Chapter 10

HABANG nasa kanyang kotse si Clark."Ahhh!" Impit muna niyang sigaw at ang dalawang kamay nasa manubela."I'm so damn stupid! Andoon na nga ako bakit kailangan ko pang umatras? So stupid me damnit!" Naihampas pa niya ang kamay sa manubela."I need to do something." Napatingin siya sa gilid ng daan tamang may flowers shop siyang nadaanan.

"Flowers? Hmmm," naalala niya ang kaibigan may nililigawan laging may dalang bulaklak ito tuwing pupunta sa bahay ng babae."Why not, bakit hindi ko rin gawin wala naman mawawala?"

Iginilid muna niya ang kotse mabilis na umibis para bumili ng bulaklak. Babalikan niya si Tamara.

Pagbungad sa tindahan ng bulaklak."Hello sir, flowers po?" ang tindera.

"Please give me a dozen red roses."

"Sandali lang po, sir."

"Sure take your time, Miss."

Matamis na ngumiti ang tindera sa kanya.

"Ang guwapo niya."

Nauulingan ni Clark ang sinasabi nito habang inayos nito ang roses. Napailing na lang siya well hindi na ito bago para sa kanya, alot of women said that to him harap harapan pa ngang sinasabi ng mga ito sa kanya.

"Sir, heto na po."

"Thank you, Miss cute," lumabas ang kanyang pagkabulero.

Aba umabot hanggang dulo ng dagat kung meron man ang ngiti ng babae sa narinig.

Pagkabayad ni Clark sa bulaklak."Thank you," siya ay ngumiti rito.

"Ahhh, putik ngiti palang niya nakakaloka na hay!" dinig pa ni Clark na turan ng babae.

Pagkasakay ni Clark napatingin siya sa bulaklak na hawak."Well, wala ng urungan ito dapat may magandang mangyayari sa gagawin ko."

"AHHH! Clark, where are you? Open your phone!" nanggigigil si Carmina kanina pa siya panay ang dayal sa numero ng binata pero wala. Out of coverage ito."Last!" dumayal muli.

Ganon pa rin cannot be reach ito."Ahhh! Shit!" Sa inis niya naibalibag ang cellphone. Dahil hindi mahagilap si Clark kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ni Carmina na baka may kasama itong babae sa kama ngayon pumasok pa sa isipan kung ano ang ginagawa nila at ang nakikita niyang kasama ni Clark ay ang babaeng naisayaw nito sa Obando."Ahhh! Damnit! No!" malakas niyang sigaw.

BUONG araw na walang kangiti-ngiti si Tamara. Kay lungkot ng kanyang puso at isip. Aba epektado yata siya sa lalaking iyon. Napabuntong-hininga siya aminin niya kanina ng makita ito masaya siya tinamaan ba ni Kupido ang puso niya dahil agad-agad hinahanap ng mata ang lalaki.

"Tamara, sobra ka naman effected sa lalaking iyon."

Napaharap si Tamara sa tiya."Ewan ko po ba, bakit ganito ako bigla akong nawalang ng gana nong umalis siya." pag aaminin niya saka hindi siya marunong magsinungaling lalo na sa tiyahin.

"Hay naku, tinamaan ka nga sa kanya."

"Tiya, alam mo naman na hindi pa ako nagmamahal. At alam mo rin na maraming nagpapalipad diyan ng pagsinta nila sa akin pero wala akong nararamdaman sa kanila tulad ng nadarama ko sa ngayon."

"Iyan ang tinatawag nilang pag-ibig, Tamara. Dumating na ang lalaking mamahalin mo. Saka baka may asawa na ito iyon kasama niya at walang pumupunta rito na hindi mag asawa kaya, Tamara. Alisin mo riyan sa isipan mo ang lalaking iyon. Eh, kung wala siyang asawa sa itsura palang niya babaero na tipong ngingitian lang ang isang babae sasama na ito dahil guwapo nga."

"Tiya, hindi naman ako umaasa, eh."

"Hindi raw, iyan na nga super effected ka, hindi mo pa nga siya kilala sa pangalan lang, tumigil ka ha, Tamara."

"Opo," ani na lamang niya.

"Opo, ka diyan sige na ayusin mo na ang dapat diyan ng makauwi na tayo."

"Ho? Tiya, maaga pa."

"Ayaw mo ba?"

"Gusto po tiya, para makapahinga na tayo!"

"O, ano pang ginagawa mo galaw-galaw na, Tamara, nang makauwi na tayo."

Dahil kunti lang ang ililigpit ni Tamara, mabilis niyang natapos ito."Tiya, tara na." Aniya kinuha na ang basket at lumabas na.

Sinarado naman ni Emily ang puwesto nila.

Nakamansid si Clark sa mag tiya."Pauwi na sila? Hmmm, susundan ko sila para malaman ko saan ang kanilang bahay."

Nakasunod si Clark sa jeep na sinakyan ng mag tiya. Malapit lang naman ang tirahan ng dalawa sa may Obando.

Simple lang ang bahay nila Tamara, mana ito ng kanyang Lolo kung baga antik na.

Nasa harapan nang bahay si Clark."Woah, ito na ba ang sinasabi nilang aakyat nangligaw? Sana umayon ang pagkakataon sa akin. Please be good to me okay!"

"Tiya, ako na ang magluluto," prisenta ni Tamara.

"Huwag na ako na ipahinga mo na lang iyan puso mong kinikilig sa lalaking iyon para mawala na ito.

"Tiya, naman."

"Asus, Tamara. Kung minsan ang puso nagiging tanga at bobo! Pag pinasok ito nang pag-ibig."

"Tiya, may kasabihan nga love is blind."

"Gusto mong maging bulag ganon ba?"

"Tiya, bakit ba siya ang tinutumbok ng usapan natin?"

"Dahil nagmamahal ka sa kanya."

"Tiya, hindi naman mangyayari ito di ba? Saka hindi natin siya kilala nagkataon lang siguro na andoon siya kanina."

Pero iba ang kutob ni Emily sa lalaki. Para bang may gagawin ito sa pamangkin. Sa totoo lang boto siya rito. Sa tingin niya kasi may magandang buhay si Tamara pag ito ang makakasama sa buhay kung wala itong asawa nasa itsura kasi na mayaman ito. Kaso tinatanong niya ito kung ano ang kailangan walang maisagot, sa kanyang isip "Sayang"

Inayos ni Clark ang sarili bago bumaba ng kotse."Hmmm, look good," may ngiti niyang turan.

Pumasok sa loob ng silid niya si Tamara kumuha ng tuwalya upang maligo muna bago matulog. Ang banyo katabi ng kusina sa labas ito.

Tamang kapapasok ni Tamara sa banyo nang may kumakatok sa munting gate nila.

"May tao, sino kaya? Wala naman akong alam na dadalaw, ah." Tinungo ni Emily ang trangkahan nila.

"Wala man lang doorbell?" Kumatok muli si Clark."Maririnig kaya nito ang katok ko?" Minsan pa siyang kumatok.

"Sandali lang, nariyan na."

Kinahaban si Clark."Oh no, ang Tita ni Tamara."

Pagbukas ng gate."Good evening ma'am." bungad na sabi ni Clark.

Gustong ngumiti ni Emily nang makita ito. Pero kailangan niyang magsungit muna."Ikaw? Paano mo nalaman ang bahay namin?"

"Ma'am, sinundan ko kayo, para alam ko itong bahay ninyo."

"Ganon, bakit mo naman ginawa 'to?" Napatingin si Emily sa kamay nitong nasa likuran napansin niya ang dala nitong bulaklak.

"Bulaklak? Aba seryoso yata ang lalakeng 'to ah."

"Ah, ma'am puwede bang umakyat ng ligaw kay Tamara," lakas loob niyang sabi ito naman talaga ang balak niya.

Napangiti na si Emily sa tingin niya sinsero ito aba kung hindi susundan ba naman sila. At sa tingin niya wala itong asawa eh sino iyon babaeng kasama sa Obando? Mamaya tatanungin niya ito kailangan niyang malaman aba kung sasabihin na girlfriend ang babae wala ng salita-salita paaalisin niya agad ito at makakatikim pa ito ng salitang hindi nararapat.

"Sige, halika pumasok ka."

Nagdiwang ang ang isip at puso ni Clark."Thank you, ma'am."

Tumango si Emily sa lalaki nagpatiuna na siyang naglalakad papasok sa loob.

Pagpasok nila sa maliit na sala."Maupo ka, ikukuha kita ng maiinom mo habang hinihintay natin si Tamara naliligo, eh."

"Salamat ma'am."

Sa banyo."Hmmm, ang bango ko." Inamoy-amoy pa niya ang balat." Mapapasarap na naman ako sa pagtulog ko nito."

Tapos na siyang naligo nagtapis lang siya ng tuwalya sa silid na siya magbibihis ganon siya dahil wala naman lalaki dalawa lang sila ng kanyang tiya, kaya kampanteng lumabas ng banyo si Tamara. Habang naglalakad siya pinupunasan ang basang buhok.

Pagpasok niya sa sala napatingin sa kanya ang tiya at si Clark.

Sa pagkakita ni Tamara sa lalaki na nakatingin sa kanya. Aba biglang huminto ang pag inog ng kanyang mundo hindi tuloy niya maihakbang ang paa, pati kamay na nagpupunas sa kanyang buhok nahinto rin para tuloy siyang istatwa na.

Ganon din si Clark titig na titig siya kay Tamara. Sa tingin niya she's like a goodness kaakit-akit ito sa paninging niya.

Hindi napigilan ni Clark ang sarili napalunok siya ng ilang beses. At kanyang mata puno ng pagnanasa para bang gusto niyang takbuhin ang babae. Ikulang sa bisig niya tapos buhatin dalhin sa malambot na kama para bumuo sila ng baby."Damnit! Hold yourself now, Clark. Don't do anything isn't yet time kailangan mo muna siyang ligawan para mahulog ang loob niya sa iyo," paalala niya sa sarili pero ang mata hindi maalis-alis kay Tamara.

Kitang-kita ni Emily ito aba pinagpapantasyahan na yata ng lalaki ito ang pamangking eh. Napatingin siya kay Tamara aba hindi niya masisisi ito kaakit-akit naman kasi ang itsura nito. Pero hindi puwede ito sa kanya itinaas ang kamay dinuro ang lalaki.