Chapter 12: The Siblings
“HEY, bitch! Ipagluto mo ako ng makakain. Nagugutom na ako.”
Kasalukuyan akong nagbabasa ng magazine sa sala nang bumaba mula sa kwarto niya ang magaling kong sister-in-law. She inhaled way too much smoke from the bar. It has been four days since that night at kalalabas niya lang ng ospital kahapon.
At ngayon, ito at inuutusan niya ako na parang ako ang personal maid niya.
“Naka-drugs ka ba? We have kasambahays at home. I can’t cook and do household chores. Tapos uutusan mo ako?”
Pasalampak siyang naupo sa kaharap na sofa. “Ako nga, marunong magluto eh.”
Natawa ako nang pagak sa sinabi niya. “Eh di ikaw ang magluto ng gusto mong kainin! Hindi iyong uutusan mo pa ako, marunong ka naman pala. Para kang sira.”
I can imagine myself slapping my other self. Imbis na mag-sorry kay Lei, nagmamataas pa ako. I already admit that I am Liam’s prisoner. Pero ang tratuhin din ng ganoon ni Lei? Sinampal lang naman ulit ako ng realisasyon- magkakapatid sila.
Ang Kuya Liam niya ay good looking naman sana, ubod naman ng sungit at napaka-domineering.
Ang Kuya Nico niya naman na womanizer, alam nang fiancée ako ng kapatid, kinukulit pa rin ako. Kahit inaasar niya lang ako, very wrong!
At ito naman na pinagmamalaki kong best friend slash sister-in-law, suplada at spoiled brat.
Kung mayroon man silang pagkakapareho as siblings, iyon ay ang hindi maintindihan na mga mood swings nila. Animo lahat sila may period sa lahat ng oras.
“Now we’re even. I cause you trouble, you cause me trouble. We are together for nothing. I think I should accept the fact that you are now part of my family. And what’s worse?”
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. She looked at me straight in the eyes. I don’t know but she seems amused.
“You are my best friend.”
Napapikit ako nang mariin. “Bitch, out of nowhere, sasabihin mo iyan. Bigla naman akong na-touch. Comfort me, dali,” I said full of sarcasm.
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. “I guess that’s what he sees in you. You and your unbearable sarcasm,” she murmurs. I didn’t actually hear her right.
“What did you say?”
“Sabi ko, dapat matuto ka nang magluto. Malay mo kapag nag-travel si Kuya, syempre hindi siya magdadala ng maid, natural na ikaw ang isasama niya. So need mo matuto magluto, para ikaw na ang tagapagluto niya in the future.”
Tumayo siya at pumunta sa likod ko. Minasahe niya pa ang balikat ko. She’s acting weird.
“Who knows, right? Baka ma-fall siya sa iyo. Just give it a try.”
“Kikiligin sana ako kung hindi ko lang alam na galit sa akin ang kuya mo.” I rolled my eyes at her.
Kulang na lang, I shake her hands off me. She’s really creepy, dagdag pa ang sudden change of heart niya.
“It’s your time to shine, duh? Ipagluto mo si Kuya as an apology.”
Hindi ko na kaya. It seems like she’s trying hard to be kind but her words and attitude gave her away. Marahas akong tumayo at hinarap siya. Nameywangan pa ako. “At kailan ka pa naging close sa akin?”
“Wow, bitch. Look who’s talking.” Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Now that’s the Ashene Lei I know.
“Hay naku, Lei-“
“Speaking of, why did you suddenly call me Lei?”
“Sabi kasi ni Liam, may history ka raw sa Ash. Well, hindi na ako magtataka. Simula nang tawagin kitang Lei, bumait ka sa akin.”
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Lei.
“Takot ko lang kay Kuya. Baka bawasan ng wala sa oras ang allowance ko kapag hindi ako nag-behave. Kulang na nga sa akin iyong allowance ko eh.”
Nagtatakang tumingin ako sa kanya. “Bakit niya naman babawasan ang allowance mo kapag hindi ka nag-behave around me?” Natawa ako sa mga sinasabi ko. “Para kang bata, pati ako nahawa. Mag-behave, my gosh. It’s not so us, you know?”
“Yeah, I agree.” Natawa na rin siya.
“Bago iyon ha? You agree with me without hesitations?”
“Magluto ka na nga lang, ang dami mo pang satsat. Nagugutom na ako.”
And we’re back to zero. “Tsk. Bahala ka nga. Kahit hindi ko lagyan ng lason ang niuluto ko, mamamatay ka.”
Nahagip ng gilid ng mata ko ang pinto. I think I just saw Liam hiding behind the door.
“Nasa trabaho na ba ang Kuya Liam mo?” tanong ko.
“Ewan. Hindi ko rin alam schedule ng dalawang iyon. Minsan, ang aga umalis. Minsan naman, mga ten ng umaga pumapasok sa trabaho.”
“Kapatid ka ba o nakikitambay lang?”
“Sira ulo ka ba?! Basta kapag oras ng hapunan, kailangan sabay-sabay kami sa hapag,” asik niya.
Nasampal ko ang noo ko. Hindi iyon ang tanong ko.
“Kailangan mo yata ng mahabang pahinga, girl. Mukhang nawawala na rin ang utak mo at napalitan na ng usok. Magbasa ka na lang. iyong mga novels ni Jhon Lei, at nang ma-relax ka naman.”
She just stare at me blankly, as if I was talking nonsense.
Tsk. Tumalikod na lang ako sa kanya at naghalungkat sa fridge ng pwede lutuin. Iyong madali lang sana.
Nakita ko ang mga lalagyan ng ice cream. May mga pangalan pa ng magkakapatid.
Naglolokohan ba kami dito? Para namang mga bata itong mga ito sa ginagawa nila.
But then, I’m kinda touch with their silliness and closeness. Dagdag pa na nasa edad na sila.
Mag-isang anak lang kasi ako kaya hindi ko naranasan na may kaagaw sa mga bagay-bagay. I can imagine Liam getting pissed if his ice cream was taken from him.
“Hoy, anong ginagawa mo?”
Bumalik ang diwa ko sa reality sa lakas ng tapik ni Lei.
“Alam mo, hindi mo kailangang ipamukha sa akin na mga lalaki ang kapatid mo. Grabe ang lakas ng kamay mo. Barako ka, girl? Ang sakit!” hinimas-himas ko ang braso ko.
“Ay sorry naman. Mahina pa nga iyan kasi mukha kang sakitin. Who would have thought na hindi mo na iyon kakayanin? Mag-exercise ka naman kasi.”
“Kumakain naman ako ng gulay! Huwag ka nga,” asik ko sa kanya.
“Exercise kailangan mo!”