Chapter 11

"Who is she?" Sabi ng isang boses na nagpabalik sa kanyang kamalayan sa kasalukuyan.

Hindi niya napansin na saglit na pala siyang napapatunganga. Kung hindi lang nagsalita ang kanyang sekretarya na itinuring na din niyang isa sa kanyang malapit na kaibigan ay di pa siya matigil sa kakamuni muni.

Kibit-balikat ang isinagot niya sa kanyang kaibigan. Hindi naman kasi siya nagkukuwento dito tungkol sa lovelife niya. Very discreet siya about her personal life.

"Problem?" Kulit nito sa kanya na may bahid ng pag aalala ang boses.

Naantig naman ang kanyang puso nang makita na sincere ito sa pag aalala sa kanya kaya nagdesisyon siyang sabihin dito ang totoo.

"The answer is a yes and a no." Sagot niya dito na niyaya itong maupo sa sofa na naroon sa kanyang opisina.

Nagtatanong ang mga mata nito nang tumitig ito sa kanya.

"Well, I've met this guy.." Simula niya sa pagkukuwento.

"Finally.." Naparolled eyes pa ito.

Natatawang hinampas niya ito sa balikat. Matagal na kasi itong nangungulit sa kanya na makipagdate. It's been two years since the last time na may ibinahagi siyang chika dito about men. Sa loob ng two years na iyon ay ginugol niya ito sa pagpapalago ng negosyong ipinamana sa kanya ng kanyang mga magulang bago nag migrate ang mga ito sa US. Laking America talaga siya at pabalik balik lang talaga siya sa Pilipinas upang bisitahin ang mga magulang. From time to time, ay dumadalaw siya sa mga negosyo ng pamilya, stayed for a month or two kaya naging close na din siya sa mga tauhan nila at isa na nga doon ang sekretarya ng kanyang ama na ngayon ay sekretarya na niya mula noong magdecide ang mga parents niya to retire and obliged her to manage the family's businesses.

"Ikaw talaga!" Sabi niyang napahampas pa sa braso nito. "But thay guy means trouble!" Sabi niya dito.

"As long as you're not ruining someone's family, go with it." Pagkunsinti pa nito sa kanya without hearing her story first. Ganun na ba talaga siya katanda na kahit ang mga pinakamalalapit na mga tao sa buhay niya ay pinagtutulakan na siyang lumagay sa magulong buhay?

" I dont think it's ruining someone's family. Noong dumating ako sa buhay niya, its already ruined." Sabi niya dito.

"Kids?" Tanong nito sa kanya.

"None." Sagot niya.

"Well, it's settled then. Go for the gold. Ipaglaban mo yan girl." Pagche cheer pa nito sa kanya.

Napatawa na lang ang dalaga sa reaksiyon nito. It's so nice to have someone na nagkicare sa kanya ng buong puso. Yung hindi siya hinuhusgahan at higit sa lahat yung happiness niya ang iniisip at hindi yung pansariling pakinabang nito sa kanya.

"Thank you so much for not judging me."

"Sus, iba sitwasyon mo girl sa ibang babae na pumasok sa mga ganyang sitwasyon. Kung may mga anak yan ay malamang ibang sitwasyon din iyon. Basta masasabi ko lang ay malaki ka na alam mo na ginagawa mo." Natatawang pagbibiro nito to enlighten the mood. Nahahalata kasi nito na she's not comfortable with the situation. Nagi guilty pa din siya kahit papaano knowing may isang babae siyang nasasaktan kahit alam niyang ito ang dahilan ng pagkasira ng relasyon ng mga ito. Alam niya ang feeling sa ganoong sitwasyon. Been there two years ago. Ang kaibahan nga lang, she's been cheated unlike sa ginawa nito sa lalaki na nakipagjugjugan ito sa bestfriend pa. Double kill yun. Dalawang taong malapit sa kanya ang pinagtaksilan siya..