CHAPTER THREE
Talitha's Pov
Pagod ang katawan na humiga ako sa loob ng tent na tinayo namin kanina, sa edad kong dalawang put lima ganon naba ako katanda at hindi na kayang makipag sabayan sa energy ng mga teenagers na estudyante ko?
Alas singko y medya na at naka ilang games na din kami ngunit tila walang kapaguran ang mga ito at nagpatuloy pa rin sa kanilang gustong gawain.
Hiniga ko ang aking pagod na katawan sa loob ng labin limang minuto bago tumayo para ihanda ang pagkain namin para sa hapunan.
Paglabas ko sa tent na kinaroroonan ko ay agad hinanap ng mga mata ko ang mga estudyante ko. Buti nalang at kumpleto pa sila. Napangiti ako sa sarili sa naisip. Binilinan ko kasi sila na huwag maghiwahiwalay at laging titignan kung kumpleto ba sila. Marami na rin ang mga taong nagsi alisan dahil malapit na rin dumilim.
"Guys! Huwag na kayong lalayo malapit ng dumilim!" Sigaw ko sa kanila
"Yes po Ma'am!" Sagot naman nilang lahat
Mabilis kong inilabas at inihanda ang mga pagkain mula sa cooler na dala namin. Hindi ko man kayang manghuli ng baboy ramo o kaya't usa para ihawin ay naghanda naman ako ng kebab at hotdogs na siguradong magugustuhan nila.
Tuna Sandwich, Chicken Sandwich at Pizza Sandwich ang mga pinaghirapan ko pang gawin kanina bago umalis ng bahay para baunin at kainin ng mga bata. May dala rin akong bake macaroni siguro naman ay sapat na mga ito para ngayong gabi.
Nagsilapitan na mga girls at tinulungan ako sa paghahanda ng pagkain. Masayang nagkukwentuhan naman ang mga boys sa may di kalayuan mas masaya sigurado kung kumpleto ang mga estudyante ko ngayon.
"Ma'am magpahinga na po kayo kami na bahala dito" sabi ni Amber na ikinangiti ko
"Sigurado kayo?" Tanong ko sa kanila
"Oo naman po, yakang yaka na namin to" sagot naman ni Michelle
"Kung ganon kayo na bahala muna dito at sisindihan ko lang yung campfire natin ng maluto na natin mga yan" sabi ko sa mga ito bago tumalikod. Sumagot pa mga to at tinawag yung mga boys para daw tulungan ako. Patakbo naman lumapit sakin ang mga estudyante kong lalaki at tinulungan akong ipunin ang mga kahoy na gagamitin namin sa pagluto at ang magsisilbing ilaw namin ngayong gabi.
Balot na ng dilim ang paligid at kasalukuyan kaming nag iihaw ng kebab at hotdogs ngayon. Habang niluluto namin ang mga pagkain ay naglalaro din kami ng The Winking Assassin at lagi naman nahuhuli si Julius bilang Assassin kaya pinipitik namin siya sa noo.
"Kawawa naman ang noo ni Julius siguro naman okay na yan, ang mabuti pa palitan na natin ng Two Truths and a Lie. Sa game na to kailangan natin magsabi ng dalawang totoo tungkol sa atin sarili at isang kasinungalingan. Kailangan mahulaan kung ano yung isang kasinungalingan sinabi ng nagsasalita at kapag hindi nahulaan ng manghuhula yung Lie i d-dare siya. Gets niyo ba? Sa game na to mas makikilala natin ang isat isa" sabi ko tsaka ngumiti
"Masaya yan! Ako na mauuna" prisinta ni Megan sa lahat
"Ge sige ako ang manghuhula" sagot naman ni Lawrence
"Okay sige simulan na natin, kapag nasagot ni Lawrence yung Lie ni Megan siya naman ang magtatanong at ang katabi ni Megan which is Jasmine ang sasagot sa tanong niya. Kapag nagtanong naman si Jasmine ang katabi ni Lawrence na si Bryan ang sasagot" sabi ko sa kanila kaya nagsimula na kami habang binabantayan ang mga ini ihaw ko.
"Last year nakapulot ako ng wallet na may lamang 10k cash pero kumuha ako ng 200 pesos bago ko sinoli sa may ari" natawa ako ng marinig ko ang sinabi ni Megan pero hindi ko lubos maisip na totoo pala yon.
Dahil mali ang sagot ni Lawrence ay idinare siya ni Megan na sumayaw. Game naman na sumayaw si Lawrence at masasabi kong may talento siya sa pagsayaw.
"Ma'am ikaw naman po!" Masiglang sabi nila sakin
"Okay okay" tumatawang sabi ko at umubo pa bago simulan ang sasabihin ko
"No boyfriend since birth ako" tumawa naman sila akala yata nila ay nagbibiro ako
"Sumali ako sa Little Ms. Philippines noong 5 years old ako" tumawa na naman ulit sila at tinanong pa ako kung nanalo daw ba ako
"Mahilig akong manood ng horror movies" sabi ko pa
"Alam ko ang Lie mo mam! NBSB ka!" Masayang sabi ni Julius na nakipag apir pa sa mga katabi.
"Bakit yun ang naisip mong Lie ko?" Interesadong tanong ko
"Ang totoo niyan Ma'am dalawa naisip ko na pwedeng Lie mo, una NBSB ka kasi hindi kapani paniwala. Ang ganda mo po at ang talino mo pa, professional at ang bait mo pa. Sino naman hindi magkakagusto at hindi manliligaw sa inyo diba? Kung kasing edad mo po ako sigurado isa na ako sa mga nakapilang nanliligaw sa inyo" sagot nito sa kin
"Ano naman yung pangalawa?" Nakangiting tanong ko pa
"Yun yung mahilig ka pong manood ng horror films, ang mga babae kasi kadalasan matatakutin mga yan pero may mga babae rin na mahilig manood ng horror films kasama ang buong tropa. Naisip ko po na mahilig nga siguro kayo manood ng horror films pero kasama ang mga kaibigan niyo kaya nag stick ako sa sagot ko na NBSB ka" mayabang pang sagot nito
"Ahh.. ganon ba? Paano ba yan kailangan mong gawin ang i d-dare ko sayo" malawak na ngiting sabi ko
"Woah! Mali ang sagot mo pre dapat yung mahilig sa horror films nalang sinagot mo!" Sabi naman ni Lawrence
"Ang totoo wala sa naisip mo ang Lie ko. Ang Lie ko ay yung sumali ako sa Little Ms Philippines" natatawang sabi ko
"Hahaha! Dare mo na siya Maam!" Hiyaw ng mga girls
"Pasayawin mo ng Despacito o kaya baby shark ma'am" sabi pa nila
"Alright, sabi ng mga kaklase mo sumayaw ka daw ng Despacito o kaya baby shark kaso ang gusto ko may twist. Gusto ko habang sumasayaw ka ng Baby Shark kumakanta ka ng Despacito" natatawang sabi ko. Tawa naman ng tawa ang lahat na gustong gusto ang naisip ko. Todo reklamo naman si Julius pero wala naman itong nagawa kundi sumunod.
Pagkatapos naming maglaro at kumain ay pinagdiskitahan naman namin ang mga marshmallows. Nang tignan ko ang oras ay pasado alas diyes na pala ng gabi. Mabilis ko ng inutusan matulog ang mga bata at pinapasok na sila sa kanyang kanyang tent nila.
Nanatili pa ako dito sa labas at siniguro munang natutulog na ang lahat bago pumasok sa tent namin ng mga girls para matulog. Nagising ako sa kalaliman ng gabi dahil sa lamig. Napansin ko ang kumot ko ay naka'y Dianne at Jasmine. Sinuot ko na lamang ang dala kong jacket.
Lumabas ako ng tent at dinagdagan ng kahoy ang campfire namin, sumilip pa ano sa dalawang tent ng mga boys kung tulog naba talaga ang mga ito. Gumaan naman ang loob ko ng makitang mahimbing ang mga itong natutulog.
Nag alala ako ng makitang paubos na ang mga kahoy namin samantalang ala una pa lamang ng madaling araw. Binuksan ko ang flashlight na hawak ko at nagsimulang maghanap ng kahoy na ipang gagatong.
Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng sangang kahoy ngunit maninipis lamang ang mga ito at paniguradong wala pang limang minuto ang mga buhay ng mga to. Nagpasya akong pumasok sa gubat, hindi naman ako lalayo at pupunta sa pinagbabawal na daan kaya ayos lang naman.
Napangiti ako ng may makitang putol na tuyong sanga sa may di kalayuan, tamang tama para sa campfire namin ng mga estudyante ko. Naglakad ako para kunin yon at naglakad pa ng naglakad habang pinupulot ang mga sangang kahoy at nilalagay sa sakong hawak ko na hinihila ko.
*******