Chapter 22 Pyscho

Erelah POV

Napalunok ako habang nakatingin sa taong nasa harap ko, hawak ang kutsilyong hindi ko alam kung saan niya nakuha ay nakatingin siya sa akin habang may nakakakilabot na ngisi sa kanyang mga labi.

Anong nangyayari? Bakit.... bakit sinaksak ni Damon ang isang babaeng wala namang ginawa sa kanya, bakit.... bakit ganyan na lamang siya kung makatingin sa akin? Bakit.... bakit ganyan na lamang ang kanyang itsura? Nakakatakot siya, nakakakilabot sya. Para siyang isang....

"Erelah!" Napapikit ako ng iangat ni Damon ang hawak niyang patalim sa ere at akmang sasaksakin ako, sabay n'on ang pag tawag ng isang familiar na boses sa pangalan ko. Ayoko pang mamatay, ayoko pang mawala sa mundong ito.

Ilang minuto ang lumipas ng wala akong maramdaman na kahit na anong sakit sa katawan ko, dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at mas lalong napatigil ng makitang nakatarak sa balikat ni Damon ang hawak hawak niyang patalim, biglang nanginig ang tuhod ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sobrang lamig na mga mata ni Damon na nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang?" Malamig niyang tanong habang nakahawak sa patalim na nakatusok sa kanyang balikat, hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko, naramdaman ko na lamang na may humigit ng kamay ko palayo kay Damon pero nanatili ang gulat kong mga titig kay Damon na may sugat.

Anong nangyare? Anong ginawa ni Damon? Hindi ba dapat ay ako ang sasaksakin niya? Bakit nakatarak ang patalim sa balikat niya? Bakit hindi tinuloy ni Damon ang pagpatay sa akin?

Ramdam ko ang pagkakagulo ng mga tao sa paligid dahil sa ginawa ni Damon, saka lamang nag sink in sa utak ko na si Gazer ang humatak sa akin palayo kay Damon na ngayon ay kausap niya. Kailangan kong puntahan si Damon, kailangan kong alamin kung bakit hindi niya tinuloy na patayin ako.

Akmang mag lalakad na ako ng may humarang sa harap ko dahilan para mapatigil ako.

"Hindi ngayon ang tamang oras para lapitan si Damon, hayaan na muna natin kay Gazer si Damon." Sabi ni Havacco na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Muli akong napatingin sa gawi ni Damon at Gazer na ngayon ay napapalibutan ng mga polis. Tumingin ako kay Havacco ng hawakan niya ang kamay ko.

"Tara na Erelah." Sabi niya habang may hithit na sigarilyo.

"Si Damon." Sabi ko, tumingin siya sa akin saka tumingin sa gawi nila Gazer at Damon. "A-Anong nangyayare, bakit.... bakit ganon si--"

"Hindi si Damon ang nagtangkang pumatay sayo." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagseryoso niya. Nagugulohan ako, hindi ko maintindihan. Hindi si Damon? Pero si Damon ang kasama ko kanina at hindi si Achaz, sigurado ako na si Damon yun dahil nong nasa ferris wheel kami ay niyakap niya ako.

"Isang Psycho ang kasama mo kanina pa Erelah." Seryosong sabi ni Havacco saka ako hinila palayo sa kinatatayuan ko. Muli akong napalingon sa gawi nila Damon at halos mahulog ang puso ko ng makita kong nakatitig sa akin si Damon habang nilalagyan ng posas at inaalalayan ng ilang medic.

Agad na tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya, Ang mga titig niya, ang mga titig ni Damon ay tila nag tatanong kung ayos lang ba ako kahit na siya ang may sugat.

Dinala ako ni Havacco sa loob ng sasakyan niya, doon ay pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata, napatingin si Havacco sa akin saka napabuntong hininga.

"Sabi na nga ba ganito ang mangyayari." Sabi niya saka tinapon ang kupos ng sigarilyo niya, tumingin ako sa kanya.

"Ano bang nangyayare Havacco? Naguguluhan na ako, sigurado ako na si Damon ang kasama ko kanina at hindi si Achaz. kung si Achaz man ang kasama ko bakit... bakit nagaya niya si Damon? Bakit pinaniwala niya ako na siya si Damon?" Sunod sunod na tanong ko, tumingin lang siya sa akin saka akmang papaandarin ang makina ng sasakyan niya ng hawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko, muling tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

"Pakiusap Havacco, sabihin mo sa akin kung anong nangyayare, naguguluhan na ako. Bakit ako gustong patayin ni Damon kanina? Bakit hindi niya tinuloy at nasa balikat niya nakatarak ang patalim? Sino ba talaga si Damon?" Umiiyak kong tanong. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, dahil ba ito sa takot? Sa awa? o dahil sa naguguluhan ako? hindi ko alam, halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon matapos ang muntik ng pag patay sa akin ni Damon.

"Pakiusap, ipaliwanag mo sa akin lahat Havacco. Bakit ganon na lamang si Damon? Isa ba siyang baliw?"

"Hindi baliw si Damon Erelah!" Biglang sigaw niya dahilan para magulat ako at biglang matakot sa kanya dahil sa awra niya. Ngayon ko lamang narinig sumigaw si Havacco, ngayon ko lamang nakita ang ganitong awra niya.

Napalunok ako at ngayon ko lamang napagtanto kung ano ang nasabi ko.

"Hindi siya Baliw naiintindihan mo ba?! Matino siya Erelah, Matino. yung alters at host niya ang may problema hindi siya!" Galit niyang sabi kaya natigilan ako.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko dahilan para matigilan siya, umiwas siya ng tingin saka huminga ng malalim. "Alters? host?" dagdag ko.

Huminga siya ng malalim saka hinilot ang nuo niya habang nakapikit, ramdam ko ang pag titimpi niya.

"Isang alter si Damon, Erelah." sabi niya dahilan para matahimik ang loob ng sasakyan niya. "Isa siyang kagaya ni Achaz, silang dalawa ay alter." Nanatili akong nakatingin sa kanya habang pinoproseso ng utak ko ang kanyang sinabi. "Iba siya, hindi siya kagaya ni Achaz at Chai. kahit isa siyang alter iba ang ugali niya." Sabi niya saka sinuntok ang manubela ng sasakyan niya dahilan para magulat ako.

Kung ganon hindi si Damon ang nag mamay-ari ng katawan na yon? Isa lamang alter si Damon kagaya ni Achaz?

"Yung kaninang kasama mo sa feris wheel at ginaya si Damon siya ang host, si Chai ang kasama mo kanina at gaya ng sabi ko isang psycho ang kasama mo kanina pa Erelah, yun ang dahilan kung bakit sinusundan ka namin ni Gazer kanina pa, dahil alam namin na ano mang oras matapos lumabas ni Achaz ay lalabas din si Chai." Sabi niya saka napahilamos sa mukha dahil sa frustration na nadadama niya.

Nanatili akong tahimik, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa mga sinabi niya.

"Alam niyo.... na isang psycho ang host sa katawan na iyon pero hinayaan niyo lang na lumapit ako sa kanya?" Nangangatal ang boses ko ng sabihin ko yun, napatingin siya sa akin dahilan para gumuhit ang inis sa dibdib ko.

"Alam niyo na.... pwede akong mapahamak pero hinayaan niyo lang na lapitan ko siya?" Tanong ko. "MUNTIK NIYA NA AKONG PATAYIN HAVACCO!" sigaw ko at tumulo ang luha dahil sa inis na nararamdaman ko.

"HINDI KA NAMIN PINILIT NA LUMAPIT SA KANYA ERELAH, IKAW ANG NAKIUSAP KAY GAZER NA MAPALAPIT KAY DAMON DAHIL GUSTO MONG BUMAWI KAY DAMON!" Sigaw niya pabalik kaya natahimik ako at nawalan ng lakas. Tama siya, oo nga pala, ako nga pala ang namilit dahil ang alam ko isang normal na tao lang si Damon na may galit sa mundo dahil sa lagi siyang nag aatempt na mag pakamatay.

"Pero muntik niya na ako patayin." Mahinang sabi ko, umiling siya.

"Si Chai yun, pero nakita mo naman na sa katawan nito nakaturok ang patalim, dahil yun kay Damon Erelah, pinigilan ni Damon si Chai sa balak nitong gawin sayo. Kilala ko si Damon, mas pipiliin niyang siya ang masaktan kesa sa mga taong nakapalibot sa kanya." Sabi niya kaya muli akong natahimik dahil muli kong naalala ang tanong ni Damon ng imulat ko ang mga mata ko kanina.

"Ayos ka lang?"

"MInsan niya ng ginawa yun nong mga bata palamang kami nila Gazer, akmang sasaksakin ako ni Achaz pero agad lumabas si Damon at mas piniling sa katawan niya itarak ang hawak niya noon kesa sa ako ang masaktan." Mahinang sabi niya kaya napatingin ako sa mga mata niya, halatang seryoso siya at nag sasabi ng totoo.

"Kahit malamig ang pakikitungo ni Damon, iba parin siya kila Achaz at Chai. Kaya kung natatakot ka na kay Damon ngayon bahala ka sa buhay mo, hindi ka namin pipiliting maniwala, kung naguguluhan ka parin sa lahat kay Gazer ka mag tanong dahil simula pagkabata naming tatlo siya lang ang nakakaintindi sa kondisyon ni Damon maliban sa akin." Sabi niya saka seryosong pinaandar ang makina ng kanyang sasakyan.

"Pupuntahan natin ang prisinto kung saan nila dinala si Damon." Seryosong sabi niya saka tahimik na nag maneho.