CHAPTER ONE

Talitha's Pov

"Hanggang sa may paanan lang naman kami Ma" sabi ko kay Mama na todo pag aalala ng malaman na mag c-camping kami ng mga estudyante ko sa Mount Isabella pero mas kilala sa pangalan na Wolf Mountain.

"Kahit na, wala na ba kayong ibang alam na puntahan maliban doon? Alam mong delikado ang lugar na yon" alalang sabi pa ni Mama

"Ma, maraming turista ang dumadayo sa bundok na yon pero wala naman nangyayaring masama sa kanila diba? Panahon pa ni Magellan ang kwento tungkol sa Wolf Mountain na yan" balewalang sabi ko

"Anong wala?! Hindi ba noong nakaraang buwan ay pumunta si Gilbert sa bundok na yan at sinabing nawala ang bag nila ng kaibigan niya?" Nag aalala pa ring sabi ni Mama

"Ma, bag ang nawala sa kanila at hindi ang mga buhay nila. Nakita mo naman ni isang galos wala silang tinamo hindi ba? Ang sa isip ko ay nakalimutan lamang nila kung saan nilagay ng mga ito ang bag nila, Madalas naman ganon ang nangyayari kapag marami kang bitbit na dala dala diba?" Sagot ko

"Maraming beses ko ng narinig at nabalitaan na nawawala ang ibang gamit at kadalasan ay mga bag ng mga nag c-camping sa lugar na yon. Meron din mga taong pumasok sa gubat na hindi na nakabalik pa. Paano mo ipapaliwanag ang hiwaga sa loob ng gubat kung ganon?" Sabi pa ni Mama

"Ma, walang katunayan sa mga haka haka at tsismis na kumakalat tungkol sa mga yan. Dahil lang sa mga bulong bulungan at kasinungalingan ng ibang walang magawa at paulit ulit na sinisisi ang kamalian nila sa bundok kaya nagkakaroon ng ganyang kwento tungkol sa lugar natin" sabi ko

"Oo nga, bakit kaya imbes na kakatakutan ang i kwento nila sa Wolf Mountain ay hindi magandang katangian nalang sabihin nila? Ang liit lang ng Isla natin at makakatulong sa atin lahat kung tataas ang turismo dito sa lugar natin" sabat ni Taliah na kakatapos lang maligo

"Yan din nasa isip ko, kung titingnan nating mabuti napaka ganda ng Mount Isabella, kahit hindi pa ako nakakapasok sa gubat o sa sinasabi nilang delikadong lugar sa gubat makikita mo pa rin mula dito sa bintana ang kagandahan niya. Baliw lamang ang magsasabi na nakakatakot ang gubat" sabi ko habang nakatanaw sa labas ng bintana kung saan kitang kita mo ang luntiang kulay ng bundok.

"Kayo ang bahala, kailan ba kayo nakinig sakin?" Nagtatampong sabi ni Mama tsaka tumayo at tumalikod sakin

"Ma, alam mong lagi kaming nakikinig sayo" malambing na sabi ko tsaka niyakap siya patalikod

"Hindi sa hindi kami nakikinig sayo Ma, pero tama at totoo naman talaga sinabi ni Ate sayo. Kung bagong dating ka dito sa lugar natin at walang alam na kwento mula dito hindi kaba magagandahan sa Wolf Mountain? Sino mag iisip na may nakakatakot na kwento mula sa likod ng magandang bundok na yon diba?" Sabi naman ni Taliah na nakiyakap din samin

"Kahit kailan hindi na ako nanalo sa inyong dalawa" pagsuko ni Mama tsaka niya kami niyakap.

*********************