Chapter 6
"Nakita kita kagabi umalis kasama si Mike." Kaswal na sabi ng kanyang kaibigan fishing for some information.
"Yeah, naglalakad lakad lang sa baybayin." Ayaw niyang ibahagi ang kung anumang namamagitan sa kanila kagabi. Well, may tamang panahon para sabihin dito. Pero definitely not today.
"Dapat lang. Di pa yan divorce sa asawa eh. Well, they're working on it but still married pa din yung tao. Pigil pigilan na muna yang landi mo ha. Not until mafinalized na yung divorce paper nila.
Gulat man ay di nagpahalata ang dalaga sa narinig. Kaya ba ayaw nitong may mangyari sa kanila kagabi dahil may asawa ito? That makes sense..
"Bakit ba sila nagkahiwalay?" Sinigurado niyang kaswal lang ang datingan ng tanong na iyon. Yung tipong nakikipagkuwentuhan lang siya.
"Nahuli ni Mike yung ex niya na may kalarong ibang team in their very own bed. At ito namang si girl naku ang kapal besh. Pinagsiksikan pa din ang sarili niya kay Mike kahit ayaw na sa kanya ng lalaki. Ayaw pa ding pirmahan ang divorce paper. Payo nga namin kay Mike ipakulong na lang niya para tapos na ang lahat. Pero sabi pa niya deserve daw ng girl ang lumigaya sa iba. Kung ipapakulong niya ito, paano daw ito liligaya pag ganoon? Inamin din naman niyang kasalanan niya ang lahat kung bakit natukso sa iba ang asawa niya. Hindi kasi nito natutugunan ang init na hinahanap ng katawan ng babae. Workaholic kasi yan. " Paliwanag nito.
Muntik namang masamid ang dalaga sa narinig. Ibang iba kasi ang pinadama sa kanya ng lalaki kagabi. Kabaliktaran ng mga sinasabi nito ngayon. Kung alam lang nito kung gaano kasarap kasama ng lalaki sa ibabaw ng kama ay baka sabihin pa nitong ibang Mike ang pinag uusapan nilang dalawa.
"Oh eh nasaan na yung girl ngayon?" Siyempre aalamin niya kahinaan ng kalaban. Wala siyang balak tigilan ang nadarama para sa lalaki lalo na ngayon nalaman niyang hiwalay na pala ito at ang dating asawa.
"Ayun, pinagsiksikan ang sarili dun sa bahay na pinapatayo ni Mike. Ang kapal talaga ng mukha." Naiinis na sabi nito.
So, that's explains why kagabi nakita niya na ang pinasukang kwarto nila ng lalaki ay punong puno ito ng gamit. Parang doon na din nakatira ang binata.
Dito na marahil nakatira ang lalaki mula ng magkahiwalay ito at ang dating asawa. Nakaramdam siya ng awa dito. Hindi nito deserve ang masaktan ng ganoon. Kung maging sila man ng lalaki ay gagawin niya ang lahat makalimutan lang nito ang mga masasamang alaala noong kasama pa nito ang dating asawa. Sisiguruhin niyang liligaya ito sa piling niya.