Chapter Seventeen

Talitha's Pov

Hanggang ngayon ay parang nakikita ko ang malungkot na mukha ni Wolf habang nagpapa alam ako sa kanya kanina.

Huminga ako ng malalim at ipinilig ang ulo sa kaliwa at tinakpan ng unan ang ulo ko tsaka pumikit. Isang linggo ko lang siya nakatabing matulog pero hinahanap hanap ko na agad ang mga yakap niya.

Muli akong dumiretyo ng higa at tumitig sa kisame. Tulog na kaya si Wolf? Sana natutulog na siya ng mahimbing at hindi matulad sa akin na hinahanap ang mga yakap niya. Alas tress na ng madaling araw ng lamunin ako sa wakas ng antok at nakatulog.

"Ate gising na malelate kana" yugyog sa balikat ko ni Talia, natulala pa ako sa kanya at nakabawi lang ng tawagin niya ulit ako

"Anong oras naba?" Tanong ko sa kanya

"Six thirty na po Ma'am kaya kung ayaw mong ma late sa klase mo maligo kana" sagot nito

Tumingin naman ako sa wall clock at nanlaki ang mga mata ng makitang mag aalas sais y medya na nga. Mabilis akong tumayo at kinuha ang twalya tsaka pumunta ng banyo at mabilis na naligo.

Habang nag aayos ng sarili at nagmamadali ay hindi ko mapigilang pagalitin ang sarili. Ilang araw lang ako sa bundok nagbago na ang oras ng gising ko, kagabi hindi ako makatulog dahil hinahanap hanap ko ang yakap ni Wolf ngayon naman late na akong nagising, dati naman kahit sobrang puyat ko nagigising ako lagi ng ala singko.

Saktong nagsisimula na ang flag ceremony ng makapag park ako ng kotse. Bumaba ako at sinabayan ang pag awit ng lupang hinirang. Nang matapos ang kanta ay naglakad na ako hanggang makarating sa iilang mga naka tipon na guro.

"Kumusta bakasyon mo?" tanong sa akin ni Agatha

"Okay naman masaya" nakangiting sabi ko

"Kung hindi ko nalang alam na dry ang lovelife mo baka maniwala pa ako na masaya nga" sabi naman niya

"Kailangan ba may lovelife para maging masaya?" Natatawang tanong ko naman sa kanya

"Edi inamin mo rin na wala ka ngang lovelife, bakit hindi mo nalang kasi i meet yung lalaking nirereto ko sa'yo ng madiligan ka naman" sabi pa nito. Naalala ko naman si Wolf at ang pandidilig na ginawa niya sa akin.

"Bakit ang pula ng mukha mo? May sakit kaba?" Tanong pa nito sa akin

"Wala okay lang ako" sagot ko na hinawakan pa ang dalawang pisngi "ikaw kasi may nalalaman ka pang dilig dilig diyan" sabi ko pa

"Hahaha! Masyado kang nagpapahalatang virgin kapa" tumatawang sabi nito

"Ang ingay mo marinig ka ng mga bata" saway ko sa kanya at hinila na siya papunta sa office

"Ang sarap mo kasing biruin napaka inosente mo para kang bata" pigil ang pagtawang sabi nito

"Hindi na ako bata at may boyfriend na ako" sabi ko

"I meet mo si Adrian ng magka boyfriend ka"

"May boyfriend na nga ako"

"Sige umiwas ka lang sigurado tatanda kang dalaga" sabi pa nito

"Maiwan na nga kita may klase pa ako" paalam ko sa kanya

"Ikaw ang maiiwan kapag natuyot kana" tumawa pang sabi nito

"Tse!" Malakas ko nalang sabi at nginitian siya bago tumungo sa classroom kung saan naroon ang makukulit pero mababait kong estudyante.

*******

Dahil alam ng lahat na galing akong bakasyon kaya naman humihirit ng pasalubong mga co teachers ko. Wala naman akong maibibigay sa kanila dahil ano bang madadala ko buhat sa bundok? Mga lobo? Jusko po.

"Libre ko nalang kayo ng lunch, wala kasi akong masyadong nabili" sabi ko sa kanila

"Sure basta libre mo" sabi pa ng ilan

"Kumusta naman ang bakasyon mo saan kaba nagpunta?" Tanong ni Ma'am Millet matanda siya sa akin ng pitong taon

"Ayos naman po, diyan lang po ako sa malapit nagpunta" sagot ko sa kanya

"Sino kasama mong nagbakasyon? Boyfriend mo? Yiiie" tukso pa nila

"Hayy naku, magugunaw na ang mundo pero hindi parin magkaka boyfriend yang si Talitha" sabat naman ni Agatha na hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga o kontrabida sa buhay ko

"Bakit naman ang ganda kaya ni Talitha" sabi naman ni Ma'am Rizza

"Maganda nga pero paano kung babae din ang gusto?" Sabi naman ni Agatha na inalmahan ko

"Hoy babae kaya ako!" Tanggol ko sa sarili ko

"Sinabi ko bang lalaki ka? Alam mo malapit na talaga akong maniwala na tomboy ka" sabi pa nito

"Bakit naman?" Inosenteng tanong ko

"Kasi ayaw mong nakikisali sa mga lalaki at lagi nalang ako ang kasama mo, umamin ka beshy crush mo ba ako?" Turo pa ni Agatha sa sarili niya

"Marami akong pinsan na lalaki at may mga kaibigan rin akong lalaki. Wala rin akong crush sayo kaya huwag kang feeling, tsaka sinabi ko naman sayo na may boyfriend na ako" sagot ko sa kanya

"Kung may boyfriend ka nasaan ang ebidensya?" Tanong nito na inilahad pa ang kamay

"Grabe ka sa'kin, kaibigan ba talaga kita ha?" Pigil ang pagtawang sabi ko

"See? Wala siyang maipakitang ebidensiya it means zero lovelife siya" sabi pa nito sa lahat

"Bakit ba wala kang boyfriend? Gusto mo ireto kita sa anak ng kaibigan ko?" Sabi naman ni Ma'am Flora na senior na namin dito sa school

"Yung kapatid ko seaman siya baka magustuhan mo, gwapo yon" sabi naman ni Ma'am Millet

"Si Adrian nalang kasi Beshy crush na crush ka kaya nun" pakikisali ni Agatha

"Thank you and sorry po may boyfriend na po talaga ako" nakangiting sabi ko

"Asan kasi ang proof?" Kulit sa akin ni Agatha

"Wala ka bang tiwala sa akin?" Natatawang tanong ko sa kanya

"May tiwala ako sa'yo maliban sa boyfriend issue kaya amina ang ebidensya na may jowa kana para hindi kana namin kulitin" sabi pa nito

"Bigyan mo ng ebidensya si Ma'am Agatha ng hindi kana kulitin, kahit pictures lang"

Bigla ko naman naalala ang phone ko, ang dami ko kasing kinuhang picture ni Wolf at mahilig din siyang mag selfie sa phone ko. Inilabas ko ang phone ko sa bag ko.

"Sino naman kaya ang ipapakita mo sa'min? Siguraduhin mo lang na boyfriend mo talaga yan ah" taas kilay na sabi pa ni Agatha

"Oo nga wait lang hahanap ako ng magandang shot" hindi ko naman mapigilan ang matawa

"Hayy naku Talitha buking kana, galingan mo ang pag grab ng pictures at pag download" sabi pa ni Agatha

"Oh heto na po" abot ko sa kanya ng phone ko at pinakita ang picture ni Wolf na nakangiting nakatingin sa camera

"Gwapo ah, anong pangalan nito?" Tanong niya

"Patingin nga" sabi naman ng iba

"Wolf ang pangalan niya" nakangiting sabi ko

"Ang gwapo nga" puri naman ng mga co teachers ko na ikina proud ko syempre

"Ang gwapo niya beshy pero hindi sapat yung picture na iyon, malay ko ba kung saan mo lang nakuha yung pictures na yan" pinaikot pa nito ang eyeballs niya

"Baliw ka si Wolf yan boyfriend ko" pilit ko sa kanya

"Beshy naman maloloko mo lahat sila pero hindi ako" sabi nito

Kinuha ko yung phone ko at pinakita yung ibang pictures ni Wolf, yung iba sariling kuha pa niya at nakakatawa ang itsura niya.

"Ang cute niya diba?" Kinikilig pang sabi ko

"Ang hot niya pero hindi mo'ko maloloko, makipag date kana kay Adrian ng hindi mo rin lokohin sarili mo na boyfriend mo yan" sabi pa nito

"Bakit ba ayaw mong maniwala? Tsaka wala akong gusto kay Adrian, ang yabang kaya nun" sabi ko

"Ganoon lang talaga magsalita iyon kaya nga i date mo diba para makilala mo siya ng lubusan" kulit parin nito

"At anong gagawin ko sa kanya?" Pakita ko sa pictures naming dalawa ni Wolf na magkasama "ano lolokohin at paaasahin ko siya ganoon ba?" Sabi ko pa pero mukhang hindi na niya pinansin ang sinabi ko at kinuha ang phone ko sa akin.

Namilog ang mga mata nito habang ini scroll niya ang phone ko. Lumapit ako sa kanya para makita ang ginagawa niya at tinitignan niya lahat ang pictures namin ni Wolf. Nakitingin narin yung iba at hinayaan ko nalang, tutal ayaw rin nilang maniwala na boyfriend ko siya.

"Waaah! Bruha ka! Bakit hindi ka nagkukwento tungkol sa kanya?!" Malakas na boses na tanong niya habang hawak ang phone ko

"Akin na muna ang phone ko" kuha ko sa kanya sa phone ko "wala naman kasi akong dapat ikwento" sabi ko

"Gaga kaba? May boyfriend ka tapos ang gwapo hindi mo ikukwento? Hindi ko naman siya aagawin sayo kahit mas gwapo siya kay Maxx ko" sabi nito na ikinatawa ko

"Mamaya nalang tayo mag usap at may klase na ako" natatawang sabi ko

Sa wakas naman naniwala na siya na may boyfriend na ako, atleast ngayon hindi na niya ako pipilitin makipag date dun sa mayabang na kaibigan niya.

********