Chapter 9: Nicolo’s personal assistant
Abalang-abala si Aula sa pag-aayos ng mga gamit ni Nicolo sa maleta nito dahil katatapos lang ang pictorial nito sa mens magazine. Gusto tuloy niyang pagsisihan ang pagtanggap sa trabahong iyon dahil napakamaselan nito pagdating sa susuutin nito. Naiinis na siya sa kasesermon nito. Ayaw na ayaw nito ang kahit konting gusot lang at dapat makinis at makintab ang damit nito!
Tinitiis na lang niya ang ugali nito kaya pa naman niyang magtimpi.
Sa dalawang linggon na niyang pagtatrabaho kay Nicolo ay walang araw na hindi sila nagbayangan. Tuwang-tuwa naman ang loko kapag naasar siya nito.
Ang usapan nila ni Nicolo ay kada buwan siyang piperma ng kontrata dito. Iyon kasi ang ibinigay nito sa kanya at titignan daw nito kung maganda ang performance niya. Pero mabuti na din iyon kasi hindi nga rin niya alam kung matatagalan pa niya ang ugali ng hambog na 'yon!
Nang ipagpaalam siya nito ng mga mga magulang niya ay kaagad pumayag ang mga ito.
See? Ni hindi manlang nagdalawang-isip ang mga magulang niya kung nasa mabuting kamay nga ba siya.
Nang maisilid na niya lahat ang mga gamit ni Nicolo ay hinila na niya ang maleta nito.
Kinaiinisan niya talaga ang bagong maleta ni Nicolo kasi nahihirapan siya sa pagtulak niyon! At kung bubuhatin naman niya mabigat naman. Hay, susme maleta pa lang ni Nicolo hirap na hirap na siya!
"Hanggang ngayon pa rin ba hindi ka pa rin marunong bitbitin 'yan?" puna ni Nicolo hindi niya namalayan na nakatingin na pala sa kanya.
"Susme, ei kung dalhin ko nalang kaya ang kariton ko dito di hamak naman na mas madali pang itulak iyon hindi gaya nitong maleta mo na sobrang higpit ang pagkakapit sa daan. Hindi naman kaya may magnet tong gulong ng maleta mo kapit na kapit sa semento!" inis na wika niya.
Napapa-iling na lang si Nicolo at nilapitan siya.
"Hindi ko alam kung tatanga-tanga ka lang talaga. Ganito lang naman ang gawin mo." sabi nito at kinuha naman nito ang maleta nito at itinulak na ito iyon para mag-demo.
"Ganyan pala 'yon hanep ba't sayo ang dali,"
"See, ganito lang kahit iikot-ikot ko pa yan gagana ang gulong, tsk easy." pagmamalaki pa nito habang ipinagpatuloy pa rin nito ang paghila ng maleta nito hanggang sa malapit na sila sa sasakyan nito.
"Wow, ang galing buti ka pa talaga gamay na gamay mo ang paghatak niyan ako hirap na hirap talaga ako. Nakakabilib ka naman marunong na marunong ka sana ikaw na lang lagi maghila sa maleta mo."
Napatigil si Nicolo sa sinabi niya at hinarap siya. "Are you kidding me!? Nagkukunwari ka ba na hindi ka mrunong para ako na ang maghila?" sabi ni Nicolo na nakataas na naman ang mga kilay.
"Naku, Nicolo nagkakamali ka! Grabe ka namang mag-akusa alam mo naman na hirap na hirap ako! Kita mo naman 'yang maleta mo ang liit ng gulong tsaka kulang yata sa asite lagyan mo naman kasi nang lumuwag-luwag naman!"" sabi niya at inikot niya ang kanyang mga mata sa inis.
"Ang dami mong reklamo baka gusto mong bawasan ko ang sweldo mo?"
Penamaywangan niya ito. "Aba subukan mo! Di mo pwedeng gawin 'yan nakasaad sa pinermahan kong kontrata na bente mil ang sahod ko kada buwan!"
"Oo na sige na buhatin mo na 'yan." sumusukong sabi nito at itinuloy na ang paglalakad papunta sa elevator.
Malamang nainis na sa kanya.
Nang makapasok na sila sa loob at bago pa man makasara ngtuluyan ang elevator ang may mga kamay na pumigil 'dun.
"Ops, buti nakahabol ako." sabi ni kumag na kaibigan ni Nicolo na si Kalil.
Minsan paglumalapit ito naiinis siya kasi makulit parang bata.
"Hi, Aula!" nakangiting wika ni kumag.
Kung ano ang kinasungit ni Nicolo ay kabaligtaran naman kay kumag, papansin.
"Oh, ano papasok ka ba?" nakataas ang kilay na sabi niya.
"Aba, oo!" sabi nito at pumasok naman.
Pumunta pa talaga ito sa gitna nila ni Nicolo.
"Dude, uwi na kayo?" tanong ni Kalil.
"Yhup," walang kagana-ganang sagot ni Nicolo.
"Aula, pagkatapos ba ng trabaho mo kay Nicolo lumalabas ka ba?"
Tinignan niya ito.
"Oo naman alangan naman iburyong ko ang sarili ko sa loob ng unit ni hambog!"
Natawa ito sa sinabi niya. "You really are funny! So mind if I invite you dinner at tomorrow night. My treat."
Narinig niyang tumikhim si Nicolo.
"Night? As in gabi? Bakit gabi pa at hindi na lang umaga? Game ako sa libre." sabi niya at muling ibinaling ang pintuan ng elevator.
Nasa 14th floor kasi ang pinuntahan nila kanina.
Nakita niyang napakamot ito ng ulo.
"Mas maganda kasi sa gabi, mas maganda ang ambiance. Nasubukan mo na bang makipag-date?" tanong ulit ni Kalil.
"Hindi pa!" sagot agad niya.
"Hindi pa? Sigurado ka!?" gulat na tanong nito.
"Anong akala mo sakin kung kani-kanino na lang makipag-date?" umikot tuloy ang mga mata niya.
"Ei, bakit pumayag ka sa gusto ko?"
"Huh? Anong gusto mo?"
"Diba niyayaya kita sabi mo gusto mo?"
"Date ba 'yon? Akala ko ba manlilibre ka lang kasi day off ko at off mo bukas?"
Narinig niya ang malakas na pagbuga ng hininga ni Nicolo.
"You know when a guy once they invited you for a dinner night it means it was a date."
"Ah, ganun ba 'yon. Okay."
Punyemes makikipag-date pala ako sa kumag na 'to!
"So papayag ka?"
Narinig niya ang pagtikhim ni Nicolo kasabay 'nun ay ang pagbukas ng elevator.
"Papayag ako pag hinila mo 'tong maleta hanggang sa kotse ni Nicolo." kondisyon niya.
Ngumiti si kumag at tumango-tango pa ito.
Akmang hahawakan na nito iyon nang inagaw agad ito ni Nicolo.
"Ako na," masungit na wila nito at naglakad na papalabas.
Sinundan na lamang nila ng tingin si Nicolo na papalayo at hila. ang malet nito
"Ano Aula, payag ka na ba bukas?" nakangiting tugon nito.
"Sorry, pero kasi 'yong kondisyon ko inagaw ni Nicolo!" sabi niya at mabilis na iniwan ito at patakbong sinundan si Nicolo.
"Hoy, Nicolo teka nga lang ang bilis mo namang maglakad."
"Listen to me Aula, ayokong nakikipaglandian ka kapag oras ng trabaho mo. Hindi ba't sinabi ko na iyan sa'yo?"
"Nakikipaglandian!?"
"Mismo." salubong na kilay na sabi nito.
Pinamaywangan niya ito. "Excuse me Nicolo, pakikipaglandian na pala ang tingin mo sa pakikipag-usap ko sa kumag na 'yon? And besides tapos na ang trabaho ko, remember? Hanggang alas singko lang ang trabaho ko sa'yo kapag wala kang taping!" inis na wika niya.
Kumibot-kibot ang labi ni Nicolo na parang nagpipigil magsalita o magalit.
"Fine, umuwi na tayo." sabi nito at isinilid na ang maleta nito atsaka pumasok na sa kotse.
Tumaas baba ang dibdib niya sa galit sabihin ba naman siyang malandi!?
Sumunod na lang siya at pumasok sa likuran ng sasakyan.
**********
Kinabukasan ng hapon ay napagpasiyahan ni Aula na lumabas ng condo ni Nicolo.
Hapon na kasi nang lumabas siya. At si Nicolo hindi niya alam kung nasaan ito.
Maglilibot-libot na muna siya.
Mga naggagandahang malalaking building ang nakikita niya na hindi niya nakikita sa Tarlac!
Maganda ngang tignan ang mga iyon pero para sa kanya mas masarap pa rin manirahan sa probinsya.
Hahanap siya ng bilihan ng mga fishball o kaya kwek-kwek. Tagal na kasi niyang di nakakain 'nun.
Naka baggy na maong pants siya at maluwang na t-shirt mala-korean style ba. Syempre may suot din siyang sumbrero.
Pasipol-sipol din siya habang nakapamulsa ang dalawa niyang mga kamay sa kanyang suot na pantalon.
Mukhang hindi siya makakakita ng mga bilihan ng streetfoods at oawang mga mamahalin lang na restaurants ang nakikita niya.
Napatigil siya sa paglalakad at napatitig siya sa babaeng papalapit sa gawi niya at may dalang maliit na aso na hila-hila ang tali 'nun.
Maganda siya at babagay maging artista. Napakakinis din ang balat na parang kumikintab pa iyon sa kaputihan. Hindi kagaya niya na mukhang tostado na namumula na hindi niya mawari kung ano ang kulay ng kutis niya.
Madami-dami na siyang nakitang naggagandahang artista sa pinupuntahan nila ni Nicolo. Meron pa nga iyong nakita niya na bigla-bigla na lang maglambitin sa leeg ni Nicolo na parang magjowa ampeg.
Kulang na lang maglaplapan na 'yong dalawang iyon. Nakalimutan niya ang pangalan 'nung babae. Basta mukhang malandi. Inis na inis siya sa babaeng 'yon mukha kasing walang kadelekadesa.
"Ouch! You're stepping on my foot!" reklamo ng babae na kanina lang tinititigan niya habang walang humpay na tumatahol naman ang aso nito.
"B-bakit!?" gulat na tanong niya.
Tinulak siya nito na muntik na niyang ikinahiga sa daan.
"Can't you see that!?" galit na wika nito habang tinuturo nito ang paa nito na may dumi na dahil nakahigh-heeled ito.
"Ah, pasensya na hindi ko nakita." hinging paumanhin niya. Alam naman niyang kasalanan niya.
"Stupid! Ang dumi na tuloy ng paa ko." inis na wika nito.
"May panyo ako dito gusto mo linisin ko?" alok niya.
"No need!" sabi nito at mabilis na naglakad muli.
Muntik na siyang makagat ng aso. Takot pa naman siya sa mga aso lalo na kung hindi niya alaga.
Kamuntik na naman siyang mapasigaw nang may humatak sa kamay niya.
"Anak ng kabayo ka!" bulyaw niya kay Kalil.
"I saw what you did to Erica." halakhak nito.
Nangunot noo siya nang pati pangalan nung babae alam nito.
"Bakit ka ba nandito? Iniistalk mo ako no!?" galit na wika niya.
"Of course not, nakita kita kanina paglabas ko ng condo building."
Oo nga pala magkalapit lang ang condo building ni Nicolo at ni Kalil mga limang minuto lang lalakarin.
"Ganun ba, Erica pala pangalan 'nun."
Hindi mo ba kilala si Erica?" tanong nito
"Hindi," maikling tugon niya."
"She's the newest star in BGC."
"Ah, okay!" sabi niya na hindi interesado.
"As in hindi ka interesado manlang mag pa autograph o magpa-picture sa kanya?" hindi makapaniwala na sabi nito.
"Bakit kailangan ba iyon, aber!?"
"No it's not like that,"
"Si Nicolo nga hindi ko magawang makipag-picture at magpa-autograph sa iba pa kaya?"
Tumawa ito sa sinabi niya.
"You are really funny ang sarap mo sigurong kasama,"
Kinilabutan siya sa sinabi nito.
"Sige maiwan na kita," sabi na lang niya at muling tinalikuran ito. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila.
"Aula, sandali!"
Hindi niya ito pinakinggan bagkus ay pinagpatuloy niya ang paglalakad.
"Saan ka ba pupunta? Mukhang hindi mo kasama si Nicolo, ah."
"Ano ba kumag papansin ka rin, ano?"
"Gusto ko kasing malaman kung saan ka ba pupunta?"
"Hahanap ako ng kwekkwekan kasi nagugutom ako! Lintek kasi ang Nicolo na 'yan di manlang mag-grocery KKB kami 'dun pagdating sa pagkain!"
Totoo 'yon walang makain sa loob ng ref ni Nicolo na pwede niyang lutuin pwera lang ang mga beverages. Madalas kasi magpa-deliver ang mokong na 'yon ng pagkain niya. At siya naman kumakain siya sa labas. Hindi rin sila sabay ni Nicolo na kumakain kahit nga sa set. Mukhang iniiwasan siya nito na hindi niya mawari.
Ah basta may boundary sila!
"Edi, treat na lang kita! Alam ko kung saan ang masarap na kainan."
"Street foods ang gusto ko, ayoko sa mga restaurant ang tatabang ng mga ulam! Tinitipid sa alat o tamis sayang lang pera mo 'dun!"
Muli itong tumawa.
"I know some places na may bentahan ng street foods, ano tara?"
Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi nito kaya napatango agad siya.