Chapter 2

"Dito ka muna Flores ah. Tawagin mo nalang ako 'pag may kailangan ka," aniya ni Agatha bago ako iniwan kasama ng nagtitimpi sa kilig na si Elly. She was jumping a bit and was shrieking quietly.

I had no choice but to look at Astraeus and follow Agatha. What a joke.

"Ano ba 'yan itigil mo 'yan nagugusot damit ko." Pinukpok ko ang kamay ni Elly na pinanggigilan ang damit ko.

"Uy Mariella dito ka. I-check mo 'tong lyrics sa phone ko sabihin mo lang kung mali yung highlights ng part mo." Austin gestured the empty chair beside him.

"Patingin nga." Lumapit naman ako. Bago pa ako maka-upo sa tabi niya ay naunahan na ako ni Elly. Tinaasan ko siya ng kilay pero ngumisi lang siya sa akin at kinindatan ako. She practically begged me to let this slide.

I snorted and rolled my eyes at her. Pumunta ako sa kanang tabi ni Austin na may mga magkakapatong na monoblock.

I grunted. Ang hirap naming kumuha ng upuan dito. Kung bakit naman kasi tinaasan ang pagkakapatong ng mga upuan! Bwiset!

"Oh let me help." Daling binitawan ni Austin ang gitara niya. I stepped back so I could give Austin some space. Ayoko ring matamaan ng ihihila niyang upuan.

Tumingin ako ngayon kay Elly na mahaba ang nguso habang pinagmamasdan si Austin na pinagkuha ako ng upuan. I bet she was regretting how she stole my chair. Napatingin ako kay Austin ulit nang ilapag niya na sa harap ng puwesto niya ang upuan ko. I silently chuckled when Elly frowned more and refused to look at me now.

She was very transparent on how she felt about Austin. Nakakagulat nga at walang kalam-alam itong si Austin sa nararamdaman ni Elly towards him. I think everybody knows except him.

"So as I was saying..." Ipinakita ni Austin sa akin ang screen ng cellphone niya. Ni hindi man lang niya sinulyapan si Elly. I guess he was too busy handling our intermission that he forgot—rather failed to notice how someone was inside his personal space.

Tumango-tango ako habang tinitignan ang lines naming para mamaya. "Ayos na 'yan. Pero I think we should both sing at the chorus—teka gagamitin ko pa ba 'tong ukulele?"

Napa-isip naman siya sa sinabi ko. I felt disrespected on Elly's behalf since Austin really wasn't paying attention to her. My poor friend just started fidgeting her phone. Humihikab na ang gaga. Siguro ay iniisip niya kung gaano kasayang ang paglagay niya ng blush niya sa ilong.

Katulad ko, she was all dolled up for tonight. Nakasuot siya ng silver slip dress which complimented her pale skin beautifully. Naalala ko ang usapan naming kagabi na balak niyang ipa-taylor and suot niya at gawing backless, in which I firmly said no to. Baka mabulyawan lang siya ng head ng student council.

"Ah 'wag na siguro. Kahit ako na lang ang maggigitara. May wooden stool doon sa tabi oh." Humaba ang nguso niya habang nakaturo sa wooden stool sa 'di kalayuan. "D'yan ka nalang umupo mamaya dadalhin ko sa harap," aniya nito.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Sayang lang pala ang pagkuha naming ni Astraeus ng ukulele mukhang hindi naman magkakasilbi. Ipapabitbit ko nalang kay Agatha o Elly mamaya bago kami lumabas ni Austin.

Saglit naming ni-rehearse ni Austin ang mga lines namin at nagpawala ng kaba. As if it still wasn't enough, he even rehearsed the whole thing when I told him my throat felt itchy from all the singing.

Austin is Astraeus' batchmate. Although I'm quite sure na hindi naman sila close na dalawa. Austin has a younger brother pero I think elementary palang iyon.

"Austin." Hindi na nakatiis si Elly at tinawag na ang katapat ko. Marahan nitong hinila ang laylayan ng t-shirt ni Austin.

"Oh. Elly." Gulat pa nga.

"May tubig ka?" I could sense a bit of awkwardness in the air.

"Wala eh binigay ko na kay Mariella kanina." Natigil sa ere ang pag-inom ko ng tubig mula sa binigay na pet bottle ni Austin. Kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa'ko nilalangaw sa sama ng titig sa akin ni Austin.

"Ganon ba..."

"Teka saglit may styro box sa kabilang tent, titignan ko kung may tubig pa." Tumayo si Austin at iniwan sa akin ang gitara niya. I gave him a timid smile in which he responded with a friendly nod.

"Akin na nga 'yan." Inagaw sa akin ni Elly ang gitara ni Austin. Napairap nalang ako at hinayaan siya. I just went through my phone and checked some of my classmates' IG live para naman alam ko ang nangyayari sa labas.

Mukhang ang saya-saya nila sa labas. Kanina pa pala lumabas ang dance troupe at pangatlong performance na ata nila ngayon. Naririnig ko rin galing dito ang hiyawan ng mga estudyante. Medyo nagsisisi tuloy akong na-late ako dahil hindi pa ako nakakatikim ng pagkain mula sa buffet kanina pa.

"Flores asan na si Salvador? Patapos na sila Trecianne dito na kayo sa may pinto." Napaangat ang ulo ko nang marinig ko si Agatha. Hinanap ko rin si Austin at nakitang papalapit na ito sa amin bitbit ang isang sachet ng Zest-O.

"Sorry, Elly. Ito nalang meron doon eh. Kuha ka nalang sa labas mukhang meron namang dispenser doon..." Hindi na matuloy ni Austin ang sinabi niya. Napalingon ako kay Elly at nanlaki rin ang mga mata.

"Is she supposed to do that?" Nagulat ako nang biglang bumulong sa akin ang pawisang si Trecianne. Napailing nalang ako kay Elly dahil mukhang nawala pa niya sa tono ang gitara ng crush niya.

Her checks seemed red. Although iisipin ng iba ay dahil 'yon sa blush niya. I knew damn well that she was flustered with the situation. Tinignan ko si Agatha na nagdadadakdak na habang si Austin naman ay hawak na ang gitara habang umiiling.

"Paano 'yan? halina kayong dalawa. Hayaan niyo na mamaya niyo nalang siguro pagtalunan 'yan." Napakamot nalang kami ni Austin ng ulo dahil halatang sobrang stressed na ng secretary naming.

"Pasensya na ha, Godbless." It was Sull, short for Sullivan. Kasing bantot ng pangalan niya ang amoy niya ngayong pawisan siya.

Hindi na pinansin ni Agatha ang pang-aasar ni Sullivan at in-escort na kami ni Austin palabas.

"Wait lang Agatha..."

"Ano nanaman Flores. Kanina pa kayo kailangan ni Salvador sa harap." She massaged the bridge of her nose. It was like this was the last straw for her patience.

"'Yung ukulele. rara naman may magamit kami. Hehe." Dali kong kinuha ang ukulele kay Elly at nginitian siya. Kakausapin ko nalang ang isang 'to mamaya dahil mukhang iiyak na.

Pareho kaming nabigla nang itulak na kaming sabay ni Agatha. Nabigla ako kasi ang tahimik na ng mga tao, lahat pa nakatitig sa amin. I wasn't really the type to get nervous about these types of things so I let out a sweet smile.

Sanay na akong kumanta sa harap ng maraming tao. I've been in gigs and school competitions and this was just one of many events that I've been to. This should be a piece of cake. At saka ilang beses na naming na-practice ni Austin 'to mula nung Monday.

"Akin na," bulong niya sa akin at kinuha ang ukulele. I nodded and obliged.

"Hey Jude, don't make it bad.

Take a sad song and make it better."

Austin sang the first lines. He looked at me. He was so big that my ukulele seemed painfully small as he played it. I was just swaying my body and smiling, nakaupo ako roon sa stool na dinala niya rito.

"Remember to let her into your heart,

Then you can start to make it better."

Nakangisi ako at tumingin sa mga tao. As what our mentor said it was important to look at the crowd to avoid looking stiff and awkward. Hindi nakaligtas ko ang mala-pusang mga mata ni Astraeus. Nasa table siya kasama ang mga classmates niya, sa palagay ko ay nahila ang isang 'yon papunta roon. He was smirking as if he found something amusing, kung makangiti siya akala mo iyon ang katumbas ng pagpunta niya rito ngayon.

Maingay sa mesa nila at nagtatawan, malilikot nga at nasasanggi pa ang balikat niya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Bumaba ang paa niya at sinundan ko iyon ng tingin. Nag-init ang pisngi ko nang mamalayang nakatingin siya sa pang kong hindi maabot ang sahig kahit nan aka platform boots naman ako.

I was flustered when I saw him laugh. Muntik ko nang makalimutan na ako na ang kakanta, mabuti nalang at tinapik ako ng pasimple ni Austin.

"Hey Jude, don't be afraid.

You were made to go out and get her.

The minute you let her under your skin,

Then you begin to make it better.

And anytime you feel the pain, hey Jude, refrain,

Don't carry the world upon your shoulders.

For well you know that it's a fool who plays it cool

By making his world a little colder."

The whole performance was a blur. Ang alam ko lang ay sa kalagitnaan ng kanta ay nagsitayuan ang ilan, some couples held each other in their arms and enjoyed randomly swaying. Natawa ako nang makita nahila rin si Astraeus ng mga kaklase niya kasama ng isang babaeng mukha tinutukso sa kanya.

Dang. I wish I was also having fun there. Parang kanina ko pa gusto kumain kaso ay na-busy kami ni Austin. I have Elly to worry about after this too. She could be a pain but I'm genuinely worried about her. Hindi ito ang unang pagkakataon na na-badshot siya kay Austin. Pero sa tingin ko naman ay ni isa sa mga iyon ay hindi naman ata naalala ng manhid na 'to.

Natuyo na ang lalamunan ko nang matapos na. I could feel the beads of sweat forming on my forhead, ngayon ko lang na-realize na kinakabahan pala ako dahil kanina. I thought I was used to performing in front of people. Pero in my defense every performance feels like a whole new experience. Parang virginity card na nare-renew. Lol.

"Huwag mo nang intindihin 'yung kanina. I don't think naman na magagalit si Austin...." Saka hindi naman niya iyon maalala. I kept the last phrase bottled up inside me.

I don't want to meddle with her love life pero ang tagal na niyang may gusto riyan. Nung una healthy crush lang naman, ngayon-ngayon ay dinadamdam niya na masyado. She has loads of fans from the athletes since she is one of the school's many runners. I heard a lot of boys drewl over her especially those sweaty basketball players.

"Painom." Inagaw ko kay Astraeus ang iced tea niya dahil uhaw na uhaw na ako. Hindi naman siya nakatanggi at sininghalan nalang ako.

After all that performing nawala nalang bigla ang gutom ko. Inisahan ko nalang ang pagkain ng finger foods sa buffet para naman hindi mauwi sa wala ang pagpunta ko rito.

"What was the ruckus earlier about." Itinaas baba ko ang kilay ko.

Ang ibig sabihin ko ay ang tinutuksong babae sa kanya ng mga ka-batch niya kanina. Hindi naman siguro masamang makichika.

"Ah ayon." Biglang nabuhayan ang isang 'to ah. "I think Devorah ang pangalan non, 'yung nanalo nung pageant nung intrams last year?" Si Elly.

Hindi ko nalang pinuna ang pagiging chismosa niya dahil baka tumamlay nanaman ang isang 'to. I wouldn't want her night to come to a waste.

"Stalker-ish." Parang kinilabutan si Astraeus at mapanghusgang tumingin kay Elly. Tumawa naman ako.

It was all in all a fun night. Nagkasundo kaming pumunta sa kilalang park ni Elly malapit sa kanila para roon mag-bonding. Tomorrow's the last day of October's school break. Ano nga uling tawag doon? Nakalimutan ko na.