Chapter 89: HIS ANGELIC FACE
Diane’s P. O. V.
Napanganga na lang ako sa itsura niyon. Malayo kasi iyon sa mga tipikal na engagement ring na nakita ko lang sa TV, magazines, at jewelry stores noon. It was actually two rings in one. Mukhang pinasadya talaga.
“Pinauwi ko na muna, anak. Aba eh dalawang linggo na siyang nagbabantay sa’yo rito. Noong una nga ay ayaw pang ipagamot ang mga sugat niya sa mukha, tapos, may fracture din pala siyang tinamo. Hanggang sa na-discharge ang batang iyon ay ayaw niya talagang umalis sa tabi mo.” Lumunok muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“Lagi ka lang niyang kinakausap kahit noong mga araw na comatose ka pa. Kung pwede nga lang daw na makipagpalit siya sa’yo ng puwesto ay ginawa na niya. Lagi lang niyang hawak ang mga kamay mo at dito na nga siya palaging natutulog sa tabi mo at ayaw niya roon sa sofa. Mahal na mahal ka talaga ni Liam at nakita namin iyon, anak. Masaya ako at hindi ka nagkamali sa pagpili mo sa kanya. Alam kong aalagaan ka niya habambuhay,” mahaba at nakangiting paliwanag ni Mama.
Gustuhin ko mang ngumiti rin ay hindi ko naman magawa. Ang excitement ko ay napalitan ng panlulumo sa mga narinig ko tungkol kay Liam.
Bakit sa lahat pa ng mga alaalang pwedeng mawala sa akin, bakit ‘yong mga alaala pa namin? Bakit ‘yong mga alaala pa kung saan may taong totoo at tapat na nagmahal sa akin?
Pero, paano na lang kapag nalaman niya ang katotohanang isa akong maruming babae na biktima ng rape? Matatanggap niya pa rin kaya ako bilang fiancée?
I set aside my thoughts dahil ayoko nang muli pang umiyak. Nakakapagod na at masakit na rin ang gilid ng aking mga mata.
“Ma, magkuwento ka pa po… nakapagpatuloy pa po ba ako sa kolehiyo? Naka-graduate po ba ako? Si Denise at David po, naka-graduate na rin ba sila ng elementary at high school? Kumusta na po ‘yong medications ninyo?” sunod-sunod na mga tanong ko.
“Anak, isa-isa lang, baka mabinat ka eh. Pagkatapos nang nangyari noon ay nag-seminar ka at nagpatuloy ka pa rin sa pag-aaral. Pero pumasok ka bilang dancer sa club ni Tita Lucy mo dahil ‘yon lang ang trabahong kaya ng schedule mo. Ayoko man pero ikaw na rin ang nagpumilit dahil gusto mong makatulong. Pero huwag kang mag-alala, sumasayaw ka lang doon at hindi ka nagpapa-table.”
Noong una ay seryoso ang mukha ni Mama, pero ngumiti na rin siya bago nagpatuloy sa pagkukuwento…
“Inalis ka ni Liam sa club at nag-OJT ka sa kumpanya niya. Sa Evangelista Group of Companies ka pa rin nagtatrabaho hanggang sa ngayon at kasalukuyan ka na nga roong Payroll Supervisor. Naka-graduate ka pati na rin ang mga kapatid mo. Nagkaroon pa nga kayo ng award ng mga kaibigan mo noong graduation ninyo. Nakapasa ka pa sa CPA board exam at si Dave naman ay nakapasa rin sa Coach University sa Quego del Mar kung saan sinagot na ni Liam ang five-year full-scholarship niya. Civil Engineering ang kinuhang kurso ng kapatid mo, Diane, at nagtapos din pala siya sa high school bilang class salutatorian.”
That was all. I guessed, ‘yon lang muna ang kayang i-absorb ng utak ko sa ngayon. Nang maubos ko ang mansanas ay napapikit at napahawak naman ako sa ulo ko nang medyo sumakit ito.
Wala akong naaalala sa lahat ng mga sinabi ni Mama, pero masaya ako dahil wala namang nangyaring masama sa mga nakalipas na taon o sa loob ng huling apat na taon na nakalimutan ko. Sigurado akong kung nasaan man si Papa ay masaya rin siya ngayon.
“Magpahinga ka na muna, anak. Makasasama lang sa’yo kung mag-iisip ka pa. Bukas na lang ulit kita kukuwentuhan ha?” sabi ni Mama habang inaayos ang hospital bed at comforter ko.
Nakangiting tumango lang ako sa kanya at handa na sana akong tuluyang humiga para makapagpahinga na. Pero, biglang may kumatok at pagkatapos niyon ay bumukas na ang pintuan. Iniluwa niyon ang isang matangkad na lalaki na may mala-anghel na mukha. May mga dala itong prutas at palumpon ng mga naggagandahang pulang rosas.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Seeing him made my body to suddenly tremble. I was abruptly quivered by fear, kung kaya’t bigla ko na lang niyakap ang comforter na nasa ibabaw ng katawan ko. Ang kaninang nakangiti kong mukha ay bigla na lang naging mapakla ngayon.
Ang puso ko ay muling binalutan ng galit at matinding poot. Galit na parang apoy na unti-unting tumupok sa natitirang kabutihang mayroon ako. Kilalang-kilala ko siya at hindi ako pwedeng magkamali. Kahit kailan ay hindi ko malilimutan ang mala-anghel niyang mukha na tumatakip lang sa diyablo niyang pag-uugali. Dahil doon ay may luhang bigla na lang tumulo sa kaliwa kong pisngi.
Kahit marami siyang band-aids sa mukha, nakikilala ko pa rin siya. Kinasusuklaman ko siya at kahit kailan ay hindi ko siya mapapatawad! Pero, sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin maiwasan ang malito sa mga oras na ito…
Anong ginagawa niya rito at bakit nasa harapan ko siya pagkatapos ng apat na taon?