Chapter 28
"Talaga! May anak kayo Mica?" tanong ni Eula sa akin. Nasa cafe shop kami ngayon at umiinom ng kape habang tinatapos ang proposal projects nila ni Ignacio sa Batangas at Makati sa Manila. Nag comfort room lang muna siya saglit kaya ako naiwan na kasama si Eula.
Umirap na naman ako sa isipan ko dahil sa palagay ko ay mas mahaba na naman ang kanilang pagsasama kapag magsimula na ang business nila na isang mall din.
Kalma Mica, remember? Wala na kayo ni Ignacio? Ni minsan hindi mo nadinig galing sa kanya na mahal ka pa niya at ganun ka rin sa kanya kaya wag ka nang umasa.
"Oo, yung nangyari that time, hindi ko alam na may nabuo pala ako sa sinapupunan ko. Late ko na nalaman nung time na sobrang stress na ako." Ani ko sa kanya dahil gusto ko siyang sumbatan at ipaalala sa kanya na kung hindi dahil sa dalawang tao na ito ay hindi yun mangyayari sa akin . Trauma, stress and anxiety ang naramdaman ko sa mga panahon na yun.
Tumango lang siya sa sinabi ko. Walang bahid ng simpatya at kung ano pa.
"Mabuti at hindi mo naisipang ipalaglag," biglang namilog ang mata ko, dahil sa sinabi niya.
"Hindi.. hindi ko kayang gawin yan Eula." umiiling ako sa kanya. Bakit naisip niya ang mga bagay na yan? Ni minsan wala yan sa isip ko, sa mga oras na iyon ay stress man ako pero hindi ko naisip ang iniisip niya. Pinapasalamatan ko pa nga dahil sa kabila na nangyari ay buhay ang anak ko. Kumakapit ang anak ko.
Hindi ko alam na nagdadalang-tao ako pero ang anak ko mismo ang nagparamdam sa akin na lumaban ako dahil nasa sinapupunan ko na siya. Mas lalo akong nangako sa sarili ko na mamahalin ko siya ng buong puso at mas lalo ko siyang minahal nung pinanganak ko siya.
"Ang swerte mo naman." Nginitian niya lang ako.
"Let's go." aya ni Ignacio na makabalik na siya sa table namin. Nanatili lang akong nakaupo dahil hindi pa ako tapos sa kakasave ng mga schedule ng boss ko sa tablet.
"May lakad pa tayo?" tanong ni Eula kay Ignacio. Tumaas ang kilay ko at matalim ding nakatitig sa mga letra na tinitipa ko. Paki ko sa inyo kung magdadate kayo pagkatapos ng meeting niyo.
"Nope, may lakad ka ba? Kami kasi susunduin lang namin ang anak namin sa school then we're having dinner together later." ani ni Ignacio. Bigla namang bumaba ang blood pressure ko dahil sa narinig, so ako pala ang pinaparinggan niya. Tanga ko lang. "Hindi ka pa ba tapos?" Tanong niya habang inilagay ang mga takas ng aking buhok sa aking tenga.
Sinilip ko si Ignacio at nakatuon ang tingin ko kay Eula na matalim ang tingin sa amin at dahil napansin niya na nakatitig ako ay saka pa lang siya ngumiti na hindi naman abot hanggang pilikmata.
Binalik ko ang atensyon sa boss ko at nginitian. "Kaso hindi pa ako tapos, may sampo pa akong itatype. Masakit na nga ang mga daliri ko sa kakatipa eh," malambing ko na sabi na may halong pagnguso habang inaayos ang kanyang kwelyo. Sige Mica drama pa, yung pang FAMAS dapat.
Nagpipigil na ngumiti ang loko at narinig namin ang pagtikhim ni Eula. "Yeah! I need to go. May pupuntahan pa pala ako. Thanks Ignacio, don't forget our projects. I need it as soon as possible.," saad niya at hindi man lang bumaling ang lalaking ito sa direction ni Eula at nakikinig lang itong isa lalo ngayon na busy sa kakamasahe sa mga daliri ko habang nakatingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at ninguso si Eula, "okay, ingat Eula," yun lang ang sabi niya at hindi man lang binalingan yung babae. Nakita kong inikot ni Eula ang mata niya at matalim na nakatingin sa amin. Selos 'yan?
Hanggang hindi ko na siya mahagilap ng makalabas na ng shop.
"Okay na ba at hindi na masakit ang mga daliri mo?" agad kong ibinaba ang aking kamay sa paghawak niya dahil doon pa lang ako na tauhan sa pinaggagawa ko.
"O. oh ok na.. salamat," nauutal ko pang sabi. Binalik ko ang mga mata sa tablet ko para matapos na itong pinaggagawa namin.
"Ayos na yan, sa bahay muna na lang yan tatapusin. Let's go at susunduin pa natin si Saul." nagmamadali ang kilos niya at tinulungan akong magligpit ng gamit.
Simula ng makabalik kami galing sa Negros dito sa Cebu ay hindi na nagsusungit ang lalaking ito. Natuloy ang kasal nina Shemaia at ang Italiano na asawa at ganun din ang gagawin nila na vice versa ang uwian ng bahay.
Umuwi kami at diretso sa bahay namin at doon na rin siya natutulog ng ilang araw dahil sa ayaw pa naming bumalik sa kanyang condominium.
Kaya ang ginawa namin ay vice versa ang inuuwian namin na bahay para naman hindi malungkot ang mga grandma ni Saul.
Dahil hinahayaan lang namin kaya ayun sobrang spoiled sa kanyang mga Lola parang ayaw nga na magpatalo eh, kahit hindi naman talaga kailangan na gamit ni Saul ay binibigyan o binibilhan.
Napapailing na lang kaming lahat dahil hanggang ngayon away-bati pa rin ang dalawang mag bestfriend dati na naging kaaway din.
"Sa susunod na linggo ay papupuntahin ko sa bahay ang attorney ko," kunot-noo ko siyang binalingan dahil sa sinabi niya na abogado. Bigla akong kinabahan.
"May karapatan ako sa anak natin Mica!"
"And so? Kukunin mo siya sa akin at gusto mo ng… " hindi ko matuloy tuloy ang sinasabi ko habang umiiling dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata.
Ito na ba yung custody na gusto niya at kinakakatakutan ko naman? Kunin niya ang anak ko? No… hindi pwede.
"No… hindi ako papayag na kukunin mo sa akin ang anak ko Ignacio. Ayoko!" Sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas ko siya sa balikat
Nasa parking lot pa lang kami at papaandarin na sana ang sasakyan na may naalala. Kaya malaya ko siyang mahahampas dahil sa sinabi niya.
"What? Why are you mad, hmm? Of course anak ko rin siya Mica. Hindi ba pwede na apelyido ko rin ang dadalhin niya ha?"
" Ano? Hindi mo kukunin ang anak ko? "
"Anak natin Mica, anak nating dalawa. Ilang beses ko ba yang sinasabi sa'yo. Anong kukunin ko ang bata? Bakit ko pa siya kukunin sa'yo? Ang sa akin lang bigyan mo ako ng pagkakataon na maging tunay na ama ni Saul kaya papalitan ko ang kanyang apelyido. Please.. " pagsusumamo niya.
Pinagtitigan ko lang siya sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o pagsisihan ko lang ito sa huli.
Hanggang nakarating kami sa paaralan ni Saul ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Ignacio.
Ang saya-saya ng anak namin habang nagpapa karga kay Ignacio.
"Hi mama at papa, tingnan niyo po may bago na naman po akong star." magiliw na sabi ng anak ko habang pinapakita niya ang kanyang pulsuhan na may star nga.
Nginitian ko ang anak ko, "congratulations baby. Stay doing great always, okay? Always remember that we love you so much, right baby?" ani ko habang nilingon ko ang anak ko habang nasa backseat ng sasakyan.
"Yes mama, kayo po ni papa ang inspirasyon ko po kung bakit ako laging magaling sa school," sabi ng anak namin at nagkatinginan kami ni Ignacio.
Agad akong umiwas sa kanyang titig at nginitian si Saul.
Maya-maya ay nakarating kami sa mall na pinag trabahuan ko dati. Napangiti ako na nandito kami maggogrocery o kakain ba.
Nagtext kanina ang mga bruha ko na kaibigan na nagbar sila nung isang araw. May nagtanong na nga kung bakit hindi raw ako kasama. Dahil sa nalaman na may naghahanap sa akin ay parang ayoko ng magbar pa unless siguro kung kasama ko si Ignacio or hindi na talaga ako tutungtong pa sa club.
Pagkatapos maiparada ni Ignacio ang sasakyan niya ay entrance pa lang ng mall ay nagsisibalian na ang mga ulo ng iba, especially mga babae. Bigla akong napairap sa aking isipan, hindi ba nila napapansin na may asawa na yung tao.
Ay.. hindi pa pala kami kasal, tsk. Wala rin pala akong kawala. Wala pala talagang kami.
"Kakain na muna tayo bago tayo pumanhik sa supermarket, for sure gutom na kayong dalawa," sabi niya at tumango lang ako dahil nga gutom na rin ako kanina pa at masaya naman ang anak ko dahil sa narinig na kakain na muna.
"Good morning sir!"
"Good morning sir!" bati ng mga empleyado na kilala ang lalaking katabi ko ngayon at ang isang tong, kuripot para magsabi ng morning too. Tsk.
Magana kaming kumain ni Saul ngayon sa napili namin na fast food. Wala na akong pakialam kung panay lamon ko dahil nga sa masarap ang ulam. Pinagtitinginan man kami ay wala na akong pakialam.
Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko rin sa sarili ko na ang takaw ko sa pagkain. Minsan habang pumapasok sa opisina ay hindi pwede na wala akong mapakpak na pagkain habang naglalakad sa kung saan ang area ko. Kaya minsan ang elevator amoy ng kung anong bitbit ko.
Minsan kasi banana q, o di kaya nilagang mais o kung ano pang pwede ng maidala sa loob ng opisina.
"Gusto mo pa ng manok, padagdag pa ako?" Hindi ko alam kung kanina pa siya nagtatanong pero.
"Okay.." sabay na sabi namin ng anak ko kaya nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't-isa dahil nag-iisa lang ang utak namin ng anak ko.
Tumayo si Ignacio at pumunta sa harap. Nagpatuloy kami sa pagkain ng anak ko. Minsan tinutulungan ko si Saul ang hindi niya maayos na pagkain sa manok.
Halos apat na oras ang pamamalagi namin sa mall. Inaantok na ang anak ko kaya kinarga na siya ni Ignacio habang pareho kaming pinupush ang push cart para magbayad. Nakita ko si Yana sa isang counter kaya doon kami nakahilera para magbayad. Hindi niya ako napansin dahil busy rin ito sa ibang customers.
Maraming pumupunta dito kahit sa oras na ito. "Oh my gulay.. hindi nga.. Mica?" Mahina niyang tili sa akin na akala mo ngayon lang nagkita." Mabuti na lang at dito ka pumunta sa panig ko bruha ka. Tapos wow ha yayamanin na natin ah. Nakajackpot ka ba sa lotto at dami ang pinangbibili mo?" saad niya na mas napatawa sa akin.
Hindi naman ito sobrang marami, "hindi.. of course yung iba ay para sa tindahan namin.," Sagot ko sa kanya.
"Ito pa mama oh, pakisali na lang po," bumaling ako kay Saul na karga parin ni Ignacio at may inabot sa akin na oatmeal.
Meron na siya nito pero siguro gusto tumikim ng ibang flavor. " Alright," ngiti ko.
"Aray!" bumaling ako kay Yana dahil sa bigla niya akong hinampas sa balikat.
"Siya ba ang tatay ni Saul, Mica? Pogi naman, tanong mo nga kung may kakilala pa na afam o di kaya may kapatid ba siya para ligawan ko," bulong niya na napatawa ng mahina agad sa akin. Sira talaga ang babaeng ito. May boyfriend na siya na nakilala niya sa bar tapos maghahanap na naman. Idamay pa ako.
Mangiyak-ngiyak ako habang nakatingin sa sarili ko sa vanity mirror na nandito sa kwarto ni Ignacio. Naliligo siya at ang anak ko ay tulog na tulog na ngayon dahil sa napagod yata sa biyahe kanina. Paanong hindi mapagod kung school at mall ang pinuntahan namin kanina. Dito na kami dumeretso sa condo niya dahil mas malapit lang at bukas na lang kami uuwi ng bahay para maibigay ko sa kanila ni mama ang mga pinang grocery ko kanina.
"Tumataba na ako, haizt wala ng magkasya na skirt sa akin nito papunta ng opisina." Naiinis kong sabi sa sarili ko. "Bibili na naman ako ng bago dahil lang hindi magkasya ang mga ibang damit ko. Nakakainis… "
"What's wrong?" Napalukso ako dahil sa gulat. Hindi ko man lang namalayan na nasa harapan ko na pala si Ignacio at tapos ng maligo. Nakabihis na rin siya ng black pajama at white sando.
Pinupunasan niya lang ang buhok niya ng tuyong tuwalya na maliit habang nakatitig sa akin. Gustuhin ko mang maglaway sa biceps niya ay biglang pumait ang timpla ko ngayon.
Ngumuso ako dahil naalala ko naman kung bakit ako naiinis.
"Kasalanan mo to?'' tumaas ang dalawang kilay niya.
" Why?"
"Panay lagay mo ng pagkain at bili ng pagkain na masarap, yan tuloy ang taba ko na… " inis ko na sabi ko sa kanya habang tinuturo ang tiyan ko at bewang. Halos hindi ako makahinga kanina dahil sa sobrang busog at ngayon nahihirapan ako kung anong damit ang susuotin ko kinabukasan dahil ang nadala ko ay hindi pala stretchable.
"Huh? No you're not?! Hindi ka naman mataba. Sakto lang naman ang katawan mo," Aniya na mas lalong naiinis ako sa sagot niya.
"Mataba nga! Tingnan mo ang mga nadala ko na damit oh, halos hindi magkasya sa akin. Uuwi na lang ako nito bukas para makapag hanap ng damit na kasya sa akin pagkahatid kay Saul sa paaralan," pamimilit ko.
Lumapit siya sa akin at iginiya niya ako sa closet niya. Magpoprotesta pa sana ako na mas hinila niya pa ako lalo.
"A.. anong gagawin natin dito?" Namumula na yata ang mukha ko dahil sa naiisip.
"Don't worry wala tayong ibang gagawin, okay? Look! I don't know kung ano ang susuotin mo bukas, just free to choose." Aniya at binuksan ang pinakadulo na closet niya.
Biglang namilog ang mga mata ko na kung anong meron doon.
"Gusto mo tulungan na lang kitang maghanap?" sabi niya pero tulala pa rin ako dahil sa nakita.
Damit pambabae ang nakalagay dito. May mga sapatos at sandal din akong nakita na alam mong hindi pa nagagamit ni minsan.
"S. Sa. sa akin ang mga ito?" nanginig ang mga labi ko habang nagtatanong.
"Mmm..,"
"Kailan lang?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit naging emotional ako. Hindi naman ako ganito dapat lalo sa kanya pero bakit ngayon parang alagang-alaga niya pa ako.
Niyakap niya ako ng mahigpit sa aking likuran na ikinabigla ko. "Nung unang pumunta ka dito sa bahay nung gabi na yun! Kinabukasan… yeah… "
Naluluha ako, hindi ko alam kung bakit. Mahal niya ba talaga ako o dahil may Saul? Marahil dahil sa anak namin kaya siya naging mabait? Dahil nga siguro alam niya na kahit kailan sa akin pa rin mapupunta ang anak ko kung sakaling hihingi niya ang custody ng bata.
"Why are you crying? Hindi pa ba ito sapat? Magpabili ako ngayon?" tinampal ko siya sa balikat niya.
"Ang dami na nito tapos bibili ka pa? Tingnan mo nga halos pinipilit na nga lang na kasyahin para lang mailagay lahat sa closet mo. Tsk." natawa na lamang siya dahil nakasimangot ako habang sinasabi ko yun. "Tapos, tingnan mo ang mga presyo, ang mamahal Ignacio," isang taon na namin to na ulam kung bibilhin namin para sa tiyan.
"What? Hindi yan mahal, tama lang ang mga presyo ng mga yan." pamimilit niya pa habang inilagay niya ang kanyang ulo sa balikat ko habang kayakap ako sa likod.
Ngumuso ako habang tinitingnan ang mga price ng damit at pants at kung ano pa, para yata akong nahihilo dito.
"Sa akin ba ito? O Binibilhan mo ang mga babae mo ng damit pagkatapos nilang gamitin ang kwarto mo?" pagalit ko na tanong. Nasa mga presyo ako na matalim na nakatingin at hinayaan pa rin siya na niyayakap ako.
"May kaibigan o naging kapatid na ako na babae na walang iba kundi si Shemaia ang masungit na babae na pumunta sa bahay namin sa Negros pero sa condo ko dito sa Cebu ay ikaw lang Mica ang nagtagal at nakapasok sa kwarto ko. Kung meron mang bisita ay sa sala na sila para sa business, naghihintay at hindi naman nagtagal. So, paano mo naisip na may iba ako?" aniya pero bakit 50/50 ang tiwala ko sa kanya.
Inikot ko ang ulo ko para matitigan siya. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig habang nakasandal ang pwetan ko sa maliit na lamesa na babasagin. Hindi tuluyang umupo dahil baka masira.
"Wee, totoo? Sa bagay wala namang problema kung magdala ka ng babae dito at bihisan pa, make sure mo lang na wala ang anak natin para hindi niya makita kung sino mang babae ang kasa-kasama mo."
"The fuck, Mica! Do you think I would do that?"
" Yeah, ganun naman di ba ang ibang lalaki. Hindi nakuntento sa isa, may kumalabit lang…agad namang sumabit kaya ayun.. nagkatuluyan ang puro kabit." Saad ko. Pero ang loko humahalakhak lang ng tawa. Napalo ko tuloy sa balikat.
" Hindi lahat Mica, at yang mga gamit na yan ay sa'yo talaga. Walang ibang susuot niyan kundi ikaw, kung ayaw mo e di susunugin ko na lang," what? Tang'na talaga ang lalaking ito. Kawawa naman ang mga damit kung ganun.
"Subukan mo lang at titirisin talaga kita sa singit." Ani ko at natatawa lang ang gago na to kaya tinalikuran ko siya para kumuha na ng damit para kinabukasan ay ready na ako at hindi na matataranta sa pagbibihis.
"Anyway, bukas pala pupunta tayo sa doctor," agad ko siyang nilingon dahil nagtataka at baka may sakit siya ngayon at kanina pa iniinda. Bakit ipagpabukas pa kung pwede namang pumunta ngayon mismo.
"Bakit? May sakit ka?" Concern ko na sabi. Nilagay ko ang palad ko sa kanyang noo at leeg. Hindi naman mainit. Napansin kong nakatitig siya sa akin habang sumisilay ang ngiti. Natauhan ako dahil sa ginawa kong pag-aalala. Bakit hindi ba pwede? Mahirap na diba? Dahil lagi silang magkasama ni Saul at baka magkahawaan pa. Yes, yun nga ang rason ko.
"Hindi…Ikaw ang magpapatingin!" Ano raw?
"Wala akong sakit!"
"Alam ko…,"
"Then bakit mo ako papupuntahin sa doctor na wala naman akong sakit. Baka ikaw?" batohan namin ng salita.
"Basta, pupunta tayo sa doctor bukas, okay Mica? Matulog kana at ako na ang magpaplantsa ng mga damit na isusuot mo bukas." aniya at hinalikan ako sa noo.
Pero imbis na makinig sa kanya ay umupo ako sa may upuan doon habang tinitingnan siya na nagpaplantsa ng mga damit ko dahil natapos ko na kanina kay Saul at sa kanya kaya sa akin na lang.
Hanggang hindi ko namalayan na nakatulog na naman ako at dinala niya sa kama.
Tulala ako habang tinititigan ang dalawang guhit. Pagkatapos naming ihatid si Saul sa paaralan ay talagang pumunta muna kami ng ospital na pagmamay-ari sa kakilala niya na doctor.
Sa una, hindi ko talaga maintindihan ang mga kinikilos niya pero kalaunan ay natanto ko kung bakit kami naroon.
May inabot ang doctora at pumasok ako sa cr habang nasa labas si Ignacio, hindi ko na nilock ang pinto kaya malaya siyang makapasok.
Nakita niya ang pregnancy test at alam niya na kung ano ang ibig sabihin nun. Ngumiti siya sa akin at pinatakan ng maraming halik ang mukha ko.
"At Least alam ko na kung paano ko nabuo ang baby natin. Thank you love. Let's get married for real this time. I want to spend my whole life with you and with our children, mmm," aniya. Ang bilis ng takbo ng puso ko.
Nakatitig ako sa mga mata niya, hindi ito panaginip at nasa harapan ko siya.
"Ignacio… !"
"Yes love… "
"I'm pregnant..!"
"Aha.."
"Again.."