Chapter 11: BETRAYAL

At ayon na nga,

Perfect ako sa assignment sa advance bio nang dahil sa kanya. At natuwa ako kasi tama siya at sinunod ko siya  At siyempre, nakahinga ako ng maluwag kasi 'di mangyayare 'yong sinasabi niyang totoong liligawan niya ako. Buti na lang talaga. Kasi pinakaba niya ako kahapon ng husto.

Di ko rin in-expect na matalino pala siya sa advance bio.

Kinakabahan na 'yong iba kasi ilang minuto na lang at magsisimula na ang exam. Pero 'yong iba chill lang naman. No'ng mag-start 'yong exam namin, tahimik lang ang lahat habang sinasagutan 'yon. At siyempre, prepared ako kasi ilang days din akong nag-aral. At sigurado ako sa sarili ko na maipapasa ko lahat ng mga exams ko.

No'ng i-check na 'yong exam sa unang subject kanina, natuwa ako kasi isa lang ang mali ko. Tapos sa advance bio naman e lima 'yong mali ko tapos si Bright naka-perfect. Siya pinaka highest at pangatlo naman ako. Sa English, ako 'yong highest at ang pangalawa ay si Colleen. Tapos sa math naman e may limang mali ulit ako samantalang si Bright at Colleen e parehas ng score. Pero mas mataas ako sa kanila.

Two days din 'yong exams namin at nang matapos ang two days, nagkaroon kaming lahat ng free time para ipahinga 'yong utak namin. Umabot lahat ng scores ko sa passing score. Sina Rhian at Ashley hindi ko alam kasi scores ko lang naman 'yong binabantayan ko.

No'ng sumunod na araw, weekend na. Pero badnews kasi nabalitaan kong si Rhian may boyfriend na pero hindi 'yon si Callen. Ito siguro ang dahilan ng pag-aaway nila no'ng mga nakaraang araw hanggang sa nalaman ko na lang na may boyfriend na siya.

Nagulat ako ro'n at Siyempre naawa ako kay Callen kasi alam ko kung gaano siya ka seryoso kay Rhian  tapos biglang ganito. Nauwi lahat sa wala.

Si Ashley hindi rin makapaniwala sa nabalitaan niya. Nag videocall kaming dalawa kanina at pareho kaming nagulat no'ng nalaman namin 'yon. Sinabi lang samin ni Rhian na may boyfriend na siya pero hindi niya sinabi kung sino. Basta, ang alam namin hindi 'yon si Callen.

China-chat ko si Callen para alamin kung ano nga ba ang problema at bakit biglang nagkaroon ng ibang boyfriend si Rhian. Di ko alam ang puno't dulo ng lahat gano'n din si Ashley pero 'di siya nag re-reply. Siguro after an hour no'ng chineck ko kung na seen niya 'yong message ko o wala, nakita ko na lang na nag deactivate siya ng fb account at bago niya ginawa 'yon ay nag left siya sa GC naming apat. Sayang. Mukhang hindi na sila magkakasundo pa ni Rhian kapag ganito.

Si Ashley naman, sinusubukan niyang kausapin si Rhian. Tinatanong niya kung bakit bigla siyang nagka-boyfriend samantalang si Callen na nililigawan siya sa loob ng maraming buwan at handang maghintay kung kailan pwede na e hindi niya sinagot.

Ang saklap no'n.

Pero ang sabi ni Rhian, magkita kaming tatlo bukas at i ku-kuwento niya samin ang totoong nangyare.

Kinagabihan, nagulat na lang ako nang makita kong nag set ng relationship status si Rhian sa fb at laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang Boyfriend niya.

Rhian Mendoza is in a relationship with Shawn Sandoval

What?!

Si Shawn na bestfriend ni Bright ang boyfriend ni Rhian?

Hala!

Bakit hindi man lang ako nagkaroon ng clue na may something na pala sa kanila?

Gosh, nag-aral lang naman ako for one week para sa exam tapos biglang. . . nagkaroon ng something sa kanila?

Matapos kong makita 'yon ay agad kong chinat si Bright. Nasip ko kasi na baka may alam siya rito. At saktong online rin siya no'n.

Danielle Legaspi

    active now•

Uy?

Ano 'tong nabalitaan ko?

'Yong bestfriend mong si Shawn boyfriend na ni Rhian.

Bright Navales

  active now•

Uy wala akong alam d'yan.

Nagulat din ako no'ng makita ko.

Kinakausap ko nga si Shawn ngayon.

Hindi ko alam kung bakit biglang naging sila.

Si Callen, nag deactivate ng

account.

Danielle Legaspi

    active now•

Oo nga, e.

Nasaktan siguro siya ng sobra.

Kawawa naman 'yong Tito ko.

Bright Navales

  active now•

Kinakausap ko nga ngayon si Shawn.

Di ko rin kasi ma-gets kung bakit biglang naging sila ni Rhian.

Wag kang mag-alala, ako bahalang kumausap kay Shawn, ikaw kay Callen at si Ashley na bahalang

kumausap kay Rhian.

Danielle Legaspi

   active now•

Uy, maging sensitive ka ha.

Kasi 'di na'tin alam ang buong kuwento.

Malay pala na'tin na sobrang mahal nila ang isa't isa.

Hindi na'tin sila pwedeng husgahan

agad.

Bright Navales

  active now•

Tingin mo, mas mahal ba ni Rhian si Shawn kaysa kay Callen?

Danielle Legaspi

    active now•

Di ko alam.

Kasi alam mo 'yon, meron talagang

times na akala mo siya na talaga ang

para sa'yo. Pero 'di mo alam na may

ibang tao ka pang makikilala na mas

magpaparamdam sa 'yo ng kakaibang

feeling.

'Yong pakiramdam na 'di mo na feel sa unang taong minahal mo.

Bright Navales

  active now•

Wow! Ang deep.

Ikaw ba talaga 'yan Deyn?

Mukhang nag matured kana.

Danielle Legaspi

    active now•

So sinasabi mong immatured ako dati?

Tsaka, umayos ka nga. Seryoso ako.

Bright Navales

  active now•

Seryoso din naman ako sa'yo.

I mean, sa sinasabi ko sa'yo.

Gets? Hehe.

Danielle Legaspi

   active now•

Di mo kailangan linawin.

Bright Navales

  active now•

Oo na.

Sorry na.

Alam ko naman na hindi mo binibigyan ng meaning lahat ng

mga sinasabi ko.

Danielle Legaspi

    active now•

Hala siya. Ba't parang nagtatampo

ka d'yan?

Hindi mo kailangan mag sorry.

Bright Navales

   active now•

Hindi ako nagtatampo.

Bakit mo nasabi 'yan?

Tsaka, gusto ko lang mag

sorry. 'Yon lang.

Danielle Legaspi

   active now•

Nararamdaman ko lang kaya ko nasabing nagtatampo ka.

Parang nagtatampo ka kasi base sa chat mo.

Bright Navales

  active now•

Ah, so parang naririnig mo boses

ko kahit sa chat?

Naks! May tama ka na yata sakin.

Ayos lang 'yan, Sasaluhin naman

kita. Sumasalo ako, 'di gaya ng iba d'yan.

Danielle Legaspi

   active now•

Hoy! Assumero!

Wag kang ganyan.

Ma tu-turn off sila sayo.

Bright Navales

  active now•

Ayos lang.

Turn on ka naman sakin.

Wala na akong pakialam sa kanila.

Hala siya!! Anong pinagsasasabi ng isang 'to? Nasisiraan na ba siya ng bait? Bakit ganito 'yong mga reply niya? Nakakaloka!

Danielle Legaspi

  active now•

Hoy Liwanang!

Wag kang ganyan.

Seryoso ako rito.

Wala ako sa mood para makipag-biruan.

Matapos kong i-send 'yon, nakita kong active 2 minutes ago na siya. Ayan na  naman. Ako lagi last chat. Kainis na talaga. Siguro sinasadya niyang mag log out kapag alam niyang naa-asar na ako para 'di ako makaganti sa kanya.

But thanks to him, kasi feeling ko e naging part na siya ng buhay ko na hindi kumpleto ang gabi ko hangga't hindi ko siya nakakausap sa chat—teka, ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Edi, parang sinasabi ko na rin na may gusto ako sa kanya? Anong hindi kumpleto ang gabi hangga't hindi ko siya nakakausap?—baliw na talaga ako.

Bumaba ako saglit, saktong kaka-uwi lang ni Mama sa bahay galing sa trabaho niya. Mga bandang alas otso na 'yon. May dala siyang milktea na binili niya sa cafè nina Callen. Ang sabi pa niya e tinatanong ako ni Callen kung nasan ako ngayon. Do'n na ako nagkaroon ng chance na magpa-alam kay Mama para puntahan si Callen. Since si Callen lang naman ang pupuntahan ko e kahit gabi na pumayag si Mama. Nagpunta ako sa cafè nila pero sabi ng Mama niya e kakauwi lang daw niya sa bahay nila kaya nagpunta na ako sa bahay nila since nandito na lang rin naman ako.

Pagdating ko ro'n, naabutan ko siyang nakaupo sa labas ng bahay nila do'n sa may malaking bato sa labas ng gate nila. Nagulat naman siya no'ng makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?"

Lumapit ako sa kanya bago ko siya sinagot.

"Nag-alala ako sayo. Gusto lang kitang kamustahin. Tsaka, worried ako sa friendship natin nina Rhian dahil sa naging kumplikado ang lahat."

"Kasalanan niya 'yon." sagot ni Callen na halatang galit. Tapos tumayo siya at binuksan 'yong gate nila. "Pumasok tayo. Nakakahiya naman, baka pagalitan ako ng pinsan ko dahil pinapakagat ko sa lamok 'yong anak niya."

Natawa ako sa sinabi niya pero tumahimik din agad kasi na feel ko na hindi ito ang tamang oras para tumawa.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila, tinanong niya ako kung anong gusto kong kainin pero tumanggi na ako kasi hindi naman talaga ako magtatagal dito. Gusto ko lang siyang kamustahin at makausap.

"Ano ba kasi pinag-awayan niyo? Last week ko pa napapansin na 'di kayo nagkikibuan."

Tapos pinindot niya 'yong noo ko, "Hindi ka kasi namamansin. Masyado kang seryoso sa pag-aaral para sa exam. Kaya 'di ka na updated."

Inirapan ko naman siya, "Sorry na. Pero ano ba kasi talaga?"

Lumunok siya ng laway bago nag-kuwento.

"No'ng naging busy ako sa Cafè, 'di ko siya nasamahan sa mga lakad niya. Tapos nagpaalam siya na magpapasama siya sa iba. Pumayag naman ako kasi alam kong kailangan niya ng kasama. Pero 'di ko alam na 'yong ungas na 'yon 'yong kasama niya."

'Yong ungas na tinutukoy niya ay si Shawn 'yon. Halatang galit siya habang binabanggit 'yong salitang 'Ungas'.  At hindi na rin ako magtataka kasi parang nakikita ko sa kanya sarili ko kung papano ako magalit kay Colleen no'ng nalaman ko na sila na ni Gab.

"Pero bakit hindi mo inalam kung sino ang kasama niya?" tanong ko pa.

"May tiwala ako sa kanya kaya 'di ko na nagawang magtanong." tapos napangiwi siya sabay sabing, "Na sobrahan yata 'yong tiwalang binigay ko sa kanya kaya ayon, nauwi lahat sa wala."

Natahimik siya saglit hanggang sa mag-kuwento ulit.

"Hindi ko alam na naging malapit na silang dalawa no'ng time na 'yon. Tapos madalas na silang makasama at magkausap sa chat nang hindi ko nalalaman. Tapos sinabi niya sakin isang araw na. . . hindi na ako."

Bigla akong nakaramdam ng awa kay Callen. Parang ako lang din. Ganito rin kasi 'yon, e. Isang araw nagulat na lang din ako na hindi na ako 'yong mahal ng taong mahal ko.

Naiintindihan ko 'yong nararamdaman ni Callen ngayon at hindi ko siya masisisi kung bakit ayaw na niyang makipag-bati kay Rhian at galit na galit siya kay Shawn.

"Wala naman akong karapatang magalit," Pagpapatuloy niya. "kasi alam kong wala namang kami. Pero ang unfair lang kasi ako 'yong nandito, ako 'yong nakakausap niya no'ng mga panahong masaya kami at inlove kami sa isa't isa. Ako 'yong naghintay ng matagal at hindi sumuko hanggang sa maging pwede na. Pero ayon, napunta lang siya sa iba."

Ang daming sinabi ni Callen sakin sa loob ng 20 minutes. Kwinento niya sakin lahat-lahat at naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon. Pero kailangan ko ring intindihin 'yong side ni Rhian bilang kaibigan niya.

Nagpaalam ako kay Callen pero hindi na ako nagpahatid sa kanya kahit na nag-aalala siya sakin na umuwing mag-isa dahil gabi na. Alam kong kailangan niya ng time para magpahinga ngayon, kasi alam ko 'yong pakiramdam nang ma-broken hearted. Pero ang pinagkaiba lang ng sitwasyon namin ay wala silang label pero sobrang affected pa rin niya.

Paglabas ko ng gate nila, nagulat ako sa nakita ko.

Akala ko namamalikmata lang ako, pero nang makita kong tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa malaking bato sa harap ng gate nina Callen, do'n ko napagtantong nakikita ko nga siya ngayon dito.

"Bright? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko.

"Ihahatid ka pa-uwi." sagot niya.

Naka-jacket siya no'n tapos naka short na pambahay lang. 'Yong jacket na suot niya e 'yon pa 'yong jacket na sinuot niya no'ng mag-transfer siya sa school namin.

Napangiti ako ng kunti kasi tanda ko pa kung ano 'yong suot niya no'n at nakita niya 'yon kaya napatanong siya.

"Anong nginingiti-ngiti mo?"

Siyempre, 'di ko naman pwedeng sabihin 'yong totoong nasa-isip ko kasi baka lumaki ulo ng isang 'to at mapagkamalan pa akong crush ko siya.

"Wala lang. May naalala lang." sagot ko. "Bakit ka nga ulit nandito?" pag-uulit ko kasi parang 'di ko na absorb 'yong sagot niya kanina.

"Para ihatid ka pa-uwi." sagot naman niya.

"Hala. Di mo'ko kailangan ihatid pa-uwi 'no. Okay lang naman ako. Tsaka," napatingin ako sa relo ko, "8:25 pa lang."

"Hindi ka ba natatakot maglakad mag-isa sa gabi, ha?" tapos napatingin siya sa paligid, "Delikado. Lalo na't madilim 'yong daan."

"Ah, so kung nandito ka kasama ko e magliliwanag ba ang daan?" sarcastic kong sabi.

Akala ko sasagutin niya ako ng sarcastic ding sagot. Pero nagulat ako nang marinig ang seryoso niyang sagot na may kasamang pa cute na ngiti, "Oo, kasi ako ang liwanang mo."

At hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit ako biglang napangiti sa sagot niyang 'yon.

"At panghabang-buhay na 'yon. Kasi naka-ukit na 'yon sa pangalan ko." dagdag pa niya.

Pero bago pa man ako mapangiti ng matagal ay binawi ko na 'yong mga ngiting 'yon at nagkunwareng waley 'yong sinabi niya.

"Ang assuming mo naman. Hindi lang ikaw ang may pangalang Bright sa mundo, ano."

Tapos inilapit niya ng kunti 'yong mukha niya sakin.

"Sige nga, sabihin mo kung may kilala ka pang-isa." paghahamon niya.

"W-wala." utal kong sagot. "Pero alam kong 'di lang ikaw ang nag-iisang Bright sa mundo. Maniwala ka."

"Pero ako lang ang kilala mong Bright." sagot pa niya. "Kaya ako lang ang liwanag ng buhay mo."

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang ibahin 'yong usapan, "O siya, tara na. I-uuwi na kita sa inyo."

Wala na naman akong choice kasi mapilit siya kaya 'di na ako nakatanggi. Nagsimula kaming maglakad pa-uwi. Pero sinabi ko sa kanya na hanggang sa kanto lang niya ako i-hatid kasi baka makita siya ni Mama o baka sumakto pa sa pag-uwi ni Papa at makita pa kami. Mga ganitong oras kasi umuuwi si Papa galing sa trabaho.

Habang naglalakad kami ay hindi namin mapigilang hindi pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Callen, Rhian at ni Shawn.

"Sabi ng kaibigan ko, mahal lang daw talaga nila ang isa't isa kaya ayon. Naging sila."

"Nasabi na 'yan sakin ni Callen." sagot ko naman. "Wala naman tayong magagawa ro'n kasi 'di naman tayo pwedeng mag decide kung sino ang pwede nilang mahalin at sino 'yong hindi."

Tapos napabuntong hininga ako kasi naaalala ko 'yong mga efforts ni Callen, "Pero kawawa naman si Callen. Alam mo, sobrang affected siya kasi mahal na mahal niya si Rhian at handa siyang maghintay kahit gaano pa katagal. Tapos biglang ma-uuwi lahat sa wala. 'Yong effort at paghintay, sayang oras."

Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako kaya napatigil din ako.

"Alam kong nakaka-relate ka sa sitwasyon ni Callen kasi na experience mo na 'yong masaktan nang dahil sa love." aniya at ngumiti sakin na parang bang sinasabing wag akong mag-alala. "Pero alam kong makaka-move on din si Callen."

Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim at napatitig sa ibang lugar. That time, 'di ko na alam kung anong sasabihin kaya hinintay ko na lang ulit siyang magsalita. Hanggang sa,

"E, ikaw?" 

Nilingon ko agad siya, "Anong ako?"

"Naka-move on ka na ba? O siya pa rin?"

Napaisip ako saglit. Inulit ko pa 'yong tanong na 'yon sa isip ko habang tinatanong ang sarili ko kung naka-move on na nga ba ako? O si Gab pa rin?

Pero kahit 'di niya ako tanungin, obvious naman ang sagot.

"Di pa." sagot ko.

Hinawakan naman niya ako sa magkabilang balikat ko. Alam kong ang seryoso ng mga titig niya ngayon pero 'di ko magawang titigan siya sa mga mata niya kasi. . . 'di ko kaya. Baka umiyak lang ako kapag nagbigay advice siya sakin kaya napayuko na lang ako.

"Gano'n ba talaga siya kahirap kalimutan, Deyn?"

Dahan-dahan kong inangat ang mga tingin ko at nagtama ang mga mata namin. 'Yong mga mata niya, ang ganda. Parang isa rin sa mga bituwing kumikinang sa langit. At no'ng mga oras na 'yon, hindi ko na nagawang alisin ang mga titig ko sa kanya.

"Sobra." sagot ko.

Matapos ko siyang sagutin, 'di ko namalayan na yakap na pala niya ako. Ang bilis ng pangyayare at niyakap niya ako at imbis na umalis ako sa mga yakap niyang 'yon dahil sa gulat ay mas pinili kong mag-stay kasi ang gaan sa pakiramdam at pakiramdam ko kumportble ako sa mga bisig niya. Tipong pinapakita niya sakin na kahit alam kong mahihirapan ako, may tao pa rin na lagi akong chini-cheer up sa mga problema ko.

No'ng mga gabing 'yon, naging kumportble ako sa mga bisig ng taong hindi ko pa naman gano'n ka-kilala. Mahigit isang buwan pa lang simula no'ng mag transfer siya pero heto, parang close na close na talaga kami. At ang sarap sa pakiramdam na para bang masasabi ko sa sarili ko na siya ang pahinga ko. Weird pakinggan, pero. . . totoong naramdaman ko 'yon no'ng gabing 'yon.

                              ***

Nagkausap kami ni Rhian, pinuntahan namin siya ni Ashley sa bahay nila. Sinabi niya samin lahat-lahat hanggang sa maliwanagan kami ni Ashley. At oo, tama ako sa part na mas nahigitan ni Shawn ang nararamdaman ni Rhian kay Callen.

Nagising na lang si Rhian isang araw na si Shawn na ang mahal niya at hindi na si Callen.

Gusto kong magalit kay Rhian kasi una sa lahat, sinaktan niya si Callen, pangalawa para siyang si Gab na nagising na lang isang araw at si Colleen na ang mahal niya. Gusto kong magalit pero alam kong wala akong karapatang gawin 'yon.

At isa pa, kailangan ko rin siyang intindihin.

"Pero Rhian, hindi naman sa sinasabi ko 'to kasi Tito ko si Callen, naaawa lang talaga ako sa kanya kasi alam mo 'yon, siya 'yong nand'yan, siya 'yong naghintay ng matagal na kahit walang kasiguraduhan kung kailan pwede nang maging kayo nagawa niyang maghintay tapos sa isang iglap, iba 'yong sinagot mo." paliwanag ko.

"Tama si Deyn." pagsang-ayon ni Ashley sa sinabi ko. "Pero wag kang magalit samin, ha. Sinasabi lang namin 'to kasi alam mo na. . . bukod sa MU kayo ni Callen, naging magkaibigan din tayo."

Nakita kong sumimangot mukha ni Rhian habang inaalala 'yong mga past. That time, parang maiiyak siya kaya niyakap ko siya.

"Uy, wag kang umiyak. Di ka naman namin sinisisi. Siyempre, nire-respeto namin ang desisyon mo." dagdag ko pa.

"Hindi naman gano'n." tapos nagpunas siya ng luha. "Ano lang kasi, feeling ko talaga mali na sinagot ko si Shawn."

"Hindi naman sa gano'n. Alam naming mahal mo si Shawn." sagot ni Ashley habang kinakapa ang likod ni Rhian, "Kung siya talaga ang gusto mo, then, wala na kaming magagawa ro'n. At susuportahan ka pa rin namin. Nandito pa rin kaming mga kaibigan mo." tapos niyakap siya ni Ashley.

"Pero maituturing pa ba niya akong kaibigan matapos ko siyang saktan?"

"Siguro." sagot ko. "Kilala ko siya. Mabait siyang tao. Kung hindi man ngayon, alam kong dadating ang araw na matutunan ka pa rin niyang patawarin."

Tapos nilingon nila ako pareho. Nagtaka ako kung bakit. Feeling ko tuloy may nasabi akong mali.

"Ikaw Deyn, napapatawad mo na ba si Gab sa mga nagawa niya sayo?" tanong sakin ni Rhian.

Ayan na naman sila. Binabalik na naman nila sakin ang tanong. Bakit gano'n? Laging nasasali ako sa mga napagdadaanan ng mga kaibigan ko? Kumbaga, parang ako 'yong naunang maka-experience ng lahat bago sila tapos ako 'yong tinatanong kung ano 'yong mga nararamdaman ko no'ng mga panahong ganito o kung naka-move on na ba ako at nagawa ko na ba siyang patawarin like, pwede bang. . . wag niyo 'kong isali? Kainis, e. Naaalala ko lang siya lalo. 

Umiling ako, "Hindi pa." sagot ko. Kasi hindi ko pa naman talaga siya napapatawad. Ni mag move on nga nahihirapan ako, ang magpatawad pa kaya.

Tapos nakita kong sumimangot ulit ang mukha ni Rhian sa sagot ko. Kaya dinugtungan ko na lang 'yong sinabi ko.

"Iba naman kasi 'yong samin. Kami kasi e naging kami talaga. Tapos may mga commitment gano'n, pero kayo e MU lang naman, kaya 'di masyadong deep."

Ewan ko lang kung ano 'yong sinabi ko at kung may sense ba 'yon at kung na gets ba ni Rhian pero bahala na.

Ayoko nang ulitin pa 'yon kasi nakakapagod nang balikan ang tapos na.

No'ng monday, kinabahan ang lahat kasi ngayong araw na i a-announce 'yong top 10 sa classroom namin. Kahit ako hindi ako mapakali. Kinakabahan ako ng sobra kasi maraming mas matalino at halo-halo 'yong mga nakuha naming scores no'ng nag exam last week. That time, hinuhulaan ng mga ka-klase ko kung sino 'yong magiging top 1 sa classroom namin. Sobrang kinabahan ako no'n kasi 'yong mga tinuturo nila e ako, si Colleen o si Richard. Kaming tatlo raw ang may chance na mapunta sa Top 1.

Napatingin ako sa harap which is sa upuan ni Colleen kung saan nakikita kong kampante siya at mukhang hindi kinakabahan. Siguro nag-cheat na naman ang isang 'to at napaka-kampante niya.

"Guys, tingin niyo, makakasama kaya ako sa top 10?" kabadong tanong samin ni Rhian.

"Ipag-pray mo na lang." sagot ko. "Matataas naman scores mo. Kaya feeling ko oo."

"Sampu 'yong makakasama at sampu 'yong hindi, tingin niyo, saan ako nabibilang?" tanong naman ni Ashley.

"Tingin ko fifty-fifty." sagot ni Rhian. "Maraming mas mataas ang scores sa exam. Feeling ko talaga fifty-fifty tayo." tapos napahilamos ng mukha si Rhian sabay sabing, "Dapat pala nag-aral na lang tayo kasabay ni Deyn."

"O? Ngayon na realized mo na?" sabat ni Ashley na parang sinisisi si Rhian.

Tumango naman si Rhian sabay sabing, "Sobra. Kung alam ko lang na mas maraming mas matataas ang scores sa exam kaysa sakin, sana pala talaga mas nag-aral pa ako."

"Ako din. Sayang 'yong i-reregalong cellphone sakin ni Mama kapag 'di ako kasama sa top 10."

At dahil pareho silang nagsisisi ngayon, wala akong nagawa kundi ang tapikin sila sa likod para sabihing 'ayos lang 'yan'

"Bawi na lang tayo sa next life." biro ko habang tinatapik sila sa likod.

Maya-maya pa nagparinig si Colleen at ikinataas na naman ng dugo ko 'yong sinabi niya.

"Pag ako 'yong nasa Top 1, i ki-kiss ko si Gab sa lips."

Tapos umarteng kinilig sina Jennifer at Marian kahit na wala namang nakakakilig do'n sa sinabi ni Colleen. Siguro sa kanila nakakakilig 'yon pero sakin? Yuck! Kadiri.

"Omg girl! Pag nasa Top 1 ka, I'm sure si Gab pa mismo hahalik sa'yo sa sobrang tuwa kasi 'yong girlfriend niya ang pinakamatalino." sagot naman ni Marian.

"Let's see na lang." sagot pa ni Colleen.

Tapos itong si Ashley biglang tumayo at pinatulan si Colleen.

"Excuse me, what if hindi pala ikaw?"

Napalingon sa gawi namin si Colleen at nakita kong tinaasan niya ng kilay si Ashley bago ito inirapan sabay sabing, "Bakit? Umaasa ka bang ikaw ang magiging top 1 sa klase?" mataray niyang tanong kay Ashley.

At itong si Ashley, siyempre hindi nagpatinag.

"Hindi ako umaasa. Pero sa pagkakaalam ko, hindi mo talaga deserved na mapunta sa top 1."

"Oh my gosh girl, mukhang may na insecure dito." sabat naman ni Jennifer na ang tinutukoy na insecure ay si Ashley.

"Excuse me lang, ha. Hindi ako insecure pero pag 'yang kaibigan ninyo ang nag top 1, kakain talaga ako ng sili." panghahamon ni Ashley.

"Game!" sagot ni Colleen na talagang game na game sa sinabi ni Ashley at talagang confident siya.

Well, let's see.

"Pero pag itong friend namin ang mag to-top 1 sa klase," sabay turo sakin ni Ashley. Nagulat pa ako kasi nadamay ako. E, kabado akong nananahimik dito habang hinihintay 'yong announcement pero siya hinanapan pa ako ng gulo. "Kayo ang kakain ng sili." panghahamon sa kanila ni Ashley.

Pero 'yong mga friend ni Colleen e parang hindi sumang-ayon sa sinabi ni Ashley.

"Teka, walang ganyan." sabat ni Marian.

"O? Bakit? Takot kayo? Para na ring sinasabi niyong hindi kayang tapatan ng kaibigan niyo itong kaibigan namin."

Nakita kong napatingin si Colleen sa mga kaibigan niya at napa-irap nang mapagtanto 'yong sinabi ni Ashley.

Sina Marian at Jennifer naman e biglang natakot kay Colleen at walang nagawa kundi ang pumatol sa panghahamon ni Ashley sa kanila.

"Not one, but thrice ang siling kakainin ng mga kaibigan ko kapag 'yang si Danielle na Ex ng boyfriend ko ang mag to-top 1." sabat ni Colleen.

Sinabi niya 'yon with emphasis sa 'Ex ng boyfriend ko' dahilan para mapalingon sakin ang mga ka-klase ko. Arg! Kailangan ba talaga niyang sabihin 'yon sa harap ng mga ka-klase namin?

Pero itong si Ashley game na game.

"Game!" sagot ni Ashley.

Pero ako, hindi.

Hindi dahil sa hindi ako sang-ayon sa mga hamon nila kundi do'n sa part na sinabi niyang 'Ex ako ng boyfriend niya'. Talagang pinapapangit niya 'yong image ko lagi sa harap ng iba kaya 'di ko napigilan ang sarili ko't tumayo ako at nagsalita.

"Excuse me lang, Colleen or ano ba gusto mong itawag ko sayo? Taga ligpit ng sinuka ko na?"

'Yong kaninang mataray niyang mukha e napalitan ng inis dahil sa sinabi ko.

Napatayo rin siya ng dis oras dahil sa sinabi ko.

That time, sobrang tahimik ng classroom at lahat ng attensyon nila e na samin.

"Sinuka? Seriously?" sarcastic niyang tanong. "Nakalimutan mo na ba na bago siya naging sa'yo, ay akin din naman siya?"

Napa-isip ako, tama siya. Sa kanya nga si Gab bago naging sakin. Pero sino ulit ang may kasalanan sa kanilang dalawa kung bakit siya iniwan? Siya. Kasi nag-loko. Cheater, e.

"Oo nga pala. Sa'yo pala siya. Pero iniwan ka rin niya at i-pinalit sakin. Alam mo kung mo bakit? Kasi cheater ka!" sigaw ko sa kanya. "Alam mo, kung ikaw ang magiging top 1 dito, hindi na ako magtataka. Kasi alam mo kung bakit?" hindi siya nagsalita at tanging nakatitig lang siya sakin gamit ang mga matatalim niyang tingin. "Kabisado na kita Colleen,

ayaw mong nalalamangan ka!"

That time, para na akong susugurin ni Colleen sa galit nang dahil sa sinabi ko. Pero wala siyang nagawa kasi pumasok na 'yong homeroom teacher namin para i-announce ang top 10 at ibigay samin ang grades namin.

"Okay class, I am now announcing our top 10." sabi ng homeroom teacher namin at nagsi-tahimik naman kaming lahat. "Top 10. . . Mendoza, Rhian." pumalakpak kami at si Rhian naman tuwang tuwa kasi napasama siya sa top 10 kahit na inisip niyang malabong mangyare 'yon kasi 'di siya masyadong nakapag-aral sa exam.

Ina-nounced ng homeroom namin ang top 9 tapos, "Top 8. . . De Vera, Callen."

Pumalakpak ako kasi alam kong may goodnews na nangyare kay Callen pagkatapos ng lahat. Ang alam ko kasi e madadagdagan 'yong allowance niya kapag nasama siya sa top 10 ng klase.

Ina-nounced 'yong top 7 at top 6 hanggang sa, "Top 5. . . Trinidad, Colleen."

Nakita kong nanghinayang 'yong mga friends ni Colleen kasi top 5 lang siya at hindi top 1. That time, napatingin ako kay Colleen na hindi tumayo para kunin 'yong certificate niya. Naka-upo lang siya no'n na parang hindi matanggap na nasa top 5 siya kaya 'yong ka-klase ko nang naka-upo sa harap na lalake 'yong nagbigay ng certificate ni Colleen sa kanya. Bahala na siya kung anong gagawin niya sa certificate niyang 'yon.

Tapos ina-nounced 'yong top 4 hanggang sa, "Top 3. . . Salazar, Richard."

Kinilabutan ako bigla.

Si Richard 'yong top 3 na kung tutuusin e kasing talino ko rin siya.

Kung top 3 siya at may dalawang spot pang natitira. . .

Sino 'yong isa?

Napapikit ako no'ng i-announced 'yong top 2.

At hindi.

Hindi maaari.

"Top 2 . . . Legaspi, Danielle."

Kung ako 'yong top 2,

Sino 'yong. . .

"Top 1. . ."

Napalingon ako sa upuan niya at galit na napatitig sa kanya nang sabihin ng teacher namin ang pangalan niya.

"Navales, Bright Cyril."