Chapter 17

"You two look good together. Bagay na bagay kayong dalawa." Nakangiting sambit ni Ate George, gusto kong magtago sa hiya dahil sa ginawa ko kahapon.

Iniwan kami ni Renzo ngayon dahil may tumawag sa cellphone niya na kailangan niyang sagutin agad. Kaya ito ako ngayon hindi makapagsalita, kulang na lang ilubog ko ang sarili ko sa lupa.

"Salamat, Ate." Medyo tabingi ang ngiti ko at muling lumingon sa direksyon ni Renzo, nas amay swimming pool siya ngayon at mukhang imporante ang pinag-uusapan nila ng kausap niya. Matagal pa kasay siya? Hindi ko kayang mag-isa lang dito lalo na grabe makatitig sa akin si Ate Georgina.

"I told you not to call me ate, hindi naman ako ganoon katanda." Natatawa niyang sabi sa akin. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim.

"By the way ate, I'm sorry for the behavior last time, I was rude." Pagkatapos kong magsalita ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Nakangiti pa rin siya sa akin, napagaka ganda talaga niya. Mukha siyang anghel lalo na pag ngumiti, hindi na din naman ako nabigla kasi mag-pinsan sila ni Renzo. Siguro nasa lahi na nila ang magagandang genes.

"No need to say sorry, kung ako naman ba ang makakita ng babaeng hahalikan lang basta-basta ng asawa ko sa kahit saang parte ng katawan niya ay mas malala pa ako ang magiging reaksyon ko." Tumatango ako habang nakikinig sa sinasabi niya.

"Diba may anak ka na ate?" Tanong ko sa kanya, kanina kasi namention niya abot sa anak niya. Gusto kong tanungin uli kasi hindi siya mukhang may anak.

"Yes."

"Nasaan siya ngayon? I mean nandito ka kasi kaya sino nagbabantay sa kanya?"

"At the office." Masigla niyang sagpt sa akin.

"Huh?" Nalilito ko namang tanong.

"At the office of his father. Pinapabantay ko muna sa tatay niya para makapag-bonding sila." Her eyes twinkled as she mentioned the name of her husband.

"Oh okay." Kitang-kita ko sa mga mata ni Ate Georgina ang pagmamahal sa asawa at anak niya.

"YOU KNOW, I was right from the very start." Ngumiti siya sa akin habang ako ay nakatingin lang sa kanya kasi hindi ko nasundan ang sinasabi niya.

Nandito kami ngayon sa mall dahil nagpasama sa akin si Ate Georgina, kinailangan kasing umalis ni Renzo, pupunta ata sa headquarters ng kompanya nila. Malamang magtatagal na naman siya doon kasi ang tagal nilang natapos noong kausap niya tapos ang ending ay pupunta din pala siya sa headquarters.

Siguro kaya inaya niya ako mag-shopping dahil ayaw niyang maiwan ako mag-isa sa bahay. Hindi naman ako makahindi kanina kaya pinagbigyan ko na si Ate Georgina, pakiramdam ko medyo naging close na kaming dalawa. Mabait talaga siya, wala akong maipintas sa kanya.

Parang nagising ako sa pag-iisip at muling tumingin sa mga hilera ng mga damit. Pulot ng pulot ng dress at kung anong anik-anik si Ate minsan tinitignan niya kung bagay sa akin at kung papasa ang mga damit ay agad niyang binibigay sa sales lady na nakasunod sa amin. Nalaman ko lang na VIP pala siya sa store na ito.

"Nevermind, sige pumasok ka na sa fitting room at i-fit mo iyang lahat ng napili ko." Ngumiti siya sa akin at mabilis na naglakad palayo. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil pinasunod na ako ng mga saleslady sa fitting room.

After how many hours ng papalit ng papalit ng damit nakalayas na din kami habang tinutulungan kami ng mga lalaking nakasuit. Body guard ata ni Georgina ito eh kasi sunod ng sundo sa amin habang dala dala ang lahat ng damit na pina-fit sa akin kanina na binili niya para sa akin.

Gusto ko nga sana ako na ang magbayad pero hindi ko mapilit dahil libre niya daw sa akin ang mga ito kasi hindi daw siya naka-attend ng kasal namin ni Renzo at wala daw siyang wedding gift sa amin.

Ang problema ko ay kailan ko naman kaya susuotin ang mga damit na mga ito?

"Wag na kayong sumunod sa amin, ihatid niyo na ang lahat ng iyan sa bahay ni Baby Boy, i mean Devon at Serena. Hindi ako tatakas pinapangako ko iyan sa inyo since kasama ko naman si Serena kaya hindi talaga pwede. Kahit naman tumakas ako mahahanap niyo naman agad ako." Mahaba niyang litanya sa mga lalaking nakasunod, agad namang tumango ang mga lalaki at umalis na dala-dala ang mga damit na pinamili namin. Gusto ko sanang magtanong tungkol sa sinabi nito pero ayokong magmukhang chismosa.

"Bakit sila parating nakasunod sayo?" Hindi ko na napigilang magtanong, me and my mouth.

"Because of my husband. He thinks that I would run away again." Bumuntong hininga siya at nagsimula ng maglakad palayo na agad ko naman sinundan. Papunta na kami ngayon sa isang sikat na restaurant para makakain, nakakagutom pala ang magshopping lang.

"You know what? My husband and Devon, they are somewhat similar in some ways. Pag tinitignan ko si Devon naiisip ko ang asawa ko. Both of them don't know what love means." Napatingin ako sa kanya ng mabanggit niya si Renzo. Ngumiti siya sa akin pero ang ngiti niya ay may halong pait.

I can sense na may pinagdadaanan siya dati o ngayon.

"I run away once, no one knew where I have been and even him, my husband wasn't able to find me. Nagtago ako at hindi na nagpakita sa kanya., until one day nahanap niya ako. And I realized that he may not love me but I am important to him." Pagkwe-kwento niya sa akin, hinawakan niya ang pareho kong kamay.

"I know you love Devon, I can see it in your eyes. Just keep loving him, don't give up and he'll come around. I am saying all of this because I know how you feel at napagdaanan ko na iyan." Tinapik niya ang kamay ko na para bang sinasabi niya na tatagan ko lang ang loob ko.

"I don't get it. Why are you saying all of this?" Nalilito ako sa mga sinasabi niya. Hindi na niya sinagot ang tanong ko dahil dumating na ang pagkain na inorder namin. Hindi na rin nabuksan ang paksa na iyon hanggang sa makauwi ako sa bahay.

"Ikaw ba ang pumili nito?" Napatingin ako sa sinabi ni Renzo. Nanlaki ang mata ko ng hawak-hawak niya ang lingerie na itim habang nagkalat sa upuan ang iba at nagkalat ang mga shopping bags sa lapag. Sobrang dami ng binili ni Ate Georgina.

Agad kong kinuha ang lingerie na hawak niya pero walang kwenta ang pagkuha ko dahil nagkalat din ang ibang lingerie sa upuan. Pero sa lahat pa ng pwedeng pulutin at pansinin, iyan pa talaga ang pinili ni Renzo.

"Red and black suits you. Actually, all colors do." I saw him smirk while I collect the lingeries. Gusto ko talagang mapa-face palm ngayon dahil andami ko na ngang ganito at night dress ay dinagdagan pa ni Ate Georgina ng sandamakmak. Hindi ko talaga napansin kanina na binilhan niya din ako ng mga ganito.

Dahil nga sa nagkalat ang mga kung ano-anong damit at ibang gamit ay hindi ko na napansin ang mga pinagpupulot ko ng may hablutin sa kamay ko si Renzo.

"How many did you purchase this kind?" Napasara ako ng mga mata ng makitang may hawak siyang thong, na sa sobrang nipis hindi ko alam kung bakit ko pa iyan gagamitin e wala namang mababalot sa pribado kong katawan.

Ayos lang sana kung normal na underwear ang binili ni Ate George, pero ito talaga. Napailing na lang ako habang nakatingin kay Renzo na nakatingin pa rin sa hawak niyang black thong.

"H-hindi ako ang bumili niyan. Akin na nga iyan, bakit mo ba pinapakialaman?" Hinablot ko sa kanya ng bigla akong na out balance kami dahil sa mga damit mabuti na lang naglanding kami sa sofa.

Pulang-pula na ang mukha ko at ngayon naramdaman ko na lang na nakatitig na ako sa mukha ni Renzo. Mabilis akong tumayo pero nahila niya ulit ako sa kandungan niya at sobrang lapit na ng mukha namin mabuti naka-glasses ako kundi sobrang awkward na talaga. Kamatis na kamatis na ang mukha ko.

Papalapit ng papalapit hanggang konti na lang talaga ang distansya ng mukha namin. Akala ko hahalikan niya ako ng bigla niyang tinggal ang glasses ko.

"Ang dumi na ng glasses mo. Oh bakit nakanguso ka?" Nanglolokong ngiti ang ginawad niya sa akin habang sinasamaan ko siya ng tingin sa ginawa niya. Akala ko naman hahalikan niya ako.

"Ewan ko sayo. Akin nga ang mga iyan." Tumayo ako ng bigla na naman niya akong hinablot at hinalikan ng mariin sa labi.

Dahil nga napahiya ako ngayon lang ay gaganti din ako. Hindi ko binuksan ang bibig ko, nanatili lang talagang nakasara habang hinahalikan niya ako. Naiinis ata siya ng biglang naramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa jeans ko hanggang nahawakan niya ang pagkababae ko kaya napabukas ako ng bibig ko. Agad niyangsinunggaban ang pagkakataon, pinasok niya ang dila sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagngiti niya sa gitna ng halikan namin na kinangiti ko na lang din.

KANINANG UMAGA pa ako hindi pinapansin ni Tyron. Actually last week ko pa napapansin na parang hindi na siya masyadong nakikipag-usap sa akin pero hindi ko masyadong nabibigyan ng pansin kasi parati kong kasama si Renzo.

Kahapon nakita niya ako pero ni hindi niya ako binati man lang at hindi na siya tumatabi sa upuan ko, minsan nakikita ko siyang uumupo sa dulo. Parang hindi na niya ako tinuturing na kahit kakilala man lang, ni hindi niya ako magawang lingunin.

"Tyron, tara sabay na tayong maglunch." Binitbit ko na ang bag ko habang nakatingin sa kanya, kakatapos lang ng class namin ngayon. Nagpaalam na ako kay Renzo na makikisabay muna akong kumain kina Rezzy at Tyron ngayong araw kasi hindi ko na sila nakakausap. Tinaas niya ng kaunti ang mukha niya at tumingin sa akin. He just shrugged kaya nilapitan ko na siya at hinila patayo.

Napadako ang tingin ko sa may pintuan, si Renzo nasa labas kasama ang mga kaibigan niya napansin kong napatingin siya sa akin sandali at bigla na lang umalis sumunod naman ang mga kaibigan niya.

"Ano? Tara na gutom na ako." Napatingin lang ulit siya sa akin.

"Bakit ako ang kasama mo?"

"Huh? Bakit ikaw? Malamang gusto kitang makasamang kumain. Tara na nga gutom na ako." Hinila ko na siya uli, wala siyang magagawa kasi hindi ko siya titigilan.