Chapter 6

NAGLALAKIHAN ang ginawang paghakbang ni Hara para mahabol ang kanyang kuya Hero na nasa loob na.

Napailing na napangiti si Harold sa ginawa ni Hara.

Pagpasok nila Hara sa loob ng exclusive room. Namangha siya na talaga naman masasabi mong for only rich people can afford sa ganon party. Dahil super bongga talaga meron DJ pa na nagpapatugtog."Kuya, wow ang ganda naman dito!"

"Mabuti na naman at nagustuhan mo, akala ko maboboring ka lang."

"Hero, doon tayo," anyaya ni Harold, pero ang mata na kay Hara nakatingin. Bakit ba gustong-gusto niya ang mukha nito, lalo na ngayon he can see her innocent look.

"Harold, hindi ba tayo makiki-join sa kanila," ani ng babaeng kasama nito na ang kamay hindi tinanggal sa braso ni Harold.

"You can join them if you want, Farrah." Wala lang na sabi niya sa babae at tinanggal ang kamay nito sa braso."Hero let's there." Nauna siyang pumunta sa upuan na sinasabi niya.

Nakasunod naman si Hara sa tatlo. Napasimangot siya kasi naman iyon babae kaagad itinali ang kamay sa braso ni Harold.”Tinanggal na nga inalagay pa muli. Ito naman si Harold, gustong-gusto," bubulong-bulong siya na parang mangkukulam lang eh. E, ano ang sinesente niya naiinggit ba siya sa babae.

"Hey! Harold, happy birthday?" Bati nang lalaking kalalapit lang sa kanila.

Napatitig si Hara sa lalaki, aba kung guwapo si Harold, o ang kanyang kuya. Mamamia guwapo rin ito.

"Thanks, Rod."

Napatingin ang lalaki kay Hara. At bigla itong napangiti."Hi, Miss. I'm Rod," pakilala nito kay Hara.

O my parang gustong sumigaw ni Hara, grabe siya Miss, ang sinabi sa kanya mabuti pa ito alam na Miss siya hindi gaya ng iba young lady ba naman hmp! Kaylapad ng ni Hara."Hi, I'm Hara," tugon niya.

"Nice to meet you , Hara. Wow I'm not gonna bored here." Inabot nito ang kamay kay Hara.

Aba mabilis pa sa kabayo ang ginawang pag-abot ni Hara sa kamay ni Rod."Nice to meet you too," hindi nawala ang ngiti niya sa labi.

"Mabuti na lang pumunta ako rito, hindi sana ako dadalo. But my instinct told me that I must go, kaya pala dahil makikilala kita, Hara." Walang gatol na turan ni Rod.

Napatawa si Hara sa sinabi nito." Talaga! Hmmm, joke mo lang yata, eh."

Napapapantay yata ang kilay ni Harold sa sobrang pagkakunot nito dahil sa nakikita niya. Parang gusto niyang isigaw na 'damnit I hate my birthday' and he don't like what he feel right now parang gusto niyang manuntok ng taong nasa harapan.

Hindi umalis si Rod, sa tabi ni Hara. At bumulong ito kay Hara."Do you want to eat something." tanong nito.

Ngumiti naman si Hara. At tumango rito.

"Okay, kukuha lang ako anong gusto mo?" bulong nitong muli, paanong hindi nito ilalapit ang labi sa tenga ni Hara, maingay ang DJ na nagsasalita with sound pa.

Nilapit din ni Hara ang labi sa may tenga ni Rod.”Kahit ano kinakain ko naman,” sabi niya.

"Okay, wait for me."

Tumango muli si Hara kay Rod.

"Crush mo siya?" bulong ni Hero sa kapatid. Nakita kasi niya na panay ngiti nito.

"Kilala mo siya, Kuya?" tanong niya.

"Kasama ni Harold, sa racer iyan si Rod."

Pangiti-ngiti si Hara, aminin niya kinikilig siya kay Rod promise.

Naiinis si Harold sa nakikitang ngiti ni Hara. Kung siya ang kausap nito o kaharap ni hindi man lang ngumiti kagaya ngayon. Panay ang lagok niya sa red wine na nasa harapan nila.

"Harold, hindi mo ba pupuntahan ang mga kaibigan mo roon?" tanong ni Farrah.

"Later, still early!" bad mood na kaya siya, wala siyang ganang sumalubong sa mga kaibigan o kakilala man lang.

Dumating si Rod, his two hands was full of food nilagay niya ito sa harapan ni Hara."do you like it?"

"Wow, ang dami naman ng kinuha mo, Rod. Oo naman gusto ko!” masayang tugon niya sa lalaki.

"I want you get full, Hara. Enjoy eating okay!"

Walang masabi si Hara kundi tumango na lang. At hindi sinasadyang napatingin siya kay Harold. Nakita niya ang guwapong mukha nito na nalulukot."Kuya, Harold. Happy birthday salamat sa pagkain," bigla na lang nasabi ito.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Harold."Your welcome, sweetheart. Kumain ka lang ng kumain, para tumaba ka!"

Ewan ba ni Hara, biglang pumintig ng malakas ang puso sa pagtawag sa kanya ni Harold ng sweetheart. My gosh, pakiramdam niya makukulot yata ang unat niyang buhok sa kili-kili. Putik kanina kinikilig siya kay Rod. Pero bigla umarangkada itong si Harold na doble yata ang kilig niya sa dalawa.

Napatingin si Farrah kay Harold."What did you call her?" aniya.

"I said sweetheart, masama ba?" walang gatol na tugon ni Harold sa babae.

Farrah smiled."I know you're joking with her." She turned to Hara."Don't pay attention what he said, Hara. I think he's tipsy now. That's why he said that to you."

Ngumiti rin si Hara."Alam ko naman Ate, palabiro naman talaga si kuya Harold, di ba kuya Hero?" baling ni Hara sa kapatid. Pero sa totoo lang naiinis siya sa dalawa pagtulungang ba naman siya.

"Ha? Maybe he's," tugon ni Hero.

"Tama ka Hara, palabiro talaga si Harold, I know him," sigunda ni Rod."Hara, try this." Nilapit ni Rod sa bibig ni Hara ang lobster na kinuha sa plato niya.

Hindi naman matanggihan ni Hara ito. She open her mouth.

Rod put the lobster in Hara mouth."Delicious right?"

"Hmmm," tugon ni Hara.

Harold, feel so angry aminin niya sa sarili he's jealous to Rod. Dapat siya ang gumagawa ng ganon sa dalaga.

"Harold, let's go dance," Farrah invited him.

"Okay, let's go." He didn't want to, but he wanted to get rid of the annoyance he felt or whatever."Hey, Hero. What are you doing? Go find your partner now. " Farrah and him stood up.

”Yes I will do that, Harold." Hero look around napangiti siya dahil maraming naggagadahan at nagseseksihan mga dilag sa kanyang paligid.

Nang wala na sina Harold at Farrah, hindi na nakatiis si Hero"Hara, dito ka muna ha." paalam niya sa kapatid.

"Saan ka pupunta, Kuya?"

”Find your sister in-law, Hara."

"Ha? May ganon agad, Kuya?"

Tatatango si Hero sa kapatid."Pray for me!" Sabay kindat pa sa kapatid.

Napatawa si Hara seryoso ba ang kuya niya."Sige Kuya, find the best one okay!"

"Tapos ka na bang kumain, Hara?" tanong ni Rod.

"Oo, busog na ako, Rod. Salamat ha!"

"Gusto mo bang sumayaw tayo, Hara?" anyaya ni Rod sa dalaga.

"Sige, pero pupunta muna ako sa restroom sandali, Rod."

"Go, hihintayin kita, Hara. Take your time."

Tumayo na siya Hara, tinungo ang restroom.

Nang makita ni Harold na umalis sa kinauupuan nila si Hara."I need to go to the restroom, Farrah." Mabilis na iniwan ang kasayaw sa gitna ng sayawan.

Inis na napatingin lang si Farrah sa papalayong si Harold.

Nakita ni Harold na pumasok sa restroom si Hara, tumayo siya malapit lang sa pinto. He wait for her hindi naman nagtagal lumabas na si Hara.

Walang salita na hinawakan ni Harold ang kamay ni Hara.

Nagulat si Hara sa ginawa ni Harold."Bakit kuya, Harold?"

Hindi sumagot si Harold dinala niya si Hara sa may exit door. Paglabas nila he slowly push her to the wall.

Aba gumagana ang utak ni Hara sa ganon eksena. He's going to kiss her ba? Ano ang kanyang gagawin? Itutulak ba niya ito? Oh my no of course! ”Ba... bakit mo ako dinala rito, kuya, Harold?" ang dibdid niya dumadagundong na parang kulog.

"Did you make me jealous, sweetheart?" deretsong sabi niya.

Ano raw pinapaselos niya ito? At sweetheart na naman. Teka ano bang pinagsasasabi nito."Ha? Hindi kita maintindihan kuya, Harold!"

"Damnit, huwag mo akong tawaging Kuya, dahil hindi tayo magkapatid, sagutin mo ako pinapaselos mo ako kay Rod di ba?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo!" Tinulak niya ito.

But Harold didn't move at all, but he put his hand on Hara's waist. "I tell you. You win because you want to make me jealous. Yes, I am damn jealous of him, you know!"

Tumaas ang balahibo sa katawan ni Hara nang yakapin siya ni Harold. Ramdam niya ang init ng katawan nito. Na kailan lang niya naramdaman. Noong nasa harapan sila ref sa kanilang bahay, ang bango talaga nito masarap sa ilong. At naamoy niya ang hininga nito. Naamoy niya ang alak na iniinom nito kanina. Ngunit para sa kanya, nagustuhan niya ito, parang pabango sa bibig nito ang amoy ng wine. Teka, nagseselos ba talaga ito? Bakit? Ibig bang sabihin, eh. May gusto ito sa kanya. Kung kayat siya ay nagseselos? Hara, gising. Baka nanaginip ka lang. Pero gising siya. Alam niya ito. "Lasing ka lang yata." sabi niya sa lalaki.

"Hindi ako lasing, Hara. Alam ko ang ginagawa ko wine lang ang ininom ko hindi niya ako malalasing."

"Bakit mo ba ako dinala rito, puwede ba pakawalan mo ako, hinihintay ako ni Rod."

Nang marinig ni Harold ang pangalan ng kaibigan."Si Rod, hindi ka niya makukuha sa akin. You are mine only mine!"

Napabuka ng bibig niya si Hara paano kasi mine raw siya nito what a good word di ba? Her heart was racing so fast.

Harold took advantage of Hara's mouth opening and said nothing. He just grabbed her lips and kissed her passionately.

Namilog ang dalawang mata ni Hara sa paghalik sa kanya ni Harold. Tuloy na blanko ang isip at tila huminto pa ang pagdaloy ng dugo niya sa katawan.

Sa sandali naman iyon naiinip si Rod, wala pa kasi si Hara kanina pa ito pumunta sa restroom."Why she took so long? May nangyari ba sa kanya?" May pag-aalalang sabi niya tumayo siya para puntahan si Hara.