Chapter 37: THIRTY-SEVEN
“Sobrang ganda naman!” bungkaras ni Tina nang agad makapasok sa kwarto kung nasaan ako. Nahihiya ko siyang hinarap. Pakiramdam ko kasi naihulog ko ang self-confidence ko kung saan lalo pa’t paulit-ulit kong naririnig ang mga papuri ng mga kasama kanina pa.
Nasa dressing room pa rin ako at tuloy-tuloy na inaayusan. This time I became so conscious of myself. Sobra-sobra ang pagkabog ng puso ko na parang any moment ay maaalis ito sa kinalalagyan.
I just can't believe this. Hindi ko inasahang ikakasal pa akong muli. Hindi ko inaasahang magiging ganito akong muli kasaya.
Everything seems at peace now pero may isang bagay pa akong gustong kumpirmahin.
Zaccarias Rockwell, the father of Zeina. . . ano ba talaga ang kailangan mo sa amin, sa akin? Sino ka ba talaga?
Habang inaasikaso nila ang kasal, pinayo ng doktor na igugulgol ang oras sa pagpapahinga. I've been stress on the past few months kaya labis ko raw na kailangan nito.
Doon ko nagawang makipag-usap kay Hani sa hindi nahahalatang paraan. Madali nitong na ibigay sa akin ang basic na impormasyon kay Mr. Rockwell. Katulad ng inasahan, sobrang makapangyarihan ito. Kilala siya hindi lang sa bansa pero halos sa buong mundo. With that connection, kumpirmado ko na agad na hindi siya mag-isang kumikilos. Napakaraming kapit sa likod niya. Kaya hindi kami dapat makampante, kung sakali, malaking tao ang kalaban ko — namin.
Zaccarias Rockwell is indeed dangerous. Larawan niya pa lang ang nakikita ko ay kinikilabutan na ako pero paano? Paanong kilala niya ako? Paanong papatayin niya ako?
Kilala siyang tao at makapangyarihan kaya naman halos tago ang buong pagkakakilanlan niya sa publiko. Wala na kaming ibang makuha kundi ang edad, pangalan, ang kompanya nito pati na ang kaonting impormasyon tungkol kay Zeina.
But then, hindi na lang ako bastang susuko roon. I asked Hani to dig deeper kaya ngayon ay nakakuha na rin kami ng isang private investigator para sa lalaking iyon. I need to fund it nang hindi nalalaman ni Darius kaya napakarisky noon sa akin.
“Para kang anghel! I love it! Maglalaway sa‘yo agad si Daddy Darius–” Agaran kong hinampas ang braso niya at sinaway pero mas lalo lang itong tumawa. “But seriously, you are so beautiful. . . and happy. I'm very proud of you, Fel.”
Mabilis na nanubig ang mga mata ko. Naiwala ko na ang mga naiisip tungkol kay Mr. Rockwell at nabuhos ko ang atensyon ko sa kasal kong magaganap ngayon.
By imagining how risky this is, parang napakahirap ngumiti at sumaya sa araw na ito. Nakakatakot. . . wala ni isa sa amin ang handa.
“I know, you are. Thank you so much, Tin. You didn’t even dare to leave me." Bahagya kong pinunas ang mga luhang nasa gilid na ng mata. Come to think of it, I almost died. . . no, plinano ko talagang mamatay — magpakamatay. Inisip kong sayangin ang buhay ko para sa isang walang ka-kwenta-kwentang tao.
Napakarami kong napagdaanan. Niloko ng asawa, pinaniwalang hindi na magkakaanak, ginago, itinuring na basura ng taong mahal ko, iniwan na lang bigla. Kung tutuusin, hindi na dapat talaga ako umaasa na mayroon pang magbabago sa uri ng buhay ko noon pero nagkaroon. Nakilala ko si Darius. Nakilala ko ang lalaking napatunayan ko ng mahal na mahal din ako. Taong handa ring gawin ang lahat para sa akin.
“Of course. Wala na akong ibang gustong mangyari sa‘yo kundi ang sumaya. I am very happy for you, Fely. Palagi mo pa ring tatandaaan na hindi ako mawawala sa’yo, okay? You'll always have this oh-so-beautiful Tina!” Tawang-tawa ko siyang niyakap. Pagkatapos noon ay gumaan na ang atmosphere at nagtawanan na lang kaming dalawa.
Hindi rin naman nagtagal ang pagkukwentuhan dahil tinawag na agad ang bride’s maid kaya tuluyan na kaming naghiwalay na dalawa. Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang kasal. . . This should be a happy ending to us but then hindi ko mapirmi ang sarili ko sa pagpopokus doon. I knew very well that we're in danger. Hindi namin kilala ang kalaban pati kung kailan ito haharap sa amin.
Natatakot ako, sa totoo lang. Natatakot ako para sa mangyayari. . . ayoko nang mapahamak muli ang buhay sa sinapupunan. Napakarami ko nang napagdaanan pero hindi pa man ako tuluyang nagiging masaya ay mayroon na namang nagbabadyang panganib sa akin.
Hindi pa ba sapat na tinarantado na ako ng asawa? Hindi pa ba sapat na pinaniwala ako sa isang bagay na hindi naman talaga totoo? Why do I feel that I don't deserve this happiness?
Araw ng kasal ko ngayon pero hindi ko magawang maging masaya nang buo. Didn't I deserve any?
Awtomatiko akong napatiim ng bagang nang mag-ingay ang cellphone ko at lumabas ang pangalan ni Hani sa screen. Katulad ng napag-usapan namin, dito kami sa dressing room — usang maliit na kwarto sa isang chapel, magkikita para sa impormasyong ibibigay ng imbestigador. Pagkatapos ng araw na ito, mahihirapan na akong maitago ang pakikipagkita kay Hani dahil hindi na abala ang lahat. “Hani?” agad kong gagad nang masagot ko ito.
“Ma’am, papasok na ho ako ng kwarto niyo.” Mabilis kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Wala na rin namang ibang naroon kaya ako na mismo ang nagbukas ng pinto para sa babae.
Mabilis pero maingat ang mga galaw namin. Anytime now, pupwede na akong tawagin ng organizer para sa entrance.
“Are you really sure about this, Ma’am?" Hindi ko na muna pinansin ang tanong niya. Nang makaupo ay ibinaba ni Hani ang iilang brown envelope sa maliit na mesang naroon. Wala akong sinayang na oras, mabilis kong binasa ang mga nasa loob.
Nag-uumapaw ang impormasyong iyon tungkol kay Mr. Rockwell, kung saan siya lumalagi, anong pinagkakaabalahan at napakarami pang iba. Nahagip din ng mata ko ang report mula sa ilang araw na pagsubaybay at pagsunod ng imbestigador sa lalaki.
Nakapokus ako sa pagbabasa nang mapansin ko ang pagiging aligaga ng kasama. Marahan kong ibinaba ang mga papel na hawak at hinarap si Hani. Halos sumakit ang ulo ko sa mga impormasyong nabasa kong nagsisirko pa sa isip. “What is it?”
Hani was silent but she became more restless. “Hani, anong problema?”
“Ma’am. . .”
“What the hell is it–”
Inihilamos ni Hani ang palad sa mukha, dismayadong-dismayado ito bago magsalita. “The investigator's GPS device na nasa sasakyan mismo ni Mr. Rockwell. . . he detected it, and he's on his way here.”
Pakiramdam ko talagang literal na nanigas ang katawan ko sa sinabi ng kasama. It took me minutes bago magrespond. “Ma’am, delikado po ‘yun. Baka may alam na siya, baka alam na niyang may mga natuklasan ka na. Ma’am, the people are in danger–”
“Ma’am Felicity? Tara na po. Nagsisimula na po sila,” magalang na sabi ng kakapasok lang na wedding organizer. Nag-aalangan man ay madali akong nagtungo sa babaeng iyon, leaving Hani behind.
Sa ngayon, wala akong naiisip na pupwedeng gawin. Wala akong plano. Hindi ko inasahang sa mismong kasal ko siya gagawa ng gulo o aksyon.
Mariin kong binigyan si Hani ng deretsong tingin bago umiling-iling. Nang tumango ito ay saka lang ako nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Nanginginig ang mga kamay ko nang tahakin ko ang daan papasok. Ang maliit na kuwarto sa simbahan ang inukupa namin bilang kwartong pinamalagian ko. They've planned an intimate wedding and it was a perfect idea.
Sobrang ganda ng maliit na chapel na naroon. Well, I personally requested this place for Darius. This chapel took a very special place in my heart. Sabi kasi ni lola sa akin noon ay dito raw kinasal ang ina at ang ama ko. Hindi ko man sila nakilala, iba ang pakiramdam ko tuwing nagpupunta ako sa chapel na ito. Parang nandyan lang sila sa paligid.
Hindi ko mapigilang mapaluha. Darius, Tina, Kendall. . . everyone prepared this. Napakaganda ng lugar at ramdam na ramdam ko ang pagiging sacred at special noon.
Kung nasaan man sina lolo at lola, pati na sina mama at papa ay alam kong matutuwa rin sila sa akin. Alam kong magiging proud din sila na nagawa kong lumaban at maging matapang.
Nang ihakbang ko ang mga paa, kitang-kita ko ang malawak na ngiti ni Darius. Prente itong nag-aantay habang nasa gilid si Yohann pati na ang iilang kaibigang mula sa POSA. Mabilis akong naging kalmado sa natanaw. This day will be ours. It should be ours. Ipapanalangin ko na lang na maitawid namin ang araw na ito. Takot man ay pipilitin kong mas maging matapang.
Nang makarating ako sa mismong tapat ng lalaki, mabilis niya akong hinagkan kaya agad akong napahagulgol. Eto na, after this wala ng mananakit sa akin dahil alam kong gagawin ni Darius ang lahat para protektahan ako.
Ang sarap-sarap magmahal kung si Darius ang mamahalin.
Nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang marating namin ang altar, kaharap ng pari.
Nakakaexcite. . . sobra akong nasisiyahan sa lahat kahit hindi pa tuluyang pumapasok sa isipan kong ito na ang pagkakataon kong sumaya nang tuluyan. Nobody will hurt me again. . . for as long as I am with Darius. Mariin nitong pinisil ang kamay ko dahilan para mapatingin akong muli sakanya. There, he mouthed the words ‘I love you’ to me na mabilis ko ring sinagot.
“Dearly Beloved, we are assembled here in the presence of God, to join and in holy marriage of Darius and Felicity. . .” Mabilis na nagsimula ang seremonya kaya tuloy-tuloy na ang isip ko sa pag-oorganisa ng lahat.
Pagkatapos ng hearing na iyon, dalawang buwan na lang ang inantay namin bago maaprubahan ang annulment. Ilang linggo lang ang binilang ay itong kasal naman na ang natuloy. Mabuti nga’t Attorney Adler was able to pull some strings para mas mapadali ang prosesa ng annulment pati na ang kasal na ito.
Iyon na rin ang huling beses kong nakita ang dating asawa. Gusto ko na siyang alisin sa isip ko pero parang hindi ko pa rin magawa. Seeing him with that crimsom blood in his hands ay parang magulo rin ang sistema ko. Alam kong hindi lang ako ang nasa kapamahakan dahil alam kong gano’n din siya.
Hindi ko alam kung ano ang reaksyon nito tungkol sa annulment o kung ano ang sitwasyon nito ngayon sa piling ni Zeina.
Cornell. . . He suffered alot in his childhood too. I feel bad for him pero ngayon, alam kong sarili ko naman ang iisipin ko.
My life will be happier with Darius.
“Kendarius Porter, do you take this woman, whose right hand you now hold, to be your wedded wife, and do you promise before God and these witnesses that you will be to her a true and devoted husband, true to her in sickness and in health, in joy and in sorrow, in prosperity and in adversity, and that forsaking all others you will keep yourself to her, and her only, until God shall separate you by death?” Ramdam ko ang paghigit ni Darius sa mga kamay ko. Gamit ang masuyong mata ay tiningnan ko siya at ngumiti.
“I do, Father.”
Napasinghap ang lahat sa pagtili ni Kendall sa upuan niya mismo. Ilang sandali pa ay nagtawanan na ang lahat.
Kendall's always there for me, too. Napakaswerte ko rin sa babaeng ‘yan na talagang iniintindi ako. Nang makilala ko si Darius ay nagkaroon tuloy ako ng instant babaeng kapatid.
“Felicity Archer, do you take this man, whose right hand you now hold, to be your wedded husband, and do you promise before God and these witnesses that you will be to him a true and devoted wife, true to him in sickness and in health, in joy and in sorrow, in prosperity and in adversity, and that forsaking all others you will keep yourself to him, and him only, until God shall separate you by death?”
Nanubig muli ang mga mata ko na sinabayan ng panginginig ng mga labi. I can't be this happy. Pinapangako ko sa sarili ngayong gagawin ko ang lahat para suklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Darius habangbuhay.
“I–”
“Felicity!”
Ramdam ko ang pagbulusok ng sayang kanina pa dinaramdam. Kilala ko ang boses na iyon. Hinding-hindi ako pwedeng magkamali.
Nasundan ang sigaw na iyon ng mga tilian sa loob ng lugar na iyon. Nagsimula ng kumilos si Darius pero hindi ko pa rin nakayanang lingunin.
Hindi ko kayang tanggapin. . .
“Felicity, you are in danger. Please, please. . . get out of here!”
Marahas akong napalingon sakanya dahil sa sinabi niyang iyon. Halos mahimatay ako sa lalaking nakita. Ang puting damit na suot nito ay halos maimprentahan ng mapula-pula nitong dugo, napakagulo na ang napakahaba nitong buhok — hindi ko ito halos makilala.
It was Cornell.