ko, nagsuot rin ako ng sumbrerong puti bilang panangga sa init ng araw.

Napagpasiyahan naming magkita-kita sa bukana ng tulay na nagkokonekta sa Paradus Academy at Bayan ng Alzora. Magkasama kami nila Anna at Zy papunta doon.

Nadatnan namin sila Mav, Aud, Pao, Sai at Jack kasama sila Lola, bubwit, Ma'am Helen , Ma'am Rita at Sir Manuel at Andromeda.

"Oh andito na pala kayong lahat, sige na kailangan niyo ng magsimula dahil malayo-layo pa ang inyong lalakbayin" sabi ni Andromeda.

Tumango nalang kami, nagpaalam na kami sa kanila.

"Lola, bye na po! " sabi ko rito at niyakap ito ng pagkahigpit-higpit. Matagal ko na rin kasing di nayayakap si Lola.

At nang matapos na ang pagpapaalam ay nagsimula na kaming maglakad, Oo! Maglalakad lang kami dahil hindi raw kaya ng flaschen ang maglakbay. Haay ang malas naman!

"Saan pala ang unang destinasyon natin?"tanong ko kina Mav na kasalukuyang tinitingnan ang mapang ibinigay sa amin ni Andromeda.

Alangan namang walang kaming guide diba?! Edi para kaming tanga kung maghahanap kami ng walang dalang Mapa.

" Sa Flienros Lair " sagot ni Mav habang tinitingnan parin ang mapa.

"Ha flien ano?!" Tanong kong muli.

"Flienros Lair, matatagpuan sa lugar na ito ang mga nilalang na gagamitin natin sa ating paglalakbay. Dahil hindi natin magagawang mahanap ang pitong elemental Gems sa loob ng tatlong linggo" sagot ni Mav at itinago na ang mapa sa bag niya.

"Wow! Brilliant idea Mav!" Sabi ko habang pumapalakpak pa na parang bata.

"Tss, he's not brilliant, you're just stupid!" Sabi ni Jack na ikinasira ng mood ko.

"Hoy magtigil kang apoy ka! Hindi ako bobo, kasalanan ko bang ignorante ako ha?!" Bulyaw ko rito.

"Hoy! Magsitigil nga kayo para kayong bata!" Sabi ni Anna at tumigil naman kami ni Jack.

"Okay , let's go!" Masiglang sabi ni Pao at nagsimula ng maglakad.

May naisip naman akong very bright ideya! Haha. Bakit ba di ko naisip yun agad? Ibinigay ko muna kay Anna si Kiyu dahil may gagawin ako, hihi.

Inilabas ko ang pakpak ko at napagpasiyahan kong LUMIPAD! so brilliant tologo Yuki bwahahaha.

"Yeeey! Ang saya. Im free haha" sigaw ko habang lumilipad sa ere.

"Hoy ang daya mong bruha ka!" Nakangusong sabi ni Anna. Binelatan ko lang ito.

Lipad lang ako nang lipad, ineenjoy ang ganitong pakiramdam. Ngayon ko lang kasi mas nafeel ang pagkakaroon ng mga pakpak. Noong mga nakaraang araw kasi ay nagagamit ko lang ito sa pakikipaglaban, pero ngayon? Im free. Weeeeiiii!

"Hoy bruha! Mababangga ka!" Sigaw ni Anna kaya napabalik ako sa realidad at nakita ko ang isang malaking puno, iiwas sana ako but it was too late.

"Araaaayyy!" Daing ko nang mabunggo ako sa kahoy at nawalan ng kontrol at tuluyan ng bumagsak. Itinukod ko ang mga paa ko pero isa iyong malaking pagkakamali!

"Ouch!" daing kong muli nang tila nabali ang kanang paa ko!

Tumakbo papunta sa akin sila Anna habang ako? Nakaupo lang habang hawak ang paa ko. Itinago ko ng muli ang mga pakpak ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Mav.

"Gaga ka ba? Kita mo na ngang masalit yung paa ko, tatanungin mo pa ako kung ayos lang ako?!" bulyaw ko kay Mav.

"Woah easy! Haha. Red days feels" nakangising sabi ni Mav. I just rolled my eyes to him.

"Kaya mo bang tumayo bff?" Tanong ni Zy. Tumango ako at sinubukang tumayo pero na-out of balance ako kaya napaupo akong muli.

"Come, I'll give you a ride" sabi ni Jack. Parang may ibang meaning yung sinabi niya ah! Oh my! Green mind umalis ka.

"Ayoko nga! Ayokong magka-utang na loob sayo no!" Sabi ko rito.

"Bahala ka" sabi nito at tiningnan ang mga kasama namin at nagsktanguan naman sila, tila alam ang pinapahiwatig ni Jack.

Nagsimula na silang maglakad, Ay ganun? Iiwan nila ako? Hindi pwede.

"Hoy! Wag niyo akong iwan! Guys!!!!" Sigaw ko. Lumingon naman si Jack sabay sabing..

"Sabi mo ayaw mong magkaroon ng utang na loob sa akin, pwes sumunod ka nalang kung maayos na ang lagay mo" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagsimula na siyang maglakad ulit.

Hala! Seryoso talaga sila na iwan ako kaya ..

"Hoy Apoy! Papayag na ako! Huwag niyo lang akong iwan dito!" Sabi ko.

Lumingon naman si Jack ng nakangisi at tila may hinihintay sa sabihin ko. Nakuha ko naman ang ibig niyang ipahiwatig. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago tiningnan siya sa mata sabay sabing...

"Fine... Help me please? Pwede ba kitang sakyan?" Sincere kong tanong sa kanya.

"Hoy Yuki maghunos-dili ka nga! Ang manyak mo ah!" Sabi ni Audrey.

Na-gets ko naman ang sinabi ni Audrey kaya nahiya ako.

"Hehe, let me rephrase it, Pwede ko bang sakyan ang likod mo?" Tanong ko kay Jack.

Ngumisi ito ay maya-maya pay lumuhod ito at tumalikod sa akin, he tapped his back and said "halikana, sampa na!"

Paika-ika akong tumayo at sumampa sa likod ni Jack. Tumayo na ito at nagsimulang maglakad sa mapunong daang aming tinatahak.

"Ang bigat mo naman!" Reklamo nito.

"Hoy ! Hindi ako mabigat.. It's just you're weak kaya nabibigatan ka sa akin" sabi ko rito.

Tumawa lang ito at tumigil sa pang-aasar sa akin, siguro nagco-concentrate sa daan, baka madapa kami mahirap na.

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa paligid. Matataas at matatabang kahoy na may iba't-ibang kulay ng dahol, may pula, pink, yellow, green, puti at asul, may mga paru-paro ring habang lumilipad sa ibabaw ng mga nag-gagandahang bulaklak ay nagsasaboy ng makukulay na dust. Napakaganda ng scenario, it's so relaxing. Nakita ko ring nag-eenjoy sila Anna sa paligid.

Napagpasiyahan kong kausapin si Jack dahil ayoko talagang ma-bored.

"Jack, uhmm, thanks pala" sabi ko habang idiniin ang mukha ko sa likod niya.

"Hmmmm?"

"Thanks sa pagkarga saken, for the second time" sabi ko.

" No probs! Ikaw pa" sabi nito.

"Salamat talaga, kahit palagi kitang sinisigawan tinulungan mo parin ako" sabi ko, naramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.. Tinamaan ng ako ng antok.

"Eh sa inaasar kasi kita kaya moko nasisigawan, okay lang I understand haha!" Sabi nito ay bahagyang tumawa.

"Haaaay, bakit mo nga ba ako inaasar?" Mahinang sabi ko bago ko ipikit ang mga mata ko.

Ilang sandali pa ang lumipas pero wala akong nakuhang response mula sa kanya.

Unti-unti ng nawala ang kamalayan ko pero bago ako tuluyang makatulog ay may narinig akong sinabi niya pero di ko masyadong naintindihan dahil sa antok na antok na ako.

"Inaasar kita para makuha ko lagi ang atensyon mo, na kahit ilang sandali lang ay bigyan mo ako ng oras.. I'm doing this to you Yuki, because i think I like you"

Nagising ako sa tilian ng mga kaibigan kong bruha, napasarap yata ang tulog ko.

"Asan tayo?" tanong ko kay Jack na karga-karga parin ako.

"Are you okay ? Hindi naba masakit ang paa mo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Ahh oo, I'm fine. Salamat sa pagkarga mo saken ah" nakangiti kong sabi kahit di niya ako nakikita dahil nasa likod niya ako.

"So pwede na kitang ibaba? Kanina pa kasi sumasayad yang flat chest mo sa likod ko eh!" sabi nito.

What?! Flat chest? Ako flat-chested?!

"Hoy apoy! Hindi ako flat-chested ! May ibubuga rin 'tong akin no!" Sabi ko sabay batok sa kanya. "Ibaba mo nga ako baka mabalian kita ng leeg dyan eh!"

"Tss, hindi naman masakit yang pambabatok mo, mas masakit yung wala ka man lang nasabi sa sinabi ko kanina" pagdra-drama nito at ibinaba ako.

"Wait, ano bang sinabi mo kanina ha? Saan dun?" Takang tanong ko dahil 'di ko talaga siya magets.

"Yung huling sinabi ko" nakangusong sabi nito. Oh my stop pouting Jack.. It's seducing. Green mind please leave me!

"Ha ano bang huling sinabi mo?"

"Hindi mo ba narinig?" Tanong nito.

"Wala na akong matandaan eh, antok na antok kaya ako nun" sabi ko.

"Okay fine! Sige dyan kana nga!" Inis na sabi nito. Problema nun? May dalaw ba yon o bipolar?

Lumapit naman sa akin si Anna upang ibigay ang mahimbing na natutulog na si Kiyu.

"Uyy Bff anong problema niyo ni Jack? Ha?" mausisang tanong ni Anna.

"Wala naman kaming problema no!"

"Meron kaya.. Tssm manhid mo talaga, 'di mo ba nahahalata?"

"Ako manhid? Hmmm, ano bang ibig mong sabihin Anna?"

"Tss. Manhid ka ngang bruha ka! Hoy bibigyan kita ng clue ha, may gusto sayo si Jack! Gets?"

Loading...

Loading...

Loading...

"What?! Sigurado ka ba dyan Anna?!" Pasigaw kong sabi kaya nakuha namin ang atensyon ng iba na busy sa pagtingin-tingin sa paligid.

"Oy oy! Anong pinag-uusapan niyo diyan ha?" Tanong ni Zy na ngayo'y nakalapit na sa amin.

"Eh kasi Zy, 'tong si Yuki.. Hindi napapansin ang mga damubs ni Jack ang manhid lang kasi or tanga lang!" Naiiling na sabi ni Anna.

"Oh my?! Totoo? Kyaaaaah!!!" Si Zy at niyugyog pa talaga ang katawan ko.

"Oo, parang may gusto si Jack kay Yuki!!" Si Anna at sinabayan ang pagyugyog ni Zy sa katawan ko habang sumisigaw.

"Hoy mga bruha! Tama na iyan! Andito na tayo" sabi ni Audrey kaya ayun! Tumigil kami.

Pero palinga-linga ako sa paligid at ang nakikita ko lang ay isang napakalawak na damuhan. Pure green lang!

"Saan ? Bakit wala akong nakikitang mga nilalang?" nagtataka kong tanong.

"Because it's hidden" sagot ni Pao.

"Bakit naman ito nakatago?" Tanong ni Anna.

"Because they are the mythical creatures that maintains the beauty of Alzora—the Flienros" sabi ni Audrey.

"So paano natin ito makikita?" Interesadong tanong ni Sai.

"We must feel it, we must feel the presence of Flienroses they are just arround" sabi ni Jack.

"Close your eyes and feel their presence" dagdag nito.

Kaya sumunod nalang kami, me, myself, I closed my eyes at pinakiramdaman ang paligid. May naririnig akong mga yabag ng paa. Napakaraming paa.

Nang buksan ko ang mga mata ko, wala naman akong ibang nakikita maliban sa mga kasamahan ko. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at pinakiramdamang muli ang paligid.

Mga ilang sandali pa ang lumipas nang tuluyan kong maramdaman ang mga enerhiya ng mga nilalang na sinasabi nila, sinundan ko ito habang nakapikit. Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa may nakapa akong napakalambot at napakalamig na bagay.

Iminulat ko ang mga mata ko ngunit wala parin akong nakita. Pero nang subukan ko ulit hawakan yung kanina ay may nahahawakan akong isang malamig at malambot na bagay. Kaya napagpasiyahan kong tawagin silang lahat.

"Hoy! Dito bilis may natuklasan ako" sabi ko.

Tumakbo silang lahat papunta sa direksyon ko at kinapa rin ang kanina ko pa kinakapa.

"Heto na nga! Ito na ang lagusan!" Masayang sabi ni Mav.

"Ofriagat" sabi ni Mav at biglang may humigop sa aming isang napakalakas na pwersa. Parang tumambling ang mga lamanloob ko dahil dun!

Naramdaman ko nalang na parang nahuhulog ako kaya...

"Ahhhhhhhh!!!" Magkasabay naming sigaw nang makita ang babagsakan namin. Puro mga puno! Siguradong bali-bali ang mga buto namin dahil dito. Niyakap ko ng mabigpit si Kiyu at inilabas ang pakpak ko.

"Ay peste kang bruha ka! Tulooongggg!" Sigaw ni Anna pero huli na. Bumagsak na sila sa kakahuyan.

Sinundan ko sila at nadatnan itong hinihimas ang kanilang mga katawan.

"Okay lang kayo??" Tanong ko at tiningnan lang nila ako ng masama as in! SOBRANG sama!

"Ah hehe mukhang hindi nga, wait... Haelien!" Sabi ko at mabilis na gumaling ang kanilang mga sugat.

"Let's go!" Sabi ni Pao at naglakad na. Sumunod naman kami, puro puno lang ang nakikita namin.

Mga ilang hakbang pa ang ginawa namin hanggang sa makalabas kami ng kakahuyan at bumungad ang isang paraiso.

"Wow!" We said in chorus. Na-overwhelm kami sa aming nakita.

Isang lugar na nagnining-ning dahil sa makukulay na crystal na pumapalibot rito, makukulay na mga halaman na kasinlaki ng tao at ang agaw-pansing talon sa gilid na kulay kristal na puti ang tubig at kumikinang kapag nasisinagan ng liwanang. Mas naging maganda rin ang paligid dahil sa mga maliliit na kulay gintong nilalang na lumilipad sa ere. This place is so magical!

Naagaw ang pansin ko nang may makita akong isang nilalang, no! Hindi lang pala isa.. Marami sila at papunta sila sa amin!

Kung ilalarawan ko sila ay may katawan ito ng kabayo pero ang kulay mg kanilang balat ay puti at ang pinagkaiba lang nila sa kabayo ay mag pakpak itlng kagaya ng sa paru-paro. Kumikinang ang mga pakpak nila at sa thwing kanilang ginagalaw ay naglalabas ng glowing dusts.

"Woah! Sila na nga! Sila na ang Flienros!" Manghang sabi ni Audrey.

"They are so beautiful like me!" Sabi ni Zy.

"Ang ganda pala talaga nila sa malapitan" namamanghang sabi ni Sai. Bago ito umalis at pumunta sa likod ng puno. Siguro magwi-wiwi hehe.

"Okay pumili na kayo ng Flienros na sasakyan niyo upang makaalis na tayo." Utos ni Jack.

Kaya pumili na kami isa-isa. Bawat isang Flienros isang tao.

Yung pinili ko ay may pakpak na kulay gold and makinang na kulay black. Ang unique niya kasi.

Bumalik narin si Sai at pumili narin ng flienros.

"Okay let's have a race! Ang mahuhuli ang maghahanap ng pagkain mamaya! Ready? Go!!!" Mabilis na sabi ni Pao pinalipad na ang Flienros niya.

Sumunod na sila at ganun din ako.

We're enjoying the moment nang biglang may napakaraming black energy balls ang papunta sa direksyon namin na sinundan ng sigaw ni Audrey na...

"Mga kalaban!”