Chapter 21: KABANATA 20
Nang sumapit ang hapon ay napagpasiyahan naming maglakad-lakad sa may dalampasigan. Magkahawak-kamay kami ni JM habang si Mikee ay nasa likod lang namin kung saan sigurado ay malaya niya kaming makita na dalawa. This was pretty insulting on his side dahil magpapaalala lang ito sa nasugtan niyang puso, but I'm enjoying this as well. Feel na feel ko nga ang ginagawa namin ni JM.
Bahagya kong sinilip si Mikee sa likod namin at nakita kong tahimik lang siyang nanunuod sa dagat.
"Hoy, hindi ba parang nakakainsulto naman 'to kay Mikee?" hindi ko napigilang bulong kay JM.
His grip around my hand tightened na tila ba naiisip niya rin iyong sinabi ko. I saw how guilt reflected in his eyes in an instant. Kita niyo na, labag naman sa kalooban niya kaso minamadali na niya ang lahat. Wala na siyang maisip na paraan paano mapapasakamay niya kaagad si Mikee. JM's afraid Mikee would comeback to his old lover.
"I know..." halos pabulong niyang sambit."But if lying to him like this would make him look at me, I'll bet everything, Wayo."
My heart swelled hearing that. Never in my life makakabangga ako ng straight na lalaki na ibibigay ang lahat ng ganito sa isang bakla. Kung ako na lang sana, JM. Kung sa akin na lang sana.
Umiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya dahil habang tumatagal ko siyang tinitignan ay sumasakit na ang puso ko. Hindi lang naman kasi si JM ang sinungaling, ako rin.
"Guys, let's go over there! Mukhang ang ganda," we heard Mikee screamed.
Nakaturo siya sa may kataasang groto na makikita sa may dulo na bahagi ng isla. Halos malapit lang din iyon sa Vizcara. Shuta, sana hindi kami makita ng dalawang bakla roon o lalo na ni Mama. Tatadtarin na naman ako ng katanungan ng mga iyon panigurado.
"Sure! Gusto mo rin ba, babe?" JM asked me, smiling.
Sumulyap ako kay Mikee at halatang natigilan siya. In his eyes, I saw something glistened. Ano ang pakiramdam na may kahati ka na ng ganito sa bestfriend mo, Mikee? You'll realize na not all the time, ikaw lang ang mayroon si JM. Dahil minsan, kahit gaano pa kayo kalapit ng isang tao, walang assurance na habangbuhay ay magkasama rin kayo. JM was like this, too. Always there at Mikee's side habang masaya siya noon sa gagong karelasiyon niya.
Thinking about that, parang ramdam ko rin ang sakit na naramdaman ni JM all this time.
Narating namin ang mabato at may kataasang groto. Mabuti na lang at walang nakapansin sa amin sa Vizcara. Puno na naman ng okrayan mamaya pagkauwi ko kapag nagkataon.
Inalalayan ako ni JM na makaakyat, feel na feel ko naman. Para akong babasaging bagay na ayaw niyang mahulog at mabasag. Kaso naputol ang pagiging feelingera ko nang inalalayan niya rin si Mikee. Lihim akong napasimangot.
"It's so beautiful here!" manghang sigaw ni Mikee nang makaakyat na kami sa pinakataas ng groto.
It's not like first time ko rito. Napakaganda talaga rito sa taas. Naalala ko na si Thunder ang unang nakadala sa akin dito. Ka-miss din ang batang 'yun. Busy na sa college life at minsan na lang talaga ang gig nila which is naiintindihan naman ni Mama.
"Yeah, very beautiful," malapad ang ngiti na sabi ni JM habang nakatitig kay Mikee na aliw pa rin sa paligid.
I snorted. Sanaol, 'di ba? Titignan ka na tila ikaw na ang pinakamagandang tanawin sa paligid. Mahina ko ngang tinusok sa gilid niya si JM kung kaya ay kunot-noo naman siyang bumaling sa akin.
I pouted.
"Ano? Happy ka?" kunyari ay tukso ko sa kaniya.
He pursed his lips then nodded his head. Masuyo niya muling tinignan si Mikee sa harap na nakatanaw pa rin sa dagat mula rito.
"Seeing Mikee cry after his heart got broken also broke my heart, kung kaya ang makita siyang nakangiti ngayon ay nagpapasaya rin sa akin. I'll do anything, Wayo. Sana ibaling na niya sa akin ang atensiyon at pagmamahal niya."
Matagal akong napatingin kay JM nang sinabi niya iyon. He's so sincere. Bakit kung saan nakatagpo na ako ng lalaki na nais ko sa aking buhay ay may laman na ang puso niya? Gusto kong sabihin na kung ayaw niya sa iyo, sana ako na lang. Sana...
I blinked and looked away from him.
"Oh? Wayo?"
Sabay kaming napabaling ni JM sa bilog at baritonong boses banyaga na iyon. Naku, isa na naman yatang costumer ng Vizcara na nakaalala sa alindog ko. Shutakels, bakit ba ako nag-mo-moment dito about JM kung maaari naman akong humakot ng afam.
"Hi!" ngisi ko sabay kaway sa afam.
Shuta mga bakla, bato-bato ang katawan. Pogi rin si kuya tapos halatang kayang wasakin ang kinabukasan ko. Me likey.
"Hey! I enjoyed your performance last night. I tried to go and talk to you but I got shy. Good to see you here," kwento niya na tila ako lang ang nakikita niya.
Lihim akong natawa. Gora na, JM. Magmuni ka na roon with Mikee at iwan mo na ako sa yummy na papa de asukal na ito. Lalandi lang ako.
"Oh, thank you. Come again later, we could have a drink or two." I batted my eyelashes at him.
Mukha namang kuminang ang mga mata ng afam.
"Really? Then it's a deal." Noon lang niya napansin ang katabi ko. "Oh, you're with someone?"
"Oh he's —"
"I'm Wayo's boyfriend," pormal pero nakangiting ani JM.
Kagaya ni afam, nalaglag din ang panga ko sa gulat. Really? Akala ko ba kay Mikee lang kami magpapanggap? Shuta!
"Oh, boyfriend?" gulat pa ring saad ni afam.
Ako nga rin nagulat.
"Hoy JM —" naputol ang bulong ko kay JM nang pumulupot ang kamay niya sa bewang ko.
"If you'll excuse us."
Napapahiya na tumingin ako sa afam na halatang naguguluhan pa rin. Shuta, sayang! Lovelife na rin sana iyon! Epal naman ni JM?
"You're still free to go later!" pahabol kong sigaw sa afam bago binalingan si JM. "Hoy, ano 'yun?"
Hindi siya sumagot at tila wala na sa mood nang nakalapit kami kay Mikee. Inaya na niya itong aalis na kami na kinagulat din ng bebe niya. Aba, malay ko rin ano nangyari, ano?
Sa huli ay wala na rin kaming nagawa kung hindi ay bumaba na sa groto. Nakasimangot na rin ako dahil nawala na rin ako sa mood. Hindi na ako pinapansin ni JM. Problema ba?
Naunang maglakad pababa si Mikee habang ako ang kasunod niya. Hindi ko na rin pinansin si JM sa likod ko na wala pa ring sinasabi kung ano ang problema niya bigla.
Tuloy, dahil sa pagiging apurido ko ay natapilok ako pababa at si Mikee na noong malapit na sa baba ay nadamay ko pa. Sabay kaming lumagapak sa baba at napadaing. Kaso shuta, namawis kaagad ako nang maramdaman ko ang ibayong sakit sa kanan kong paa! Si Mikee naman ay nasa gilid ko at mukhang hindi naman masama ang bagsak. Natupi yata ang paa ko kanina nang matapilok.
"Mikee!" dinig kong sigaw ni JM.