Chapter 6: GOING BACK TO TARLAC
Halos dalawang oras din ang ibyinahe nina Aula at Nicolo bago nila narrating ang Tarlac. Dala na din ang traffic sa daan kung kaya’t natagalan sila. Mabuti nalang at napapayag ni Aula si Nicolo na sumama para may kasama ang dalaga sa pagpapaliwanag sa kanyang magulang.
"Iyon ang pugad namin," pagbibigay-alam ng dalaga kay Nicolo nang ituro niya ang ang direksiyon sa kanilang tirahan nang makababa sila sa sasakyan nito.
"Nasaan ang bahay niyo diyan? Niloloko mo ba ako?" naiiritang sabi nito habang tinatanaw nito ang itinuro niya.
Pinandilatan niya ito,"Nang-iinsulto ka ba? Hindi porke't maliit ang bahay namin ay mas maliitin mo pa!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Sigurado ka na diyan ang tamang daan papunta sa inyo?" dismayadong tanong nito nang makita siguro nito na bukirin ang tatahakin nila.
"Oo nga sabi ang kulit mo," inis na wika niya pero ang totoo nasa likurang bahagi ng bahay nila sila susulpot kapag nilakad nila iyon at sa kalsadang kinatitirikan ng kotse ni Nicolo ay walang masyadong dumaraan.
Umiiwas lang siya sa tsismis at hindi lang iyon artista ang kasama niya!
"Iiwan ko ba ang kotse ko rito?"
"Malamang! Wala kaming garahe sa bahay."
"Are you sure? Safe siyang iparada dito?" tanong ulit nito na luminga-linga pa sa paligid. "Mamili ka, kung gusto mong ipasok na lang yan sa bahay at kung hahayaan mong maputikan 'yang lintik na kotse na 'yan! Grabe ka, dinaig pa niyan ang buhay ng tao na dapat paka-iingatan ng sobra!"
"I'm warning you, nakikipag-usap ako ng maayos dito baka gusto mong dito ka na at uuwi nalang ako."
"Hep! Hep!" pigil niya dito. "Di kana mabiro. Halika na nga ang dami mo pa kasing satsat!"
"What the—ako pa talaga sinabihan mo niyan!?" hindi makapaniwalang sabi nito.
"Ano kailangan pa ba nating mag bato-bato-pick kung sino may mali satin? E, kung sumunod ka nalang sa mga sinasabi ko hindi iyong ang dami mong kuda dinaig mo pa ang kaalaman ko na taga-rito!" inis na sabi niya na naglakad na papunta sa bahay nila.
Samantala si Nicolo, napaawang na lang ang bibig sa mala armalite na bunganga ng dalaga!
"Mag-iingat ka, madulas ang daan." banta ni Aula. Habang maingat nilang inaapakan ang may kalakihang bato upang hindi mabasa ang mga paa nila sa putikan.
"Oh, this is crazy! What am I doing here!" Nicolo groaned inwardly as he watched his foot trying not to steps on a muddy field!
"Ang arte mo! Dinaig mo pa artista sa kaartehan mo! Ops—oo nga pala artista ka nga pala." sabi niya sabay tutop ang bibig.
"Isang putak pa sa bunganga mo talagang aalis na ako." banta ulit nito na ikinatahimik niya at tumango-tango na lang. Nang marating nila ang kanilang bahay ay tumigil muna si Aula at sinenyasan si Nicolo na magtigil.
"Ano nag-enjoy ka ba?" tanong ni Aula habang hingal na hingal sa pagod. Mabuti nalang at makulimlim at hindi sila napaso sa init na nilakaran nila.
"Baliw ka ba!? Halos hindi na nga ako makahinga dahil sa mga dinaraanan natin." sabi nitong pagod na pagod ang itsura.
Napangiwi siya nang makita ang hitsura nito. Pinagpapawisan na ito at ang suot nitong long sleeve ay parang dinapuan ng milyon-milyong alikabok at kulay itim pa naman ang suot nito. Parang naawa tuloy siya sa paghihirap nito. Dumaan din kasi sila sa kamaisan na medyo may kataasan din. Aatras na sana ito pero pinilit niya pa rin ito.
"What? Nasaan na ang parents mo!?" tanong nito nang titig na titig siya dito. Pero infairnes a pogi pa rin ito.
"Sandali dito ka lang muna."
"Come on, Paulita, you're wasting my time!" iritadong sabi nito. Grabe sagad sa buto tinawag niya sakin!
"Relax, Nicolo pinakukulo mo ang ulo ko kanina pa!"
"Seryoso ka? You always put the blame on me!?" hindi makapaniwalang sabi nito. "Okay, fine papasok na tayo." sabi niya at nauna na siyang naglakad papunta sa entrance ng bahay nila.
Nang makita niyang nakabukas ang pintuan ay kaagad siyang pumasok.
"Inay, Itay!" tawag niya sa mga ito. Pero walang sumasagot. Imposible namang hindi narinig ng mga ito ang tawag niya sa liit ba naman ng ispasyo sa loob ng bahay nila.
Hanggang sa lumitaw ang kanyang itay na para itong nakakita ng multo nang makita siya.
“Anak, ikaw na ba ‘yan?”
Opo, “tay! Grabe ‘yang buka ng mata niyo para naman kayong nakakita ng multo.” natatawang sabi niya.
Tinawag nito ang kanyang inay mula sa kusina nang mahimasmasan ito at kaagad namang lumabas ito.
“Hay, jusko. Ano ba ang nangyari sa iyong bata ka? Aba, tatlong linggong ka ding nawala pinag-alala mo kami ng husto.” sabi ng inay niya. Nahabag naman siya sa sinabi ng inay niya. Mukha nga talaga itong nag-aalala.
“Ah, ‘nay may kasama po ako.”
Nagkatinginan ang kanyang mga magulang.
“At sino naman ang kasama mo?” tanong ng itay niya.
“Si Nicolo po.”
“Tama nga ba iyang sinasabi ko sa’yo na nakipagtanan iyang anak mo!” galit na wika ng kanyang inay.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng inay niya. Ang buong akala niya naka move-on na ito sa kakasabi nitong iyon sa kanya.
“Nay, ‘tay, nagkakamali kayo ng iniisip!” sabi niya at napaatras siya dahil mukhang susugurin siya ng kanyang inay. Hanggang sa nabangga niya ang matipunong dibdib ni Nicolo mula sa kanyang likuran at mukhang kapapasok lang nito.
“Magandang hapon po.” magalang na bati ng binata sa kanyang mga magulang dahilan para matigil sa pagsugod sa kanya ang kanyang inay. Hindi niya inaasahan iyon mula kay Nicolo.
“Ah, ‘nay, ‘tay, si Nicolo nga po pala ang lalaking nakadisgrasya sakin” pagpapakilala niya sa binata.
Mukhang hihimatayin ang inay niya sa sinabi niya at mabilis naman nitong dinaluhan ang kanyang itay.
“Tignan mo Lucas, ang ginawa ng disgrasyada mong anak!” naghihisteryang sabi ni Elizabeth.
“Walanghiya ka! Dinisgrasya mo ang anak ko panagutan mo ang ginawa mo!” akmang susugurin nito si Nicolo nang awatin ng nanay niya.
“Tay, ‘nay napanagutan na po niya ang ginawa niya kaya nga po ibinalik na niya ako dito.”
Sinulyapan niya saglit si Nicolo sa kanyang likuran at ang mga mata nito na wala manlang kabakasan ng galit dahil sa pinagsasabi ng kanyang mga magulang at mukhang aliw na aliw pa ang mokong. Para siguro itong nanunuod lang ng teleserye.
“Ha? Ano kamo binabalik ka na niya pagkatapos nang ginawa niya sa’yo!” bulyaw ng inay niya.”
Nangunot noo siya. “Oo, tapos na po ang obligasyon niya sakin.”
Lumapit ang kanyang inay at kinutusan siya. “Sira-ulo ka talagang bata ka paano kung may laman na ‘yang tiyan mo!?”
“Oo talagang may laman nagtake-out nga kami kanina ng pagkain at sa sasakyan na nga niya kami kumain bago kami nagtungo dito. Kaya nga busog na busog ako hindi na ulit ako kakain ng tanghalian dito.”
“Hindi iyang nilunok mong pagkain iyang sinasabi ko!”
“Ang gulo niyo ‘nay hindi kayo nakakaintindi.”
“Ang sinasabi ko paano kung mabuntis ka niyan!”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
“Ay! Makakapatay ko ‘yan kapag hindi ka pinanagutan!” wika ng kanyang tatay.
“Tumigil na nga kayo!” hindi napigilang sigaw niya. Naririndi na kasi siya sa mga pinagsasabi ng mga ito na wala namang katotohanan.
“Hindi ako nakipagtanan at lalong-lalo nang hindi ako buntis!”
I-kinuwento niya nang maigi sa mga ito ang totoong nangyari sa kanya. Napaniwala naman niya ang mga ito at humingi din ng pasensya ang magulang niya sa inasta nilang iyon kay Nicolo. At nang makilala ng ng mga ito ng tuluyan ang kasama niya na isa pala itong sikat na artista ay laking tuwa ng mga ito. Tinanggal na kasi ni Nicolo ang suot nitong sombrero.
Nagpasalamat ang mga ito kay Nicolo sa ginawang pagtulong sa kanya ng binata. Mukhang mas pinapaburan pa nila si Nicolo siya na nga ang nadisgrasya. Kasalan daw niya at hindi tumitingin sa daan!
Napansin niyang pinagpapawisan na ang binata dahil alas tres ng hapon at masikip pa ang sala nila. Nakaupo na din silang lahat.
“Angelo, kunin mo nga ang electricfan!” utos niya sa kanyang kapatid sa kwarto nila. Kaagad namang lumabas si Angelo, bitbit ang table top nilang electricfan.
“Bilis ‘nay ang init nakakahiya sa bisita natin.” agad namang itinutok ng kanyang inay ang electricfan kay Nicolo na abala sa pakikipag-usap sa kanyang ama pagkatapos nitong isaksak iyon.
Nang buksan nang kanyang inay ang button ay nagbigay agad iyon ng hangin ngunit kasabay niyon ay nagsilabasan ang mga alikabok.
Sasabihin sana niya na huwag lilingon si Nicolo pero huli na dahil sinalubong ng mukha nito ang alikabok at napa-ubo!
“Nay, patayin niyo na nga muna iyan!” sigaw niya at kandarapa naman nitong pinatay.
Nagkatinginan silang mag-anak dahil sa hitsura ngayon ni Nicolo, para itong manok na nadutdutan ng mga pakpak!
Nilapitan kaagad niya ang binata at tinanggal ang ilan sa mga alikabok sa gwapo mukha nitong mukha at tinanggal ang ilang alikabok sa ulo nito.
Si Angelo na kanina pang nakamasid lang ay kaagad pumasok sa loob ng kwarto at doon na ito nagtatawa. Maging siya ay pinipigilan din niyang matawa.
“Naku, iho pagpasensiyahan mo na sana ang nangyari, napanalunan lang kasi naming sa bingo ‘yan second hand pa, hindi na din namin nalilinis kasi wala namang gumagamit.” paliwanag ng inay niya sa nakasimangot nang si Nicolo.
Mas gusto kasi nilang matulog sa silong ng manggang na may papag sa labas ng bahay nila kung saan mas sariwang hangin ang nalalanghap nila.
“Nay, hindi iyon ang punto ang sabihin niyo hindi ninyo nililinis ang electricfan.” giit niya.
“Aba’t ikaw ang maglinis! Ilang linggo kang nawala dito sa bahay ni wala ka ng ginawang trabaho!” hindi napigilang sermon ng inay niya. Habang si Nicolo nanlaki ang mga mata nito sa lakas ng bunganga ng inay niya.
Aba’t lumabas na ang pagka-dragona ulit nito. At nang isang iglap maalala nito na nandoon nga pala si Nicolo ay pangiti-ngiti ulit ang inay niya.
Grabe, ang plastic tuloy ng nanay niya!
“O, wala na. Pagpasensiyahan mo na sana kanina ah,” sabi niya kay Nicolo nang matanggal na niya lahat ang mga alikabok sa ulo ni Nicolo.
“Ayos lang.” Maikling tugon ni Nicolo. Alam ni Aula na pinipigilan lang ni Nicolo ang mainis.
“Dito ka lang muna.” mabilis na paalam niya at lumabas ng bahay nila.
Sumilong siya sa punong mangga sa side ng kanilang bahay at doon na siya nagpakawala ng malakas na halakhak! Hanggang sa maiyak-iyak na siya sa kakatawa at hawak-hawak pa niya ang kanyang tiyan.
“Iyan naman ang hindi ko gusto ang pinagtatawanan ako ng lihim.”
Natigil sa pagtawa si Aula nang marinig ang tinig ni Nicolo at nang lingunin niya ito sa kanyang likuran ay ang malapit-lapit nitong katawan ang nabungaran niya.
“Assuming ka kung ikaw itong pinagtatawanan ko!” deny niya.
“Sino kung ganun?” seryosong tanong nito at nilapitan pa siya at siya naman ay napapa-atras hanggang sa madikit na ang katawan niya sa punong manga.
“A, e ‘yong saranggola kasi kanina tumambling ayon bumulusok paibaba.” ngiti-ngiting palusot niya.
“Sinong niloloko mo?” sabi nitong idinantay pa ang dalawang kamay nito sa katawan ng manga at napapagitnaan niyon ang kanyang mukha.
Lagot wala na siyang kawala!
“Wala!”
“Sigurado ka?” sabi nito t inilapit pa ang mukha nito sa kanya.
Napapalunok na lang si Aula sa sobrang lapit ng mukha ni Nicolo sa kanya habang titig na titig ang mga mata nila sa isa’t-isa.
“O-OO.”
“Sa dinami-rami ng mga babaeng nagkakandarapa sakin, iniidolo at tinitilihan ako samantalang ikaw tinatawanan mo lang ako?”
“Katawa-tawa ka naman talaga kanina alangan naman tilihan kita? Siraulo ka ba?” bulong na sabi niya dahil hindi siya makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya at baka mamaya pa maglanding na naman ang labi nito sa kanya.
“Bakit hindi ka ba naga-gwapuhan sa’kin?”
“Ang tatay Lucas ko lang ang iniidolo at pogi sa paningin ko.”
“Come up to your senses Aula, iba ang tatay mo sa ibang lalaki.”
Ano ba ang pinagsasabi nito? Sa inis ni Aula itinulak niya si Nicolo papalayo.
“Tumigil ka nga Nicolo akala mo naman ikaw na ang pinaka-gwapo sa balat ng lupa! Mas gwapo pa nga ang kalabaw naming si Isko kaysa sa’yo.” sabi niya sabay turo sa kalabaw nila at ngumawa naman ito.
“See, oo daw sabi niya.”
Napaikot ng mga mata si Nicolo at muling hinila si Aula paupo sa papag at halos magkadaiti na ang mga braso nila. Nanlaki naman ang mga mata ni Aula sa inasta nito.
“B-Bakit!?” gulantang na tanong ni Aula dahil inilalapit pa ni Nicolo ang mukha sa kanya. Habang siya ay napalayo ng kaunti.
“Don’t you have any common sense in your mind?”
“Common sense?” mahinang wika niya habang parang may pumipindot-pindot sa dibdib niya na hindi niya mawari.
“Yeah,”
“A-Alam ko ibig sabihin niyan.”
“Aula, iba ang alam sa meron ka nito.”
“Talaga? Sorry pero hindi talaga kita gets.” sabi niya at kinamot pa niya ang ulo.
“Don’t you know how beautiful you are when I look at you like these?” sabi nito at pinakatitigan siya nang mataman na parang nilulusaw nito ang mga mata niya. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niyang nakawala sa pagkakatali dahil sa tinatangay iyon ng hangin at inipit nito sa kayang tainga.
Oo aminado siya na magandang lalaki ito. Matangos ang ilong mapupula ang mga labi, makakapal ang mga kilay at kulay itim na itim ang mga mata nito.
Dahil sa kakatitig niya kay Nicolo hindi namalayan ni Aula na nakapikit na pala ang mga mata niya at tuluyan niyang nadama ang mga labi ni Nicolo sa kanya.
Sinalubong niya ang mga halik ni Nicolo. Ganoon na naman ang pakiramdam ni Aula para siyang inihihili at dinadala sa magandang paraiso. Wala iyong binatbat sa silong ng mangga na kinaroroonan nila sa kanyang imahinasyon sa tuwing hinahalikan siya ng binata.
Muli niyang nalasap ang malalambot na labi ni Nicolo at napakabnago din ng hininga nito.
Nataranta si Aula nang ngumawa ang baka kasunod niyon ay ang paghihiwalay nila ng mga labi ni Nicolo.
Bweset na baka ‘to panira ng moment! anang utak niya.
Tumikhim siya. “Dapat hindi ulit natin ginawa iyon!” bulyaw niya kay Nicolo at tsaka tumayo.
“It doesn’t seems you don’t like it.” wika ni Nicolo na nangingiti pa.
“Basta hindi na mauulit ‘yon!” giit niya.
“Hindi mo masasabi ang isang bagay na huling beses na iyon kung may mga araw pang kasunod.”
“Sinasabi mo diyan!?” sabi niya. Alam niyang iyon na ang huling araw na makikita niya ng personal si Nicolo. Dahil mamaya na uuwi na ito pabalik na ng Manila.
“Pwedeng maging mahinahon ka naman sa pakikipag-usap sa’kin?”
“Ikaw naman kasi lagi mong pinapainit ulo ko!”
“Baka gusto mong dalhin ulit kita sa paraiso nang lumamig ulit iyang ulo mo.” pilyong sabi nito na ikinapula ng pisngi niya. Paano nitong nalaman na nasa paraiso siya sa tuwing hinahalikan siya nito?
“U-Ulol mo! Umuwi ka na nga! Isa ka talagang malaking pwerwisyo sa buhay ko.”
“What the-ibang klase ka talagang babae ka, Aula.”
“Ay, malamang!”
Wala na siyang pake kahit umuwi na ito. Babalik na lang din ulit ang buhay niya na normal gaya noong hindi pa niya ito nakilala.
“Aray! Putek na bakang ‘to!” hiyaw niya nang bumagsak ang pang-upo niya sa lupa nang maapakan niya ang dumi ng baka! Mukhang kalalabas lang iyon.
Bakit pakiramdam niya pati pang-upo niya basa din? Nang tignan niya iyon takte may dumi din ng baka ang pantalon niya!
Yuck kadiri!
“Do you need help?” tanong ni Nicolo nang lapitan siya. Tinakpan pa ng daliri ang ilong nito. Tinignan niya ito alam niyang hindi pag-aalala ang nakikita niya sa mga mata nito kung hindi parang aliw na aliw pa ang loko!
“Ano sa tingin mo?” sabi niya at dahan-dahang tumayo.
“Ang bilis talaga ng karma.” sabi nito at humalakhak nang makita nito ang pang-upo niya.
“Ei, kung ibato ko kaya sa’yo to?” sabi niya at pumulot siya ng mas matigas na dumi ng baka.
“Aula! Don’t be like that!” sabi nito at mabilis na tumakbo paikot ng bahay nila na sinundan naman niya.
“Duwag! Sa tae ng baka ka lang naman pala takot!”
“Sho!” taboy nito at muling lakad-takbo ang ginawa.
Akmang ibabato na niya dito ang hawak niya nang matalisod siya sa tali ng baka kasunod niyon ang muli niyang pagbagsak sa lupa.
Muli’t muli niyang narinig ang tawa ni Nicolo!
“I never laugh so hard in my life!” natatawang sabi nito.
Muli siyang tumayo at hinabol ito. Para silang mga bata na nagtakbuhan sa maliit na bakuran nila Aula.
Habang ang mga magulang at kapatid ni Aula ay natigil sa kanya-kanya nilang ginagawa dahil sa narinig nilang tawanan at sigawan mula sa labas. At nasaksihan ng mga ito ang dalawa na naghahabulan. Nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na humagikhik.