Chapter 29: Twenty Eight
"Airy ayos ka lang?" tanong ni Pipe sa kanya.
"Ayos lang. Nadagdagan ang inspirasyon ko." nakangiting sinabi ni Airy. "Naalala n'yo ba yung sinabi ni Nico sa atin? Yung nagsabi sa kanya na darating tayo?" tanong niya pa.
"Oo bakit?"
"Isa sa Fairy Warrior yon. Si Tita Pen."
"Paano mo nasabi?"
"Hm? Nakita kong nag-disguise siya bilang ermitanya kaya naitago niya ang magos niya."
"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Data.
"Sa mga elf." sagot ni Airy.
"Pero saan natin sila mahahanap?"
"Sa lugar nila."
Mabilis silang nakapunta sa bahay ng mga elf pero wala ang lahat doon. Nasa loob sila ng bahay ng mga elf at halos nakayuko na sila sa sobrang baba ng bubong.
"Baka naman nagmimina sila?" tanong ni Bloom.
"Hindi. Sa tingin ko naghihintay sila ng bibiktimahin." sabi ni Pipe.
*creak*
"Oh no. Palagay ko mahuhulog ta-" sabi ni Risk.
*crash*
Nahulog sila sa ilalim ng isang subterranean. Sinalubong naman sila ng apat na elf na sila Dofey, Joy, Sleepy, at Bash.
"Ka-kamusta kayo? Pa-pasensya na sa pagwelcome namin sa inyo." nahihiyang sinabi ni Bash.
"Ah. Kami nga pala ang apat sa mga elf. Siya si Bash. Ako si Joy. Siya si Sleepy at ito si Dofey." sabi ni Joy at itinuturo niya ang bawat isa. Tumatango lang naman si Dofey dahil madalang lang naman siya magsalita.
"Kayo? Sino kayo? *yawn*" inaantok na tanong ni Sleepy.
"Ako si Pipe." sabi ni Pipe at lumapit si Happy at nakipagshake-hands.
"Ikaw yung Prinsepe"
"Ako si Bloom." sabi niya at pareahs lang din ang ginawa ni Happy.
"Yung Prinsesa."
"Drown."
"Oh? Nalunod ka ba nung pinanganak ka? Ahahaha biro lang." sabi niya habang nakikipagshake-hands.
"Risk."
"Future." nakangiti niyang sinabi.
"Data."
"Oooh. Nagbibigay ka ng information."
"Kill."
"Ahhh. Papatayin mo ko. *chak* *chak*." sabi ni Joy at akmang sinasakal niya ang sarili.
"Minsan kung ganito ang kausap mo, parang gusto mong totohanin na lang." pabulong na sabi ni Kill.
"Airy." pakilala ni Airy at natahimik ang apat na elf. "Bakit?"
"Nandito kayo pa-para kunin ang libro tama?" sabi ni Bash.
"Oo. Paano mo nalaman?"
"Si Angry. Tinago niya yon." sabi naman ni Sleepy.
"Saan?"
"Sa Cloud City." masayang sinabi ni Happy.
"Ah. Paparating na pala siya." sabi naman ni Bash. Tumatango lang naman si Dofey.
"Magtago kayo kung hindi pa kayo handa." nakangiting sinabi ni Happy.
"Eek. Parang nakakatakot yon ah." sabi ni Risk at napaatras siya ng konti.
"Handa na kami. Hindi na namin kailangan pang magtago."
"Kakampi n'yo kami pero hindi namin maipapangako na matutulungan namin kayo." sabi ni Sleepy.
"Pero bakit?" tanong ni Airy.
"Dahil para sa inyo lang ang pagsubok na 'to." sabi nung isang elf sa madilim na part ng subterranean.
"Magpakita ka." sabi ni Data at handa na silang lumaban.
"Wala dapat kayo dito. Lalo n'yong ipinapahamak ang buong Fairy Land." galit na sinabi ni Angry pagkatapos niyang magpakita sa dilim.
"Hindi namin yan gagawin. Sa katunayan, inililigtas pa nga namin 'to." sabi ni Airy.
"May mga paalala kami sa inyo. *Yawns*" sabi ni Sleepy.
"Huh?"
"Una. Ibalik n'yo sa'min ang libro." sabi ni Angry.
"Teka. Kailangan namin yung librong yon." sabi ni Airy.
"Pangalawa. Nasa taas ang libro." sabi ni Joy sabay tingin sa taas.
"*yawns* Mag-ingat kayo sa mga nasa paligid sa inyo."
"Teka. Hindi namin ibibigay sa inyo ang librong yon." sabi ni Airy at lumapit sa kanya si Angry, hinatak siya pababa at kinwelyuhan siya nito.
"Pag sinabi naming ibigay n'yo, ibigay n'yo." sabi niya kay Airy.
"Bakit n'yo ba gusto yon? Hindi naman sa inyo yon. Tsaka matagal na sa inyo yon ah."
"*yawns* H'wag na kayong mag-away. Angry, kumalma ka." sabi ni Sleepy.
"Sige. Ibabalik namin ang librong yon sa inyo. Pero pagkatapos na ng laban na 'to"
"Airy." tawag ni Pipe.
"Hindi. Hindi kami papayag." sabi ni Angry. Halos sila na lang nag-uusap ni Airy.
"Ugh. Edi kayo ang kumuha." sabi ni Airy.
"Ano?!"
"Ayaw n'yo magpahiram. Edi kayo na. Kaya n'yo na yan." sabi ni Airy at tumalikod sa mga Elf.
"Airy. Anong ginagawa mo?" pabulong na tanong ni Drown.
"Shh." sabi niya at pinatalikod na rin niya ang mga kasama niya. Nag-iisip naman si Angry ng malalim.
"Ano bang iniisip niya?..." tanong niya sa isip niya at naririnig ito ni Pipe habang naglalakad palayo sa mga elf. "... Ipapahiram ko ba sa kanila o tuluyan na hindi namin mahanap si White?" tanong niya pero nagdesisyon na siya. "Sige."
Humarap sila Airy sa kanila."Good. Hahanapin namin si ate White para sa inyo. H'wag na kayong mag-alala." sabi ni Airy at pinat ang ulo ni Angry.
"Hoy. Hindi ako bata." sabi ni Angry sabay tapik sa kamay ni Airy.
"Airy. Paano mo nalaman ang nasa isip niya?" tanong ni Pipe.
"Huh? Alam ko lang. Kasama nila si ate White noon pa lang. Understood na siya ang hinahanap nila." sabi ni Airy.
"H-handa na ba kayo?"
"Oo. Hoo! Nakakakaba sa kung ano ang makikita namin sa taas."
"Sumunod kayo. *yawns*"
Naglakad na sila sa kahabaan at kadiliman ng subterannean at lumabas sa mismong kinatatayuan ng Cloud city.
"Holy tree of Faries. Ang laki naman n'yan." sabi ni Airy.
"Hindi ka pa ba nakakakita n'yan?" tanong ni Angry.
"Pasensya na. Hindi eh. Eto ba yung sinasabi ni Fade?"
"Oo. Nandito sina lola." sagot ni Kill.
"Lola? As in mama at papa ni Queen Fright?" tanong naman ni Risk.
"Oo."
"Mag-ingat kayo sa mga tao dun. H'wag n'yong papakialaman ang mga ginagawa nila don." paalala ni Happy habang nakangiti siya.
"Naintindihan namin. Pero paano kami aakyat d'yan?" tanong ni Drown habang nakatingala.
"Umakyat kayo." masayang sinabi ni Joy.
"Huh? Wala bang ibang paraan?" tanong ni Airy.
"Sumakay at kumapit kayong mabuti sa mga dahon niya. Kung nararapat ka, iaakyat ka niya." paliwanag ni Sleepy.
"Paano kung hindi?"
"Kung alam mong hindi. H'wag ka ng tumuloy."
"Fade. Ito na yung sinasabi mo. Makakaakyat kaya kaming lahat?" sabi ni Pipe sa isip niya.
"Hindi na ako sasama." sabi ni Kill habang naka cross arms.
"Ako rin." sabi ni Risk.
"Sige. Airy, Pipe at Data. Kayo na lang ang aakyat." sabi ni Bloom.
"Huh? Ako rin. Sasama ako." sabi ni Drown kay Bloom.
"Sigurado ka ba Drown? Baka naman itaboy ka nitong puno na 'to." sabi ni Airy.
"Kaya ko 'to." sabi niya pa.
"Sige. Bahala ka." sabi naman ni Data at isa-isa na silang umakyat sa malalaking dahon.
Bago naman pumunta sa malaking dahon si Pipe ay lumapit muna siya kay Bloom at hinalikan ito sa noo. "Babalik kami agad." sabi niya habang nakangiti. Matapos yon ay tumingin siya kay Kill. "Ikaw ang in charge dito habang wala kami." sabi niya at tumango lang naman si Kill. Tuluyan na siyang umakyat sa malaking dahon.
Isa-isa namang umakyat ang mga dahon nila Airy bukod kay Drown.
"Hindi ako alagad ni Queen Fright. Hayaan mo muna akong makatulong sa kanila." sabi ni Drown sa isip niya. Maya-maya pa ay umakyat na ang dahon ni Drown. "Yes! Ang galing ko!" sigaw ni Drown.
"Oy. Tumahimik ka nga d'yan!" sigaw ni Airy.
Ano nga ba ang makikita nila Airy sa tuktok? Mahanap agad kaya nila ang libro?