Chapter 34
Isang taon na pala ang nakalipas, sobrang bilis ng oras para sa akin. Isang taon na pala akong kasal kay Renzo, isang taong puno ng alala. Alaalang masasaya at masasakit at ngayon isang masakit na namang alaala ang tatanim sa puso ko.
Unti-unti kong binuksan ang kwarto niya, lumapit ako sa kama niya kung saan natutulog siya ng mahingbing. Hindi ko akalaing ito na ang huli kong pagkakataon na matitigan at makita ng ganito kalapit ang gwapo niyang mukha.
Menimorya ko ang bawat parte ng mukha niya. Dinampi ko ang palad ko sa pisngi niya.
Hindi talaga si Renzo ang para sa akin, kailangan ko ng tanggapin ang katotohan lalo na ngayong aalis na ako sa buhay niya. Ang saklap lang dahil nauwi sa ganitong katapusan ang pagmamahal ko.
Inilagay ko na sa side table niya ang annulment papers na kanina hirap na hirap akong lagyan ng signature ko. Kanina habang pinipirmahan ko ang mga dokyumento ay pikit mata ko iyong ginawa. Siguro ito talaga ang nararapat na mangyari sa aming dalawa. Dapat sa simula pa lang ay hindi ko na pinilit nag mga bagay para hindi ako masaktan ng ganito.
"I love you, Renzo," I pecked on his lips. I'll kiss him for the last time. Gusto ko pag-alis ko isang magandang alaala tungkol sa kanya ang madadala ko.
"Goodbye, Renzo," napatingin ako sa letter na hawak-hawak ko ngayon.
Dahil aalis ako ngayon ay minabuti kong bigyan siya ng liham para hindi na siya mabigla kong wala na ako mamaya paggising niya. Iniligay ko sa itaas ng annulment papers ang liham. Sana basahin niya at hindi niya itapon lang sa basurahan.
Huminga ako ng malalim at umalis na ng kwarto ni Renzo. Kagabi pa lang ay naihanda ko na ang mga gamit ko para ngayon ay aalis na lang ako. Mabuti na lang at wala ngayon ang security team ni Renzo, pagnasa kasama ko siya dito sa bahay ay wala akong bantay ni isa.
Hindi na din ako nag-impake ng marami dahil ayokong mabigatan ako ng bitbit at baka magising pa si Renzo at mahuli ako. Tutal maghihiwalay na din naman kami kaya mas maayos ng umalis na ako.
Nakalabas na ako ng gate ng bahay pero bago ako sumakay ng taxi na pinakuha ko pa sa security ng village ay muli akong napatingin sa bahay na minahal ko.
Mapait akong ngumiti at binuksan na ang pintuan ng taxi. Agad akong tinanong ng driver kung saan ako papunta.
Saan nga ba ako papunta?
"Sa International Airport, Manong."
DEVON's POV
Pagkagising ko pa lang ay naramdaman ko ng may nangyari ng hindi maganda. Nahagip agad ng mga mata ko ang liham at ang pamilyar na envelope na naglalaman ng annulment papers namin.
Sobrang dmai din ng missed call sa cell phone ko ng binuksan ko kaninang umaga dahil nakapatay iyon. Nabasa ko ang pinaka-unang mensahe na inaalerto akong umalis ng bansa si Serena kanina madaling araw.
Kaya agad akong nagpunta sa kwarto niya para tignan kung totoo ang nabasa ko sa text ng security team, binuksan ko ang walk in closet niya at agad na nakitang wala na ang iba niyang damit.
Dear Renzo,
Salamat sa mga panahong pinasaya mo ako, iyon na lang ang dadalhin ko sa pag-alis ko. Sana sa muli nating pagkikita magkaroon na ng ngiti sa ating mga labi. Goodbye.
Serena
I read her letter over and over again, she really said goodbye. Goodbye means she's gone. Tinupi ko ang liham niya sa akin at inilapag sa mesa. Napatingin at napatitig ako sa annulment papers na binigay niya sa akin. Gusto kong punitin ang annulment papers hanggang sa magpira-piraso na ni isang salita sa dokyumento na ito ay hindi mababasa pa.
She left me, ito ang nababagay sa akin.
This is what I want right? Kaya nga binigay ko sa kanya ang annulment papers dahil gusto kong makalaya siya sa akin. Hindi ko kayang nalalagay siya sa panganib dahil sa akin, hindi ko kayang makita siyang umiiyal dahil nasasaktan ko siya.
Ayokong malunod siya sa akin at isang araw magising na nagsawa na sa nangyayari sa buhay niya dahil sa kagagawan ko.
Nilagok ko ang naiwang whiskey sa baso ko at naglagay muli. Muli kong ininom ang kalalagay ko lang na whiskey at muli kong pinuno baso ko. Gusto kong malasing at muling kalimutan ang lahat ng ito.
Walang ibang babaeng makakapalit sa pwesto niya sa puso ko, even my body doesn't respond to other woman's touch. Noong celebration party ay pinamukha ko kay Heidi na kahit halikan niya ako ng halikan ay hindi ko siya gusto dahil si Serena lang talaga.
Hindi ko alam paano nalaman ni Heidi ang tungkol sa annulment na pinaplano ko dati. Nalaman ko na pinaimbestigahan niya pala ako ng patago. Napailing na lang ako at napabuntong hinga, wala na akong pakialam sa babaeng iyon masyadong obsess sa akin.
Nilabas ko ang cell phone ko at tinawagan si Attorney Silva.
"Attorney Silva, papunta ka na ba dito? Okay pakibilisan lang," Pinatay ko na ang tawag at muling nilagok ang isang basong puno ng whiskey. Kung noon nagpapasalamat akong hindi ako madaling malasing ngayon ay naiinis ako bakit hindi ako malasing-lasing.
Napatingin ako sa necklace na nabitin sa leeg ko, ang necklace na binigay niya sa akin kung saan nandoon ang wedding ring ko. Napahilamos ako sa mukha ko, kahit saan ako tumingin sa bahay na ito ay nakikita ko lang ang mukha ni Serena, her smiling face and all the expressions of her beautiful face.
"Kung nag-aalinlangan ka pa pwede nating hindi i-process ang annulment mo. Habulin mo siya." Napalingon ako sa nagsalita. Si Attorney Silva pala, kilalang-kila na niya talaga ako. Kumuha ako ng isang wine glass at nilagyan iyon ng whiskey at na binigay rito.
"No thanks, umagang-umaga pa Devon." Nagkibit-balikat na lang ako at ininom ang baso na ibibinigay ko dapat kay Atty. "Again Devon, why are you doing this?"
"Because this is the right thing to do." Nilaro-laro ko ang yelo na nasa whiskey ngayon. Magsasalita pa sana siya ng pigilan ko.
"Just do your work Attorney Silva and get out."
"You love her so much and yet you let her go." Napailing si Attorney Silva at tinapik ako sa balikat.
This is the right thing to do. Letting her go was the right thing to do.
NOTE: BOOK 2 is available to read, title: HIS WILD CHASE
by queen_jey