Chapter 7: Alak
"Can i offer you a glass of wine my lady?" Napapitlag pa ang dalaga nang marinig ang boses na iyon. Ilang araw din niyang di nakikita ang may ari ng boses na iyon.
After that steamy night, pinadalhan lang siya nito ng bouquet of beautiful flowers with a late breakfast buffet sa cottage na tinutuloyan niya with a note saying na sasaglit daw muna ito sa karatig bayan kasi daw may aasikasuhin itong importanteng mga papeles. Sa note ay nakalakip doon ang personal number nito at in big letters saying "DON'T YOU EVER FLEE WITHOUT MY KNOWLEDGE. I'LL BE RIGHT BACK. WE STILL HAVE BUSINESS TO TEND TO."
"Kakatakot naman ang lalaking iyon. Parang mafia." Kinikilig na nasabi niya sa sarili.
Kahit dalawang araw lang ang booking niya sa beach resort na iyon ay napaextend siya bigla dahil sa notes na iyon.
"Why not? If extending my stay here for a few days means happiness then i'm willing to stay even if it means forever." Pilyang sabi niya sa isip.
After she broke up with her ex 2 years ago, since then wala pang bumuhay sa katawang lupa niya maliban dito. Pagbibigyan na muna niya ang kanyang sarili sa ngayon at hayaan na lang kung saan sila dadalhin sa kung anumang nadarama nilang atraksiyon sa isat isa sa ngayon. If this will lead into something serious, then so be it. She's not getting any younger na naman. Nasa right age na naman siya to be in a serious relationship. Actually, its a little bit late pa nga sa age niyang 28 eh. Yung ibang kaedad niya dalawa na nga anak eh.
"Nope!" Sagot niya dito sabay ngiti ng ubod ng tamis. Namiss niya ito sa dalawang araw na di niya ito nakita. Isang palitan lang ng text messages ang nagawa nila sa loob ng dalawang araw na iyon.
Isang 'ohright I'm staying!' with a 😜 emoji and his reply was 'that's right, won't accept no for a reply. Been instructing the guards not to let you out without my consent.' reply nito na ikinatawa pa ng dalaga. Kinilig siya sa text nito. Kahit ang ibig sabihin nito ay nakakulong siya sa loob ng beach resort ay hindi niya pa din maiwasan ang kiligin dahil sa ibig sabihin nito ay wala itong balak na pakawalan siya. Napakapossesive pala nito which is one of her weaknesses pagdating sa karelasyon. Gusto niya yung idea na parang pagmamay ari na siya ng lalaki.
"And why not?" Pabulong na sagot nito sabay abot sa kanya ng dala nitong mga bulaklak.
Pinigilan ng dalaga ang mapangiti nang tanggapin iyon. Sinamyo niya muna ang bango ng mga ito bago sumagot.
"Nah, not good for my legs!" Sabi niya dito na palihim itong pinagmasdan. Napakaguwapo talaga nito sa suot na old faded jeans paired with a tshirt. Kahit simple lang ang get up nito ngayon ay hindi niya alam kung bakit tila namamagnet pa din siya nito. Napadaku ang mga mata niya sa maskuladong mga dibdib nito na bumabakat sa suot nitong tshirt.
'I knew the feeling to be with those chest!' Pilyang sabi niya sa isip na di maiwasang alalahanin ang namagitan sa kanila nito two nights ago.
"Why, do they swell?" Sagot nito na ikinabalik niya sa kasalukuyan. Bakit ba naman kasi pinagnanasaan pa din niya ito sa isip kahit sa public place, natatawa niyang sabi sa isip.
"No, they spread!" Pilyang sagot niya dito na ikinatawa naman nito noong makuha ang joke niya.
Bigla silang natahimik sa pagtatawanan nang tumabi ito sa kanya sa inuupuan niyang stool. Agad na sumeryoso ang mukha nito nang magtagpo ang kanilang paningin.
"I don't know what gotten into me but i miss you so much." Sabi nito sa malamlam na tinig. Dama niya ang kaseryosohan nito sa sinabi.
"I miss you too. What took you so long?" Sagot niya dito na di din maalis ang mga titig sa mata ng kaharap.
"You'll know it some other time. Meanwhile, can we go somewhere else private?" Sabi nito na pinagdiinan pa ang salitang 'private'.
Tila nakiliti naman ang dalaga sa word na ginamit nito. Tila naeexcite siya sa isiping magsosolo na naman sila nito.