Chapter 16: (FIGHT)
CHLOE
"You know you're beautiful, aren't you?" Malori asked me while still giving me her judging stares. I narrowed my eyes and then gave her a smirk.
What is this woman doing? Is she going to scare me because of Elliot or because of Trace? Duh! She was the one flirting with Trace while looking at Elliot with a longing gaze of her for the man. I made a cheeky sound. She is very transparent and now she has the guts to talk to me, sounding like a jilted wife.
"Excuse me, are you talking to me?" I asked her nicely. Baka naman makuha pa sa magandang usapan ang babaeng ito.
"Sino pa ba? Tayo lang naman dalawa ang nandito. Don't play dumb, Barbie."
"I'm sorry, I don't understand what you're saying," maarte kong sagot. I am a nice person but if someone acts like a bitch at me then I can handle that someone with the same attitude as well.
"Oh! So it's true that you can't speak and understand Tagalog," Malori stated then made an insulting laugh. I rolled my eyes with that. Malori is a beautiful woman but her jealousness makes her unreasonable. Kung ano man ang nasa isip niya patungkol sa akin ay siguradong puro negative thoughts kaya bakit pa ba ako effort para makipag-friends sa babaeng ito?
"Do you find it funny?" I asked her. "Well, congratulations! I did make you laugh." Shit! Nahihilo pa rin ako, and this woman is making me felt bad even more sa mga tingin niya sa akin at pagmamaldita na parang inagaw ko si Elliot sa kaniya. Siya nga nang-aagaw kay Trace! The hell with her!
"No!" mataray niyang sabi. "You didn't make me laugh seeing you flirting with Elliot. You irritate me big time."
I laugh. As what I observed, tama nga ako! Nakikipaglandian siya kay Trace pero si Elliot ang totoong gusto niya. Damn her! She was using Trace to get Elliot. But... but aren't we the same? I conspired with Elliot too to make Trace more jealous dahil naisip ko na iyon ang paraan para kulitin niya ako at magkaroon ako ng rason kausapin siya about Carly.
"I get it. You have something for Elliot, aren't you?" I asked Malori. I wanna logically talk to her because she might help me with Trace then I will help her with Elliot. A win-win situation for both of us.
"That's none of your business," she answered with a raise of her brow and her acidly tone. "I just wanted you to stay away from him. He's no good for you, sweetheart."
"And you do?" napikon ko nang tanong. "I guess not. I would pray that Elliot will find a nice woman he can spend his precious time with... and not you who is also flirting with Trace and... and snaking your arms around him." How could you! I almost said.
I saw how her eyes get bigger dahil sa sinabi ko. I don't want to gain enemies here in Paige's party, I want to be friends with anyone but this woman is starting to annoy me with her words. Kanina ay naiinis lang ako sa pakikipaglandian niya kay Trace, ngayon ay naiinis na talaga ako sa kaniya kasi walang maganda sa ugali niya at kanina pa ako tinatarayan.
"What the hell!" she shouted.
I hid my smile. Gusto niya akong inisin kanina pero siya ang pikon ngayon. Well mamatay siya sa pang-iinis pero hindi ako ang naghahabol sa lalaki. Siya! Selosa! She's beautiful pero nakakainis pagiging selosa niya at basta-basta na lang ako inaaway.
"To tell you frankly, Atty. Hart is a nice guy, astute, and gentleman. He's not the kind of man to flirt. Don't worry, honey. I'm not here for that. I'm here for my sister's ex-boyfriend," I tried to explain to her dahil nasusuka na naman ako at ayaw ko talaga ng gulo. I need someone to help me convince Trace to see Carly and not someone to hate me because of the accusation that I am flirting with her man. I am not! Absolutely her idea is a big no-no to me.
"I don't believe you!" Malori rebutted with her accusing gaze na parang malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Holy crap! She is one hell of a dangerous lady and Elliot needs to learn how to handle her. Baka kahit sino na lang na lapitan ni Elliot ay awayin nitong si Malori. "I saw you almost hugging Elliot, and you can't even stop smiling while dancing with him!" she added that making me smile secretly.
There! She was giving facts how jealous she is. Kanina pa pala niya kami binabantayan ni Elliot. Akala ko ay dinala lang siya ni Trace sa table dahil humanap ng ibang lalandiin pero ang totoo ay mukhang sinadya niya makipaglandian kay Trace para makalapit kay Elliot!
How dare she to use Trace! So hindi siya girlfriend ni Trace or fling, si Denise lang. I have no reason para mainis sa kaniya kung hindi naman pala siya babae ni Trace pero sa ugali niya ay naiinis ako.
"Whatever!" I smugly said para matapos na. "Pursue your dirty thoughts and I think I've already concluded my side to you. Saksak mo sa baga mo 'yang si Elliot!"
"What the hell! All this time, do you know how to speak Tagalog? You cheating freak American bitch!" she blurted angrily.
I frowned. "Why? You sound surprised. I don't remember saying I didn't know how to speak Tagalog. You're the one who assumes that... fuckin jealous neglected girlfriend!" pang-aasar ko na lang.
Hindi naman siya nakaimik agad and since ayoko na ng gulo at pakikipagtalo ay lumabas na ako ng washroom with my thoughts na hindi ako babalik sa table nina Trace, I will go find Harriet and tell her to stop flirting at samahan na ako sa guest room dahil gusto ko na matulog.
I went out at sabay sa paglabas ko ay saktong kitang-kita ko nang bigyan ni Trace ng uppercut si Elliot. Ohmigosh! What happened?! Why are they... fighting?
Natigilan na ako and I think I couldn't take another step when I heard Malori's gasping behind me.
"Look what have you done, Barbie!"
"Me? Seriously? You are blaming me with that stupid fighting scenario of those adult men?" inis kong sabi sa kaniya at nang lingunin ko siya ay masama ang tingin niya sa akin.
"Make sure that your Trace won't hurt my Elliot!"
"What?!" Why does she sound like someone threatening me? Okay lang ba ito si Malori? "Oh, God!" Napailing na lang ako sa ka-weird-an niya and watch the two men fight because of their obvious stupidity, both of them!
I hate this moment! I know that Paige is now feeling bad about what is happening. I look for her and noticed her with a man holding her hand, iyong lalaki na kasama ni Elliot kanina, iyong nag-drive ng sports car na regalo kay Paige. Paige and the man looked at each other and I saw the man left Paige at lumapit naman si Paige sa tabi ni Governor Dimagiba.
Muli kong binalikan ng tingin sina Trace at Elliot at saktong tinamaan ng suntok si Trace. I put my hand into my mouth as I gasped. Oh no! Trace broken brow bleeds and I hate Elliot for that!
TRACE
After I gave the uppercut to Elliot as my reply to the punch he gave me ay napaatras siya. I hate the fact na matibay ang gago sa suntukan. He went straight to me nang makabawi sa binigay kong suntok at sinalubong ko na siya para hindi na siya makahakbang pa.
As I was about to give Eut a right hook ay nakita ko na biglang lumapit si Ezekiel, ang kuya ni Elliot sa akin, at hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon makabigay ng suntok, I faced him and pulled his necktie to bang him on the table na malapit sa amin.
I heard screams of women in the party at ang iba ay tumabi na para hindi na madamay sa amin ni Elliot. Bagsak na si Ezekiel nang tadyakan ko pa siya para hindi na makabangon. Pakampi-kampi ang gago ay lampa naman. Si Elliot ang gusto ko kabasagan ng mukha at siya ang matibay hindi ang Ezekiel na papogi lang ang alam.
"Stop that, Trace!" narinig kong sigaw ni Papa pero sa palagay niya ba ay mapapatigil niya ako. Kung siya ang magpapatigil din lang ay mas lalo akong ganado sa gulo.
I saw Elliot coming and I get the bottle of wine sa mesa na malapit sa akin kung saan ko inuntog si Ezekiel at mabilis kong ibinato kay Elliot 'yon na gadangkal na lang nang mailagan niya at tumama na lang sa pader na dahilan at napasigaw si Councilor Revamonte na muntik na tinamaan.
Putangina! Sino ba nagsabi na hindi siya tumabi agad?! Bobo!
"Trace, I am warning you! Stop what you are doing!" boses pa rin ni Papa ang naririnig ko.
Puta! Hindi ba talaga ito titigil?! Ah, oo! Birthday nga pala ng kapatid ko at s'yempre ang mga bisita ay puro importanteng tao pero may pakialam ba ako?! Tangina! Natural wala!
Nang mahagip ng tingin ko si Chloe na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin ay natigilan ako. She looks like someone na hindi natutuwa sa ginagawa ko and I don't want her to think of me that bad at dahil kay Chloe ay hindi ko nabantayan ang suntok na binigay sa akin ni Eut.
Fuck! Chloe is a distraction that I don't want to remove in my life. D'yan lang siya at akin siya, hindi siya pwedeng magkagusto kay Eut!
Susuntukin pa sana ako ni Elliot ng salagin ko ang suntok niya nang kanang braso ko at pakawalan ko ang kaliwa kong kamao diretso sa ilong niya. Napaatras si Elliot at galit na pinunasan ang duguan na niyang ilong. I feel the same as blood from my brow na pumutok sa suntok niya is blurring now my left eye maliban pa sa duguan kong labi na nabiyak rin kanina. Tangina ka, Eut!
"Logan, awatin mo 'yang pinsan mo!" narinig kong utos ni Papa kay Logan.
"Kuya Logan, you should stop Kuya Trace ruining my party!" galit na boses naman ni Paige ang narinig ko.
"Grec, Dev, awatin niyo sila. I am taking their video kaya ayaw ko umawat," narinig kong utos ni Logan sa dalawang tauhan niya na tumatawa-tawa lang while me and Elliot are circling the dance floor now at nagsusukatan pa rin ng tingin.
"Boss Trace," nanginginig ang boses ni Grec na narinig ko tumatawag sa pangalan ko. "Awat na po."
Nang hindi ako nagsasalita ay nahagip ko sa peripheral view ko si Grec na palapit sa akin while si Dev ay kay Eut lumalapit para umawat. I pulled my Glock and point it to Eut na katulad ko ay humugot na rin ng baril niya at nakatutok na rin sa akin. Sabay pa talaga kami! Ganito na ba kami ka-close kaya pareho na ang iniisip namin?
Fucking hell! Naiinis ako sa dugong nagpapalabo sa mata ko na dahilan para lalo ako magalit kay Elliot.
People at the party are gasping. I know na magtatampo si Paige sa akin sa ginagawa ko pero hindi ko na gusto ang nangyayari. I won't kill Eut but I could shoot him para tumigil na at hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya at sa kayabangan niya. Puro pabida na siya kay Chloe kanina pa at hindi ako papayag na siya ang piliin ni Chloe sa aming dalawa. I could give her woman, kahit ilan pa. Huwag si Chloe! She's mine!
"Iputok mo, tangina mo!" hamon ko kay Elliot.
I hate how relaxed Elliot is na nginisian lang ako at kaya pala ay dahil nakalapit na sa akin si Isauis na tinutukan din ako ng baril. Putangina! Kumampi pa ang gago sa boss niya!
"Iputok mo!" nang-aasar na ganting hamon ni Eut sa akin. Naningkit ang mga mata ko sa inis. I am the head of Foedus but the fact that all founders have the same level in the organization made me understand Isauis' choice for his loyalty. Isauis will always be for Elliot.
Hindi ko iniiwan ng tingin si Elliot nang makita ko sa gilid ang pagsulpot nina Nite at Isaiah na pinagitnaan si Isauis.
Now let us talk loyalty! Isauis could be the most loyal to Elliot but I have Nite and Isaiah. Pero teka! Nasaan sina Raj at Chase? Sina Hector at Keros ay pareho kong inutusan, pero ang dalawa ay nasaan? Siguradong nambababae na naman! Mga gago!
"Akina ang baril mo, Isauis!" utos ni Isaiah pero hindi natinag si Isauis na mukhang patay kung patay ang drama para sa boss niyang kasing-gago niya!
"You are pointing your gun to the head of Foedus," Nite said to Isauis. "Do you wanna die?"
"I am just protecting Boss Elliot, mga gago!" sagot naman ni Isauis.
Puta! Mayabang na rin talaga gaya ng amo niya.
"Drop your gun, Isauis!" Logan said and joined us. He was holding his gun too at itinutok kay Elliot. "Sorry, ATT! Trace is the head and he is my cousin! I need to choose a side!"
"Logan!!!" narinig kong sigaw ni Papa, siguradong hindi niya matanggap na ang niyayabang niyang pamangkin na magiging mayor ay nakisama pa sa gulo imbes umawat.
"Fuck, Logan!" I heard Jake's voice and to my amazement, for the first time... ay sumali siya sa gulo namin. Tinutukan ni Jake ng baril si Logan. I know his reasons kung bakit siya kumakampi kay Elliot.
Ilang segundo na walang nagsasalita. Kahit ang tatay ko na umaawat kanina ay hindi ko na naringgan ng boses. Walang gusto magbaba ng baril hanggang sa...
"Ang tagal naman ng putukan?" I heard Bree's bubbly voice. "Anyways... Go Patring! Huwag kang papayag na basta tutukan ni Eut ng gun! And Eut... as per Baby Lev said, kapag itinutok eh ipinuputok. Right, babe?"
Gusto ko mainis sa daisy ni Lev pero natawa ako. Panira ng momentum ang babae na ito. Nakita ko naman na lumalapit na rin sina Malori at Chloe. I saw Denise too. Pareho pa rin kami ni Eut na nagsusukatan ng tingin. I am about to pull the trigger when a slow clap from Lev starting on making a sound para kumuha ng atensyon ng lahat.
"Mga gago!" Lev angrily shouted at lumakad papunta sa gitna namin ni Elliot. "Kanina pa kayo, mga hayup kayo! Kanina pa ako nagpipigil sa iritasyon ko sa inyo para hindi sana masira ang party ni Paige! Pero ano ginagawa niyo?! Sinira na ninyo! At dahil diyan ay sirain na natin lalo!"
As Lev pulled his two guns at tinutukan kami pareho ni Eut habang nasa gitna namin siya ay napangisi na ako. Master Lev is joining and I am sure na galit na talaga siya sa amin ni Eut.
"Hey, Lev! Ano kalokohan 'yan, babe? I thought awatin mo lang sila pero bakit sumasali ka?!" Bree annoyingly said at naka-crossed arms pa siya na lumapit kay Lev.
"Magpapaawat kayong dalawa o gagawa ako ng dahilan para maawat kayo?" tanong ni Lev na pareho nagpakunot sa noo namin ni Elliot. What Lev is planning?
"Ayaw niyo ibaba ang mga baril niyo?!" Lev asked us pero walang natitinag sa amin ni Elliot. Kung hindi ibababa ni Elliot ang baril niya ay mas lalong hindi ako ang mauuna.
"Dare to shoot me, Lev!" hamon ko. "It won't matter!"
"Really?!" patuya na tugon ni Lev bago itinutok ang mga baril niya kina Chloe at Malori. "What about them? Shooting them won't matter to both of you, right?" tanong niya sa amin ni Elliot.
"Fuck, Lev!" tanging nasabi ko sa pagdamay niya kay Chloe na nasa mukha ang pagtataka na diretsong nakatingin lang sa baril na itinutok ni Lev sa kaniya.
"You like her but if she is the one who will make Foedus into chaos ay mabuting tapusin na natin siya agad," banta ni Lev sa akin.
Putanginang ito! Tinatakot ako!
"Why include Malori? She's General Fornales' daughter, Lev!" galit na wika naman ni Elliot.
"Fuck shit, Elliot! As if I care who the devil's daughter she is?! Those beautiful ladies causing you and Trace to turn into morons and I don't like the idea! You both are part of the pillars of Foedus but you make me think I choose the wrong people as my co-founders! Now, do you want me to kill those two lovely women to straighten your minds?!"
Pareho kaming hindi sumagot ni Elliot at masama pa rin ang tingin sa bawat isa.
"I am counting," Lev continued. "One... two... th-"
Hindi ko na siya pinatapos magbilang. I know Lev always pull stunts with us pero hindi niya kami kailanman pinagbalakan patayin but it's different for Chloe and Malori. Nang ibaba ko na ang baril ko ay sumunod na rin si Elliot at gano'n na rin ang lahat. Pinakahuling nagbaba ng baril si Lev.
As Lev pulled out his guns pointing to the two ladies ay kasabay ng paghiyaw ni Malori. The reason is, Chloe passed out, na pilit sinalo ni Malori kaya dalawa na silang bumagsak sa sahig.
"Damn it!" inis na wika ni Elliot na nakatingin sa dalawang babae at nilingon ako. "Want me to take Chloe to her room?" nang-aasar niyang tanong sa akin.
"Don't you dare touch her!" banta ko.
"You look funny, Trace! If you like Chloe then she is yours! Masyado ka lang pikon!" Elliot said at alam kong gusto niya ibalik sa akin ang kakatawag ko sa kaniya lagi ng pikon.
Tangina! Naisahan ako ni Eut this time. I walked to Chloe and Malori, carried Chloe, and walked outta the hall area of my father's mansion. Diretso na ako sa grand staircase para dalhin sa kwarto ko si Chloe na walang malay at tulog na tulog sa mga braso ko.
I gave a glance at her serene sleeping profile. I smiled stupidly. Tangina! This woman is bringing out the worst of me but she is the only one that could bring out the good in me too. I hate the fact that she softened me earlier, kung iba lang siya ay wala ako pakialam kahit patayin pa siya ni Lev sa harap ko but not her. Not my Chloe.