Chapter 9: No Bar
BUMALIK ANG diwa ko sa kasalukuyan.
Narito na ako sa bahay, as always, hindi ko namalayan. Basta kanina nang sabihin ng professor na mukha na raw talaga akong zombie, namumutla at tulala, tinanguan ko na lang siya at umuwi na. Nagulat pa ako nang pagpasok ko sa kwarto ko, nakaupo sa kama si Vyra. Nakasuot siya ng panlakad.
“Pinauwi ka rin ba?” tanong niya na hindi tumitingin sa akin. Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana.
“Yeah, I’m not feeling well. Huwag mo akong mabwisit-bwisit ngayon,” sabi ko.
Nilagay ko ang bag ko sa ibabaw ng bedside table at pasalampak na nahiga sa kama. I feel tired over nothing.
“Cut the bullshit, bitch. Let’s go shopping. I will make good use of this card.” She showed me a card and winked at me.
Biglang lumiwanag ang mukha ko. “That is Kuya Liam’s credit card!”
Ooh, I think we’re gonna have a great time!
Tumayo ako at nagpalit ng damit. I wore a black high-waist skort and a plain brown and fitted T-shirt. I tied my hair in a braided bun. Put on a little blush-on and an orange-red shade of lipstick. Spray perfume and I am ready to go.
“Ang tagal mo naman mag-ayos!” asik ni Vyra nang makalabas ako ng kwarto.
“Shut up. Palibhasa kasi kanina ka pa natapos.”
“Let’s go!”
Wala ang mga kapatid ko sa bahay. Nasa trabaho si Kuya Liam at si Kuya Nico naman ay nasa sarili niya na namang mundo sa kung saang lupalop.
Anyways, nagpaalam na lang ako sa mayordoma at kinuha ang keys sa taguan ni Kuya.
Marunong ako mag-drive but I let Vyra. Baka mapagalitan ako ni Kuya kapag nalaman niya na ako ang nag-drive. At least si Vyra, whatever she do, walang say si Kuya.
Ok, I’m running away from his anger pero si Vyra naman talaga ang may pakana, so I’m not guilty.
And the way she is heading is not the way to the mall. Parang gusto ko na lang umuwi at mapagalitan ni Kuya.
“Where are we going? Sabi mo sa mall?” Hindi ko pinahalata sa kanya na irritated ako. Like hello? Kung magpapakamatay siya dahil sa nangyari kagabi sa kanila ni Kuya, huwag niya ako idamay.
Hindi niya ako sinagot. Nakatuon lang ang mga mata niya sa daan na tila wala siyang naririnig. Or much better sabihin na feeling niya, wala siyang kasama.
Nanahimik na lang din ako and pray for my own safety. Dude, she’s scarier than Kuya when she’s silent like this.
Pagkaraan ng halos isang oras na byahe, tumigil kami sa isang resort. There’s a lot of people walking back and forth from a distance. Vyra parked the car na malapit sa dike.
Lumabas ako ng kotse at sinalubong ng malakas at malamig na hangin ang mukha ko. Buti at naitali ko na ang buhok ko, kasi kung hindi, magmumukha akong bruha dahil sa hangin.
“This was once our property. I miss hanging out here with my so-called friends,” sabi niya at tumawa ng pagak.
“We’re supposed to go shopping, right?” Pagpapaalala ko sa kaninang yaya niya sa akin.
“Oh yeah! There is this famous mall around the area. Let’s go!” she said and lead the way.
This place is famous for a reason. Everything here is like a dream come true to every girl. From dresses to shoes, jewelry, and cosmetics, they are of the best quality.
After a long tiring shopping moment, we decided to grab dinner in a fancy restaurant.
“Argh! Dapat nagsama tayo ng kahit isang kasambahay para katulong sa pagbuhat ng mga pinamili natin,” reklamo ko.
“It’s ok. Nagawan na naman natin ng paraan. Huwag ka na magreklamo,” saway niya sa akin.
She shamelessly asked a stranger to help us carry some of the paperbags dahil kulang daw sa tao ngayon ang mall, kaya walang tutulong sa amin sa pagbaba ng mga pinamili.
Abala kami sa pagkain nang tumunog ang phone ko. Nag-text si Kuya Liam kung nasaan daw ako.
“It’s past seven. Want to go to the bar?”
“Are you freaking serious? Bar? Baka pagalitan na tayo ni Kuya.”
She raised her brow at me and drink her red wine as if she was saying “I don’t give a damn.”
Lagot na talaga ako nito kay Kuya Liam.
“We are already nineteen years old, we can go na,” sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain.
Tinitimbang ko ang sitwasyon sa likod ng isip ko.
Gusto kong damayan si Vyra ngayon pero natatakot ako na baka ipagtabuyan ako ni Kuya Liam. I am one hell of an overthinking lady.
I can imagine Kuya closing my bank accounts for defying him to this extent.
“I don’t think that it’s a good idea. I’d rather go home now than go to the bar,” I said. I have to convince her na umuwi na. Magda-drive pa siya and we can’t afford to drive under the influence of alcohol. Nakakatakot!
“Come on, ngayon lang. Please?”
Kahit anong pa-cute niya, hindi ako papatalo. She’s not cute!
“Nope. No way. No bar. Ok?”
“YOU KNOW I love it when the music starts but only you can dance with me…”
Ang lakas ng loob kong sabihin na “no bar.” And here I am, sipping on my glass of beer. I know from the very start that Vyra only brings trouble for me. Hindi dapat ako nagpadala sa teary eyes niya kanina.
Naku, kung hindi lang ako mabait at hindi ko alam na wala silang problema ni Kuya, hindi ako papayag.
Goodbye allowance.
Nakakailang baso na ng kung anong drinks itong babaeng ito at halata na sa mata niya na may tama na siya. Mapungay na tila pinipilit niya na lang na imulat ang mata.
I record a video of her para naman may pagtawanan ako. Bayad niya na rin just in case this situation got worse.
Ilang saglit pa ay niyaya ko na siyang umalis na sa lugar. Magbu-book na lang siguro kami sa kalapit na hotel. Pero hindi man lang siya matinag sa kinauupuan niya.
“Vyra, let’s go!” nanggigigil na hinila ko siya.
Para siyang lantang gulay. Pero hindi ko inaasahan na ang may kapayatan niyang katawan, may isang sakong bigas na nagtatago.
“Ang bigat mo. Tumayo ka na!”
Ayaw niya pa ring sumunod. I have no choice but to call Kuya Liam.
“Self, I’m sorry,” bulong ko sa sarili ko as I dialed Kuya’s number.