Chapter 19
Talitha's Pov
Araw na ng sabado at alas singko na ng umaga. Ang totoo'y wala pa akong tulog dahil pilit kong tinapos lahat ng mga lesson plans ko. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko bago ako tumuloy sa banyo para maligo.
Mukhang tulog pa si Mama ng lumabas ako ng bahay, kailangan ko kasing pumunta sa palengke para mamili, sakto mga sariwa pa ang mga gulay kapag ganitong oras. Binili ko lahat ang mga kailangan kong bilhin bago ako umuwi ng bahay. Nagulat pa si Mama ng makita niya akong pumasok at tinanong kung saan ako galing.
"Bumili lang ako pandesal" sagot ko at pinakita ang isang balot ng mainit pang mga pandesal
"Ayaw mo bang kumain ng kanin? Hala sige igagawa kita ng chokolateng binatirol ng makapag almusal kana" sagot ni Mama na dumiretyo na sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya.
"Ma hindi ako dito matutulog mamayang gabi ha?" Sabi ko na ikinatingin niya sa akin
"Bakit na naman?" Napangiwi ako sa tanong niya
"Mag m-movie marathon kasi kami ng mga kaibigan ko" pagsisinungaling ko
"Kuuu.. kagabi lang dumadaing ka na ang dami mong gagawin tapos ngayon mag m-movie marathon ka kamo?" Sabi pa niya
"Mama sige na" malambing na sabi ko at yumakap sa kanya
"Napapansin ko na satwing sabado nag m-movie marathon kayo, sino ba yang mga kaibigan mong iyan? Sabihin mo dito nalang kayo manood sa bahay"
"Mga classmates ko noong college, hindi mo naman sila kilala kahit sabihin ko mga pangalan nila, malaki kasi yung tv ng isang kaibigan namin ang sarap manood ng pelikula kaya duon kami laging nanonood sa kanila" sabi ko
"Magkano ba ang malaking tv at mag iipon akong pambili ng hindi kana makipanood pa"
"Mama, hindi naman dahil lang sa tv ang dahilan, syempre gusto din naming mag bonding magkakaibigan kahit man lang sa panonood lang. Pare pareho kaming stress sa trabaho kaya kailangan din namin maglibang paminsan minsan" paliwanag ko
"Oh eh ano pang magagawa ko mukhang nakapag desisyon kana, tutal hindi kana bata kaya alam mo na kung alin ang mali at tama. Isa pa guro ka at isa ka sa mga iniidolo ng mga kabataan ngayon. Ang habilin ko lang sa'yo at sa mga kaibigan mo, huwag magaslaw kapag nasa ibang bahay kayo dahil nakakahiya" sabi nito na ikinatawa ko
"Magaslaw ba ako? Baka si Talia ang tinutukoy mo Ma," pigil tawang sabi ko
"Pareho lang kayo" sagot nito
"Oo na Ma, magiging behave ako" sabi ko at humalik pa sa pisngi niya
"Kung naghanap ka nalang ng boyfriend at nakikipag date edi sana sa sine ka nanonood at hindi sa bahay ng kaibigan mo. Hindi naman siguro kasing laki ng sine yung tv nila doon" sabi pa ni Mama
"Boyfriend na naman, baka pag may inuwi ako bukas ng lalaki dito palayasin niyo" biro ko pa
"Kapag nang uwi ka ng lalaki dito aalukin ko siyang dito na tumira, baka may makita pa siyang ibang babae sa labas at iwan ka" sabi naman nito
"Kaiwan iwan ba ako Ma,?" Natatawang tanong ko
"Mag boyfriend ka muna at kapag iniwan ka tiyak alam mo na ang sagot sa tanong mo, makapag tanong ka akala mo naman nagka boyfriend kana" sabi pa nito.
"Bakit ba kasi nagmamadali ka'yo ni Papa eh ang bata ko pa"
"Anong batang pinagsasasabi mo diyan? Yung si Joanna disi otso anyos palang buntis na, yung iba nga disi sais palang buntis na" sabi nito na ikinatawa ko
"Ibig mong sabihin gusto mo na akong mabuntis noong disi otso ako? Sobra ka Ma, nag aaral palang ako noon" tumatawang sabi ko
"Hindi ko gustong magpabuntis ka ng disi otso anyos ang akin lang bente sais kana pero wala ka parin boyfriend. Alam mo bang maraming maestra na matandang dalaga? Ayokong matulad ka sa kanila"
"Bente singko palang ako Ma, hayaan mo kapag trenta na ako mag aasawa na ako" sabi ko
"Mag boyfriend ka muna bago ka mag asawa"
"May boyfriend na kaya ako"
"Salamat sa Panginoon kung ganoon, dalhin mo siya dito sa bahay ng maikulong namin ng hindi ka iwanan" sagot nito
"May boyfriend na nga talaga ako" natatawang sabi ko
Binigay sa akin ni Mama yung tasa na may batirol at naglakad kami papuntang sala.
"Matutuwa kami ni Papa mo kung totoo yang sinasabi mo, dalhin mo siya dito ng makilala namin" sabi ni Mama na isinawsaw ang pandesal sa tsokolateng batirol
"Hayaan mo Ma hindi magtatagal may ipapakilala akong boyfriend sa inyo ni Papa"
"Sana nga buhay pa kami noon"
"Ang nega mo Ma, mabubuhay kayo ng two hundred years ni Papa"
"Ayoko naman umabot ng ganoon, sapat na sa akin yung makita ko kayong dalawang magkapatid na may sarili ng pamilya at masaya"
"Maaga pa para mag drama" sabi ko at nag umpisa ng kumain ng almusal.
Gumaya ako kay Mama na sinawsaw ang pandesal sa batirol at nagustuhan ko iyon. Sigurado magugustuhan ni Wolf to kapag natikman niya. Dahil marami namang tinimpla si Mama ay naglagay ako sa hydro flask tumbler ko.
Alas syete na pero tulog parin si Talia, mas mabuti ngang tulog siya para hindi na magtanong ng magtanong kung saan ako pupunta. Naabutan kong nagwawalis si Mama sa labas ng bahay at tinanong agad ako kung saan ako pupunta.
"May pupuntahan lang ako tapos didiretyo na sa tutor ko, di na ako uuwi ha? Tutuloy narin ako sa bahay ng kaibigan ko" paalam ko
"Ang aga mo naman, di bale mag ingat ka" bilin nito. Ngumiti ako at kumaway sa kanya.
Agad akong dumiretyo sa paanan ng bundok, tulad ng dati sinasalubong ako ng mga marshall. Paglabas ko sa mga dala ko ay nagbigay ako ng three hundred pesos sa kanila yung 100 pang meryenda at yung 200 pa ay para sa parking fee ko at pagbabantay nila, laging punuan kasi ang parking lot dito lalo kapag araw ng sabado.
Wala si Wolf noong nakarating ako sa loob ng gubat. Tumingin ako sa relo ko at nakitang alas otso palang, alam nga pala niya na bago mag tanghalian pa ako pupunta.
Inilabas ko sa nakatagong damit ko ang pito na binigay niya at hinihipan iyon. Tatlong beses ko iyong inihipan at ilang sandali lang ang nakangiting mukha ni Wolf ang nakita ko.
Halos itapon ko naman ang sarili ko sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Mahigpit din siyang yumakap sa akin na tila ang tagal naming hindi nagkita.
"Miss mo'ko?" Pagbibiro ko na tumingala sa kanya
"Sobra" sagot naman niya at dinampihan ako ng halik sa labi
"Tara na" aya ko sa kanya
Pasalampak akong nagpakarga sa kanya na parang bata at pinupog siya ng halik habang naglalakad siya.
"Hindi kaba nabibigatan sa akin?" Biglang tanong ko sa kanya
"Hindi. Ang gaan mo nga lang" sagot nito
"Yung totoo? 47 kilos kaya ako" sabi ko
"Mas mabigat si Empress sa'yo" sagot nito
"Ilang kilo ba si Empress?" Tanong ko naman
"Hindi ko alam, pero mas mabigat siya" sagot nito
"Bakit mo alam? Binubuhat mo ba siya?"
"Oo dati, kapag hindi siya makalakad kinakarga ko siya. Hindi lang siya pati si King"
"Napipilay sila?"
"Oo dati pero ngayon hindi na masyado, malakas na kasi sila at kinakatakutan na ng ibang mga lobo"
"Ikaw taga karga sa kanila kapag nakikipag away sila? Ang galing naman" tumatawang sabi ko
"Minsan ako ang binubuhat nila" sagot naman nito. Napatigil ako at seryosong napatingin ako sa mukha niya.
"Bakit kasi kayo nakikipag away, bad kaya makipag away" sabi ko
"Hindi naman kami nakikipag away, minsan kailangan lang talaga naming lumaban" sagot nito.
"Buti pa si Yu hindi nakikipag away kaya hindi nasasaktan" sabi ko sabay tingin kay Yu na kagat kagat ang plastik bag na may lamang mga gulay
"Anong hindi, siya nga ang laging nakikipag away hahaha" tumatawang sabi ni Wolf "malakas kasi si Yu at kaya niya ang malalaking lobo kahit maliit lang siya" sabi pa nito
"Talaga? Sabagay ang bigat ng pinamili ko pero nakakaya niyang buhatin" sabi ko
"Dati si Empress at King ang mga kasa kasama ko kahit saan ako pumunta, pero ngayon siya nalang ayaw na niyang pasamahin yung dalawa kaya daw niya akong protektahan kahit siya lang mag isa"
"Paano mo nalaman na sinabi niya iyon?" Natatawang tanong ko sa kanya
"Sinabi kasi niya iyon noong siya nalang sumasama sa akin, lagi kasing may pumapasok na mga unggoy sa kweba at kinukuha yung mga gamit sa loob, kaya ginawa niyang bantay sina King at Empress" sagot naman nito
"Naiintindihan mo sila?"
"Hindi mo ba sila naiintindihan?" Balik niyang tanong sa akin na nakakunot pa ang noo
"Hindi masyado" sagot ko at pilit na ngumiti. Hindi ko nga alam kung ngiti ba ang ginawa ko o ngiwi.
"Ahh ganoon ba, sila kasi naiintindihan ka nila huwag kang mag alala maiintindihan mo rin sila"
"Hehe" tanging nasabi ko
Sa wakas nakarating na kami sa kweba at pagbaba palang sa akin ni Wolf ay hinapit niya muli ang katawan ko sa kanya at hinalikan. Sinabayan ko naman ang halik niya hanggang sa unti unting nawala ang suot naming dalawa.
Kapwa kami hinihingal habang nakatingin sa isa't isa, sa wakas pagkatapos nitong labasan sa pangalawang pagkakataon ay tumigil rin siya. Tumutulo ang mga pawis niya kaya naman pinunasan ko ang mukha niya. Nagbihis narin ako habang siya ay nanatiling naka upo at tinitignan ako.
"Tulungan mokong manghiwa ng gulay para sa susunod ikaw na maglutong mag isa" sabi ko kay Wolf at tumango naman siya.
Sinuot na niya ulit ang mga suot niya kanina at lumapit sa akin. Pinatong nito ang ulo niya sa balikat ko habang nakayapos siya mula sa likuran ko. Ewan ko ba sa kanya ang hilig niyang manyakap mula sa likod ko.
"Tignan mong maige ha? Tatapusin ko lang itong kalahati pagkatapos ikaw naman magtutuloy sa kalahati" tukoy ko sa repolyong hinihiwa ko
"Hindi ba pwedeng ikaw nalang, nanginginig ang tuhod ko" sagot niya na ikinatawa ko
"Sino may kasalanan aber? Tsaka kamay ang gagamitin mo hindi tuhod" sabi ko sa kanya
"Na miss kasi kita" mahinang sabi nito
"Kahit na, hindi ibig sabihin na miss mo ang isang tao gagawin mo na iyon. Paano kung ayaw nung tao? Hindi rin pwedeng pilitin mo siya" paliwanag ko
"Ayaw mo ba? Napilitan ka lang?" Tanong nito na nagpatameme sa akin. Syempre gusto ko hindi naman niya ako mapipilit kung ayoko talaga. Jusko God! Anong isasagot ko sa kanya.
"Gusto ko" seryosong sabi ko "mahal kita eh" hindi ko alam kung anong koneksyon pero kusa nalang lumabas sa bibig ko.
"Mahal na mahal na mahal kita kaya gusto kong ginagawa iyon sa'yo" nakangiting sabi nito na nagpangiti din sa akin
"Mahal na mahal na mahal din kita pero hindi tama na mag make love tayo kahit gusto natin dalawa" sagot ko sa kanya
"Kasi hindi pa tayo kasal" sabi naman nito
"Tama, kaya hanggat kaya mo pigilin mo"
"Pinipigilan ko naman ngayon nga lang ulit tayo nag make love diba?" Sabi nito "ang tagal na kaya nung huli, maaga ka laging umaalis" bulong pa nito na ikinatawa ko. Tinignan naman niya ako "Hindi pa tayo kasal pero nag m-make love na tayo paano iyon?" Problemadong tanong niya.
"Wala na tayong magagawa kasi nagawa na natin yung dapat na mag asawa lang ang gumagawa" sagot ko sa tanong niya. Para namang hirap parin siyang intindihin ang sinabi ko "Akala mo ba maaga akong uuwi kaya ginawa iyon?" Seryosong tanong ko
"Hindi" mabilis na sagot niya "sinabi mo kasi na hindi pwede dahil hindi pa tayo kasal pero hindi ko napigilan ang sarili ko kanina ang bango mo kasi" hindi ko naman napigilan ang mapatawa at ng tignan ko siya ay nakalukot ang mukha niya "paano ba tayo makakasal?" Iritadong tanong na nito
"Kailangan mong pumirma sa isang kasulatan na nagsasabi na wala ka ng ibang mamahalin na iba magpakailanman" sagot ko sa tanong niya
"Saan ako kukuha ng kasulatan? Mahal na mahali kita at nangangako ako na wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw" sabi naman nito
"Kailangan mong bumaba ng bundok para makakuha ng kasulatan" sabi ko na ikinatahimik niya. Naging malikot ang mga mata niya at tila natakot ito.
"W-wala nabang ibang paraan?" Nautal na tanong nito. Hinawakan ko naman ang mukha niya at tinitigan siya sa mata
"Meron naman" mukha naman nabuhayan ito ng loob sa sinabi ko at ngumiti siya
"Anong paraan?" Malapad ang ngiting tanong nito
"Kapag umuwi ako ako yung kukuha ng kasulatan tapos dadalhin ko dito para mapirmahan mo" nakangiting sabi ko. Lumuwang lalo ang pag ngiti niya at niyakap ako.
"Kumuha ka agad pagbaba mo tapos pipirmahan ko agad" masayang sabi nito.
"Opo" sagot ko sa kanya at hinigpitan ang pagyakap.
Malungkot na ngumiti ako. Kung sana ganoon nga lang kadali.
Dahil sa sinabi ko ay naging masigla si Wolf, lagi pa nitong pinapaalala yung kasulatan na sinabi ko. Natapos ko ng lutuin yung chopseuy at sinimulan ko naman ang pagluto ng nilasing na hipon. Naalala ko naman yung tumbler na nasa bag ko kaya kinuha ko iyon at iniabot kay Wolf.
"Mainit yan kaya dahan dahan sa pag inom" bilin ko dito at binuksan naman niya. Tinignan muna niya ako at inamoy yung laman bago ito humigop doon.
Tulad ng inaasahan ko nakita ko yung saya sa mukha niya ng matikman iyon. Napaka inosente talaga niya na kahit maliit na bagay ay nagiging malaki para sa kanya. Kung magkakaroon lang siya ng lakas ng loob para bumaba ipapatikim ko lahat ng mga pagkaing alam kong magugustuhan niya. Sabagay, lahat naman gusto niya kaya hindi ako mahihirapan.
*********