Chapter 28: Keysel Pov

Yes excited na ulit akong makita si Hara, 'di kasi sya pumasok kahapon. Ewan ko saan s'ya pumunta. Habang naglalakad ako sa hallway may nagkukumpulan sa bullitin board. Dahil dakilang chismosa ako nakipag siksikan ako sa kanila at pinuntahan ang bullitin board. May announcement yatang maganda.

"A----ray..."

"Shit, magdahan dahan ka naman!"

"Ouch..." angal 'yan nang mga nabubunggo ko.

"Sorry..." Nang makarating ako sa unahan binasa ko agad ang announcement. "School festival" basa ko sa nakasulat.

Wow malapit na pala ang school festival excited na 'ko. Ano kayang sasalihan kong club si Hara kaya? Ano kayang sasalihan n'yang club? Umalis na 'ko sa unahan at naglakad papuntang room nang makita ko si Hara na papuntang cr kaya sinundan ko ito at tinawag.

"Besty!" tawag ko sa kanya, mukhang hindi ako nito narinig. Pumasok ito ng Cr, kaya hinintay ko na lang ito.

Pasipol sipol ako habang hinihintay ito, parang ang tagal niyang lumabas ah? Ilang minuto pa lumipas, lumabas na rin siya sa wakas. Nakangiti ko itong hinarangan.

"Besty! Good morning? Kamusta ka na? Miss na kita!" masayang ani ko. Kumunot lang noo nito at nilampasan ako.

"I'm good," matipid nitong sagot, minsan iniisip ko hindi kaya napapanis laway niya? Sobra kase niyang tipid magsalita. Sinundan ko na lang ito habang naglalakad.

"Besty? Anong sasalihan mong club para sa nalalapit na school festival?" tanong ko.

"Wala," tipid na sagot nito.

"Ano'ng wala? Fyi? Kailangan mong sumali sa club, required lahat ng student na sumali sa club no?" ani ko.

"I don't care," sagot n'ya sa malamig na boses. Hindi talaga siya marunong makinig, hindi na ako nito pinansin. Habang naglalakad kami nakasalubong namin 'yung babaeng, sinakal ni Hara.

"Hey bitch?" nanggigil talaga ako sa babaeng ito, napakasama kase nang ugali tch.

"Why, Ms mondragon? Do you have a problem?" malamig na ani nito.

"Malandi ka talaga no?" malandi raw? Baka siya ang malandi no? Halata naman.

"Huh? Sinasabihan mo ba ang sarili mo?" mataray na sagot ni Hara.

"Go, Hara kaya mo 'yan..." bulong ko.

"Ikaw ang malandi! Ilang beses na kitang sinabihan na 'wag lumapit kay Shadow, lapit ka pa rin ng lapit. Ang kati mo!" galit na ani ni Mondragon at dinuro pa si Hara.

"Really? Ako malandi? Hindi mo ba nakikita sarili mo? Pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo. Hindi mo naman pag-aari, pero grabe ka magalit sa mga babaeng nakakasalamuha niya? Bakit sa tingin mo? Kapag iniwasan ko si Mr. Winstone? Lalapit na siya sa'yo?" mahabang ani Hara, halos namula naman ang mukha ni Mondragon sa sobrang galit. Sasampalin na sana ni Mondragon si Hara nang masalag ni besty ang kamay nito at mahigpit na hinwakan, hanggang sa napadaing na si Mondragon.

"Did you know? Isa kang despiradang babae? Hindi naman kayo, selos ka nang selos, nakakasuka ang katulad mong babae!" ani Hara, napanganga naman ako dahil ang tapang niya. Nakakahiya nga lang dahil, center of attention na kami.

"Ouch... How dare you! B--bitawan mo ako!" ani Mondragon at nagpumiglas. Kawawang babae, pero dapat lang sa kaniya 'yan. Nakita kong nilapit ni Hara ang bibig niya sa tenga ni Mondragon, parang may binulong ito. Tapos bigla na lang. Sinikmuraan ni Hara si Mondragon kaya napa-hiyaw ito sa sakit sinipa pa ito sa mukha. Hindi pa ito nakuntento at sinubsub pa ang mukha nito sa basurahan. Natawa naman ako nang bahagya dahil bagay siya sa basura.

"D'yan ka sa basura, dahil para kang basurang nabubulok. Katulad nang ugali mo nangangamoy bulok..." ani nito at umalis na. Sinundan ko na lang ito, dahil gusto ko pa rin na maging kaibigan siya. Kaso ang tigas ng puso niya, parang bato eh.

____

*Classel Pov*

Tumayo ako sa basurahan at padabog na pumunta sa bakanteng room na palagi naming tinatambayan. Aggg Tang*na talaga, sino siya para sikmuraan ako? Bullsh*t ang sakit ng sikmura ko, dahil sa suntok niya. Tang*na, ang lakas niya, ang lakas pa nang loob na ipahiya ako.

"Argggg! Buwisit!" sigaw ko tapos binato ang puwede kong maibato.

"Hey best, relax? Ayos ka lang? May nangyari ba?" tanong ni Bumbee.

"Mukha ba akong ayos ha? Huwag mo akong kausapin kung wala kang sasabihin maganda!" buwisit na sigaw ko sa kaibigan ko. Wala akong paki, ang gusto ko lang makagante sa babaeng 'yon.

"Ang kulit mo kase, bakit kase lagi mo na lang inaaway ang babaeng 'yon?"

"Dahil malandi siya! Inaagaw niya sa akin si Shadow! Pagbabayaran niya ang lahat nang ginawa niya sa akin!" galit na ani ko, nanginginig talaga ang buong katawan ko sa sobrang galit.

"For your information, best? Wala siyang inaagaw sa'yo, dahil wala naman kayo? Stop na best, para ka na kaseng tanga sa ginawa mo. Lahat nang kilos nila, binabantayan mo? Baka ang labas mo n'yan sa mental na?" prankang ani Jeykee.

"Wala akong paki, Mahal ko siya. Mahal na mahal!" matagal ko na kaseng mahal si Shadow, mula pa noong na sa highschool kami. Pero noong, mga bata pa kami crush ko lang siya. Pero noong mag-high school kami, naramdaman ko na lang na mahal ko na siya. Kaya umamin ako sa kaniya pero hindi niya raw ako kayang mahalin. Wala naman akong paki kahit ako lang ang nagmamahal, ang mahalaga maging akin siya. Baliw na kung baliw pero ayokong mapunta siya sa iba. Handa akong gawin lahat magustuhan lang ako ni Shadow.

"Oo nandoon na tayo sa mahal mo siya, pero best--- sobrang nagiging tanga ka na eh? Sobra na ang ginawa mo para kay Shadow, ilang taon ka nang baliw sa kaniya eh. Tigilan mo not kaya siya, try mong humanap nang mas better sa kaniya." Umirap lang ako.

"Parang ako lang ang baliw sa isang lalaki ah? Bakit 'di niyo sabihin 'yan sa mga sarili niyo!" inis na ani mo.

"Hindi naman kami katulad mo, sobra na ang katangahan. Handa pang pumatay para sa pagmamahal, baka isang araw mabalitaan na lang namin na sa mental or na sa kulungan ka na."

"Duhh, whatever... Manahimik na nga kayo, baka gusto niyong pasabugin ko na mga bunganga niyo!" inis na ani ko. Nanahimik naman sila ako naman nagwala ulit. Nangigil kase talaga ako eh, pagbabayaran mo ito Konaide, malandi ka!