Chapter 18
KAAGAD din dumating ang magulang at kapatid na babae ni Hara, sa hospital, nag-text si Hero kay Harley, na ipaalam sa ina at ama na may nangyaring masama sa kapatid nila.
”Ano ang nangyari kay Hara? Di ba nasa party lamang siya nang magulang ni Harold?" Mangiyak-ngiyak na tanong ng ina ni Hero sa kanya.
”Ma, hindi ko rin alam tumawag lang sa akin ang kaibigan ni Harold na si Rod, para ipag bigay alam na narito nga sa hospital si Hara."
”Nasaan si Harold?" tanong ng ama nila.
Tamang pumasok si Harold sa room na kinaroroonan nila. Kasunod si Rod.
Hinawakan ni Harley ang kamay ng kanyang kuya Hero. She know him, lalo pa't involve ang kanilang kapatid, baka bigla nitong suntukin si Harold."Kuya, relax ka lang ha. Look at him parang kawawa ang itsura di ba?"
Gusto nga ni Hero na sugurin si Harold, pero nagtimpi siya. Tama naman ang kapatid na si Harley, tila ba pasan nito ang mundo, para ngang biglang tumanda ito sa paningin niya.
"Harold, ano ba ang nangyari kay Hara, bakit siya naririto?" mainauhon tanong ni Mang Ramil sa binata.
Lumapit si Harold, sa mag-asawa. At lumuhod, alam niya magagalit ang mga ito pagnalaman ang nangyari kay Hara.”Patawarin po ninyo ako, dahil hindi ko siya naprotektahan."
”Huwag mo itong gawin, Harold. Tumayo ka hindi kami santo para luhuran mo!" Inalalayan ng ginang na tumayo ang binata.
"Sabihin mo sa amin kung ano ba ang nangyari, kay Hara. Harold?" Sabing muli ni Mang Ramil.
”Na-nakunan po siya!"
"ANO?" Sabay na turan ng mag-anak.
Tumango-tango si Harold.
"At bakit siya nakunan ng ganon-ganon na lang, Harold?"
"Tita, nakita ko na lang na bumagsak si Hara. Tinakbo ko siya para saklolohan pero huli na ako she start bleeding."
Napabuntong-hininga ng malalim si Hero, nong una palang sa tingin niya may nangyari na sa dalawa kaso si Hara, sinabing wala pang nangyari sa kanila. Hindi naman niya puwedeng paamin ito, baka nahihiyang magsabi ng totoo sa kanya.
"Sino? Sino, ang may gagawan?"
"Si Farrah, Tita, Tito!"
"Si Farrah, ang ex girlfriend mo, Harold?" Sabat ni Hero.
"Hindi ko siya ex. Harold, dahil hindi naman naging kami ni Farrah!"
”Ano? Paanong hindi naging kayo? She's always around you. At kung makakapit siya sa iyo, girlfriend na girlfriend kung umasta."
”Kaibigan lang ang turing ko sa kanya, Hero."
"Oh talaga? Friend with benefits ganon di ba?"
Hindi naman nakasagot si Harold, dahil tama si Hero.
”Siya ba iyon kasama mo na may pekeng pilikmata sa restaurant nong una ka namin makita, Harold?" tanong ni Harley.
"Yes, Harley."
"Harley, ano ka ba? Anong pekeng pilik mata pinagsasasabi mo ha? Don't talk nonsense."
"Ma, she's. At alam ko ito dahil gumagamit din ako ng fake eyelashes."
"Tumigil ka nga, Harley!" saway ng ina.
Tumahimik naman si Harley.
Sa isang sulok napangiti naman ang tahimik na si Rod. Ang cute din pala ng ate ni Hara.
Unti-unti naman minulat ang kanyang mata si Hara."Ma, Pa!" tawag ni Hara sa magulang.
"Narito kami anak!" Tugon ng ginang na hinawakan ang kamay nito.
Napatingin si Hara kay Harold.”Sweetheart?"
”I'm here, sweetheart!" Tugon din ni Harold lumapit siya rito.
”Bakit hindi mo sinasabi sa amin na buntis ka pala, anak?" ani ng ginang.
"Po? Ako buntis?" naguguluhan sabi ni Hara.
Ginagap ni Harold ang kamay ng nobya."Sweetheart, yes and you have miscarriage!"
"Ang ibig mong sabihin may baby sa tiyan ko?" Hinawakan niya ang tiyan."Baby?"
"Yes, we have a baby. But she or he it's gone. Hindi mo ba ito naramdaman sweetheart na buntis ka?"
Umiling-iling si Hara. Wala kasi sa isip na mabuntis siya. At ngayon lang niya napagtanto hindi na pala siya dinatnan magdadalawang buwan na. Bakit hindi niya napansin ito dahil ba sa sobrang excitement niya sa relasyon nila ni Harold?
Nasa ganon silang pag-uusap ng tumunog ang cellphone ni Harold ang ina ang tumatawag. Pinindot niya ang call button at ni loud speaker ito."Yes, Mom. Anong balita diyan?"
"Harold hijo, wala na si Farrah, nakatakas siya!"
"What? Di ba ang sabi mo kanina, Mom. Nariyan lang siya?"
"Yes, but she's suddenly gone, hindi napansin ng mga tao ang kanyang pag-alis, hijo."
Naikuyom ni Harold ang kamao."Ako ang maghahanap sa kanya, Mommy. Kailangan niyang pagbayaran ang kanyang ginawa."
"Huwag na hijo, hinahanap na siya ng mga pulis, she cannot go far. Kamusta si Hara, Harold?"
Napatingin si Harold kay Hara.
Kinuha ni Hara ang cellphone."Tita, okay naman na po ako." sagot niya.
”Thanks God, good to hear that, hija. I am so nervous sa nangyari sa iyo, bukas na kami pupunta diyan."
"Sige po Tita, bye."
Hinarap muli ni Harold ang magulang ni Hara."Tita, Tito. I'm sorry again! Patawarin po ninyo ako, I promise po hindi na ito mauulit pa!"
"Ano pa nga ba magagawa natin. Hindi para sa atin si baby," ani ng ginang.
”Sige na kami ay aalis na muna hindi naman puwede na tayong lahat ay narito," ani naman ni Mang Ramil.
"Harold, ikaw na ang bahala kay Hara, bukas na kami babalik para makauwi ka naman. Hero, Harley, tara na."
"Sige po , Tita."
Nilapitan ni Harold si Rod para magpasalamat dito."Thank you!" Tinapik niya ang balikat nito.
"It's nothing, Harold. Paano uuwi na rin ako!"
"Sige, mag ingat ka!"
Tumango si Rod at lumabas na sa kuwarto.
Nang sila na lamang dalawa umupo si Harold sa tabi ni Hara, niyakap ito."We lost our baby, sweetheart!"
"Sorry, Harold. Hindi ko siya naprotektahan man lang!"
”It is okay sweetheart, hindi mo rin naman alam. What if she or he is alive, ano ang ipapangalan natin sa kanya?"
Umiling si Hara, wala siyang idea.
"I know, sweetheart."
"Ha? Talaga, sweetheart. Ano?"
"Haha!"
Natawa si Hara."Ikaw talaga bakit Haha? Pagtatawanan nila siya kasi Haha?"
"Hara, Harold. So, Haha, di ba nice name, sweetheart!"
"Eh, paano kung kambal sila?"
"Eh, di. Haha, Rara, or Harhar. Oh very nice I like it!" Natatawa rin si Harold.
"Ewan ko sa iyo!"
"I love you, sweetheart!" Harold give her a kiss to her head.
”I love you too, sweetheart!" Isiniksik ni Hara ang sarili sa katawan ni Harold.
Dahil sa nangyari alam nilang dalawa na mas lalo pang uusbong ang kanilang pagmamahalan para sa isat isa.