Chapter 10: Pumili

At the moment…

Thea’s POV

"Well, this is getting better and better," basag ni Lolo Ando sa katahimikang bumalot sa loob ng opisina.

"Ito palang si Thea ang sinesante mong empleyado bago pa man mag-umpisa sa kanyang trabaho. Kung ganun ay malaya na siyang mamasukan sa iba. Tama ba hijo?"

"Y... yes, Lolo,"kunot noong sagot ni Mayor Russel sa Lolo nito. Halatang nahirapang sundan ang tinutungo ng matandang mayor.

"Kung ganun ay sa'kin mamamasukan si Thea. Tamang-tama pala ang pagkikita naming dalawa. Are you ready to start your job now, Thea," baling nito sa’kin.

Awtomatikong napalingon sa’kin ang lahat.

"Ahm, ah, ah," Nagmistula akong pipi. Hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko kay Lolo Ando. Litong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa maglolo. Ano ba'ng nangyayari? Bakit ba napunta ako sa ganitong sitwasyon?

"No, Lolo, she can't work for you," sambit ni Mayor Russel bago pa ako makapagsalita.

"At bakit hindi, hijo?" Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Lolo Ando. Naningkit ang mga mata nito. 

Napigil ko ang aking paghinga. Medyo kinabahan ako Baka kasi talagang magalit na ang matanda.

"I asked why, hijo." Kulang na lang tumagos ang titig ni Lolo sa apo nito.

"Be... because I've changed my mind, Lolo."

"What do you mean? You've changed your mind about what?"

Napapikit na talaga ako. Sana naman wag nang magpakakulit itong si Mayor Russel at nang hindi na uminit ang ulo ng matanda.

"I'm hiring her again. Magsisimula na siya ngayon. That's the reason why she's here, anyway."

Napataas ang kilay ko. Ano ba talagang problema ng lalaking ito? Hindi makapagdesisyon, hrmp!

Halos marinig ko naman ang pagbuntunghininga ni Tiya Marga. Tila nabunutan ng tinik. Hay. Gusto talaga niyang magkatrabaho na ako.

"No, hijo. Gusto kong sa'kin mamasukan si Thea."

"Pero, Lo!"

"No worries, hijo. Tanungin natin si Thea kung kanino niya nais mamasukan."

Sukat lahat ng mata ay bumaling sa’kin. Hindi ko naman malaman kung ano ang sasabihin ko. Hanggang ngayon nga ayaw pang mag-sink-in sa utak ko kung ano ang nangyayari at kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon eh. Akala ko talaga ay wala na akong trabaho sapagkat tila pinagbagsakan ng langit ang itsura ni Tiya Marga kaninang pagpasok namin ni Lolo Ando. Pagkatapos bigla na lang naging ganito ang mga pangyayari.

"Thea!"

Kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang tinig ng matanda.

"Yes, po, Lolo Ando," agad kong sambit kahit hindi ko pa naman alam ang sasabihin dito. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagtaas ng mga kilay ni Mayor Russel. Syempre ang dahilan niyon ay ang pagtawag ko ng Lolo sa matanda. Halos tumagos sa’kin ang matalim na titig nito. Naiinis na napapikit ako. Napahugot ako ng mahabang hininga.

"Pumili ka. Kanino mo nais mamasukan? Sa'kin o dito kay Jensen?"muling untag ng matanda.

"Sa... sa inyo po syempre, Lolo Ando, " mabilis kong tugon. Hindi na ako nagtangkang sumulyap pa kay Mayor Russel sapagkat alam kong madilim ang mukha nito. Haist. Hindi ko talaga alam kung ano ang problema ng lalaking ito eh. Kanina ay kulang na lang palayasin ako tapos ngayon biglang bumaliktad. Gusto na akong i-hire ngayon.

Kung hindi siya makapagdesiyon nang tama bahala siya sa buhay niya.

"Well, that's been decided then. Hindi ka nagkamali ng pinili hija." Abot-tainga naman ang ngiti ni Lolo Ando. Tila mo muling nanalo sa eleksiyon.

"Bukas ka na magsimula, hija. Sunduin mo siya bukas ng umaga, Jensen at ihatid sa bahay. Hindi niya alam kung saan 'yon."

Pagkasabi niyon ay tinawag na nito si Charlie at saka lumabas ng opisina. Sumunod na rin ako dito. Nasa likod ko na rin ang aking tiya na mistulang nanalo din sa eleksyon. Haist.

"Lo, maaga akong aalis bukas," habol ni Mayor Russel sa abuwelo.

"Kung ganun ay mas agahan mo ang pagsundo kay Thea," anang walang kalingon-lingong matandang mayor. Dinig ko pa pagkakabuga ng hangin ng batang mayor.

***

“Kung ayaw mong mahulog at malamang sementeryo ang bagsakan mo, yumakap ka sa’kin nang mahigpit,” utos nito sa’kin. Medyo maluwag lang kasi ang pagkakayakap ko mula sa likuran nito. Bakit naman kasi ako yayakap nang mahigpit dito? Alam kong as of this moment I am the last person that he will want to be with. Pakiramdam ko nga ay galit ito sa’kin eh. At hindi ko naman ito masisisi. Sino naman ang matutuwa kung ni-reject ka?

Mas pinili kong magtrabaho sa Lolo nito kesa dito. Bagay na kasalanan naman nito eh. Kung hindi ba naman pinairal na naman ang kasungitan, disin sana’y doon ako magtatrabaho sa munisipyo.

Kahit ang awkward sa pakiramdam ay agad ko hinigpitan ang pagyakap rito nang maramdaman ko ang pag bump ng motorsiklo signaling that the road became a little bit rougher. Nauntog pa nga ang ulo ko sa likuran nito. Napapikit ako nang malanghap ang amoy nito.

Napakabango kasi nito. What kind of cologne is that anyway? Parang ang sarap talaga nitong yakapin. Nang mapagtanto ko naman ang tinatakbo ng isip ko ay agad kong ipinilig.

Ano ba’ng pinag-iisip mo, Alethea?

Sa totoo lang hindi ko lubos na maisip kung paanong nakaangkas ako sa motorsiklo nito ngayon. I never once rode a motorbike. At wala pang nakapilit sa’kin na umangkas sa ganitong uri ng sasakyan. Kung hindi lang talaga pinagtulungan ako ng lalaking ito at ni Tiya Marga hinding-hindi ako mapupunta sa ganitong kalagayan. Halos buhatin ako ni Tiya para lang umangkas sa likuran ng lalaking ito.

Nakakahiya raw dahil ang aga-aga nitong sumundo. Totoo iyon madilim-dilim pa nang dumating ito. Natutulog pa ako. I never even had the chance to take a bath kaya nga hindi ako makayakap nang husto rito eh. Bukod pa sa nahihiya akong yumakap rito because he would be the very first man na nayakap ko besides my father.

Then he might smell my breath. Baka amoy panis pa ako. Napagkasunduan ng dalawa na doon na ako maligo sa bahay ng mayor dahil sisikat na ang araw at liliwanag na ang buong paligid. The Mayor of Santo Cristo needs to be back home by that time. May lahi yata ito ni Dracula eh. But of course, I know. Tinakasan na naman nito ang dalawa nitong bodyguard.

Parang tauhan ako sa isang dula na sumunod na lamang sa sinasabi ng narrator. I just doned on a pair of tshirt, jeans and sneakers as fast as I could. I was just happy about it aside from not taking a shower in the morning because they were her favorite outfit anyway. Naglagay lang ako ng ilang underwear, a blouse, tshirts and pants, and my favorite leggings and pedals in my backpacks at mabilis iyong isinukbit sa likod ko.

Wait… nagmumog man lang ba ako? I can’t remember. Well, mamiyesta siya sa panis na laway ko. Kasalanan niya eh. Nagsuklay man lang ba ako? Baka hindi rin, kulot kulot ang buhok ko eh. Ganun ang itsura nito sa umaga. At lalo na ngayon dahil sa malakas na hanging humahampas rito at sa mukha ko.

Nasaan na ba kami? Unti-unti nang sumisilay ang liwanag mula sa silangan kaya nababanaagan ko na ang aming dinadaanan. Malawak na palayan iyon sa magkabilang bahagi. Gosh, saan ba ang bahay ng mga Del Valle?

“Sabi ko higpitan mo ang yakap?” muli kong narinig ang babala nito. Bago pa ako makasunod ay higit pa nitong binilisan ang motorsiklo dahilan kung bakit malakas akong napahiyaw.

“B…baka pwedeng wag naman pong masyadong mabilis, Mayor,” pigil ang inis na wika ko. “Wala naman sigurong humahabol sa’tin, right?”

“Meron,” maikling sagot nito.

“What? May humahabol sa’tin?” Naaalarmang bulalas ko. Bigla akong nakaramdam ng takot. Kinakabahang hinagod ko ng tingin ang paligid lalo na ang bandang likuran ko ngunit wala namang nahagilap ang mga mata ko ng kahit anong threat sa amin sa halip ay ang napakagandang tanawin ng malawak na bukirin.

“Don’t look around. It’s not human threat.”

“Animals? There are wild animals around here?” hula ko. Hindi raw human eh, malamang mababangis na hayop. Medyo malayo pa naman sa kabihasnan ang dinaraanan namin so it’s likely that there are a lot of wild animals here.

“No. I’m talking about time. Hinahabol tayo ng oras,” istriktong turan ng lalaki. Halatang walang ganang magpaliwanag.

Naningkit ang mga mata ko sa inis. Oras ang tinutukoy ng lalaking ito na humahabol sa amin? Eh, kung dagukan ko kaya ito sa likod? Kung ano-ano nang naisip kong mapanganib na mga nilalang, yun pala ay oras lang. Iba rin ang sense of humor nito eh.

“Wow, Mayor. Ang lalim po niyon ah,” Dinaan ko na lang sa joke na labis na pagkainis. Joke na hindi nakakatawa. Hindi naman ito umimik pero ewan ko kung bakit naramdaman kong bahagyang umalog ang balikat nito na tila ba tumatawa.

What? Tumawa ang supersungit na lalaki? At tinaon pang nakatalikod ako? Bigla tuloy akong na-curious kung ano ang itsura ng lalaki pag nakangiti. I had never seen him smile or had I? I can’t remember. For sure nakalaan lang sa mga magagandang babae ang ngiti nito, hmp!

“We’re here,” mayamaya pa ay anunsiyo nito. Agad na napaangat nang mukha ko ngunit bago ko pa matanaw ang arkong senyales na nasa loob na kami ng bakuran ng mga Del Valle ay nakalagpas na kami doon. I was expecting to see the house but it wan’st there.

Tumakbo pa ng ilang segundo ang motor bago ko natanaw ang pagkalaki-laking two-storey mansion that seemed to be very old. It’s an ancestral house, my mind exclaimed. Then instead of stopping on the porch, we proceeded to the back of the house on a garage where four more vehicles were parked.

Pagkagarahe sa motorsiklo nito ay agad na naglakad ang lalaki papasok sa pintong tingin ni ko ay patungo sa kusina without even glancing at me. So, iiwan na lang ako rito ng lalaking ito?

*****