Chapter 26: (FAVORITE)

CHLOE

The meeting with Franco and Malori was over. And yes, that was Malori of Elliot Hart who was so snobbish and bitchy to me at Paige's party in Salvacion, but she's nice now. She's nice and adorable. It seems okay na sila ni Elliot kaya mukhang happy na siya. Thank God!

At mabuti pa siya happy, ako... hindi. How can I be happy when I just realized na may iba pang babae si Trace? I was being professional by attending the meeting with a smile as if I am not hurting inside.

Hurting?! Yes, I admit. I was hurt and kinda feeling played by that evil man that I was supposed to despise but... but stupidly, I am into him like a bee to a flower.

"Chloe, are you staying here o pauwi ka na?" Malori asked me when she saw me heading to the elevator.

"Going home," I answered, then smiled.

Nasa tapat na kami ng elevator nang hindi ko matiis ang sarili ko na lingunin ang pinto ng CEO's office kung saan nakita ko ang dalawang bodyguards ni Strawberry Madrid na nakatayo lang. Napataas na lang ang isang kilay ko, medyo OA sila sa pagbabantay. Duh!

Ano kaya ginagawa nilang dalawa doon? Probably they are already... Oh no! I should not think of that. Stupid me! Sarili ko lang ginagawa kong parang ewan.

Then I felt the uncanny heartache again because of what I am thinking. Parang may sumasaksak sa puso ko isipin ang ginagawa ngayon nina Trace at Strawberry.

What to expect pa ba? Eh noong kami nga ni Trace ang nasa conference room ay muntik na nga may nangyari sa amin. Sa kanila pa ba na confirmed may relasyon at mukhang matagal na base sa kwento ni Alona kanina.

"Elliot's coming, susunduin niya ako at may sasabihin din siya kay Trace. Nandito raw si Trace eh. Hindi ba kayo nagkita?" Malori querying about me that made me shook my head sidewards.

I smiled with awkwardness. Why would I go to see Trace? Nandito ako para sa meeting at hindi para sa kaniya. As if...

And gosh! I don't like womanizers and I don't like bad boys.

Trace? He is a combination of the two. And that is why kanina ko pa iniisip kung ano pa ba kasi ang dahilan at gusto ko pa rin siya? In fact, I already forgetting my mission why I am here in the Philippines. Parang ang dahilan na lang kaya talaga gusto ko rin makita si Trace ay pansarili na lang.

Sorry, Carly. I am into the man you love.

Parang gusto ko na sabihin iyan sa susunod na makausap ko si Carly. Napabuga ako ng hangin sa inis sa sarili. I am in a total deep shit actually. Being torn between my love and concern for Carly and my desire to be with Trace.

Ayoko dapat talaga kay Trace at wala siya katinuan. Sigurado na ako na hindi siya seryoso sa akin at dapat okay na rin iyon para maplano ko nang maayos ang revenge ko sa ginawa niya kay Carly, pero bakit imbes na matuwa ako na wala ako dapat alalahanin na ay parang masyado ako apektado na may girlfriend pala siya na model.

Mas maganda pa rin si Carly kay Strawberry Madrid. Si Carly na dine-deny pa niya. The nerve! At sa totoo lang ay mas maganda pa rin ako kaysa sa kanila. If I want to steal Trace ay kayang-kaya ko. Kaso mali iyon! I can't!

"I and Elliot could bring you home if you like," Malori broke my thoughts of Trace and the model.

Sasagot pa lang sana ako sa sinabi ni Malori nang bumukas na ang elevator at bumungad sa amin ni Malori sina Elliot kasama si Niccolo, na saktong napatingin sa akin. He said he preferred to be called Niccolo than his first name which is Maverick so I just followed it. That was his name kaya bahala na siya.

"Niccolo," I said his name and smiled warmly. Agad naman siyang ngumiti sa akin at lumapit.

"You're here." Niccolo raised one hand to touch my right lower arm. "Nice to see you here, Chloe."

"You know each other?" that was Elliot asking.

I nodded instantly. "We met two nights ago," I replied.

Tiningnan naman ni Elliot si Niccolo and the man just smirked before he uttered a word, "Elixir," he simply said.

"Nice seeing you here, Chloe. I never thought I would see you here. Are you working for Trace?" Elliot asked me nicely and I smiled. This man is exceedingly handsome and clean like Niccolo, and their looks and styles are my preference for a man. Not Trace who is ruggedly handsome. I like men who are neat and clean.

But... but the face of the womanizer and bad boy rolled into one appeared in my thoughts. Shame on me! There are lots of handsome men at kahit sa US pa ako ay maraming gusto manligaw sa akin. Mga pormal na lalaki at matitino pero bakit ba kahit anong isip ko sa kanila ay bumabalik sa isip ko kung gaano kasarap humalik si Trace at ang kaniyang mahaba, mataba, maugat, at malabakal sa tigas na... na...

Oh, gross! Ayan na naman ako.

"We are working together, babe." Lumapit si Malori kay Elliot sabay kawit niya ng braso sa braso ng isa. Sweet! I envy them bigla-bigla.

"Yes, I am the one who will do the interior design of the Deversarium. I and Malori talked about it and she showed me her artworks and all of those are lovelies. We will decide to talk again after the founding party of the company," I explained.

Ang sabi kasi ni Franco ay pag-usapan lang muna namin ni Malori ang mga gagawin namin pero pagtapos na lang ng founding party ng Forte Konstrakt umpisahan ang project. Ang renovation naman kasi ng Devarsarium ay sisimulan pagkatapos pa ng New Year.

The party will be two weeks from now according to Franco, at sa isang sikat na hotel gaganapin iyon, sa hotel na pag-aari raw ng friend ni 'Boss' Trace.

That is how Trace called by most people here. Ang kuwento pa nga ni Alona ay dati Sir ang tawag ng marami kay 'Architect' Trace but it changed to boss.

Boss... Yeah! Mas bagay naman sa kaniya for he was always bossy at isa siyang... gangster!

Halos gusto ko na sabihin na gangster ang CEO ng Forte Konstrakt pero alam ko na delikado kaya nanahimik na lang ako. What I learned form Paige and the rest after that night sa Elixir ay tamang sarilihin ko na lang.

Actually, that was one of the reason kaya dapat ko iwasan magkagusto pa kay Trace. Kaya pala gano'n ang mga sinabi niya that night na may papatayin pa siya. I thought it was a joke pero totoo pala. Kaya hindi rin ako dapat maawa sa kaniya na ipaghiganti si Carly. Trace is not a good man, he is bad. A totally evil one.

"We need to talk to Trace first, babe. Is it okay with you na kausapin ko muna si Trace bago tayo umalis?" kausap ni Elliot sa girlfriend nito.

Agad naman na tumango si Malori. "Are you okay if I wait for you here or sa lobby sa ground floor na lang kita hintayin?" she sweetly asked that I could get diabetes just by listening and looking at them.

What was that slang words I usually heard from Harriet? Sana all? Yeah, iyon na nga. Mapapasabi na lang ako ng sana all.

"No, sama kayo sa loob ni Chloe at hindi naman kami doon mag-uusap exactly. I will leave you there at doon ko kayo balikan," Elliot said at nagpauna na sa paghakbang habang hawak ang kamay ni Malori na sumunod sa kaniya.

Malori pulled my hand too at napilitan na akong sumunod din. Not totally napilitan, gusto ko rin talaga sumama sa kanila pero nahihiya ako. Gusto ko sumama para makita man lang kung ano ginagawa nina Trace at Strawberry.

Nasa may pinto na kami nang tumunog ang phone ni Elliot. "Oh, fuck!" he exclaimed. "Get the ladies inside, Morelli. Kausapin ko lang si Jake."

Iyon lang at iniwan na kami saglit ni Elliot at si Niccolo na ang bumukas ng pinto at dahil hinila na rin ni Niccolo ang kamay ko ay napasunod na rin ako sa kaniya. Nilingon ko pa si Malori na biglang sumunod kay Elliot. Saktong pagtingin ko sa harap ay kitang-kita ko na may dalawang lalaki na kasama si Trace na nakita ko na sa party ni Paige, si Trace na nasa swivel chair niya, at babaeng sexy in her black bodycon dress na nasa gitna ng mga hita ni Trace at subo-subo pa ang... ang mahaba, mataba, at maugat na... na...

"Oh my God!" I exclaimed in horror. Nakaka-horror pala makakita ng gano'n? At bakit parang ako pa ang nahihiya at sila ay balewala lang.

I really can't believe that I am falling for this shit of a man! This is totally disappointing... devastating... and insulting! Iyan lang ba ang reason kaya si Madrid ang gusto niya. I can do that too! Kaya ko naman aralin 'yan!

"Stop it, Berry!" utos ni Trace sa girlfriend niya na mas mukha yatang ahas kaysa babae dahil sa bigla nitong pagpulupot kay Trace nang nagpakalong na ito sa lalaking gwapo nga pero saksakan naman ng gago.

Bagay nga sila at pareho silang walang kahihiyan lalo na at kahit may ibang tao pa rito silang kasama ay nagawa pa nila gumawa ng... Oh my God! Ayoko na isipin pa!

Napahawak ako sa braso ni Niccolo. Mahigpit. Baka bumaon na ang mga daliri ko doon. Okay lang naman siguro na mainis ako. Sabi naman ni Trace ay sa kaniya ako so it means pwede na ako masaktan.

"Niccolo, what a disgusting view here. I... I can't stay any longer," I hushed the words. "I will wait for you outside," then I said calmly.

I am good at this. Mula pa noon ay wala naman nakakabasa na may sama ng loob ako. Kung ang family ko nga ay napaniwala ko na okay lang ako lagi ay sure maniniwala din silang lahat na balewala sa akin ang nakita ko.

Iyon na lang ang sinabi ko at nang magtama ang mga tingin namin ni Trace ay mabilis ko na binawi agad ang nanunumbat kong tingin sa kaniya. I have no right to feel betrayed just as I have no right to be jealous of Carly. I should think of that para hindi ako maligaw. Iyon na lang at mabilis na ako tumalikod para lumabas na ng opisina ni Trace.

TRACE

Tangina naman talaga!!!

My eyes are meeting Chloe's gazes na nakikita ko na kung maglalabas lang ng mga bala ay kanina pa ako natadtad.

"Stop it, Berry!" I told Berry na parang pusa na dahil pinahinto ko ay kumilos para ayusin ang pantalon ko at magpakalong sa akin. Ipinatong niya pa ang isang braso niya sa balikat ko habang ang pilyang ngiti ay hindi nawawala sa mga labi niya.

Napasapo na lang ako sa mukha ko sa inis. Gusto ko na itulak ang babae na ito but that won't do good for me, magmumukha lang akong guilty sa paningin ni Chloe which I don't want to. At bakit ko ba iisipin ang galit sa mga mata ni Chloe ay hindi ba siya ang paulit-ulit pinaparamdam sa akin na ayaw niya sa akin at ginagamit pa ang pangalan ng ate niya na nabuntis ko raw.

I will change my plan now, hahayaan ko siya muna ang magselos para makita ko kung paano ko siya susuyuin hanggang maging akin na.

"Niccolo, what a disgusting view here. I... I can't stay any longer. I will wait for you outside." Inisa-isa pa kami tingnan ni Chloe, tumagal ang tingin niya sa akin na nakikita ko ang panunumbat at gusto ko man matawa ay hinayaan ko na lang.

Tumalikod na siya at iniwan kami.

"Sundan mo, Nite," utos ko. "Tell her na mag-uusap pa kami kaya huwag siyang umalis."

Tango lang ang isinagot ni Nite at lumabas na para sundan si Chloe. Alam na niya ang gagawin niya kapag nanlaban pa. Alam na ni Nite kapag ako ang may utos, it means I am allowing him to drag Chloe pabalik dito sa opisina ko kung kinakailangan.

"Chloe said she will wait for me outside, haven't you heard that?" tanong ni Maverick parang gago na Morelli sa akin.

"Haven't you heard that I told Nite I will talk to Chloe, have you?" naiinis kong sabi. Ano ba ang ginagawa ng gago na ito at nandito sa opisina ko? At bakit feeling close na basta na lang pumapasok. At bakit kasama pa si Chloe at hawak pa ang kamay?

"You can go now, Berry. Wala ako panahon sa 'yo," pagpapaalis ko naman kay Berry.

"But, master... I–"

"Isaiah, paalisin mo si Berry sa building na ito. Siguraduhin mo na umalis kasama ang dalawang bodyguards niya sa labas. Kapag nanlaban mga bodyguards niya ay tanggalan mo ng ulo," utos ko naman kay Isaiah na napangisi lang at agad na rin tumayo at hinila si Berry palayo sa akin.

"Master Trace, I will be back in the US on the next day. Can I see you again? Please..." Berry begged but I just smirked on that. Wala na ako panahon sa kaniya at hindi ko na siya kailangan.

"Fuck Berry, Isaiah..." pahabol kung utos. "Kung kulangin pa siya sa iyo ay tawagan mo sina Trojan at Russian para pagbigyan niyo 'yan. Isama mo na rin sina Raj at Chase."

"Kayang-kaya ko na ito mag-isa, Boss Trace." Hinila na ni Isaiah palabas si Berry na nang bigyan ng tingin si Isaiah ay parang nandoon na rin ang anticipation niya na ipinapasa ko na siya sa ibang mga m'yembro ng Foedus.

Tuluyan na silang nakalabas nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Elliot.

"Woah! The elusive Elliot Hart! At putangina naman... kasama mo pa pala itong gago na Morelli na 'to?!" bulalas ko na napatayo.

"Gago! Importante ang sadya namin sa 'yo." Elliot pulled my swivel chair at doon na siya naupo. Maverick just pulled the chair na kanina ay upuan ni Nite at naupo na rin while me... looking at the two of them na parang ako na ang bisita at opisina na ni Eut ang opisina ko.

"Langya! Ayos kayo ah... darating kayo rito na may pinag-uusapan pa kami nina NIte at Isaiah na parang wala lang. Ano ba atin? Busy pa ako sa plano ko sa mga babae ni Logan at istorbo pa si Berry."

"Nasalubong ko nga si Berry at kaya pala nakita ko si Chloe na galit na galit habang kausap si Malori."

"Tangina mo! Gago ka! Gusto mo naman pala iyang si Malori nag-inarte ka pa. Siya ba kasama mo kaya nakaraan ka pa namin hinahagilap nina Logan at Jake ay nawawala ka? O baka naman kayo na nitong si Morelli at siya ang kasama mo habang ginugulo ng grupo ni Alegre ang shipping nina Jake at Logan nakaraan sa Sta. Monica. Kung kailan ka kailangan saka ka nawawala! Tarantado!" galit kong sabi kay Eut at pinaalis siya sa upuan ko.

"Listen Trace... We have something important to tell you kaya kami nandito. May sumabotahe ng transaction namin ni Morelli at kapag napatunayan namin na tama ang hinala namin ay mukhang kailangan natin maglinis at magbawas ng m'yembro sa Foedus."

That caught my attention. Ano ang pinagsasabi nito? May traidor sa Foedus? Kaya ba sunod-sunod ang bulilyaso ng mga shipments. Bigla ko naalala ang shipment nakaraan ni Daxon sa Italy. Putangina! Napasubo ako doon. But thanks to my ex-lover, Italian mafia queen of her own clan, Julianna Agosti, at nagawaan ng paraan.

Thinking of Julianna made me felt bad. Advance ako mag-isip at alam ko na walang hinihinging kapalit pa ang babae na iyon ngayon pero kapag nasangkot ito sa gulo lalo na at iyon ang naririnig ko na kina Brix at Hail, ay siguradong babalikan ako no'n katulad ng dati para humingi ng pabor.

I am a boss in Foedus pero minsan na ako naging assassin para kay Julianna. Siraulo siya! That was years ago at sa panahon na iyon ay para lang akong estudyante ni Lev.

Yes, Lev became my mentor in this kind of life, but Julianna made me a killer. A soulless one.

"Sino?" I asked coldly the two in front of me. Kung may sumabotahe ay dapat na talagang maalis sa Foedus.

"Thelonious," Morelli uttered the name.

Napatuwid ako ng upo. Napakunot ang noo. The man is under my supervision. He was an ally. Kasabayan ni Morelli na-initiate noong 2019. I was the one who did his lashes. The fuck! Bakit ko nga ba nakalimutan na ang gago na iyon simula sumali sa Foedus ay hindi na nagpakita kahit minsan?

Uno Vrix Thelonious. That is the man's name registered to the system. He was introduced to me by Keros. Kasama ko sa lahat ng transaction ko si Keros noon at minsan na namin napagtangkaan noon si Raj noong wala pa ito sa Foedus. Keros is special member for me lalo na at marami siya nagawa para sa Foedus at marami kami pinagkakutsabahan na kalokohan.

Keros never failed me pero kung ang kaibigan nito na si Uno ay talagang gumagalaw laban sa Foedus ay pasensyahan kaming dalawa. Foedus matters most more than any members.

"Call Keros," utos ko kay Elliot. "Tawagan mo at kausapin tungkol sa kaibigan niya na siya ang nakiusap sa akin na ipasok 'yan."

"Not Keros, Trace. I will call Luxe, he can do hacking and tracking too," ani Elliot.

"Are you hinting me na kasabwat ni Uno si Keros?" galit kong tanong. Nagagalit ako na parang ginagago lang pala kaming mga founders ng mga members ng Foedus. Ito na nga ba ang sinasabi ko dati pa kay Lev. Huwag kami magpapasok pa ng m'yembro pero matigas ang ulo dahil sa alliance na sinasabi niya. Putangina talaga!

"Huwag ka masyado kumpyansa sa mga tao mo, Trace. If tama ang hinala ko na si Uno ang nanabotahe sa amin ay malamang dapat na rin natin pagdudahan si Keros. Pero dahil wala pa kaming sapat na ebidensya ay mas mabuti magpaimbestiga na lang muna. I just talked to you about it because that Uno is under you and because you are the head of Foedus," Elliot stated.

I looked at them two, pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa kanila hanggang sa pumasok si Chloe at pabalagbag na isinara ang pinto na agad naman hinarangan ni Nite para hindi tuluyang sumara dahil sumusunod pa ito.

"Meeting dismissed," sabi ko sa dalawa para lumabas na sila. "And go home, Morelli. Ako ang maghahatid kay Chloe."

"We are not done talking, Trace," Elliot annoyingly said. Nainis na naman sa pagtapos ko ng pinag-uusapan. Hindi na kailangan pa pahabain ang usapan. Okay na iyon. Ako na bahala.

"We're done. I am having a date today," pang-asar na sabi ko na lang. Mas gusto ko kausapin si Chloe kahit magmaldita pa kaysa isipin ang problema kay Uno na madali lang naman solusyunan. If mapatunayan na traidor eh 'di patayin. Tapos.

"What date are you talking about?!" gigil naman na tanong ni Chloe. "I am here because this man of yours is annoying that he won't let me go. What is your problem, Boss Trace?"

"Nakita mo na, Yot?! Nagagalit na syota ko kaya umalis na kayo ni Morelli. Ayoko maistorbo kaya ang gawin niyo na lang ay balitaan ako sa resulta ng imbestigasyon ni Luxe at sabihan mo na rin si Apollo na mag-espiya kung tapos na siya sa mga katangahan na pinapagawa ni Logan sa kaniya. Bigyan niyo ng gawain iyang si Apollo at Luxe. Pasundan niyo si Uno kung kinakailangan. Huwag niyo papatayin at ako ang papatay sa kaniya."

"Syota? What was that?" parang tanga na tanong ni Chloe.

I saw Nite grinned at natawa na rin ako.

"Contractor. Iyon ibig ko sabihin. Happy?" I asked Chloe at naguguluhan man ay hindi na siya nagsalita.

Nang lumabas na ang dalawa ay saka ko binalingan si Nite. "Messaged Isaiah, gawin niyo na ang utos ko. You need to update me once you're done."

"And me?" tanong ni Chloe nang lumabas na si Nite. "What do we need to talk about? I already talked to Malori and... and Engr. Franco already informed us that the project will start after New Year so what do... what are you doing?" she blurted when I gave her a bouquet of flowers na kanina pa nakalapag sa ibabaw ng desk ko at mabuti na lang ay busy si Elliot mag-report tungkol kay Uno kaya hindi ako nakantyawan ng gago.

Kanina pa ang bouquet na iyon doon. It was mixed of yellow, red and orange roses. Favorite colors of mine. Hindi ko alam ang favorite color ni Chloe kaya favorite ko na lang.

Ipinahanda ko talaga iyon para sa kaniya kasi alam ko na may meeting siya ngayon kasama ni Franco. Istorbo lang kasi si Berry at sina Elliot at Morelli. I know galit siya pero wala ako pakialam. May bonus din sa akin si Nite dahil magaling at napabalik niya itong si Chloe dito sa harap ko.

"Flowers. For you..." I said like a moron while grinning to erase the awkward feeling. This is my first time giving a woman flowers at mukhang tanga pa siya na parang hindi masaya. Hindi ba siya masaya kasi ayaw niya ang kulay o hindi siya masaya kasi hindi siya ang nagbo-blowjob sa akin kanina? Madali naman remedyuhan ang huli basta papayag siya.

"I know it's a bouquet of flowers, Architect Dimagiba. But... but... but why are you giving me this?" she stupidly asked pero kinuha naman ang bouquet sa akin.

"I like you and those are my favorite colors. Tandaan mo."